Chapter Thirteen

2333 Words
Chapter 13 "Why are you all here?!" Pasigaw kong tanong sa staffs pagkalapit na pagkalapit ko sa mesa nila. Maingay kasi ang paligid, bukod sa malakas na music ay binabalot ang bar ng hiyawan at kantahan pati na din ng usapan. Napatayo silang lahat dahil na din sa gulat at kaba nila dahil sa akin. Natahimik ang table nila at nakayuko silang lahat sa akin. "What? Sinong nagyaya sa inyo dito?" Wala pa ding sumasagot sa kanila. Halatang natatakot sila sa akin. I'm not a nagger team manager here but, what the hell? They should be in their rooms resting because there's another job to be done tomorrow. Dad will know about this and I am here again to blame. Mula sa gilid ng mata ko ay nakita kong gulat din si Doyle at kaagad niyang hinagis ang babaeng kaninang nasa lap niya tsaka tumayo at lumapit sa table ng staff ko na ngayo'y natatakot na. "Ano? Sino? Sinong nagyayang pumunta kayo dito para mag-par-" "I am, Miss." Inis at asar na boses ni Doyle ang narinig ko. Pinanlisikan ko siya ng mata. Brave annoying asshole on the line again. Ang mga tao sa bar ay nasa amin ang atensyon na akala mo ay nanonood ng teleserye dahil sa tindi ng eksena. Mga chismoso. Tinitigan ko siya pero binalik ko din ang tingin ko sa team. "Well, ey, party's over. I want you all to be in your hotel rooms and rest now, may trabaho pa tayo bukas." Utos ko sa kanila. I don't want to make a fighting scene here with Doyle. I'll act professionally. Isa-isa silang nag-alisan sa table at nakayukong naglakad palabas ng bar. Hindi sila makatingin ng diretso sa akin. Nanatili ako sa aking kinatatayuan habang nanginginig ang dibdib ko sa galit. Gusto kong pagsasapakin si Doyle ngayon. Nagkakatitigan kami at halos umigting ang panga niya sa inis. "Let's talk in private." Inihagis ko sa dibdib niya ang files na hawak ko at yon na lang ang nasabi ko kasi gusto ko na talaga siyang sampalin sa tindi ng inis ko sa kanya. Aalis na sana ako pero biglang nilapitan siya ng babae niya kanina. "Babe, where are you going? We're not done yet. Stay here with me." Tawag sa kanya ng babae sa malalanding boses nito. Fucking cheater. May girlfriend na nga nambababae pa. Umiling na lang ako at tinalikuran sila. "I'm done with you." Narinig ko pang sabi niya at alam kong sinundan niya ako palabas ng bar. "Hey! I still don't know your name!" Dinig ko pang tawag ng babae sa kanya nang makalabas ako. Tinahak ko ang daanan patungong hotel. Malapit lang kasi ito doon kaya konting mabibilis na lakad lang mararating mo na ang hotel namin. "Can you wait? Ella!" Tawag niya sa akin nang makatawid ako sa pedestrian at siya ay nakasunod pa din. "Ella, please!" Tawag niya pa ulit. Hindi ko na pinansin ang guards at receptionist sa hotel. Mukhang nakapasok na ang staffs sa kani-kanilang room. Dumating din naman agad siya na kasunod ko at nang nasa function hall na kami ay nahila niya ang braso ko dahilan para mapatigil ako sa kakalakad ng mabilis. "You said we'll talk. Can you-" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil dumapo na agad ang palad ko sa mukha niya. Isang malakas na sampal ang pinakawalan ko at napanganga siya sabay kunot noo sa akin. "You know what? f**k you! f**k you for ruining my plans! f**k you for being here! Just f**k you! You're a fucker, scumbag, cheater asshole!" Naningkit na sa galit ang mga mata ko. Sumabog na ang kanina ko pang pinipigilang galit. Pinagpapalo ko ang makikisig niyang dibdib kahit na nanghihina na ako sa inis at galit sa kanya. Gustong-gusto ko siyang saktan dahil sa mga ginawa niya at nakita ko kanina. Gusto ko siyang lumpuin dahil sa pagpatong ng babae niya sa mga hita niya kanina. I am f*****g jealous and it's so wrong. "Stop it, Ella. Please, stop it." Pigil niya sa mga dumadapong maliliit na suntok sa dibdib niya mula sa akin. Kumalma ako at hinarap siya. Ang mga mata niya ay blanko at walang ekspresyon. "Finish this job. I want you to organize the event for tomorrow." It's an order, I am the team manager here, you should follow me, Doyle. He just chuckled at me tsaka inangat ang file folder gamit ang kamay niya. "What did you just say? Are you ordering me to finish this f*****g job? What?" Halata na din sa boses niya ang inis at parang nang-aasar pa. "Yes, I am! I am the leader here and you are just the event manager! You should do your f*****g job." Nagpapasalamat na lang ako kasi kami na lang ang tao dito sa loob ng function hall dahil kung hindi siguro marami na namang titingin sa amin. Umiling-iling siya at natatawa. Nag-igting din ang panga niya tsaka mariing pumikit at dumilat ulit. Halatang nagpipigil siya ng galit sa akin. "Baka nagkakalimutan yata tayo dito, Ella. You remember stopping me for giving shits? Well, it's happening now. I don't give a s**t about it. I don't give a s**t about you." Mariin niyang sabi sabay ngisi sa akin. How could he? Damn! He is so annoying. Mas lalong nag-init ang ulo ko sa mga sinabi niya at parang gusto ko pa siyang sampalin ulit. "Fine." Nilapitan ko siya sabay sampal ulit sa kabilang pisngi niya naman ngayon para pantay na. Alam kong nagulat siya pero hinawakan niya lang ang mukhang nasampal ko. "Give me that." Pilit kong inagaw sa kamay niya ang files. "Makakarating 'to kay dad. You are out of my team." Pagkabawi ko sa files ay tinalikuran ko na siya sabay lakad-takbo para makarating sa elevator. "Ella! Ella! Please, Ella! I'm sorry. s**t!" Rinig kong habol niya sa akin. Tuloy-tuloy ako sa paglalakad at nang marating ko na ang elevator ay pinindot ko ang 3rd floor at agad din namang umalis ito. Goodness hindi niya ako naabutan sa elevator. Nang makarating na ako sa floor ng room ko ay hingal na hingal siyang naghahabol pa din sa akin. What? Tinakbo niya ang hagdan para lang maabutan ako? "Ella!" At naabot niya ang braso ko tapos hinarap niya ako sa kanya. Nanuot sa balat ko ang maiinit niyang kamay na nakahawak sa braso ko. Para bang may kuryenteng bumabalot sa hawak niya. "What?" Napalunok pa ako sa tanong dahil ang mga titig niya ay hindi ko mabasa. "Look, I'm sorry, okay? I just want to give them some chills. They're stressed right now. Please understand." "Understand what? For inviting my team to enjoy that f*****g bar and have a party? For not doing your job as an event manager? For what, Doyle? Ano? For chatting with some w***e at the bar while she's on your lap dancing grinding you?" Nanliit ang mga mata ko sa kanya tsaka binawi ang braso kong hawak niya. Kumunot naman noo niya tsaka siya nagtaas ng kilay. What? He didn't get what I just said? "Come again? The last one you said?" Nagtataka na ang ekspresyon niya ngayon at may halong ngisi sa mukha niya. Halos mapaatras ako nang narealize ko kung ano ang huling sinabi ko sa kanya. Ella, you shouldn't told him that. Umiling-iling ako at nagsimulang maglakad na papunta sa room ko pero hinila niya ako papalapit sa kanya. "Are you jealous, baby?" Itinulak ko siya dahil sa mga narinig ko. "I am not jealous, Doyle. I have a fiancee, I'm engage and I don't give a s**t about your cheating moves. So now, do your job, send me the details about the event for tomorrow if you want to be in my team again." Pagkasabi ko ay binigay ko ulit sa kanya ang files tsaka mabilis ko nang tinungo ang room ko. Nakita ko pa siyang nakatingin sa akin bago ko isara ang pinto. Nakahinga ako ng maluwag nang nasa loob na ako ng kwarto ko. This day is so stressing, kung bakit kasi si Doyle pa ang kinuha ni dad. Ayokong mas magtaas siya ng kahibangan niya sa akin knowing that I'm jealous about that girl in the bar. I took a cold shower to freshen up my temper. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag mas lalong lumala pa ang nararamdaman ko kay Doyle. Hindi ko siya maintindihan kasi may girlfriend siya si Sara at ito siya sa akin ngayon, sinasabing mahal pa rin ako. Kung talagang mahal niya ako, bakit sila pa rin ni Sara? Anong kalokohan ang bumabalot sa kanya? Pagkatapos kong mag-shower ay tinulog ko na lang lahat ng naiisip ko tungkol sa kanya. Unti-unti kasing bumabalik ang bawat alaala namin sa isa't-isa. I used to forget him once but now he's with me again, everything about him keeps coming back again and again. Kinaumagahan ay late akong nagising. Nakababa na ako ay nandoon na ang team even Doyle. Hindi siya makatingin sa akin ng diretso. Ang mga staff ay nakayuko lang nang makita nila akong pababa. Isa-isa din naman nila akong binati pero ramdam ko na nahihiya sila. "Ma'am sorry po kagabi. Akala po kasi namin pwede pong mag-bar. Ma'am h'wag po sana itong makakarating kay Sir Honsani. Mawawalan po kami ng trabaho dito." Hingi ng tawad sa akin ni Tess, ang isa sa may mataas na posisyon sa kanila. Dapat lang na matakot sila kay dad. He's ruthless and strict when it comes to the job. He can fire you anytime. Pero dahil naaawa ako kapag mawalan man sila ng trabaho ay isinawalang bahala ko na lang. Alam ko ang effort at pagod nila sa trabahong ito. Si Doyle lang talaga ang parang walang pake. "Don't worry. I'll remain silent about it. Please, don't break the rules again. No bars, no party, do your own job, and finish it well. There will be a party after this mission. Magtiis muna kayo na walang party for two months." Para silang nabunutan ng tinik sa mga sinabi ko at ngumiti sila sa akin. Niyakap ako ni Bella tsaka ni Tess at nagpasalamat sa akin. Tinatapos ko ang almusal ko sa dining hall nang lumapit sa akin si Bella. Binigay niya ang details ng event for today na galing siguro kay Doyle. Pilit siyang umiiwas sa akin dahil na din siguro sa sagutan namin kagabi. Well, I'm tired of his bullshits. It's better this way. Pagkadating namin sa event still the local investors greet me again. I presented again our business plan and goals for the company. Halos mga babae naman ang mga business partner namin ngayon dito sa GenSan kaya ang presentation ko ay natapos ng maayos. Hindi pa din kami nagpapansinan ni Doyle at kapag kailangan ko siya ay si Bella ang pinapapunta niya sa akin para alalayan ako. Biglang tumunog ang phone ko at nagulat ako nang unregistered number ang tumatawag. Mukhang landline pa nga. Agad ko itong sinagot at lumayo muna sa team. "Hello?" "Baby! I missed you." Kumalabog ang dibdib ko sa pamilyar na boses narinig. Mismong ang mga kamay ko ay nanginginig dahil sa saya. "Kev? Babe?" Tanong ko pa nagbabakasali na siya nga. "Yes, babe. How are you? I missed you so much." May hingal sa mga sinabi niya. Alam kong nakangiti siya ng maluwag ngayon habang kausap ako. Napangiti din ako. Hindi ba bawal 'to? "I missed you too, babe. Hindi ba bawal 'to? Dad will find out about this." "Babe, easy. I'm at a payphone calling your number. I just missed your voice. They won't find about this. Damn, babe. I just wanted to see you right now." Malambing na mga sinabi ni Kev. I miss him too and I feel so sorry. I feel so sorry for him. May namuo sa lalamunan ko na masakit at nagbabadya ang luha ko ngayon. Naiiyak ako sa sitwasyon namin. Gusto ko si Kev makasama pero masaya din ako kapag kasama ko si Doyle but not this time. I hate him this time. "B-Babe, where are you? Aren't you working?" Pag-iiba ko ng usapan. Gusto ko lang alisin ang nagbabadyang luha ko. "I'm at the mall. Break ko sa office, I came here to call you. I can't wait to see you Ella. I can't wait to marry you and be with you." Parang kinalabit ang puso ko at nagsimula na ngang tumulo ang luha ko. I feel so guilty. Nasasaktan ako sa mga sweet words na sinasabi ni Kev. Ang sama ko. May time siyang gumawa ng paraan para tawagan ako at marinig ang boses ko. Alam kong mahal na mahal niya ako pero ito akong nakakagawa ng kasalanan sa kanya. I feel so guilty. I wish I can end my feelings for Doyle. Kev loves me so much. Pwede bang siya na lang? Pwede bang huwag na lang kay Doyle? Pwede bang diktahan ang puso ko? "Babe? Are you there?" Tawag niya sa kabilang linya. "Ye-yes, babe. I'm here. I missed you too." Napapikit ako at agad na pinahid ang mga luhang tumulo sa mukha ko. "I wish you're here with me. Now that I realized I can't be me without you. You're my energizer, Ella." Napangiting napaluha ako sa mga narinig ko sa kanya. I can't stay long talking to him. Mas lalo akong binabagabag ng konsensya ko. "Babe, I'm sorry, we can't talk longer. I'm working. I gotta go. Bye. Love you." Iwas ko na lang tsaka pinatay na ang linya. Ayoko nang marinig pa ang sasabihin niya tungkol sa pagkakawalay niya sa akin. Mas lalo akong nasasaktan. Kung bakit kasi si Doyle pa ay nandito. Kung bakit kasi hindi na mamatay-matay ang feelings ko sa kanya. Babalik na sana ako sa loob ng office nang makabangga ko ang isang tao. Pag-angat ko ng tingin ay si Doyle na nagtataka ang mukha. "Doyle? Kanina ka pa dyan?" Napalunok ako sa kaba. Mukhang nakikinig siya kanina pa dito. Alam niya bang si Kev ang nakausap ko? "Who's that? Who called you?" Iritable ang mukha niya sa akin at halatang naghihinala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD