“No, dad!” mabilis at malakas na usal ni Ashleigh na siyang nagpatigil at nagpatigagal sa kanyang ama at sa kanyang madrasta. Habang si Angelo naman ay mataman na nakatitig lamang sa kanya. “What do you mean, anak? What’s wrong?” pagkuwan ay kunot ang noong tanong ng kanyang ama sa kanya. Hirap siyang napalunok saka niya sinalubong ang mataman na pagtingin ni Angelo sa kanya. Sinikap niyang ipunin ang lahat ng lakas ng loob na mayroon siya, saka siya buong tapang na muling nagsalita. “Ayaw ko siyang maging kapatid,” pahayag niya na mas lalong ikinagulat ng mga ito. “What?” naguguluhan na tanong ng kanyang ama sa kanya habang nakitaan naman niya ng pangamba si Angelo sa mga mata nito. Nakita niya pa ang paggalaw ng lalamunan ng binata, tila nagpapakita ng kaba para sa kung anong pwedeng

