Kabanata 3

1228 Words
Kinabukasan, maagang nagising si Ara. Paggising niya ay nakita niya na natutulog pa si Miggy. Alas singko pa lang iyon ng umaga. Bumangon siya at tinungo ang banyo para maghilamos. Pagkatapos ay lumabas na siya ng kwarto at dumiretso na ng kusina para magtimpla ng kape. Habang nagtitimpla nang kape ay siya ring pasok ng kusina ni Lyka. Bagong gising lang ito. "O, ate, bakit ang aga mo yata gumising? Alas nuwebe pa naman ang pasok mo, ah." "Hindi ako papasok ngayon, hindi naman busy ngayon sa trabaho kasi katatapos lang ng shipment namin. Tatawag na lang ako sa office na hindi ako makakapasok dahil may sakit sa Luke," tugon niya. "Hindi ka naman pala papasok e bakit ang aga mo nagising?" "Ly, may sasabihin ako sa iyo," pabulong na wika niya. "Ano iyon ate?" kunot noong tanong ni Lyka. "Susundan ko si kuya mo mamaya kung saan siya pupunta,” sagot niya sabay lingon sa pag-aakalang gising na ang kinakasama. "Ha? Bakit mo naman susundan, Ate?" gulat na tanong ng kapatid. "Ly, narinig ko kasi si kuya mo kagabi na may kausap sa cellphone na tinatawag niyang mahal." "What!? My goodness! Totoo ba iyan?" Dahil sa gulat ay napataas ito ng boses. "Huwag ka nga maingay diyan, baka marinig tayo," saway niya sa kapatid. "Seryoso ka, Ate? Iyon talaga ang narinig mo?" bulong nito. "Oo, dalawang beses ko narinig kagabi. Kaya nga susundan ko siya ngayon para malaman ko ang totoo." "Basta mag-iingat ka ate, ha? Anuman ang malaman mo, huwag na huwag kang gagawa ng pagsisisihan mo," payo ng kapatid kay Ara. "Oo, ang mahalaga sa akin ay malaman ko ang totoo. Bahala na siya sa buhay niya kung sino ang mas pipiliin niya." "Basta andito lang ako palagi para sa iyo, Ate," ani Lyka. Mahal na mahal niya ang ate niya dahil bata pa lang siya ay iniwan na sila na ina nila dahil sumama na ito sa ibang lalaki. Ang papa naman nila ay nasa pobinsya, kasama ang kuya nila. Apat silang magkakapatid, dalawang lalaki at dalawang babae. Pangalawa sa magkakapatid si Ara at bunso naman si Lyka. 16 years old pa lang si Ara ng mapunta siya ng Manila. Namasukan siya bilang katulong at nagkataon naman na mabait ang naging amo niya. Pinag-aral siya ng mga ito sa kolehiyo. Nagtapos siya sa kursong Bachelor of Science in Computer Science major in Programming. After she graduated ay pinayagan na siya magtrabaho ng amo niya para magkaroon siya ng experience. After two months ay agad naman nakahanap ng trabaho si Ara. Natanggap siya bilang isang computer incoder sa isang warehouse ng Nestle company. Noong time na iyon rin niya nakilala si Miggy. Isa itong security officer sa isang mall na isa sa dinadalhan nila ng mga nestle product. Nang madistino si Miggy sa Bataan at nagkataon naman na taga Bataan ito at dalawang taon naman na silang naging mag-boyfriend ni Miggy, napag-desisyunan nila na magsama na. Nag-resign si Ara sa pinagtatrabahuan at sa Bataan na naghanap ng trabaho. May bahay si Miggy sa Bataan kaya may natirhan sila. Natanggap si Ara bilang isang material encoder sa isang factory ng sapatos dahil na rin sa tulong ng pinsan ni Miggy. After six months, dahil sa magandang performance na ipinakita ay agad na na-regular sa trabaho si Ara. Kasabay ng pagiging regular niya ay nalaman din niya na buntis na siya. Pagkapanganak, doon na nagbago ang pakikitungo sa kanya ni Miggy. Naging mainitin na ang ulo nito at madalas na nagagalit sa kanya kahit kaunting diperensya lamang. Halos three months lang siya walang trabaho pero kung sabihan siya nito ng walang silbi ay parang hindi siya nakatulong. Kahit ano anong masasakit na salita ang narinig niya mula sa bibig ni Miggy noong mga panahon na iyon... "Aalis na ako," paalam ni Miggy kay Ara. Nakabihis na rin si Ara ng mga oras na iyon. Ang akala ni Miggy ay papasok na rin siya. "Sige, mag-iingat ka," tugon ni Ara. Agad na ito lumabas ng bahay nila at agad na minaneho palabas ang kotse nito. Dali-dali naman nagpalit ng ibang damit si Ara, nagsuot siya ng face mask at para hindi siya makilala ni Miggy. Kinuha ni Ara ang bag at nagpaalam muna siya sa kapatid bago lumabas at sumakay sa sasakyan niya para sundan si Miggy. Buti na lang at may sasakyan din siya kaya hindi siya mahihirapan na sundan ito. Second hand lang ang sasakyan niya at hinuhulog-hulogan lang niya ito monthly. ****** "Mahal, papunta na ako!” excited na sabi ni Miggy sa kausap sa cellphone. "Sige, hihintayin kita, Mahal," tugon naman ng nasa kabilang linya. "Be ready, alam mo naman na miss na miss na kita,” nakangiting wika ni Miggy. "I miss you too. Bakit kasi hindi mo pa iwan ang babae na iyon? Ako tuloy ang nahihirapan, eh!" reklamo nito. "Huwag ka mag-alala, malapit na, kaunting tiis na lang, Mahal." "Basta bilisan mo lang, naiinip na ako." "Oo, promise ko iyan sa iyo. Sige na, nagda-drive ako, tatawagan na lang kita ulit kapag malapit na ako," wika ni Miggy sabay patay phone. ****** "Saan siya pupunta? Bakit papuntang Olongapo siya?" bulong ni Ara nang makita na lumiko papuntang Olongapo City ang sasakyan ni Miggy. Hindi niya hinayaang mawala sa paningin niya ang sasakyan ni Miggy. "Hayop ka Miggy! Kaya pala madalas mainit ang ulo mo sa akin. Yun pala, may babae ka! Humanda ka, hindi mo na makikita ang anak mo kapag nahuli kita!" bulong ni Ara habang napapahigpit ang pagkakahawak sa manibela ng sasakyan dahil sa galit. Mayamaya pa ay lumiko sa isang daan ang sasakyan ni Miggy. Sinundan ito ni Ara habang dahan-dahan lang sa pagmamaneho. Halos pitong metro ang layo ng sasakyan niya sa sasakyan nito. Natanaw niya na huminto ito sa isang hindi gaanong kalakihan na up and down na bahay. Itinabi muna ni Ara ang sasakyan. May natanaw rin siyang isang babae na nakatayo sa gate. Tila tinutusok ng matalim na bagay ang puso niya nang makita na niyakap at hinalikan ni Miggy ang babae. Mabilis na kinabig niya ang sasakyan at pinaandar palapit sa mga ito. Pagkahinto ng sasakyan ay agad siya lumabas at lumapit sa dalawa. "Ano ang ibig sabihin nito!?” madiin na sabi ni Ara. "A–Ara? W–what are you doing here?" gulat na gulat na tanong ni Miggy. "Miggy, ipaliwanag mo sa akin kung ano ang ibig sabihin nito!?" Kahit na galit na galit na siya ay hindi niya nilakasan ang boses para hindi marinig ng ibang tao. "Okay, fine! Dito ka na lang din ay sasabihin ko na sa iyo ang totoo. Makikipaghiwalay na ako sa iyo dahil hindi na kita mahal!" "Ganun ba? Ganun na lang kadali sa iyong ibasura ako? Pero ito ang tatandaan mo Migggy, hinding-hindi ako maghahabol sa iyo. At darating ang panahon na sisingilin ka ng lahat ng ginawa mo sa akin!" "Huwag ka mag-alala, magbibigay ako ng suntento para kay Luke. At sa kanya ko na binibigay ang bahay na tinitirhan natin ngayon. Uuwi lang ako para kunin ang mga gamit ko." "Gawin mo ang gusto mo, pero tatandaan mong hinding-hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa akin!" Pagkatapos sabihin iyon ay agad na bumalik si Ara sa sasakyan niya. Pagkapasok niya saka naman nag-unahan ang mga luha tumulo. Ang sakit-sakit ng natuklasan niya. Tila pinira-piraso ang puso niya sa sobrang sakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD