KABANATA 68 "HENRY LEDESMA 2"

1172 Words

AGAD na nagsalubong ang mga kilay ni Portia nang mula sa malayo ay mamataan niya ang isang basket ng natuyong bulaklak na nasa ibabaw ng lapida ng puntod ng kanyang ina. Mula nang maikasal sila ng asawa niya ay ngayon lang siya muling nakadalaw doon. At bukod sa kanya at sa kaniyang Tita Cecil ay wala naman siyang kilalang posibleng nagtungo roon. "Oh, bakit?" si Vincent nang makalapit ito sa kanya bitbit ang basket ng mga kulay puting rosas na binili nila kanina sa nadaanan nilang tindahan ng mga bulaklak. "Sino kayang dumalaw kay nanay?" aniyang tiningala si Vincent pagkatapos. Ngumiti lang sa kaniya si Vincent saka ibinaba sa ibabaw ng lapida ang basket ng bulaklak at pagkatapos ay sinindihan ang isang kulay puting kandila na dala rin nila.  "Baka isang kaibigan. Huwag mo nang intin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD