Chapter Twelve

2303 Words
Chapter 12 Halos manginig ang binti ko sa mga sinabi niya. Naglalakasan din ang t***k ng puso ko ngayon habang nakatitig ako sa ekspresyon ng mukha niya at kinakabit ang seatbelt. Damn Doyle, you know my weakness, you know me well. "Better now, baby." At naikabit na nga ang seatbelt ko tapos inayos niya na ang kamay niya para humawak sa manibela at nagsimula na ding mag-drive. Tumingin na lang ako sa mga punong dinadaanan namin dahil ayoko talaga siyang kausapin. Ayokong magsalita baka kasi mas mahulog pa ako sa kanya. I know it's wrong and I feel so guilty about it. I love Kev but damn, I also feel the same for Doyle, and it hurts me more. "Stop staring." Bigla ko siyang tinignan at tinaasan ng kilay. "I'm not. Assuming." Sarkastiko kong balik sa kanya. Hindi naman talaga ako tumitingin sa kanya. Nakakainis lang. Gusto ko na lang talaga matapos ang byahe na ito para makawala na ako sa tabi niya. Nakakawalang gana kung lagi kaming ganito. Well, Ella, bakit nga ba lagi kaming ganito? We're like cats and dogs. Nakita ko siyang umiling-iling at nakangiti ng nakakaloko. "Can you please stop annoying me?!" Pasigaw ko sa kanya at humalakhak siya sa akin. Anong nakakatawa doon? I'm dead serious. I can't take being with him anymore. "Geez, Ella. I am not annoying you. If you remember what we did last night, then that's the reason that you're annoyed now." Asar niya pa sa akin at hindi ko mapigilang sapakin siya. Kung hindi lang siya nagdadrive siguro kanina ko pa siya nasapak. "Stop mentioning that baka makarating kay dad." Bumuntong-hininga ako para pakalmahin ang sarili ko kasi sasabog na talaga ako sa lalaking 'to. Nakita ko sa gilid ng mata ko na nag-igting ang panga niya. Yes, that's it. Matuto kang matakot kay dad. Mas bumilis ang patakbo niya at nakita ko din sa GPS na malayo pa nga kami sa pupuntahan naming event. Ang mga staffs ko ay nag-update na one kilometer ang layo namin sa isa't-isa kaya okay lang naman sa akin atleast hindi sila naliligaw. "I'm sorry." Narinig kong mahinang sabi niya at napatingin ako agad. He's sorry for? Magsasalita pa lang sana ako pero nagsalita siya ulit. "I'm sorry for what we did last night, in the shower, and in the horse. I'm so sorry. I just... I just can't control myself... loving you." Nagputol-putol ang pananalita niya sa huli. Hindi pa din siya nakatingin sa akin kasi sa kalsada lang ang tingin niya habang nagdadrive. I know he's a pain in the ass to me but hearing him sorry for what he's done, I feel guilty. I have sinned too. I can't control myself too, Doyle. I can't control myself loving you too. "So please, if you forgive me for what I did, I'll behave now, Ella." At sinulyapan niya ako dahilan para magkatitigan kami pero binalik niya din agad ang tingin niya sa kalsada. "I'm not gonna do it anymore. Unless, you permit me to do so." He smirked while still staring at the road. Nanahimik ako sa mga sinabi niya. Parang naguilty. He's blaming himself for what we did even though it's me to blame because I know it's not gonna happen if I refuse it on the first place. Kinuha niya ang kamay ko na nakapatong sa hita ko at hinawakan niya 'yon. Pinagsalikop niya ang kanang kamay niya at kaliwa ko tsaka hinalikan ang akin. Mukha na siguro akong kamatis ngayon kasi ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko sa ginagawa niya at ang pag-atake na naman ng mga karpentero sa puso ko. Napalunok din ako ng laway nang maibalik niya ang mga kamay namin. "Baby, if you treat me right, I'll treat you better." Muling titig niya sa akin at agad ding tumingin sa kalsadang tinatahak ng sasakyan. Parang nailuwa na yata ng tyan ko ang mga kinain ko kaninang almusal sa tindi ng kaba at kung ano man ang nararamdaman ko ngayon sa ginagawa niya. Damn Doyle, I am inlove with you, please stop it. "Drive fast, malapit na daw sila." Pag-iiba ko ng usapan dahil alam kong anytime, gustong-gusto ko siyang halikan at yakapin ngayon. "I'm not gonna be a reckless driver if you're here beside me, Ella." Sagot niya at pinagpatuloy ang ganoong bilis ng sasakyan. "Let them wait for us." Dagdag pa niya tsaka tinignan ulit ako. Pinilig ko naman ang tingin ko sa ibang direksyon dahilan para hindi magtama ang aming mga mata. Sa buong byahe ay tahimik din ako, ganoon na din naman siya. Maybe he feels that I'm not into talking with him kaya siguro siya tumahimik na din. "There they are." Tinuro niya ang nakahintong van ng aking staffs sa isang building. Nahinto na din kami sa parking lot at siya na din ang nag-alis ng seatbelt pati ng pagbukas sa akin ng pintuan. "Stop acting this way, Doyle. Maghihinala sila." Babala ko sa kanya nang makababa na ako at dumiretso ako agad sa loob ng office bago ko pa marining ang sasabihin niya. Pagkapasok ko my team greet me at pinapunta sa room ng meeting for our local investors. I'll be presenting business plan and developments for our company to let them aware about their investments. Si dad kasi usually ang gumagawa ng ganito para sa company namin but then again pinasa niya sa akin kasi nga ito ang trabaho ko. Dad is a busy man and he can't take this job anymore that's why I'm here. They greeted me first before I started the presentation. Mayroong apat na Chinese at apat ding Pinoy businessmen dito sa loob ng room na nakikinig sa akin. Napapansin ko ang pagtingin nila sa aking dibdib at sa aking hita habang nagsasalita ako. "So, as you can see here, our iShare Logistic earn a market share of 68%, meaning we are one of the leading logistic company in this region, that's a better start, gentlemen." Tumango-tango ako habang ngumingiti sa kanila at pinapakita ang projector na nasa harap namin dahil nandoon ang graphs. Tumatango at ngumingiti din sila sa nakikita nilang success ng company namin. Nakita ko si Doyle na nasa gilid ng room habang pinapanood din ako at ngayon ay tumitingin siya kay Mr. Quan, ang isang Chinese investor na ubod makatingin sa aking dibdib. Kung bakit kasi ako nagsuot ng kita ang cleavage ngayon. "Miss Honsani, better show us the lower graph of your presentation. I want to see the whole graph." Mr. Quan suggests. Ubod pa din ang tingin niya sa exposed cleavage ko ngayon. Baka nagooverthink lang ako kasi hindi naman siguro ako binobosohan nito. Kaya ginawa ko na lang ang gusto niya, mula sa baba ng projector ay aalisin ko na sana ang nakaharang na maliit na mesa. Yuyuko na sana ako para gawin ito at makita nila ang baba ng projector pero agad namang may tumikhim sa likod ko at hinawakan ako sa likod. "Ako na, Ella." Rinig ko ang iritableng boses ni Doyle galing sa likod ko. Natahimik na lang ako at gulat na din sa ginawa niya. He's watching me siguro kanina pa. "Itaas mo nga damit mo.You should dress properly when it comes to this." Pabulong niyang utos pagkatapos niyang ayusin ang nakaharang na mesa sa projector. Agad ko namang tinaas ang damit ko sa cleavage part habang hinaharangan niya ako sa mga businessmen. "Done." Humarap na siya matapos kong ayusin ang damit ko at matapos niyang ayusin ang mesa. Tumikhim si Mr. Quan at parang tinitignan ng maigi si Doyle. Babalik na sana si Doyle sa gilid pero tinawag siya nito. "Excuse me, Sir. Who are you?" Nanliit ang mga mata ni Mr. Quan sa kanya. Parang sinusuri ang pagkatao niya sa bawat kilos niya. Kita kong hinarap ni Doyle si Mr. Quan at ngumiti. Kita ko din ang inis sa hitsura ni Mr. Quan. "Pardon, Sir?" Nang-iinis na boses at ngisi ni Doyle sa kanya. Ramdam ko ang tensyon sa loob at pilit akong ngumiti at lumapit kay Doyle para sana pagsabihan siya. Damn, we might loose one of our top investor if Doyle didn't stop for this. "I said who are you? What is your part here? Ms. Honsani is fine doing her job here and you are interrupting her presentation." Mariing sabi ni Mr. Quan. Alam kong naiinis na din siya sa inaakto ni Doyle. "Stop it." Hindi halatang sabi ko kay Doyle. I don't know if he heard it. Mapapagalitan ako ni dad kapag nalaman niya ito. Doyle cleared his throat. "I'm Vosch Doyle Brockk, event manager of Ms. Honsani's team." Bumuntong-hininga ako at napapikit kasi alam kong anytime baka may mangyaring hindi maganda sa event na ito. Malalagot ako kay dad. "I'm sorry if I interrupt, Sir, but I have right to help Ms. Honsani fixing the table. I'm being a gentleman here." Dagdag pa niya at ngumiti ng pilit sa akin. Nanliliit pa din ang mata ni Mr. Quan sa kanya. Ang lahat ng atensyon ay kay Doyle na din napunta. Umiling ako sa kanya tsaka siya tumingin ulit kay Mr. Quan at sa mga nandito sa loob. "If you'll excuse me." Tsaka siya pumunta sa gilid ng room. "Uhmm... Sorry for that, gentlemen." Paghingi ko na lang ng tawad sa namumuong tensyon sa paligid. Pagkatapos nito masasapak ko talaga si Doyle. "Okay then, Ms. Honsani. Continue with the presentation." Kalma na ang boses ni Mr. Quan sa akin at sumulyap pa din siya sa medyo nakatago ko nang dibdib. Hindi ko na lang pinansin at tumuloy na ako sa presentation namin. Natapos naman ang presentation at kanya-kanya kaming nakipagkamayan. Si Doyle ay nasa gilid pa din habang pinagmamasdan ang bawat galaw ko. Halata din sa kanya ang irita kapag niyayakap ako ng mga investors. "Come on. Don't dress like this again." Tinapon niya ang coat niya sa akin. Nandito na kasi kami ngayon sa kotse at pabalik na sa hotel na tinutuluyan namin. Ang mga team ay nagsisiayos na ng mga gamit dahilan para makabalik na din sila sa hotel. Binalik ko ng pabato sa kanya ang coat niya tsaka ko siya inirapan. "f**k off." He just smirked and throw to me again his coat. "Hindi ka ba madadala, Ella? Binastos ka na ng Quan na 'yon kanina dahil sa over exposed mong damit! Damn. Ano bang gusto mong mangyari, kunin mo ang investors by your s*x appeal? Damn, Ella!" Singhal niya sa akin at padabog na sinara ang pinto ng kotse. Hindi na talaga ako makapagpigil. I want to slap him. "Ganyan ba ang tingin mo sa akin? Alam mo ang gusto kong mangyari? Gusto ko na tigilan mo na ako, okay? Stop giving me shits!" "Fine. Ayon lang pala eh." He smirked. Umigting ang panga niya tsaka nag-start ng kotse at nagdrive na. Hindi na kami nag-imikan buong byahe at binalik ko sa kanya ulit ang coat na pinapasuot niya sa akin. It's better this way para maiwasan ko na din siya, para matigil na ang kahibangan namin sa isa't-isa. We are both committed, loving him back is a sin. I'm not gonna do anymore sins with him. I can control this. I can control myself feeling this way. Maggagabi na nang makarating kami sa hotel. Hindi niya na din ako pinagbuksan ng pintuan ng kotse pati ng pag-alalay sa mga gamit ko ay ako na din. That's it, Doyle. It's better this way. Avoiding too much conflict. "Ma'am Ella, report po for the event tomorrow." May inabot si Tasia sa aking files. Tinignan ko agad ito at taka akong tumingin sa kanya. Napayuko siya agad sa inakto ko. Tinignan ko muna ang labas ng room ko at walang tao. Sarado lahat ng pinto ng rooms mukhang pagod yata sila sa event kanina. Nakapasok na kasi kami isa-isa sa kanya-kanya naming rooms at tanging si Tasia na lang ang nandito sa labas. "Saan ang event? Hindi pa ba sinasabi ni Doyle? Nasaan ang team?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya. Hindi siya umimik sa akin halatang kinakabahan. Bakit ba si Tasia ang inutusan nila dito? Nandyan naman sila Doyle and Bella o kaya ibang staffs na mas mataas ang position kay Tasia. What are they doing? "Tasia?" Tawag ko ulit. Unti-unti niyang inangat ang mukha niya para magkatinginan kami. Nagtaas ako ng isang kilay. "Ma... Ma'am nasa bar po sila, nagkayayaan po kanina. Niyaya po ni Sir Doyle ang mga staffs." Mula sa inis kong narinig ay sinara ko ng mariin ang pinto ng room ko tsaka hinila si Tasia. "Take me to them, Tasia. Let's see if they can enjoy their party." Damn. Bakit sila magpaparty? Alam naman nilang kinabukasan ay may trabaho. Ano na namang ginagawa ni Doyle? He's totally got in my nerves. He's ruining my plan. Nanginginig si Tasia sa tabi ko habang tinatahak namin ang daan papuntang bar. Papaano nakumbinsi ni Doyle ang staffs? What the f**k is he doing? Mariin kong hawak-hawak ang files sa kamay ko habang mabilis na naglalakad. I'm sure once I get there, I'll kill Doyle. Parang gusto niya yatang mapatagal ang pag-stay namin dito sa Davao in two months? What the hell? Gusto ko na siyang isumbong kay dad pero alam kong hindi na naman ako papaniwalaan noon. He believe Doyle more than he believes me. Pagkadating namin sa bar ay agad kong binuksan ang pinto. Nagulat sa akin ang mga receptionist at ang mga guards. I don't care. I just want to see my team. Pagkapasok na pagkapasok ko ay bumungad sa akin ang nakaupong si Doyle sa isang couch, nakapatong sa lap niya ang isang babae habang sinasayawan siya sa ibabaw nito. Nagtatawanan sila. Ang mga kamay niya ay nasa hita ng babae. Ang mga team ko ay nasa pinagdugtong na mesa at nagkakasiyahan. Tanging si Doyle lang ang nasa couch na nakikipaglandian. What the f**k?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD