HINDI tiyak ni Portia kung continuation iyon ng naudlot sana nilang pagtatalik kagabi ni Vincent. Alam niyang katulad ng sinabi ng asawa niya kanina ay nabitin ito at hindi niya ito masisisi dahil kung tutuusin ay ganoon rin naman siya. Pero dahil nga mas nanaig sa kaniya ang galit na nararamdaman niya para rito ay nagawa niyang isantabi ang pananabik na mayroon siya para rito. Ang buong akala niya pagpasok nila sa mismong kwarto kung saan nagpalipas ng buong magdamag si Vincent ay ihihiga siya ng asawa niya sa kama pero nagkamali siya. Ibinaba siya ni Vincent at saka nito itinulak pasara ang pinto. At kahit alam niyang silang dalawa lamang doon ay narinig parin niya ang pagtunog ng diniinan nitong lock ng knob ng pinto. "Kung iniisip mo na magiging madali ito, nagkakamali ka. Kailangan

