“A-Ano?” halos pabulong na usal ni Ashleigh habang nakatitig siya kay Angelo na ngayon ay hindi niya malaman at hindi niya mabasa ang kasulukuyang emosyon ng mga mata nito. Habang ang lahat ng mga taong nasa paligid niya ay pare-parehong nakangiti sa kanilang dalawa. Maliban na lamang sa dalawa niyang kaibigan na tulad niya ay gulat na gulat din sa nalaman. Tila hindi niya maproseso ng maigi sa isipan niya ang lahat ng nalaman at narinig mula sa kanyang Tita Cristy na—stepmom na niya ngayon. Kung kaya’t nanatili lamang napako ang kanyang paningin kay Angelo na hanggang ngayon ay walang kare-reaksyon ang mukha. “Mr. and Mrs. Madrigal, sa unahan po muna tayo para makakuha na po tayo ng wedding photos ninyo,” pagkuwan ay lapit sa kanila ng isang photographer. “Okay sige,” nakangiting tugon

