Chapter 35

3251 Words

Malakas ang pagkabog ng dibdib ni Ashleigh habang tahimik siyang nakaupo at naghihintay sa sasabihin ng kanyang ama sa kanya. Sa muling pagkakataon kasi ay sinabayan siya nito sa pagkain, bagay na ginagawa lamang nito kapag may importante itong gustong sabihin sa kanya. At sa pagkakataon na ito ay nararamdaman niyang may nais sabihin sa kanya nag kanyang ama. Gusto niyang paghandaan ang sasabihin nito sa kanya. Lalo pa at kung tungkol ba ito sa arrange marriage na gustong gawin ng daddy niya sa kanya at kay Alfred. “Magpapakasal na kami ng Tita Cristy mo,” pagkuwan ay marahang sabi ng daddy niya sa kanya na bahagya niyang ikinatigil. Alam naman na niya ang tungkol sa plano at kagustuhan nitong pakasalan ang girlfriend nitong si Cristy. Pero hindi niya maunawaan kung bakit tila may kiro

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD