⑅✿⑅ELLA⑅✿⑅ Mabilis ang bawat kilos ni Ella sa paghimay ng mga dahon ng malunggay. Nais niyang matapos iyon bago man makabalik si Xander at ang bayaw nito. Iyon nga lang sa bawat galaw niya ay kumikirot ang kaniyang sugat. ""Saan sila Xander nagpunta?"" pag-usisa niya kay Noelyn. ""Hindi ko alam, baka may susunduin lang. Kapag may tumunog na chopper malamang may darating na kamag-anak nila."" Kakasabi lang ni Noelyn ay narinig agad nila ang tunog ng sasakyang pamhimpapawid. Maingay iyon lalo na't mababa ang lipad. ""Ang sabi sa akin, nasugatan ka?"" Si Alexandra na lumapit sa kanila kalong ang anak. Huminto muna siya sandali sa ginagawa upang harapin at sagutin si Alexandra. Nakakabastos naman kasi kung sasagutin niya lang nang hindi man lang nagtapon ng tingin dito. ""Maliit lang na

