bc

Prologue 1.1: Aantayin Kitang Muli

book_age12+
2
FOLLOW
1K
READ
independent
bxb
mystery
loser
campus
another world
secrets
civilian
like
intro-logo
Blurb

"And your not invisible

Hear me out, there's so much more to life than what you're feeling now

And someday you'll look back on all these days

And all this pain is gonna be invisible

It'll be invisible" napabuntong hininga nalang ako matapos kong masabi ang pinaka huling lyrics ng kanta kasabay ang sunod sunod na sigawan ng mga tao at palakpakan and u smiled to them to show my appreciation and i vow

"Thankyou SMHU for having me here for 3 consecutive years" masaya kong sabi sa kanila na patuloy padin sa pagsigaw

"Well well well, umpisa pa lang ang nakita nyong pasabog, marami pang banda and our university singers that will perform this night are you all ready SMHU Students?" sigaw ng host na babae kaya bumaba na din agad ako sa stage at inalalayan ako ni Michael at Shela mga kaibigan ko sa college at parehas din kami ng program

"As always sobrang galing" bati saakin ni shela na ikinangiti ko at pumasok muna kami sa dressing room para magpahinga at hintayin na ibigay yung bayad saakin ng school. Mabuti nalang talaga at may mga ganitong event ngayon kung hindi ay hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera para sa mga gastuhin sa bahay

"Grabe nakakapagod, ilang kanta din yun nilubos ako masyado ng school" natatawa kong sabi ng makapasok ako sa dressing room na ibinigay saakin this day atsaka ako umupo sa sofa

"Michael tulungan mo nga akong tanggalin tong sapatos ko sige na di ko na kayang mag bend" pakiusap ko sa kanya na ikinatawa nya lang saakin pero tinanggal nya padin naman

"Malapit na finals natin ah? anong balak mo sa bakasyon sis?"

"Hindi ko pa alam, di ko pa nga bayad yung finals eh baka hindi ako makapag exam tapos sumabay pa yung project sa RPH baka nga mag especial project nalang ako pag kinapos di talaga kaya ng budget ko sumama sa field trip ngayong taon" dismayado kong sabi dahil kulang din yung kinikita ni papa sa pagtatricycle nya sa mahal ng mga gamot ni mama at bunso

"Huh? anong finals? di pa ba nasabi sayo nitong si michael? binayaran ng gago yung finals mo last week" nanlaki nalang ang mata ko sa sinabi nya kaya agad akong napatingin kay michael na nilalagyan na ng powder yung paa ko

"Totoo ba?" gulat kong tanong na ikinakamot nya sa ulo nya

"Eh kasi nakita ko nakaran wallet mo eh, bente pesos nalang laman sayang naman kung di ka makakagraduate" sabi nya pero hindi sya tumitingin sa mukha ko na parang nahihiya kaya agad ko syang hinila at mabilis na niyakap

"Tang ina mo talaga sabi ko sayo wag mong bayaraj pero thankyou, pagbnakaraket ulit ako ng labada sa mga kapitbahay ko ibabayad ko agad sayo" sya na din kasi yung nagbayad ng midterm ko kaya hindi ko talaga alam ang mukhang ihaharap ko sa kanya ngayon peri babayaran ko naman hindi ko nga lang alam kung kailan dahil sobrang gipit ko ngayon

"No worries, dont think to much about the payment okay? mababayaran at mababayaran mo naman yan sa future" sabi nya saakin na ikinangiti ko

"So may pang bayad ka na for Field trip? kaya na ba ng pera mo?" tanong nya saakin na ikinatawa ko dahil sobrang pursigido nya talagang isama ako sa fieldtrip

"Dont worry about the food, ako ng bahala sa lahat lahat as in, basta bayaran mo lang yung Transpo wag ka ng mag alala sa snacks mo at sa iba it's all in me na" sagot naman ni Shela na ikinatango ko, pinag deal kasi namin yun, ako kasi gumawa ng research nya kaya sabi ko sagutin nya nalang lahat ng kakainin ko sa fieldtrip if ever na makakasama ako buti nalang talaga at mayayaman tong mga kaibigan ko but i still need to pay michael dahil masyadong malaki na yung binabayaran nya saakin

Napatingin nalang kami sa pintuan ng biglang bumukas yun at duon pumasok yung organizer na ikinatayo ko

"Job well done Mr. Vidal, next time ulit ah sa foundation day kunin ka naming performer ng school" sabi nya saakin atsaka nya inabot yung sobre na naglalaman ng pera na ikinangiti ko

"Yes po anytime" masaya kong sabi sa kanya na ikinatango ko

"Kung ganun you may go home na para makapag pahinga ka na din at kaninang madaling araw ka pa dito anong oras na" sabi nya saakin na ikinatango ko nalang atsaka sya lumabas

"Kayo ba? anong oras kayo uuwi?" tanong ko sa kanila atsaka sila nagkatinginan

"Mamaya pa kami tapusin namin tong show tsaka maaga pa naman" sabi nya na ikinatingin ko sa orasan

pasado 9 na pala ng gabi

"O sige mag iingat kayo ah, nako Michael wag mong vitsenin yang si Shela ikaw din kawawa alam mo naman gaano ka wild yan" natatawa kong sabi but shela just raised his middle finger on me atsaka na ako nag ayos ng gamit ko para makauwi na din.

hinubad ko na din yung jeans ko at nagsuot nalang ng simpleng short para makagalaw ako ng maayos atsaka na ako nagpaalam sa kanila.

"Kuya sa Mercury po" sabi ko pagkapara ko sa tricycle driver na ikinatango nya kaya agad na akong pumasok sa loob. Mabuti nalang talaga kahit papaano ay nakaka sideline sideline ako atleast hindi ko kailangang mag full time work sa canteen sa school.

chap-preview
Free preview
Prolugue 1.2: Aantayin Kitang Muli
Pagkarating ko sa mercury d**g ay binigay ko agad yung 28 na bayad ko sa tricycle atsaka na ako pumasok sa loob ng botika at bumili ng gamot napabuntong hininga nalang ako matapos makita kung ilan nalang ang natirang pera saakin, halos sapat lang para pang grocery at pang bayad sa Fieldtrip namin next day Matapos kong mabili ang lahat ng kailangan ko ay agad din akong umuwi at mabilis akong sinalubong ni mama na ikinataw ako dahil naka sando lang syang sira sira na habang nagwawalis sa tabi ng bahay namin "Ano ba yang suot mo ma masyado ka namang kinawawa" sabi ko sa kanya habang binibigay ko sa kanya yung mga gamot nya "ano ka ba hayaan mo na ang mama alam mo naman na mas presko to lalo na ngayong pa summer na" sabi nya saakin na ikinailing ko nalang at sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay "Si tatay nay? wala pa?" "Kaaalis kang din hindi ba kayo nagkasalubong sa tricyclean? mag oovertime sya" sagot nya na ikinatango ko nalang at pinabayaan ko nalang na sya na ang magligpit ng mga pinamili ko dahil hindi na kaya ng katawan ko at parang hinihila na ako sa kama "Pasensya na ma, gusto ko na talagang matulog" sabi ko sa kanya bago ko isara ang pinto ng kwarto ko at ibagsak ang sarili ko sa kama inilagay ko nalang sa cabinet yung natirang pera ko at tamad kong inabot yung electric fan para makapag pahinga na din "You did well today Celeste better days are coming" kung hindi lang talaga nagkasakit si mama at bunso sana ay hindi ko na kailangang magpaka pagod ng ganito at hatiin ang katawan ko makapag aral lang at makapag trabaho binalak ko na ding mag drop kaya lang hindi pumayag si nanay at tatay dahil sayang naman daw at isang taon nakang ang hinihintay namin para maka graduate Galing kasi silang dalawa sa pamilya ng mga magsasaka kaya medyo hirap din kami, nabaon sa utang ang pamilya nilang parehas kaya hindi sila nakaabot ng high school at elementary lang ang parehas na natapos kaya pursigido silang dalawa na pag tapusin kami ni bunso kaya si tatay halos hindi na umuwi makapag provide lang ng mga pangangailangan namin mabuti nalang talaga at masipag si tatay kaya kahit gaano kahirap ang buhay namin ay kinakaya pa namin maswerte nalang din kami at kahit papaano ay nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw unti unti ko ng ipinikit ang mga mata ko hangang ss maramdaman ko ang pagbigat ng mga talukap ko ang everything went dark "Celeste" napakunot nalang ang noo ko matapos akong makarinig ng tumatawag sa pangalan ko, madilim ang paligid, nasa isa akong napakalaking bahay at hindi ko alam kung anong ginagawa ko dito "Hihintayin ko ang muli nating pagkikita mahal ko" unti unti akong nakakita ng anino sa dilim hanggang sa makita ko ang isang lalaki na ikinalaki ng mata ko nakangiti sya saakin ngunit ang baring nyang suot suot ay punong puno ng dugo "Mahal na mahal kita kahit nagawa mo to" "S-sino ka?" di makapaniwala kong tanong, gusto ko syang lapitan pero hindi ko magawa at hindi ko din alam kung bakit, hirap na hirap akong humakbang na para bang napaka bigat ng mga paa ko at hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko "H-hihintayin padin kita mahal ko" "Teka, teka kuya anong gagawin mo?" kinakabahan kong sabi dahil naglabas sya ng isang baril at agad nyang itinutok sa ulo nya, gustong gusto ko syang abutin ngunit hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko hanggang sa bigla syang ngumiti na ikinataas ng mga balahibo ko bang! "Kuya kuya kuya!" unti unti kong iminulat ang mga mata ko matapos akong makaramdam ng may humahalik sa pisnge ko na na ikinahabol ko ng hininga kaya agad akong napatayo "Kuya ayos ka lang ba? pinagpapawisan ka?" tanong nya saakin habang habol hininga padin ako. It's all a dream thanks god it's just a dream "Gising na, may pasok ka pa diba? nagluto si mama ng hotcake para saatin sabay ba tayong kain" masaya nyang sabi na ikinangiti ko nalang atsaka ko sya hinalikan sa noo. its just a dream it should not bother you Celeste And i dont even know the man in my dream unti unti nalang akong napapikit atsaka ako bumuntong hininga para mawala ang mabibigat na presensya na naramdaman ko sa panaginip ko dahil apektadong apektado ako ng mga ngiti nya napatingin nalang ako sa kapatid ko ng bigla nyang hawakan ang kamay ko na mukhang nagaalala na ikinangiti ko He is always like that, my alarm clock maaga kasi sya laging nagigising at maaga din syang natutulog "Malapit na birthday mo kuya diba? may regalo ako sayo" sabi nya saakin na ikinangiti ko kaya bumangon nalang ako at hinawakan sya habang pababa kami ng hagdan, inaalalayan ko sya dahil medyo marupok na tong bahay namin ay panahon pa daw to ng mga espanyol, nabili to ng Lola nila lola hanggang sa napamana na kay tatay at hanggang ngayon buhay pa, medyo napabayaan nga lang dahil wala kaming pera pang pa renovate "Talaga? ang sweet naman ng baby namin" sabi ko sa kanya pero nginitian nya lang ako Nang makababa kami ay agad kaming sinalubong ni Nanay habang si tatay naman ay paalis na din "Oh gising ka na pala anak, ito naka sideline si tatay kagabi pang bayad mo dun sa project nyo" napaawang nalang ang labi ko ng mag abot sya saakin ng isang libo na ikinatingin ko kay mama na nakangiti saakin "Salamat nak ah, sa pag salo mo ng mga tungkulin ko, wag kang mag alala pag maayos na ako babawi ako sa inyong magkapatid" sabi ni mama saakin na ikinatawa ko kaya agad kong hinawakan ang kamay nila ni papa at inabot yun sa kanila "Ma, pa, ano ba naman kayo syempre anak nyo ko no, tsaka ito? pandagdag nalang natin to sa mga gastusin dito sa bahay may natabi pa naman ako para saakin" sabi ko sa kanila peri inabot lang ulit nila saakin yung pera "Hindi anak, ngayon sayo muna yan, okay?" pagpupumilit nya na ikinangiti ko nalang at wala na akong nagawa kundi ang tanggapin ang gusto nilang dalawa atsaka ako nagpasalamat Binilisan ko nalang ang pagkain ko dahil medyo napatagal ang tulog ko kaya medyo late na ako ng 30 minutes at may mga kailangan pa akong gawin, kailangan ko pang kumuha ng waiver sa SSC Office para sa field trip bukas at mag gagayak pa ako, alam ko kasi ngayon ang orientation para sa mga sasama sa mga historical places dito sa manila "Oy magbabayad ka na? sabay na tayo?" napatingin nalang ako kay Shela ng bigla nya akong kalabitin ng makapasok ako sa gate "Si Michael?" "Hindi papasok ngayon, susunduin daw nila sa airport yung lola nyang galing thailand" sagot nya naman saakin habang kumakain pa ng chichirya "eh pano yung pambayad nya?" balak kasi namin magkakasama kaming tatlo bukas ng bus kahit na ibang class si Michael "asa akin na isasabay ko nalang tapos baka daanan ko nalang sa kanila para ibigay yung ticket nya, ikaw sama ka?" "Baka di na kasi mag aayos pa ako sa bahay eh, pero yung pagkain ko bukas ah, nangako ka" sabi ko na ikinatawa nya lang saakin. Ganyan naman yan kaya sana na pero never yang hindi tinupad yung pangako nya Agad na kaming pumunta sa SSC Office para makapag bayad na at yung treasurer lang yung andun "Magbabayad po parabsa RPH Field trip" sabi ko sa kanya at sinenyasan nya naman kaming pumasok kaya kinuha ko na yung bayad ko dahil nasa pinaka ilalim pa yun ng bag ko mahirap ng manakawan wala na akong pamalit dito "Ano pong year tsaka program?" "Parehas po kaming BSBA Major in Marketing Management tapos yung isa po BSA- Accountancy" sagot naman ni Shela at inabot na namin yung mga bayad namin at kinuha na namin yung ticket namin para makapasok na din kami sa kanya kanyang classroom namin Umupo nalang ako sa upuan ko dahil kailangan ko ding mag review, masyado ng pre occupied ang utak ko nitong mga nakaraang araw kaya kailangan kong mag review dahil finals na namin baka hindi pa ako makapasa kung kailan last year ko na "Guys sabi ni Maam pwede na daw tayong umuwi ngayong araw, mag asikaso nalang daw tayo for Field tomorrow pero yung mga hindi kasama maiwan daw po saglit para sa special project na gagawin ko next week kay maam Zabala" sabi ng president namin na ikinatingin ko sa orasan ko "Uuwi agad? ang bilis naman kauupo ko lang sana sinabi nalang kahapon" inis kong sabi dahil parang pumunta lang ako dito para sa wala sayang pamasahe 28 din yun "Hayaan mo na wala ka din naman sigurong gagawin sa inyo tsaka dzai lagi ka nakang babad sa mga negativity ano ba mag ayos ayos ka naman no maglasing ka mag shabu" sabi nya na ikinatawa ko kaya inis ko syang hinamlas "Sige mauna na ako, kailangan ko pang mag ayos para bukas andami ko pang di natatapos na mga project din" hay nako parang tuwing finals wala akong karapatang mag pahinga, akala ko nung una madali lang ang marketing kaya itong course ang kinuha ko malay ko bang napaka hirap pala nitong hayop na to kaya iilan lang ang kumukuha **************** "O ingat, bat ba kasi andami mong dala dala" natatawa kong sabi kay Michael dahil anlaki laki ng bag na dala dala nya "Gago kay Shela to pinadala lang sakin pagkain nyo daw" busangot nyang sabi na ikinailing ko nalang bakit kasi hindi nalang sila mag aminan na may gusto sila sa isa't isa "Oh, buti nakasama ka? akala ko kailangan mo pang magkuskos ng sahig makasama lang" sabi ni Roxanne yung anak ni Maam Zabala na feeling entitled "Ah talaga ba Roxanne? f**k you!" inis naman na sabi ni Shela kaya bago pa man sila mag sabunutan ay agad ko na syang hinila papasok sa loob ng bus "Alam mo naman na may sayad yun eh wag nalang nating patulan" sabi ko sa kanya habang hinihila ko sya papasok sa loob ng bus "Kaya nga, alam mo namang kulang sa pagmamahal yung babaeng yun" sagot naman ni michael na hirap na hirap pumasok dahil sa bitbit nya sa pinaka dulo kami pumwestong tatlo at nasa gitna namin si michael, parehas kasi kaming mahihiluhin ni Shela kaya pag umaalis kami sya yung umaalalay saaming dalawa "Sa susunod kasi mag bonamin kayo" inis nyang Sabi habang hawak hawak kaming dalawa, sinubsob ko yung sarili ko sa polo ni michael para hindi ko maamoy yung aircon habang si Shela naman ay pinipilit na matulog "Mahal..." "Mahal..." "Hihintayin kita..." "Hihintayin kong magtagpo muli ang ating araw at buwan" Napabalikwas nalang ako ng biglang magsalita yung teacher namin kaya napahawak ako sa noo ko dahil sa pagkabigla nakatulog pala ako "Okay guys, ito first destination natin ah sa intramuros, ngayon we will give you 5 hours to explore the entire place bago tayo pumunta sa ibang destination okay? to give you information ang intramuros ay isang makasaysayang napapaderang lungsod at pinaka matandang distrito ng maynila. It was buuld in 1521 and strategically chosen between manila bay and pasig river and to be Spaniards political and military base in asia" sabi ng prof namin na ikinatango nalang ng lahat masyado na ata akong napapagod at nag iisip ng kung ano ano kaya kung ano ano nalang ang napapanaginipan at naririnig ko, nakaraang gabi din nanaginip ako ng kung ano na hindi ko naman maipaliwanag "Okay class, ulitin ko, this is a historical place, be responsible with your actions and be disciplined okay, 5pm na at pagabi na please lang don't be a child, are we clear Roxanne?" sabi nito at saka tumingin jay Roxanne "Teka bakit ako?" "Bakit nga ba sa tingin mo?" sagot naman ng prof but she just rolled her eyes at saka pumalakpak yung prof namin sign na kailangan na naming bumaba "Dadala ba tayo pagkain?" tanong ko sa kanila na ikinatango ni Shanel Naglagay sya ng mga junk foids, apat na bote ng stick O, dalawang Malaking juice atsaka apat na cup noodles mag hahanap nalang daw kami ng mapag iinitang tubig mamaya kaya lumabas na agad kami "Grabe ang ganda pala dito" sabi agad ni Shela dahil nasa harap kami ngayon ng arko ng intramuros, malaki ang arko, alam mong luma na pero halatang naalagaan padin ng mabuti "First time mo bang makapunta dito?" tanong sa kanya ni michael na ikinatango nya "Sabagay hindi ka nga pala mahilig sa mga ganito, ay ganito nalang sa bakasyon punta tayo sa las casas ako ng bahala sa pamasahe nating tatlo basta kkb sa pagkain" sabi nito na ikinangiti ko "Sige ba basta pagkain lang sagot namin ah" natatawa kong sabi na ikinatango nya "Go lang ako sana lang hindi boring" sagot naman ni Shela na ikinatawa ko nalang, ayaw na ayaw nya talaga sa mga makalumang bagay unlike me na medyo gusto ang mga ganito dahil parang ang interesting pag aralan lalo na kung papaano sila nabuhay dati "Tara na" sabi ko atsaka na kami pumasok sa loob ng intramuros. Napangiti nalang ako matapos kong makita ang napaka laking lugar, para syang isang buong pabilog tapos lahat ng makikita mo ay parang napaglipasan na ng panahon maliban sa mga store like Mcdonalds and 7/11 na nasa loob nito "Picture muna tayo" sabi ko sa kanila kaya inilabas na ni Michael yung DSLR nya atsaka kami nag picture na tatlo "Send mo sakin ah, need ko yan sa project natin lagay ko sa intro" sabi ko na ikinatawa nya "Ano ka ba, mag enjoy ka nga muna masyado kang studious tatalunin mo na sk Miriam Defensor nyan eh" sabi nya atsaka silang nagtawanan kaya pinanliitan ko sila ng mata "Saan tayo?" -Shela "Dun muna tayo sa mga may kulungan, gusto ko makita yun tsaka may mga details din daw dun" "Kulungan?" tanong ni michael pero imbis na sagutin ay hinila ko nalang silang dalawa. medyo mainit na kaya nagbukas nadin kami ng payong mabuti nalang talaga at may mga puno kaming nasisilungan kahit papaano "Wow, kulungan to dati?" tanong nila saakin na ikinatango ko, isang malaking pabilog kasi to tsaka may mga rehas na gawa sa bakal "Nakakakilabot dito shuta" sabi naman ni Shela na ikinatdalawa "Meron pa dito, yung parang execution part ata dun kinukulong yung mga tao bago sila bitayin or i garotte" sabi ko sa kanila na ikinatango nila kaya agad kaming pumunta sa mga kulungan nayon "Grabe ang lungkot naman ng presence dito" sabi ko sa kanila habang hinahawakan ko ang mga rehas. Madilim ang lugar at napakalamig sa loob na para bang may napakasasamang nangyari dito "Ang lamig naman dito, nakakakilabot" sabi naman ni Michael kaya binuksan ko yung gate dahil hindi naman naka lock "Teka anong gagawin mo?" tanong nila saakin pero hindi ko na sila pinansin at pumasok na ako sa loob ang lamig ng sahig at ng hangin dito, isa lang ang bintana at nasa pinaka taas pa at may harang din "Hoy lumabas ka na jan" sigaw ni michael saakin kaya mas pumasok pa ako hanggang sa makita ko ang dalawang kadena na may posas sa dulo dito ata tinatali yung mga kamay para hindi makalabas May mga bakas to ng dugo at kinakalawang na, halata mong matagal na talaga at hindi na nagagamit "I wonder how people are being tortured here" iniisip ko pa lang kung gaano kahirap parang ako na ang nahihirapan at parang ang bigat bigat sa sarili The times that human rights don't exist to indios "Bakla tara na talaga naiihi na ako gusto ko ng umihi" sabi bigla ni shela na ikinalingon ko sa kanya "Sige samahan mo muna sya michael, puntahan nyo nalang ako dun sa under ground tunnel dun tayo magpahinga" sabi ko sa kanila dahil gusto ko pang maglakad lakad dito "Sigurado ka? baka naman maligaw ka?" tanong nya saakin na ikinailing ko "oo malapit na yun dito sunod nalang kayo maghahanap din ako ng iba pang first hand information" sabi ko na ikinatango nila atsaka na sila umalis kaya umupo nalang muna ako sa sahig "Mahal..." napalingon nalang ako ng tila may narinig ako na kung ano kaya agad akong napalingon "Sino yan?" it's the same sound and voice that i heard on my dream last night at kanina sa bus ng makatulog ako "f**k!" napasigaw nalang ako ng biglang kalampagin ng janitor yung bakal na ikinagulat ko "Bawal pong pumasok jan" sabi nya saakin kaya kinuha ko na agad yung bag ko atsaka lumabas "Sorry po, nakabukas kasi kaya pumasok na ako" sabi nya saakin pero tinignan nya lang ako mula ulo hanggang paa "Alam mo kilala kita" napakunot nalang ang noo ko sa sinabi nya habang nakatingin sya saakin "K-kilala nyo po ako?" "Oo, teka, sandali lang ah, may ibibigay ako sayo alam ko sayo to eh" sabi nya atsaka sya pumasok sa loob ng kulungan na ikinataka ko dahil first time ko lang syang makita at ngayon lang din ako nakapunta dito sa intramuros "Ito diba sayo to" napaawang nalang ang labi ko ng abutan nya ako ng isang hair clip na ginto at may rosas sa dulo nito "Nagkakamali po ata kayo hindi po sakin yan" kinakabahan kong sabi pero ngumiti lang sya saakin na mas ikinakilabot ko at inilagay nya sa ulo ko yung hair clip kaya agad akong tumakbo papalayo sa kanya "Bakit mo sya pinabayaan? sabi mo hindi mo sya iiwan, dahil sayo namatay ang ginoo ng san Diego!" sigaw nya saakin hanggang sa unti unti na akong makalayo sa kanya kaya napahawak nalang ako sa punong nasa tabi ko habang hinahabol ang hininga "Putang ina ano yun?" "Kasalanan mo to!" napasigaw nalang ako ng bigla ko syang makita sa harap ko at agad nya akong tinulak sa puno at pilit na sinasakal na halos ikaputol na ng hininga ko ilang beses ko syang nilalabanan ngunit hirap na hirap ako at hindi na ako makahinga "Napakabait nyang ginoo, dahil sayo pinahirapan sya ng mga espanyol, dahil sayo dinanas nya ang sakit na dapat hindi nya dinadana pero anong ginawa mo! wala kang ginawa hanggang sa mamatay sya!" agad kong kinuha yung alcohol spray ko sa bag ko at agad ko syang inisprayhan sa mukha na ikina bitaw nya saakin kaya napaubo nalang ako sa sobrang sakit ng leeg ko at mabilis akong tumakbo papunta sa isang madilim na tunnel hindi ko alam kung saan to papunta pero ng makita kong balak nanaman nya akong habulin ay hindi na ako nag aksaya ng oras at mabilis na akong pumasok sa loob kahit hindi ko na alam kung saan ang labas nito agad kong inopen ang phone ko dahil wala talaga akong makita. Isang deretsong tunnel lang to, walang amoy kundi malamig na hangin. Mas binilisan ko pa ang paglalakad dahil baka maabutan ako nung matandang janitor napatingin nalang ako sa phone ko ng biglang mag ring yun at duon ko nakita ang pangalan ni Michael kaya agad kong sinagot "Hello asan ka na? andito na kami" "Hindi ko din alam, may humahabol kasi saaking janitor kanina kaya napatakbo ako" sabi ko sa kanya "A-asan ka b-ba ng-ngy....." napatingin nalang ako sa phone ko ng unti unti na syang mag choppy hanggang sa maputol na ang call "s**t! nawalan pa ng signal" inis kong sabi hanggang sa makakita na ako ng liwanag sa pinaka dulo na ikinangiti ko tumingin muna ako sa likod ko dahil baka nasundan ako kaya mabilis na akong tumakbo hanggang sa napapikit nalang akk dahil sa sobrang liwanag ng paligid "s**t!" Unti unti kong iminulat ang mga mata ko matapos akong makarinig ng mga taong nag uusap na ikinaawang ng kilay ko "Asan ako?" tumingin ako sa buong paligid kung asan ako ngayon ay hindi makapaniwala sa nangyayari lahat ay parang makaluma, ang mga babae ay nakasuot ng saya at parang ang lahat ay sobrang busy sa nangyayari "a-asan ako?" tanong ko sa sarili ko, nag bebenta ang iba habang ang iba naman ay nag titingin tingin lang "Celeste anjan ka lang pala dyos mio marimar kanina pa kita hinahanap mapapagalitan nanaman tayo ni Heneral Alejandro alam mo naman na mamaya na ang pista!" nanlaki nalang ang mata ko ng biglang may matandang babae ang humawak sa kamay ko "T-teka po, teka po di kita kilala" gulat kong tanong na ikinakunot ng noo nya "Ano nanaman ba to Celeste? nagmamadali na tayo madami pa akong lulutuin aa bahay" sabi nya saakin na ikinalunok ko at medyo nakakaagaw na kami ng pansin sa mga tao "N-nagkakamali lang po ata kayo, babalik na po ako baka hinahanap na ako ng mga kaibigan ko" sabi ko sa kanya at ng pagtalikod ko ay nanlaki nalang ang mata ko ng wala na akong makitang tunnel kundi isang malawak na dagat na ikinalaki ng mata ko "Tang ina asan yung tunnel!" kinakabahan kong sabi dahil wala na akong ibang makita na sobrang ikinakaba ko "Celeste tara na o isus-" nagulat nalang ako ng biglang sunod sunod ang narinig kong pag putok kaya agad akong napayuko sa takot nagulat nalang ako ng biglang may apat na parang sundalo ang lumapit saakin at mabilis nila akong tinakpan na parang pinoprotektahan nila ako "Kailanan na po nating umalis, umaatake ang mga tulisan" "Anong tulisan? hindi ba nahuli na ang pangat ng mga tulisan nila heneral alejandro?" teka? anong tulisan? anong heneral Alejandro? anong nangyayari kinakabahan ako "Hindi po lahat, may grupo padin na nakatakas mula sa pag huli namin sa mga tulisan na nagtatago sa mga bundok" "Tara na po, kailangan na nating bumalik" sabi ng isa na ikinakaba ko atsaka nila ako hinila papasok sa loob ng kalesa "A-anong nangyayari?" kinakabahan kong tanong. Ibang iba ang paligid, wala kong nakikitang mga building kundi mga palayan, mga makalumang bahay at mga sundalong nakasuot ng pang makalumang panahon "Ayos ka lang ba Celeste? Hindi ka naman nasaktan?" sunod sunod na tanong sakin nitong matandang babae na nasa tabi ko "A-ayos lang po ako, asan ba ako?" tanong ko sa kanya na ikinakunot ng noo nya "Naaa pamilihan tayo kanina para mamili ng mga pang handa sa pista ng mga ilaw ano ka ba?may sakit ka ba? masama pa din ba ang pakiramdam mo?" tanong nya saakin habang hinihipo ang noo at leeg ko "N-nananaginip lang ako diba? asan ba ako? teka" agad kong kinuha yung cellphone ko sa bag ko na ikinalaki ng mata nya "Ano yan Celeste?" kinakabahan nyang tanong pero hindi ko na sya pinansin at agad kong idinial ang phone number ni Michael napapikit nalang ako matapos kong makita na walang cignan dito Punyeta, anong nangyayari samin "Ayos lang po ba ang ginoo?" rinig kong tanong nung parang sundalo kanina na nasa harap namin "Ayos lang, nabigla lang ata dahil hindi pa masyadong nakakabawi ang katawan nya dahil sa kombulsyon nakaraan" sabi saakin nitong babaeng nasa tabi ko anong kombulsyon? shutang ina ang naaalala ko nasa Intramuros lang ako kanina kasama sila michael anong ginagawa ko dito bakit parang bumalik ako sa makalumang panahon pati mga damit nila mga makaluma "Andito na po tayo" napaawang nalang ang labi ko matapos kong makita ang pagbukas ng malaking gate na kulay ginto at sa loob nito ay punong puno ng mga bulaklak na ikinataas ng kilay ko anong nangyayari sakin? Agad na pumasok ang kalesa sa loob nito at huminto sa isang malaking bahay, ang pagkaka design nito ay makaluma ngunit alam mong bago padin to at parang kailan lang naitayo "Ako na ang magpapaliwanag kay Heneral Alejandro sa nangyari ginoo wag kang mag alala" sabi saakin ng babae na ikinakagat ko sa labi ko atsaka nya binuksan yung kalesa at saka ko nakita ang dalawang babae at isang gwapong lalaki na nasa harap ng bahay na mukhang nag aalala "Celeste!" sunod sunod nilang sigaw ng makita nila ako na ikinatakot ko dahil bigla silang nagtakbuhan papunta saakin. Tatakbo na sana ako palayo ngunit mabilis nila akong niyakap kaya wala na akong nagawa "Sinasabi ko na nga ba at dapat hindi ka sumama sa pamilihan, kailan ka ba makikinig saamin?" inis na sabi ng maouting babae na mukhang kasing edad ko lang "Celeste? ayos ka lang ba?" biglang tanong nung gwapong lalaki saakin, may balbas sya at nakasuot din ng makalumang pang sundalo pero may kulay ginto sa dibdib nito atsaka nya ako niy "A-ayos lang po ako" tangi ko nalang nasabi at gulong gulo padin sa mga nangyayari atsaka paano nila ako nakilala eh hindi ko naman sila kilala. Sa gwapo nitong lalaking to imposibleng makalimutan ko to kung sakaling nakita ko na to "Sa susunod hindi ka na pwedeng sumama sa pamilihan kung hindi ako ang kasama mo. Maliwanag ba?" tanong nya saakin na ikinalunok ko kaya napatango nalang ako "Patay na ba ako?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Tis The Season For My Revenge, Dear Ex

read
75.9K
bc

Three Alpha Bikers Wants An Open Marriage(An Erotic Paranormal Reverse Harem)

read
105.2K
bc

The Abandoned Luna's Return

read
1K
bc

The Bounty Hunter and His Wiccan Mate (Bounty Hunter Book 1)

read
102.8K
bc

Inferno Demon Riders MC: My Five Obsessed Bullies

read
815.0K
bc

Mistletoe Miracle

read
8.6K
bc

The abandoned wife and her secret son

read
3.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook