First date

1032 Words
Magulo ang aking isipan subalit wala na akong magagawa kundi ang ipagpatuloy ang nasimulan. Ngayong linggo magsisimula ang usapan namin ni Daryl. "Love, huwag mo na ako antayin. Baka late na ako makakarating ng bahay," paalam ko sa aking asawa. After work ay agad na tumawag ako upang hindi ito mag-alala. "Saan ba ang lakad mo?" nagtataka na usisa sa akin ni Daena. "May usapan kasi kami ni Daryl. Tatawag ako sa iyo bago umuwi," dagdag na sabi ko. Halatang nagulat ito sa narinig. "Akala ko ba hindi kayo in good terms. Ano ang nangyari?" tanong ni Daena. "Sasabihin ko sa iyo pag-uwi ko. For now, I just called to inform you para huwag ka na mag-alala," sagot ko sa kanya. "Okay. Basta mag-ingat kayo. Sana ay tuloy-tuloy na ang inyong pagkakaunawaan," sabi ni Daena sa akin na suportado sa gagawin ko. Natapos ang aking tawag at hindi pa ako nakakalayo mula sa entrance door ng opisina nang sinalubong ako ng matamis na ngiti ni Daryl. "Hi!" masayang bati nito. Pilit na ngiti ang aking isinukli. "Let's take my car," sabi nito sa akin. Bago pa man ako makasagot kay nahila na n'ya ako patungo sa kotse nito na nakaparada ilang metro ang layo mula sa kinatatayuan namin. Ito mismo ang nagmaneho. "Where do you want to go?" tanong nito. "I don't know. Ano ba ang plano mo?" sabi ko sa kanya. "Maybe a movie. Ikaw, if you have any suggestions," pahayag ni Daryl. "I have nothing in mind. Ikaw ang bahala dahil maaga pa naman. Sa malapit na lang din tayo mag-dinner," saad ko. "Okay, deal." Masigla na tugon ni Daryl. Tahimik lang ako habang s'ya ay nagmamaneho. Sa isang mall n'ya ako dinala at s'ya na rin ang namili ng pelikula na aming panonoorin na magkasama. "What is wrong?" usisa n'ya sa akin. "Why?" nakakunot ang noo na tanong ko. "Ang tahimik mo kasi. Napipilitan ka lang ba?" sabi ni Daryl. Hindi ito nakatiis na hindi magtanong. Marahil naramdaman naman nito ang tunay kong saloobin. "Let's just do this and get over soon," tugon ko. Hindi naman ito nagpumilit pa na alamin ang side ko. Pumasok na kami sa loob ng sinehan. Sa bandang likuran kami naupo at ito ang naghanap ng aming pwesto. Hindi ako mapalagay lalo na at madilim ang napili nito. Pinilit ko na mag-concentrate sa aming pinapanuod. Malapit na matapos ang palabas nang maramdaman ko ang kamay n'ya sa aking braso. Bahagya n'ya itong pinisil kaya napatingin ako. Ngumiti s'ya sa akin. "Why?" tipid na tanong ko. "Thank you for joining me here. Masaya ako dahil napagbigyan mo ako na makasama ka ulit," pahayag ni Daryl. "You know my reasons why am I doing this," paalala ko sa kanya. "I know." Tipid na sagot n'ya saka kinuha ang kanyang kamay sa aking balikat. Tumayo na kami pagkatapos ng palabas. "I'm hungry," reklamo ko. "Let's have dinner," tugon ni Daryl. Nauna ako naglalakad habang s'ya ay nakabuntot sa akin. Naasiwa ako dahil alam ko na nakasunod sa akin ang kanyang mga mata. Marahan ang aking paglalakad at hinayaan ko na mauna s'ya. "Sabay na tayo!" saad nito. "It's okay. Ikaw naman ang mas nakakaalam dito sa lugar. Don't worry, I will pay," sabi ko sa kanya. "It is my call to celebrate so let me do it," giit ni Daryl. Sa isang fine dining restaurant kami nagpunta. Gusto kong mailang dahil hindi ko ito inasahan. Sosyal ang ambiance nang kami ay nakapasok na. "Come!" aya nito sa akin nang napansin na bahagya akong napatigil sa paglalakad. "Ano ito?" tanong ko na nalulula sa mga ilaw at halatang pinaghandaan. "I wanted to make this special so this is the result. I hope you like it!" masayang pahayag ni Daryl sa akin. Proud ito sa nagawa at walang pakundangan kung maglabas ng kanyang tunay na nararamdaman. "Are you not happy?" tanong nito nang napansin ang aking pananyahimik. Umiling ako dahil hindi ako makapaniwala. "Okay. Sorry if you didn't like them," nalukot ang mukha na sabi ni Daryl. "That's not what I mean. I didn't expect you did this because you don't have to," pahayag ko. "I know but I wanted to give you the best," sabi pa nito. "Daryl, you know why I am here. Don't make things more complicated," pakiusap ko sa kanya. "Okay. Let's have dinner bago pa ma-spoil ang moment," saad ng kaibigan ko. Lumapit ang servers at naka -ready na pala ang aming pagkain. Ganun din ang mga inumin. Tahimik na naghapunan kami ni Daryl ngunit napapansin ko ang panay sulyap nito sa akin. "Yes?" untag ko sa kanya nang hindi na ako nakatiis. "Wala. You look great kesa dati. Iba mag-alaga si Daena," pahayag nito. "She loves me." Pagdidiin ko. "I can see that. Mahal mo rin s'ya gaya ng pagmamahal n'ya sa iyo?" tanong ni Daryl sa akin. "Of course. That is why I marry her," pagtatama ko sa kung ano man ang nilalaman ng isipan n'ya. Hindi na ito nag-insist pa. Nauna itong tumayo at nagpunta sa may balcony ng malaking restaurant na iyon. Sumunod ako ngunit sinigurado ko na may distansya sa pagitan namin. S'ya ang lumapit sa akin ngunit umusod din ako palayo. "Allergic ka na talaga sa akin," komento nito. Nagkibit-balikat lang ako at hinayaan s'ya sa nais nitong isipin. "Have you seen that?" tanong ni Daryl. Ang isang hintuturo nito ay nakaturo sa kalawakan. Bilog ang buwan at hindi ko alam kung iyon ba ang tinutukoy nito. "I intended to give you a gift under the full moon kung hindi ka sana nakipaghiwalay sa akin noon. However, since I am here now with you. I would like to take this chance," pahayag ni Daryl. Isang pendant ang ibinigay nito at binuksan. Litrato namin na magkasama ang nilalaman nun. Naalala ko kung kailan at saan ito nakuha. "I can't take it," tanggi ko. "Just take it. I don't give meanings sa mga ginagawa o gagawin ko pa starting tonight basta tanggapin mo lang itong regalo ko," pagsusumamo nito. "I don't want it. Ayaw ko na makarinig ng panunumbat o sama ng loob because of this," mariin na sagot ko. Hindi ma-isalarawan ang mukha ni Daryl sa naging pahayag ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD