Chapter 3

2822 Words
Kumunot ang noo ng lalaki kay Ashleigh. "W-What? Beast?" "Yea. My own Beast. I mean... my own prince charming," tugon ni Ashleigh saka niya muling ininom ang margarita niya. "Wow," manghang sabi ni Alfred sabay inom rin nito sa sarili nitong inumin. "So, you're looking for your true love?" "Mukhang kahit sino naman, 'di ba? Ganoon ang gusto? Ang matagpuan mismo nila ang taong magpapatibok sa puso nila. Hindi 'yong papayag ka na lang na magpakasal sa taong hindi mo naman kilala." "Well, you have a point," pagsang-ayon nito sa kanya. "Kaya nga ako, heto at ginagawa ko ang lahat para kilalanin siya," dagdag pa nito. "What? Don't tell me..." pinaningkitan niya ang lalaki habang tila bigla namang kinabahan ito sa sasabihin niya. "W-What?" kabadong tanong nito sa kanya kasunod ng paggalaw ng lalamunan nito. "Don't tell me na ipinagkasundo ka rin ng parents mo na maikasal sa taong hindi mo naman kilala?" deretsyong tanong niya rito. Sa isang iglap ay naglaho ang bakas ng kaba sa mukha ng lalaki at mabilis itong napalitan ng maliit na pagngiti. "Do you think so?" "Sabi mo eh." "Ganoon na nga," simpleng tugon ni Alfred sa kanya. "Huwag kang pumayag," mabilis na sabi niya naman dito. "Huh?" "Huwag kang pumayag na sila ang magdikta ng taong pakakasalan mo." "Bakit naman?" "Anong bakit naman?" kunot-noong tanong niya rito. "Hindi ba't mas maganda pa rin kung pakakasalan mo 'yong taong piniling ibigin ng puso mo?" "Well, yea. Tama ka naman. At sa kaso ko mukhang... tinamaan na ako sa kanya." "Huh?" "I think I like her now. My future fiancée," seryosong sabi nito sa kanya habang nakatitig ito sa mga mata niya. "Wow. Eh 'di good for you. Sana all, 'di ba? Sana all gusto rin 'yong gustong ipakasal ng parents nila sa kanila." "Malay mo naman kapag nakilala mo na 'yong gustong ipakasal sa'yo ng daddy mo, ay magustuhan mo rin siya, 'di ba?" "I don't think so," sagot niya saka niya muling ininom ang natitirang margarita hanggang sa tuluyan na itong maubos. "Ashleigh!" Mabilis siyang napalingon sa tumawag sa kanya pagkalapag niya ng baso niyang wala nang laman. Nakangiti niyang itinaas ang kamay nang makita niya ang dalawa niyang kaibigan na sina Sandra at Jamie, hanggang sa tuluyan ngang lumapit ang mga ito sa kanya. "Oops, you're with someone na pala," mahinang sabi ni Sandra sa kanya, tinutukoy si Alfred na nasa tabi niya. "Oh, this is Alfred, guys. I met him somewhere and luckily, nagkita ulit kami rito," pagpapakilala niya kay Alfred sa mga kaibigan niya, saka siya bumalin ng tingin sa lalaki. "Alfred, they are my friends. This is Sandra and this is Jamie," pagpapakilala naman niya sa mga kaibigan niya kay Alfred. "Oh, it's nice to meet you both," nakangiting bati ni Alfred sa mga kaibigan niya. "Nice to meet you, too, Alfred!" Maya-maya pa'y sumulyap si Alfred sa suot niyang relo saka ito marahang tumayo. "Gusto ko pa sanang mag-stay but... I really need to go now," paalam nito sa kanila. "Oh sure, no worries. Mukhang may importanteng lakad ka, so, go," tugon niya sa lalaki. "Well, again, it's nice to meet you... Uhm... can I have your number?" tanong pa nito sa kanya at walang pagdadalawang isip naman niyang ibinigay rito ang numero ng cellphone niya. Pagkatapos no'n ay tuluyan na ngang nagpaalam sa kanila si Alfred at umalils. "Wow! What is that, Leigh?" tanong ni Jamie sa kanya sabay upo nito sa tabi niya. "What?" "That, Dude." Muli siyang humingi ng maiinom sa bartender. "And what about him?" tanong niya kay Jamie na siyang um-order din ng maiinom para sa kanila ni Sandra. "It looks like he's interested in you," tugon ni Jamie sa kanya. Inilapag ng bartender sa harapan nila ang mga inumin nila at sabay-sabay naman nila iyong inumpisahang inumin. "Parang hindi naman. Mabait lang siguro talaga siya," tugon niya. "Iba 'yong mabait lang sa interested sa'yo, 'no," singit naman ni Sandra sa kanila. "Whatever. Alam niyo, hindi siya ang gusto kong mapag-usapan kung bakit ko kayo inaya rito. So, please? Hayaan na natin siya dahil for sure, baka hindi naman na ulit kami magkita no'n eh." "Fine. So, ano bang mayroon? Wait, hulaan ko. Nag-away ulit kayo ng daddy mo, 'no?" ani Sandra. "For sure 'yan. Wala naman nang bago roon eh," sabi naman ni Jamie. "So, tama nga kami? It's about you and your dad again?" tanong muli ni Sandra sa kanya. Muling uminom si Ashleigh sa kanyang inumin at pagkatapos ay napahigit siya ng malalim na paghinga. "Yes, tama kayo. It's about me and my dad again. But this time, iba na 'to, guys," saad niya sa dalawa niyang kaibigan. "Anong iba na? What do you mean?" tanong ni Jamie sa kanya. "He wants me to marry someone I don't even know when I turn eighteen," deretsyong sabi niya sa mga kaibigan niya na bahagyang ikinatigil at ikinagulat naman ng mga ito. "What? Seriously?" hindi makapaniwalang tanong ni Sandra sa kanya. "Wait, so... gusto ng daddy mo na i-arrange marriage ka? Ganoon?" tanong naman ni Jamie. "Yes. Ganoon nga. Narinig ko silang nag-uusap ni lolo kanina pag-uwi ko ng bahay." "Wow. Uso pa ba 'yon ngayon? 'Yong arrange marriage na 'yan? I mean... parang sa mga telenobela o nobela na lang may ganoon eh, hindi ba?" ani Jamie. "Oo nga. Saka teka, bakit naman nauwi sa ganoong idea ang daddy mo?" tanong naman ni Sandra sa kanya. "Sa totoo lang hindi ko rin talaga alam," tugon niya saka niya muling tinungga at inubos ang natitirang inumin niya. Napangiwi pa siya nang maramdaman niya ang pagdaloy ng mainit na likido sa sikmura niya. "Pero siguro... ayaw na niya ng responsibilidad kaya gano'n," pagtutuloy niya. "So, ano nang plano mo?" pagkuwan ay tanong ni Jamie sa kanya. "Tatakas ako," deretsyong sagot niya kay Jamie. "What?" "Ano?" Magkapanabay na tanong ng dalawa niyang kaibigan. "Tatakas ako bago niya pa ako maipakasal sa kung sino mang lalaki na iyon. Tatakas ako at kakailanganin ko ang tulong ninyo," seryosong sabi niya sa dalawa. MALAKAS ang bawat pagkabog ng dibdib ni Ashleigh habang sakay siya ng isang magarang sasakyan patungo sa kung saan. Nanlalamig ang magkabilang palad niya at nararamdaman niya ang malamig na pawis na lumalabas sa noo niya. Paulit-ulit na nagtatalo ang isip niya sa desisyong gagawin niya. Hati ang isip niya rito, ang kalahati ay desidido na ngunit ang kalahati naman ay binabalutan ng takot at pangamba. Paano kung hindi niya kayanin ang desisyon na gagawin niya pagkalipas na lamang ng ilang oras? Ano nga ba ang dapat na gawin niya gayong mukhang desidido na rin ang kanyang ama na ipakasal siya sa lalaking hindi naman niya kilala. Naalala niya tuloy ang naging pag-uusap nila ng kanyang ama kagabi habang sabay silang naghahapunan. "Sigurado ka bang ayaw mo ng big party para sa debut mo bukas?" tanong nito sa kanya. "Yes, dad. Ayaw ko po," walang buhay na tugon niya. "Kung ganoon, maghanda ka na lamang bukas. May dinner party tayo, with our relatives and friends. Mag-imbita ka ng kahit na sinong gusto mong imbitahan." "Okay." "And Ashleigh, bukas ng gabi ay makikilala mo na ang lalaking napili ko para mapangasawa mo kasama ang buong pamilya nito." Mabilis siyang napalingon dito dahil sa sinabi nito sa kanya. "What? Pero dad—" "Alam ko namang alam mo na ang tungkol sa bagay na ito, hindi ba?" mabilis na putol nito sa kanya. "Daddy..." Hindi niya alam ang sasabihin sa kanyang ama. Alam naman talaga niya ang plano nito pero sa huling sandali ay hinihiling niyang magbago pa ang isip nito tungkol sa bagay na iyon. "Ginagawa ko ang bagay na ito para sa ikabubuti mo. Kaya pagka-graduate mo ng senior highschool ay ikakasal ka na sa kanya—" "Para sa ikabubuti ko? O para lang maging malaya ka na sa responsibilidad mo sa akin?" putol niya sa sinasabi ng kanyang ama. "Ano?" "Daddy, hindi ba parang sobrang bata ko pa para sa bagay na 'yan? I'm just turning 18 years old, dad. Tapos ipapakasal mo na ako?" mapait na tanong niya. "Wala sa edad iyan, Ashleigh. Isa pa, personal kong kilala ang lalaking ito. Bukod sa kayang-kaya ka niyang buhayin at kayang-kaya niyang ibigay ang lahat ng gusto mo, ay kayang-kaya ka rin niyang mahalin. Siya lang ang lalaking nakikita kong kayang magtyaga at mag-alaga sa'yo—" "Siya lang? Kasi 'yong mismong tatay ko, inaayawan na ako." "Ashleigh—" "Enough, dad. Kahit na anong sabihin mo, alam mong hindi ako papayag sa gusto mo. Marami pa akong pangarap na gustong matupad. Marami pa akong bagay na gustong gawin." "Pwede mo naman gawin ang lahat ng gusto mo kahit na may asawa ka na. Pwede mo pa ring matupad lahat ng pangarap na gusto mo kahit na kasal ka na." "Ayaw ko, dad!" Sa puntong iyon ay napataas na ang boses niya kasabay ng pagtayo niya. "Hindi ako magpapakasal sa kung sino. Bakit ko pakakasalan 'yong taong hindi ko naman personal na kilala?" "Natuturuan ang puso na magmahal. At alam kong matututunan mo rin siyang mahalin," sagot lamang nito sa kanya. "Wow. Talaga ba? Kaya ba naturuan mo rin ang puso mo na kalimutan ang mommy ko?" Nag-ulap ang magkabilang paningin niya dahil sa sama ng loob at sa pakikipagtalo niya sa kanyang ama. Nakita niya ang pag-igting ng panga ng kanyang ama at sa huli ay tuluyan na lamang siyang umalis doon at iniwanan itong mag-isa, dahil kung hindi pa siya aalis ay baka kung ano pa ang masabi niyang hindi maganda rito. Nagbalik si Ashleigh sa sarili niya nang magsalita ang kanyang yaya na si Vangie sa tabi niya. "Malapit na tayos sa venue!" tila excited na sabi nito sa kanya. Mas lalo tuloy kumabog ng malakas ang dibdib niya. Kasunod no'n ang pag-vibrate ng cellphone niya dahil sa isang mensaheng natanggap niya. Sandra: We're ready, Leigh. Nakahanda na ang lahat para sa plano. Hirap siyang sunod-sunod na napalunok pagkabasa niya sa mensahe ng kaibigan. "Bakit, Ashleigh? May problema ba?" tanong ni Vangie sa kanya. "Uhm... wala po, yaya. Medyo kinakabahan lang po ako," tugon niya rito. "Hay naku! Huwag kang kabahan. Araw mo ngayon at napakaganda mo! Tiyak akong hahanga ang lahat ng bisita niyo ng papa mo at ang lahat ng ipapakilala niya sa iyo," wika nito sa kanya na maliit na lamang niyang nginitian. Dahil pagkababa niya ng sasakyan ay isasatupad na niya ang plano niya. Ang plano niyang pagtakas mula sa pudar ng kanyang ama. Ilang sandali lang nang tuluyan nang huminto ang sasakyang sinasakyan nila. "Nandito na tayo!" masayang sabi ni Vangie sa kanya saka ito unang lumabas ng sasakyan para maalalayan siya. Bumaba siya ng sasakyan at agad naman siyang sinamahan ni Vangie at ng driver nila sa paglalakad. Maraming tao ang nakatingin sa kanya sa five-star hotel na pinasukan nila. Lahat ay tila namangha sa kagandahang taglay niya. Isang simpleng blue dress ang suot niya para sa dinner party na gustong gawin ng daddy niya ngayon sa kaarawan niya. "Uhm... yaya, I think I need to use the toilet," sabi niya kay Vangie sabay hinto sa paglalakad. "Ganoon ba? O sige, nandoon ang CR. Halika at samahan na kita—" "No need na po, yaya!" mabilis na putol niya rito na bahagyang ikinatigil ni Vangie. "Huh?" "Uhm... kaya ko naman na po, yaya. Saglit lang po ako. Just... just wait me here na lang po," pakiusap niya sa kanyang yaya. "O-Okay sige. Sige rito lang ako. Hihintayin kita. Sige na," pagkuwan ay nakangiting sagot nito sa kanya. Muling napalunok si Ashleigh kasunod ng maliit niyang pagngiti sa kanyang yaya, na mula nang mawala ang kanyang ina, ay siya nang nandyan para alagaan siya. "Thank you, yaya," tila naluluhang sabi niya rito. "Bakit nagte-thank you ka pa? Eh natural lang naman na hintayin kita rito—" Muling natigilan sa pagsasalita ang kanyang Yaya Vangie nang bigla niya itong yakapin. "Thank you for everything, yaya. Thank you for everything," paulit-ulit na pasasalamat niya rito saka siya marahang humiwalay. "Ay, ano ka bang bata ka? Ganyan ba talaga kapag nagdadalaga na? Nagiging sweet?" nagtatakang tanong nito sa kanya na sinagot na lamang niya sa pamamagitan ng isang matamis na ngiti. "I have to go na po, yaya," paalam niyang muli rito. "Okay sige. Sige na at magbanyo ka na." Humigit siya ng malalim na paghinga saka siya nagsimulang humakbang palayo sa yaya niya at patungo sa toilet room. Palakas nang palakas ang pagkabog ng dibdib niya hanggang sa tuluyan siyang makarating doon. Naka-lock ang pintuan ng toilet room kaya naman kumatok siya ng limang beses saka iyon bumukas. Mabilis siyang pumasok sa loob at bumungad sa kanya ang kaibigan niyang si Sandra. "Dalian mo, Leigh. Wala na tayong oras," mabilis na sabi ni Sandra sa kanya habang inilalabas nito ang mga damit na susuotin niya palabas ng hotel. "Si Jamie?" tanong niya kay Sandra. "Nasa labas. Kanina pa siya nakaantabay, so, dalian na natin," tugon nito sa kanya. Mabilis na ngang kumilos si Ashleigh at nagpalit ng damit. Isang denim pants, pink na blouse, with black hoodie ang suot niya saka siya nagsuot ng shades. "Let's go, Leigh," sabi ni Sandra sa kanya saka sila sabay na lumabas. Halos pigil niya ang kanyang hininga habang humahakbang siya papalapit at palampas sa yaya niyang matiyagang naghihintay sa kanya roon. Nang tuluyan silang makalampas at nang hindi sila mapansin nito ay bumilis na ang bawat paghakbang nila ni Sandra hanggang sa tuluyan na nga silang makarating ng exit ng hotel. Agad nilang hinanap ang nakaparadang pulang sasakyan at nang matagpuan ay mabilis na sumakay roon. "Bilis, guys!" sabi ni Jamie na nasa driver's seat. At nang makasakay na nga sila ay mabilis na iyong pinaandar ni Jamie. "Woa!" sigaw nina Sandra at Jamie habang patuloy silang bumabyahe. "Grabe! Para tayong nasa undercover kanina. Grabe 'yong kaba ko!" ani Sandra. "Ako rin kaya! Imagine, first time kong i-drive 'tong kotse ni daddy ng mag-isa kanina!" sabi naman ni Jamie. "Well, thank you, guys, sa effort niyo para matulungan ako." "Wala 'yon, Leigh. Basta ikaw. Pero... sigurado ka na ba talaga sa gagawin mo?" tanong ni Sandra sa kanya. Ilang araw nilang pinagplanuhang tatlo ang pagtakas niya ngayong gabi, para makaiwas sa gustong mangyari ng kanyang daddy na maipakilala siya sa lalaking ipapakasal sa kanya nito. Araw-araw siyang naglalabas ng mga gamit niya at dinadala niya sa bahay ng kaibigan niya hanggang sa madala na niya ang ilang mga gamit at damit na kakailanganin niya. Nag-withdraw rin siya ng malaking halaga mula sa savings account niya para may magamit siyang pera sa ilang araw o linggo na paglayo niya. Batid niyang magagalit ng husto ang kanyang ama sa gagawin niya, pero hindi naman niya pwedeng isaalang-alang ang sariling kinabukasan at ang puso niya para sa kagustuhan nitong mangyari sa kanya. Hindi siya papayag na maikasal siya sa lalaking ang ama lamang niya ang nagdesisyon. Dahil tulad ng ibang normal na babae, gusto rin niyang maranasan na ma-in love. Gusto rin niyang maranasan ang magmahal ng totoo. Plano niyang lumayo muna ng ilang linggo o isang buwan. Susubukan niyang mamuhay ng mag-isa at hanapin ang kanyang sariling pag-ibig na pwede niyang maipagmalaki sa kanyang ama. At kapag natagpuan niya na iyon ay saka siya babalik. Bagama't hindi niya maitatanggi na kinakabahan siya sa desisyong gagawin niya, ay wala na rin itong atrasan pa. Buo na ang desisyon niyang umalis ngayong gabi. Sa Palawan siya magtutungo, sa probinsya ng kaibigan niyang si Jamie. Doon muna siya mamamalagi at magtatago mula sa kanyang ama. Katiwala ng pamilya ni Jamie ang sasalubong sa kanya roon at kapag nagkaroon ng pagkakataon ay susunod ang mga kaibigan niya roon para dalawin siya. "Honestly, kinakabahan ako. Pero desidido na akong umalis dahil desidido rin naman si daddy na ipakasal talaga ako sa kung sino mang lalaki na gusto niya," tugon niya sa tanong ni Sandra sa kanya. "Pero, Leigh... paano na ang school mo?" pagkuwan ay alalang tanong ni Jamie sa kanya. "Kaya kong gawan ng paraan iyon. Madaling pakiusapan ang director ng school at ang mga professors natin," walang pangambang sagot naman niya. Ilang sandali pa ang lumipas nang makarating na nga sila ng airport. Pababa na sana siya ng sasakyan nang biglang mag-ingay ang cellphone niya dahil sa incoming call mula sa kanyang ama. "It's dad," usal niya. "Go na, Leigh. Baka maabutan ka pa niya," sabi ni Jamie saka siya pinagbuksan ni Sandra ng pintuan ng sasakyan. Agad siyang kumilos at isa-isang inilabas ang maleta at mga bag na dala niya. Pinatay niya ang cellphone niya saka siya nagpaalam sa mga kaibigan niya. "Mag-iingat ka roon ha. Tawagan mo kami agad kapag nakadating ka na roon," ani Sandra sa kanya. "Oo. Salamat sa inyo ha. Mag-iingat din kayo." "Bye, Leigh. See you!" sabi naman ni Jamie. At nang matapos na siyang makapagpaalam sa mga ito ay tuluyan na nga siyang pumasok sa loob ng airport.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD