“How are you, Ashleigh? I’m so glad na makita kang muli ngayon. Pasensya ka na kung ngayon lang ako nakapunta sa iyo, kauuwi ko lang din kasi. Nasa out of the country kasi ako for business purposes ng isang buwan, kaya hindi rin ako nakatulong sa daddy mo sa paghahanap sa iyo,” mahabang sabi ni Cristy kay Ashleigh. Maliit na ngumiti si Ashleigh kay Cristy. “It’s okay. Ang mahalaga ay nakauwi at nakabalik na ako ngayon.” Mula noon ay hindi na talaga nasanay si Ashleigh na tawaging tita ang girlfriend ng daddy niya na si Cristy. At sa tuwing nagkakausap sila ng babae ay napaka-casual lang din ng mga sagot niya rito. Hindi rin niya magawang mangopo rito sa hindi niya malaman na dahilan. Siguro dahil masyado niyang tinanim sa isipan niya mula noon na hindi niya gusto ang babae para pumalit s

