MATAPOS kumain ay nagpasya sila ipasyal si Vince kasama ang Yaya nito na si Dolor. Habang sina Stephen at Zaida naman ay humiwalay sa kanila nagsabing dadaan muna sa simbahan para mag-attend sandali ng mass. Nagbilin nalang sa kaniya ang kapatid niya na dadaanan ng mga ito ang sina Yaya Dolor at Vince mamaya. Iyon ay dahil sinabi niyang sa hospital siya tutuloy pagkatapos. Kailangan rin naman kasing magpahinga ng bantay ni Tita Cecil kaya siya ang nagprisinta na magbabantay ngayong gabi. Papalubog na ang araw ng sunduin ng mag-asawa ang anak nila at yaya nito. Mahigpit pa munang nagyakap ang mag-ama bago naghiwalay ang mga ito. Nangako pa si Vincent sa bata na minsan ay dadalhin nito ang anak nila sa isang magandang beach house para makapag-bakasyon. “I think I need to clarify somethin

