PROLOGUE
"BUWISET na Buhay to!" Naiiritang sinipa ni Audrey ang sidewalk habang tinitignan ang papalayong ilaw ng kotseng binabaan niya. pinipigil Kong umiyak pero ayaw tumigil sa pagpatak ng mga luha ko. Lalo akong naiirita dahil hindi naman karapat-dapat iyakan Ang nangyari. kaya nga lang ayaw tumigil Ng tear ducts ko.
Nahuli ko kasi Ang boyfriend ko na si Alex na may kasamang magandang babae sa mall. Nang komprontahin ko ito ay sinabi nitong mag-break na kami dahil boring daw ako at pinagkatuwaan lang lang nila ako nang mga barkada nito. hindi raw ako nito mamahalin kahit kailan dahil hindi ako maganda at walang magseseryoso sa akin. Hindi ko inaasahan iyon kaya nakatigalgal lang ako rito habang itinitulak ako palabas Ng kotse nito. Ni hindi man lang ito nag-abalang ihatid ako sa dormitory ko.
I'll squatted on the sidewalk. Hindi ko na pinansin ang ilang mga taong dumadaan at pinagtitinginan ako. Naisip Kong tawagan ang matalik Kong kaibigan na si Sandy. kaya lang ay alam kona kung ano ang sasabihin nito sa akin.
sasabihin nito na binalaan na akong huwag sagutin si Alex noong manligaw ito pero hindi ako nakinig. hayun tuloy, iiyak-iyak ako ngayon.
"Ano na'ng gagawin ko?" hindi ko naisip na darating Ang panahon na iiwan ako ni Alex. ito ang kauna-unahan Kong naging boyfriend. naniwala ako na magtatagal kami.
Aminado ako na noong manligaw ito sa akin ay hindi ako makapaniwala. May crush na ako rito noong unang araw ko palang sa eskuwelahan. Hindi ko akalain na mapapansin ako nito. I was just a nerdy third year student. pagsusulat at field reporting ang laging inaatupag ko kaysa sa pag-aayos ng sarili. Samantalang ito ay crush ng bayan.
Pero naniwala ako nang sabihin nito sa akin na kakaiba ako sa lahat. na maganda ako kung ano ako. paano ko malalaman na ang lahat ng sinabi nito ay pulos kasinungalingan lang pala.
Hindi kona alam kung Ilan minuto akong nakatalungko sa sidewalk at umiyak. ibinuhos ko Ang lahat Ng hinanakit at sama ng loob. I'll hope that it would ease the pain in my heart.
Ang ganda-ganda pa naman ng gabi dahil maraming bituin sa langit. kung sa ibang pagkakataon ay nanamnamin ko na Ang kagandahan niyon. but not this time.
"Miss, bakit ka umiiyak dito? Nakaharang ka sa daanan."
Nag-angat ako Ng tingin mula sa pagkaka-talungko habang yakap ang mga tuhod ko para tignan kung saan nanggaling ang tinig. May bisikleta sa harap ko. Nakasakay doon Ang isang lalaki na may sukbit na guitar case sa likod nito. naka cap ito at natatakpan ang kalahati ng mukha nito.
Tama ito dahil hindi makadaan ang bisikleta nito sa maliit na espasyo sa kalsada. Gabi na kasi kaya marami nang sasakyang dumaraan sa lugar na ito. Suminghot muna ako at bahagya akong umisod sa gilid ng daan. pagkatapos ay yumuko ulit ako at itinuloy ang pag-iyak.
Nagulat ako nang makita ang isang panyo na iniaabot nito sa akin. Napatingin uli ako sa lalaking nakasakay sa bisikleta. Hindi parin pala ito umaalis sa harap ko.
"Miss, punasan mo yang luha mo. Hindi mo ba alam na pinagtitinginan kana ng mga taong dumadaan?"
"Wala akong pakialam." mahinang sabi ko. Bakit pa ba ko pa iintindihin Ang mga iyon samantalang nadudurog na Ang puso ko.
Nagpumilit ang lalaki na ibigay sa akin ang panyo. Naiinis na ako rito dahil hindi pa ito umaalis sa harap ko.
"Ano ba talaga Ang gusto mo?" paasik na tanong ko Dito.
Nagkibit-balikat ito.
"Nakita kita nang bumaba ka Ng kotse kanina. natanaw kita mula doon." hinayon nito Ng mga mata ang inginuso nito. isa iyong maliit na club. siguro ay working student ito.
"Hindi kita maiwan nang makita kitang umiiyak. Nakokonsiyensa ako."
"I'm ugly and stupid. kaya ipinagpalit ako ng boyfriend ko sa maganda. that's the reason why I'm crying." mapait na sabi ko.
"Hindi ka pangit. You're beautiful. you must have been John Lennon's inspiration when he wrote some of those Beatles songs." sabi nito.
Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng lahat ay natawa ako. para kasi akong nakarinig ng pickup line sa sinabi nito. aaminin ko na ngayon palang ako nakarinig ng pickup line na iyon. kahit paano ay gumaan Ang kalooban ko.
kinuha ko Ang panyo na iniaabot nito sa akin at pinunasan ang mga luha ko. hindi ko gaanong Makita ang hitsura nito dahil bukod sa madilim na ang parte na ito Ng daanan ay halos nakatakip pa sa mukha nito ang bull cap. at saka nanlalabo narin ang paningin ko dahil sa kakaiyak.
Hindi na ito nagsalita. kapagkuwan ay may kinuha uli ito sa bulsa ng pantalon nito. Natawa ako nang abutan ako nito ng lollipop. ito ang unang pagkakataon na binigyan ako ng isang lalaki ng candy.
Pero hindi ko tinanggap.
"May endorphins ang sugar. Nakakawala iyon ng stress. it will calm you for a while. kumakain ako nito kapag nai-stress ako. effective to." paliwanag nito.
I'll tentatively reached out for the lollipop he offered to me. Binuksan ko ito at isinubo. kahit paano ay gumaan nga ang pakiramdam ko nang malasahan Ang tamis nito. Nang tingnan ko ito at nakatingin lang ito sa akin. nginitian ko ito.
Kumurap-kurap ito saka tumikhim.
"Mas maganda ka kapag nakangiti ka. huwag ka nang umiyak. whoever that bastard is who messed up your life he's definitely not worth it to you."
kahit paano ay na-touch ako sa sinabi nito. pinunasan ko uli ang aking mga luha.
mukha may gusto itong sabihin sa akin pero mukhang nag-aalinlangan ito. kapagkuwan ay nagsalita na ito.
"Dito ka lang. Huwag kang aalis. kukunin kopa sayo ang panyo ko." mariing bilin nito. pagkatapos ay nagpedal na ito palayo.Naiwan akong nakatingin sa likod nito na unti-unting nawawala sa kadiliman ng gabi.
Tiningnan ko Ang panyong hawak ko. kahit paano ay napangiti ako. Sa kabila ng lahat ay may maganda parin' pa lang maganda sa akin.