Chapter 22: Ang Hindi Inaasahang Alyansa Tahimik ang sala ng mansyon matapos magsalita si Clara. “I want to help.” Napatingin sina Adrian at Samantha sa kanya. Ang alok niya ay hindi basta-basta. “Mendoza Holdings still has international investors,” dagdag ni Clara. “If Villareal Group needs additional capital… I can arrange it.” Tahimik ang ilang segundo. Si Ethan ay nakaupo sa sofa habang naglalaro ng maliit na toy car kasama si Lucas, walang kaalam-alam sa seryosong usapan ng mga matatanda. Ngunit sa loob ng isip ni Adrian, maraming tanong ang umiikot. “Why?” diretsong tanong niya. Napatingin si Clara sa kanya. “Because Victor is dangerous,” sagot niya. “Hindi iyon ang tinatanong ko,” malamig na sabi ni Adrian. “Why would you help me?” Sandaling natahimik si Clara. Pagkat

