Kabanata 4

1054 Words
Napahagulhol na lang si Ara nang makapasok siya sa sasakyan niya. Hindi niya sukat akalain na magagawa iyon sa kanya ni Miggy. Habang minamahal niya ito, nagmamahal na rin pala ito ng ibang babae. Hindi niya namalayan na darating sa punto na hindi na pala siya nito mahal. Akala niya, sila na hanggang huli ngunit nagkamali pala siya. Wala, eh, nalunod siya sa pag-ibig niya rito… na baka mahihirapan pa siyang makaahon agad sa lalim ng pagkakahulog niya. Mali! Mali na binigay niya ang lahat rito. Hindi ko alam na gano’n pala ako kabilis bitawan at ipagpalit na parang isang bagay na hindi nasasaktan at nakakaramdam. Tao ako at hindi bagay na puwedeng iwanan at ipagpalit ng basta na lang kapag may nahanap na mas maganda. Ano ba ang mali sa akin? Saan ako nagkulang? Maraming mga katanungan at hinanakit sa kayang puso’t isipan. Maraming bakit na kahit siya ay nahihirapan intindihin at malaman ang kasagutan. Pero wala na siyang magagawa pa dahil hindi na niya puwedeng ipilit ang mga bagay na hindi na puwede. Mahirap naman kasi ipilit o magmahal pa ng isang tao na hindi na ikaw ang laman ng puso’t isipan nito. Sabi nga nila, kahit masakit, kailangan mong tanggapin. Kasi lahat naman ay may rason. Siguro nga ay dumaan lang sa buhay niya si Miggy para mas maging matatag at matuto siya sa buhay. Pero bakit? Ginawa naman niya lahat maging sapat lang siya rito habang magkasama sila pero nagawa pa rin siya nitong ipagpalit at naiwan na luhaan sa huli. Ngayon, napaisip na lang si Ara.Talagang gano’n ang buhay. She needs to continue her life with Luke. At nagpapasalamat pa rin siya na naging parte ng buhay niya si Miggy. Oo, aaminin niya, ang sakit ng dinulot nito sa kanya pero kaya niya ito. Kakayanin niya ang sakit na dulot ng sobrang pagmamahal niya sa taong akala niya sobrang mahal din siya ngunit hindi pala. Oo, nasaktan siya pero wala naman siyang pinagsisisihan. Sadyang nagmahal lang siya. Ang mahalaga ay ibinigay naman niya ang lahat ng kanyang makakaya upang maging mabuting partner kay Miggy at isang mabuting ina kay Luke. Mayamaya lang ay tumunog ang kanyang cell phone. Kaagad niya itong tiningnan at ang kapatid niyang si Lyka ang tumatawag. Pinindot niya ang answer button at itinapat ang cell phone sa kanyang tainga. “Hello, Ly?” aniya. “Ate, saan ka na?” tanong nito sa kabilang tainga. “Hindi ko alam kung saan ito. Pero iyong daan ay papuntang Zubic or Olongapo. ”Ha? Ano’ng ginagawa mo diyan? Hindi ba sinundan mo si kuya Miggy sa Manila?” nagtatakang tanong nito. “H-Hindi siya sa M-Manila pumunta. S-Siguro… siguro rason lang niya iyon para hindi na ako mag-usisa pa,” tugon niyang halos hindi madiresto ang sinasabi dahil sa pananakit ng dibdib dulot ng ginawa sa kanya ng kinakasama. “Ano? Edi, totoo iyong hinala mo—natin?” “Oo. May babae nga siya at pinagpalit na niya kami…” humihikbi na sabi ni Ara. “Ang kapal talaga ng mukha niya! Hindi na siya naawa sa iyo at kay Luke. May pamilya na siya pero nagawa pa rin niyang lumandi. Alam mo kung ano ang bagay sa kanya? Putulan ng kaligayahan at ipakain sa langgam, bwisit siya!” galit na galit na turan ni Lyka na tila nakikinita na ni Ara ang itsura ng kapatid. Para umuusong ang ilong nito sa sobrang galit kay Miggy. “Ate, umuwi ka na. Hayaan mo na siya sa babae niya. Tandaan mong andito lang kami para sa iyo—lalo na ako. Umuwi ka na, okay? Umuwi kang ligtas. Hihintayin ka namin ni Luke,” dugtong pa na sabi ng kapatid niya. Natahimik si Ara. Hindi na siya nakapagsalita dahil tila bumara ng lahat ng sasabihin niya sa kanyang lalamunan. Ang sakit na tila gumuho ang mundo niya ng mga oras na iyon. Ang sakit sobra! Walang kasing sakit ang ginawang pagtataksil ni Miggy sa kanya. Siguro, matagal na siyang niloloko nito. Siguro, simula noong nag-iba na ang pakikitungo sa kanya ni Miggy ay mayroon na itong bagong kinababaliwan. Halos taon na rin siguro sila ng babae nito dahil nagsimula lang na magbago ito noong nanganak siya kay Luke. Simula noon ay wala na itong gana sa kanya. Palagi na rin siyang inaaway o binubulyawan kahit wala naman siyang ginagawang masama. Hayop siya! Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sa akin! Pero paano si Luke? Ano’ng mararamdaman niya kapag nalaman niyang maghihiwalay na kami ng daddy niya? Bata pa siya. Paano ko ipapaliwanag na ipinagpalit na kami ng ama niya sa babae? Bigla siyang naawa sa anak ng maisip iyon. Hindi na baleng siya ang masaktan, huwag lang ang anak niya. Gano’n niya kamahal si Luke. Walang hiya talaga ang ama mo anak! Puno ng hinanakit ang puso niya. Parang gusto na niyang maglaho na lang bigla para hindi na maramdaman ang sakit ng nadarama niya ng mga oras na iyon. Paano kaya kung ihulog ko na lang ang sasakyan ko sa tulay…kasama ako? Halos kilabutan si Ara sa naisip niyang iyon. Hoy, gaga! Iyan ang huwag na huwag mong gagawin! May anak ka pa. Kawawa naman si Luke kung sa murang edad ay mawalan na siya ng ina. Hindi rin siya puwedeng mapunta kay Miggy at baka saktan lang siya ng babae niya. At isa pa, Ara, hindi lang si Miggy ang lalaki sa mundo! Tila may dalawang katauhan sa isipan niya na nagsasagutan kaya naman lalo siyang naguluhan. Naalala tuloy niya iyong madalas habilin sa kanya ng papa niya sa tuwing may kakaharapin siyang problema. Ang sabi ng ama niya ay ipikit lamang niya ang kanyang mga mata at panalangin sa Diyos kapag may mabigat siyang pinagdadaraanan. Iyon daw ang tanging sandata niya upang malagpasan ang lahat ng mga pagsubok niya sa buhay. At proven naman iyon para kay Ara…dahil iyon ang madalas niyang ginagawa. Kaya naman huminga siya ng malalim saka ipinikit ang mga mata at taimtim na nanalangin. She offer all her pains to the Lord. She let him redeem all her pains and burdens right now. Pagkatapos niyon ay binuksan na niya ang makina ng sasakyan at minaneho pabalik ng Mariveles Bataan. Iniwan man siya ni Miggy, may anak naman siyang nagpapasaya sa kanya. Kailangan niyang magpatuloy para sa anak niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD