Dama ko ang sakit ng kalooban ni Daryl dahil sa ginawa ko. Subalit nagawa ko iyon dahil tinalikuran ko na ang lahat sa nakaraan.
"Why am I not allowed to stay here? I am also guilty for what happened tonight," pahayag ni Daena.
"No. It all started with me so you better get inside. You don't have to get involved," utos ko sa aking asawa.
Naguluhan man sa nangyayari ay sumunod si Daena sa utos ko. Pumasok ito ng bahay. Hinarap ko si Daryl na noon ay nagpumilit na makatayo. Hindi ko alam kung paano ito nakarating sa bahay ko gayung halos hindi na nito kayang dalhin ang sarili.
"Why are you doing this to me? I just wanted to be with you. Though it is impossible for us to get back together," pahayag ni Daryl.
Bahagyang pautal-utal na ang pagkakasabi nito habang nakaupo pa rin sa labas ng aking bahay.
"Shut up! Huwag kang magkalat dito. Huwag mong subukan na gumawa ng bagay na makakasira sa amin ng asawa ko," pabulong na sabi ko kay Daryl.
Pinili ko s'yang itayo subalit ang bigat ng kanyang katawan. Lumabas si Daena upang silipin kami ni Daryl at nakita n'ya na nahirapan ako.
"Ipasok mo na muna kaya s'ya sa bahay. Let him rest for a while at bukas na kayo mag-usap," saad ng aking asawa.
Bakas ang pag-alala nito sa nakitang sitwasyon ni Daryl.
"No. I better send him home," saad ko.
"Samahan na kita," sabi ni Daena.
"Kaya ko na ito. Just give me the address," sagot ko at agad naman tumalima si Daena.
Walang magawa si Daena sa aking naging desisyon at naiwan nga ito na mag-isa sa bahay. Pinilit ko na maipwesto si Daryl sa loob ng sasakyan bago ko ito ipagmaneho pauwi. Ilang sandali lang ay nasa labas na kami ng gusali kung saan ito kasalukuyan na nakatira. Sa isang condominium building sa Ortigas matatagpuan ang unit nito. Nakatulog si Daryl habang nasa byahe. Hinanap ko ang susi ng unit nito subalit hindi ko ito makita.
"Where is the key?" tanong ko sa kanya nang napansin ko na naalimpungatan na ito.
Sa labas na kami ng unit nang ito ay nagmulat. Inabot nito ang susi mula sa kanyang bulsa. Tahimik at maingat na binuksan ko ang pintuan at mga ilaw sa loob.
"Can you manage?" tanong ko sa kanya.
Nakatitig ito sa akin habang nakangiti.
"I can feel na may concern ka pa rin sa akin," pahayag ni Daryl na nanatiling nakatayo sa labas ng unit.
"If I have concern sa hayop, sa tao pa kaya. Anyway, I think okay ka na. Happy birthday na lang sa iyo! I can't stay late," saad ko.
Hinintay ko na pumasok s'ya ng unit subalit hindi ito gumagalaw.
"Are you not tired? Pagod na kasi ako at naghihintay pa ang asawa ko sa bahay. One more thing, I don't want to see you with her. Please lang! Pilitin natin na gawin ang tama. I am contented with my life now," mahinahon ang boses na sabi ko kay Daryl.
Naglakad ito papasok ng unit at lumapit sa akin.
"Ano ang kailangan kong gawin, Kevin?" malumanay at nagmamakaawa ang tinig na tugon ni Daryl.
Umiling ako at tinanggal ang kanyang mga kamay na pilit na pumupulupot sa aking bewang.
"Wala. Just try to comprehend the situation. I would suggest you do better in life and make wise decisions for you to be happy. Make your life worth living," payo ko.
"I tried. But i was never happy and fulfilled. My home is you and I will only be happy whenever I am with you," malambot ang boses na sabi ni Daryl.
"I can't do anything kung ayaw mo makinig sa mga sinasabi ko. Nakikiusap ako to stop stalking me and my wife!" saad ko.
"I can't help it. I missed you at obvious naman na hanggang ngayon ay ikaw ang mahal ko," malungkot ang mga mata na sabi sa akin ni Daryl.
"Ano ang kailangan ko gawin para tigilan mo ako?" tanong ko kay Daryl.
Tila nakasilip ng pag-asa si Daryl.
"Baki? Handa ka bang gawin ang kahit ano para tigilan kita?" hamon ni Daryl sa akin.
Gusto kong pagsisihan ang aking sinabi. Matalino si Daryl at hindi basta sumusuko.
"Let's bonding together. Let's try to do things we used to enjoy before. If nothing changes then I am gonna let you go," sabi ni Daryl.
"That is not possible. Alam mo na may asawa na ako. Iba na lang ang hingin mo," giit ko.
"I already have everything. I am not asking for more. Kung ayaw mo, okay lang. But you can't stop me from doing what I wanted. Hindi ito blackmail. I am giving you options where you might be comfortable in dealing with your past," saad ni Daryl.
Tila nawala na ang epekto ng alak kung ito ay makapag-isip ng ganun.
"Do whatever you want," sagot ko saka tumalikod na palabas ng unit nito.
"Sure!" nanghahamon na tugon ni Daryl.
Naglakad na ako palayo subalit ang isipan ko ay nakapako sa sinabi nito. Bumalik ako at nadatnan ko nandoon pa rin ito na tila sinadya na hintayin ang pagbalik ko.
"May nakalimutan ka ba?" tanong ni Daryl.
"Let's do it for a week. After that, stay away from me and my wife," saad ko.
Naisip ko na baka ito na lang ang natatanging paraan upang matigil ito.
"Okay. Deal!" masayang tugon ni Daryl.
Napalundag ito ng bahagya sa katuwaan at akmang yayakapin pa ako. Pinigilan ko s'ya sa nais nitong gawin.
"When should we start?" sabik na tanong nito.
"One week from now. Marami pa akong ibang kailangan gawin," sagot ko.
Maluwang na ngiti ang naging tugon ni Daryl. Ligtas na nakarating ako ng bahay subalit ang utak ko ay gulong-gulo. Gusto ko man bawiin ang aking naging desisyon ay huli na. Alam ko na maraming implications matapos nito.
"Bahala na!" pabulong na sabi ko.
Tulog na si Daena nang ako ay dumating. Tahimik na tumabi ako sa aking asawa. Pinilit ko na makatulog dahil madaling araw na.