"HINDI naman yata tama na gamitin mo ang anak natin para mapasunod mo ako sa lahat ng gusto mo," ang mariin niyang sabi saka nanatiling nakatingin sa labas ng bintana. "Look who's talking! Parang ikaw yata ang unang gumawa niyang sinasabi mo?" sa tono ng pananalita ni Vincent ay alam ni Portia na nakahanda itong makipagtalo sa kaniya. Sa kaisipang iyon ay mabilis siyang nakaramdam ng lungkot. Parang kanina lang wala silang pinaguusapan na ganoon, pero ngayon iba na ang nangyayari. Kung kanina habang sinasabayan nilang dalawa ng maalab nilang damdamin at init ang malakas na buhos ng ulan, ngayon ay kabaligtaran naman ang nangyayari. Kanina parang walang nangyaring hindi maganda sa pagitan nilang dalawa noon at dahil iyon sa mas pangingibabaw ng init, paghahangad, kapusukan at pananabi

