Kabanata 2

1241 Words
"Alam mo naman na shipment namin ngayon, hindi ba?" tugon niya. "Mas mahalaga pa ba ang anak mo kaysa sa trabaho mo?" galit na tugon ni Miggy. "Wala ng mas mahalaga pa sa akin bukod sa anak ko. Pero syempre, kailangan ko rin intindihin ang trabaho ko dahil sa ako ang may hawak ng warehouse ng kumpanya." Mahaba ang naging paliwanag ni Ara. Hindi niya maintindihan kung bakit nagkaganoon na si Miggy. Hindi naman siya nagkulang bilang partner at ina sa anak nila. "Bakit kasi tinanggap-tanggap mo pa ang posisyon na iyon? Ayan tuloy, hindi mo na naaasikaso si Luke." "Miggy, para naman sa atin iyon, eh! Hindi ka ba masaya na na-promote ako sa trabaho?" "Na-promote ka nga! Paano naman ang anak mo!?" "Bakit, ikaw? Hindi mo rin tanungin ang sarili mo kung nagagawa mo rin ba ang obligasyon mo! Puro ka sisi sa akin!" inis na tugon ni Ara. "Ah! Letse, huwag mo ibalik sa akin ang tanong!" pag-iiwas ni Miggy. "Mommy..." umiiyak na sigaw ni Luke. Pagkarinig ay agad na mabilis kumilos si Ara. Naglinis muna siya ng katawan at nagpalit ng damit bago pumasok sa kwarto. Kailangan niya mag-ingat dahil sa may mga cases pa rin ng covid sa lugar nila. "Yes, baby... Dito na si Mommy," malambing na wika niya sabay haplos ng noo ng anak. "M—Mommy, m—masakit po ang ulo ko..." umiiyak na medyo bulol na wika ni Luke. "Shhh, tahan na anak. Gagaling ka na. Dito na si Mommy, okay?" alo niya rito. "M-Mommy, h-huwag mo na ako iwan, ha?" "Yes, baby, basta magpagaling ka na, ha?" "Ate, kailangan natin talagang i-monitor si Luke. Mahirap na’t baka iba na iyan," nag-aalalang wika ni Lyka. "Iyon nga rin ang iniisip ko, eh. Kinakabahan ako dahil alam mo naman, delikado pa ang panahon ngayon." "Siya nga pala, luluwas ako ng manila para mag seminar. Dalawang araw ako doon," paalam sa kanya ni Miggy pagkapasok nito sa kwarto. Pagkarinig ng boses ni Miggy ay agad na lumabas ng kuwarto si Lyka. "Bakit sa Manila? Hindi ba, hindi pa naman okay ang panahon?" nagtatakang tanong niya. Marami pa rin kasi ang cases ng covid, bakit sa Manila gaganapin ang seminar? "Required iyon sa amin na mga officer sa agency na pinagtatrabahuan ko. Wala naman ako magagawa kung doon gaganapan ang seminar," tugon nito. "Ganun ba? Sige, mag-iingat ka na lang doon," wika niya sabay baling sa anak ang attention. Nakatulog na naman ito ulit habang hinahaplos niya ang ulo nito. "Huwag ka na muna pumasok sa trabaho mo para maalagaan mo ang anak mo," wika nito pagkatapos ay lumabas na ng kwarto. Agad naman napakunot noo si Ara. Naiinis rin siya kasi kung makapagsalita ito ay parang hindi nito anak si Luke. Gustong-gusto niya ito sagutin pero pinilit niya na manahimik na lang dahil baka magising ang anak. "Ate, kumain na kayo, nakapagluto na ako," tawag ng kapatid niya. Sa kanila ito nakatira mula noong kinuha niya ito sa probinsya. Pinagtulong tulungan nilang magkakapatid na pag-aaralin ito ng kolehiyo. Sakto naman na online class ito kaya may nag-aalaga sa anak niya. Kahit hindi na siya kumuha pa ng mag-aalaga sa anak. Malaki naman kasi ang bahay ni Miggy at may dalawang kwarto. "Susunod na ako," tugon niya. Bago lumabas ng kuwarto ay kinapa muna niya ang noo ng anak gamit ang palad para tingnan kung mainit pa rin ito. "Sana gumaling ka na, baby," bulong niya sabay halik sa noo nito. Pagkalabas ng kuwarto ay dumiretso na ng kitchen si Ara. Nadatnan niya na kumakain na ang kapatid. Agad siya naupo sa bakanteng upuan at nilagyan ng kanin at ulam ang plato. "Kumain na ba ang kuya mo?" tanong niya. "Inaya ko siya kumain pero sabi niya busog daw siya," tugon ng kapatid. "Ganun ba? Bahala