⑅✿⑅ELLA⑅✿⑅ Itinuloy ni Ella ang balak na lumuwas ng Maynila upang makipagkita kay Xander. Nakatingala siya sa mataas na gusali habang pinagpapawisan. Sa lugar na ito na siya dumeretso pagkababa niya ng bus sa terminal. Halos hindi niya maihakbang ang kaniyang mga paa dahil taimtim siyang nananalangin na sana ay magkita silang dalawa ng binata at makausap niya ito. Kaunting pera lang ang dala ni Ella kaya kinakailangang ngayong araw ay matapos na at magkita na sila ni Xander. Hindi siya maaaring magtagal dito sa Maynila dahil lubhang napakagastos lalo na’t wala siyang kakilalang malapitan para makapagpalipas ng gabi. Dalawang lokasyon lang ang nasa isip ni Ella na sigurado siyang doon ay magkikita silang dalawa ni Xander. Una ay sa bahay nito at pangalawa ay sa opisina nito. Sa dalawang

