SA puntong iyon ay matagal na tinitigan ni Portia si Vincent na wari ay sinusukat kung seryoso ba ito sa sinabi o nagbibiro lang. At katulad ng dati, parang nahulaan o nabasa na nito agad ang kahulugan ng paraan ng pagkakatitig niya rito dahil iyon rin naman ang nanulas sa mga labi ng lalaki pagkatapos. "Seryoso ako," anitong sinalubong ang kaniyang mga titig. Noon parang wala sa sariling humugot at nagpakawala ng malalim at mabigat na buntong hininga si Portia. As usual, hindi na naman siya komportable sa mga titig sa kaniya ng asawa niya. Nakakatawa pero kahit pa ang totoo ay may anak na sila hindi parin talaga siya immune sa charm ng lalaki. "Sige, titingnan ko. Now tell me about it," aniyang muling ibinalik ang pansin sa plato sa kaniyang harapan. Sa pagkakataong iyon minabuti niy