siya sa buhay niya. Matanda na siya para alalahanin pa," wika niya sabay subo ng pagkain. "Bakit nag-away na naman ba kayo, Ate?" "May bago pa ba? Simula na-promote ako, madalas na ako bulyawan dahil hindi ko na raw maaalagaan si Luke." "Bakit kasi ayaw ka niyang tulungan? Hindi naman mahirap trabaho niya, ah?" "Kung makapagsalita pa nga parang hindi niya anak si Luke." "Bakit ba kasi nagkaganyan na si kuya, Ate?" nagtataka na tanong ni Lyka. Saksi rin siya sa pagbabago ng ugali ng kinakasama ng ate niya. "Ewan ko ba sa tao na 'yan. Hindi ko na siya maintindihan. Lagi na lang ako binubulyawan," napapailing na wika niya. "Baka naman ate ano–“ Hindi na naituloy ni Lyka ang sasabihin nang makita na papalapit sa kanila si Miggy. "Baka ano?" kunot ang noong tanong ni Ara. "Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ninyo, ah," wika ni Miggy sabay kuha ng tubig sa loob ng ref. "Wala, ate, nevermind." Hindi na itinuloy ni Lyka ang sasabihin. Natatakot siya na baka pag-initan at palayasin siya ni Miggy ‘pag nalaman na pinaghihinalaan niya ito. "Pinag-uusapan lang namin kung bakit bigla na lang nilagnat si Luke," ani Ara kay Miggy. Pagkatapos sabihin iyon ay bigla naman napaisip si Ara sa sinabi ng kapatid. Kahit siya ay nagtataka na rin kung bakit ganun na sa kanya ngayon si Miggy. Possible kaya na may ibang babae si Miggy? Dati naman, napaka-sweet ni Miggy at maasikaso sa kanya. Nagsimulang magbago ang ugali nito noong nanganak siya kay Luke. At kaya rin siya bumalik sa trabaho agad noon dahil hindi na siya binibigyan ng pera ni Miggy. Bilang na lang sa daliri kung mag-abot ito ng pera sa kanya. Kahit na kapapanganak pa nga lang niya noon ay madalas din siya sabihan ni Miggy ng walang silbi. At dahil may-ipon naman siya ay hindi na niya pinansin iyon. Inisip na lang niya na baka may pinag-iipunan si Miggy kaya hindi na ito madalas magbigay sa kanya ng panggastos. Pero mas lalong naging malala ang pagtrato sa kanya na Miggy. Madalas na siya nito bulyawan at hindi na rin ito magana pagdating sa kama. "Ate, ako na ang magliligpit nito, magpahinga ka na," wika ni Lyka. "Sige," wika niya sabay tayo para bumalik na sa kwarto at tingnan ang anak. Bago pumasok sa kwarto ay namataan ni Ara na may kausap si Miggy sa cellphone sa terrace. Napakunot ang noo niya nang makita na nakangiti ito habang nagsasalita. Dahil sa pagka-curious, dahan-dahan siyang lumapit sa pinto para marinig kung sino ang kausap nito. "Oo, mahal luluwas ako bukas para makita ka," wika ni Miggy sa kausap sa cellphone. Parang binuhusan naman ng malamig na tubig si Ara nang marinig ang sinabi ni Miggy. Nagpatuloy siya sa pakikinig sa pag-aakala na nagkamali lang siya ng dinig. "Sige na mahal, papatayin ko na muna ang tawag baka marinig ako nung isa. I LOVE YOU MAHAL," paalam ni Miggy. Napatakip ng bibig si Ara sa narinig. Hindi nga siya nagkakamali, may ibang babae si Migggy. Kahit na nanginginig ang katawan ay dali-daling lumayo ng pinto si Ara at mabilis na pumasok ng kuwarto. Para namang may nagtatakbuhang daga sa dibdib niya dahil sa lakas ng kabog. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Hindi siya makapaniwala na nakaya siyang lukuhin ni Miggy. Para siyang pinagsakluban ng langit sa nalaman. Minabuti rin niya na hindi muna ito kumprontahin. Gusto niya malaman kung sino ang tinatawag nitong mahal. May bigla naisip si Ara. Kailangan niyang sundan si Miggy kung sino ang kakatagpuin nito bukas. Sa tingin niya ay dahilan lang nito ang seminar sa Manila. Dahil ang totoo, makikipagkita ito sa babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD