Union

1732 Words
Magatatapos na ang kontrata ko sa Cebu kaya naghahanda na ako ng mga kagamitan ko na dadalhin sa pag-uwi ko sa Manila. Maging sina Mommy at Daddy ay excited na sa aking pag-uwi. They have never been too excited sa pagsalubong sa akin until now that I have Daena. Biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Ang dating matamlay na pamamahay ay napuno na ngayon ng kasiyahan. Maingay at nagkakabiruan. Ang hiling ko na sana ay laging ganito. Makikita ko na masaya sila ay ganun na rin ako. "Hon, wala ka bang nakalimutan?" tanong ni Daena sa akin. Kararating lang nito sa kanyang apartment dahil ang usapan namin ay dito na kami magkita upang sabay na kami pupunta ng airport. Ang company car ang s'yang maghahatid sa amin sa paliparan. Malaking bagay dahil mapalad si Daena na pinayagan s'ya na magpa-relocate from Cebu to Manila. Sadyang magaling ito sa trabaho at marunong makisama kaya naman ay na-approve ang request nito. "Yeah, okay na ang lahat. How about you?" tanong ko sa kanya. "Just fine. Pero hindi ko maiwasan ang kabahan. Magugustuhan kaya nila ako?" saad ni Daena na nagdadalawang-isip sa magiging opinyon ng aming nga magulang. "Oo naman! Ano ka ba! Di ba, ang sabi ko nga ay mas naging masigla ang turing namin ng aking pamilya dahil sa iyo. Hindi mo alam kung paano mo pinasaya ang mga magulang ko. Kaya huwag ka na mag-isip ng kung ano-ano dahil kabaliktaran lang ng lahat ng iyan," paalala ko sa aking nobya. Niyakap n'ya ako habang nakakandong s'ya sa aking harapan. Nag-iiba ang aking pakiramdam sa tuwing ito ay naglalambing ng ganun. "Let's move! Kailangan maaga pa tayo sa airport," deklara ko. Sandali lang ang naging flight at lumapag na sa Manila airport ang eroplano na aming sinasakyan. Hindi pa naikakarga sa sasakyan ang lahat ng luggage ay halos ayaw bitawan ni Mommy si Daena. Nakayapos pa rin ito sa aking mapapangasawa. "I'm glad na sumama ka kay Kevin. Akala namin ay hindi ka papayagan sa inyo," malambing na sabi ni Mommy kay Daena. Mas mabuti pa ito sinalubong agad ng yakap samantala ako na anak nila ay isang matamis na pagbati lang. Gayunpaman, masaya ako na nagkakasundo ang aking mga mahal sa buhay. Pagdating sa bahay ay naka-ready na ang mga pagkain. "Bakit parang new year? Ang daming pagkain," puna ko. Lahat ng nakahain ay paborito ko. "Ginawa ko lahat iyan para sa inyo. Gusto ko kasi ay mabusog kaya dahil tiyak gutom na kayo. Isa pa, welcome party na rin natin ito kay Daena sa ating pamilya," pahayag ni Mommy. Maganda at mukhang bata pa ang aking ina dahil sadyang maaalaga ito sa sarili. Simula nang nagkasakit sa puso si Daddy ay nanatili na sa tabi n'ya si Mommy. Dating seafarer si Mommy at si Daddy naman ay isang bank manager na may small business. Maaga ito nag-retiro at si Mommy na ang sumalo sa aming negosyo. Kasama naman nito ang nakababatang kapatid ko na babae na may pamilya na rin ngayon. Tatlo kami sa pamilya at kapwa babae ang dalawang kapatid ko. Ako ang nag-iisang lalaki sa anak ni Daddy kaya umaasa ito na ako ang magpapatuloy sa apelyido n'ya. Alam lahat ito ni Daena. "Salamat po at nag-worry pa kayo masyado," saad ni Daena sa aking ina. "Huwag mo isipin iyon. Parte ka ng pamilya namin kaya masaya akong gawin ito," mabait na tugon ni Mommy. "Kailan ninyo balak magpakasal?" tanong ni Daddy na kanina pa walang imik bagamat ay masaya ito nang sa wakas ay nakilala nito ang magiging manugang. "Next month po. Ang balak namin ay civil wedding lang po," tugon ko kay Daddy. "Bakit civil wedding lang? Minsan lang kayo ikakasal kaya maganda rin sa simbahan na may basbas ng panginoon," pahayag ni Daddy na bahagyang na-disappoint. "Kaya namn po kung sa simbahan pero ang mahalaga lang kasi sa amin na legal ang aming pagsasama. At isa pa po, priority po namin ang pag-iipon at pagbubukod. Syempre, nais rin po sana namin na magkaroon pa ng ibang investments para sa magiging anak namin," magalang na paliwanag ni Daena. "Okay, naiintindihan ko. Kayo ang masusunod kung iyan ang gusto ninyo. Kayo ang magpapakasal at magsasama kaya kung sa tingin ninyo na iyan ang makakabuti, gawin ninyo." Pahayag ni Daddy. Malaking pagbabago maging sa pag-uugali ni Daddy at iyon ay dahil kay Daena. Para sa kanila, isang alamat at tagapagligtas ang tingin nila kay Daena. Tanging ang pamilya ko lang ang nakakaalam kung bakit ganun ang mag-anak sa akin. "Salamat po, tito!" magalang na sabi ni Daena. "Tawagin mo na ako'ng Daddy. You are already part of this family," masayang pahayag ni Daddy sa aking mapapangasawa. Nakapagpahinga kami na may mapayapang pag-iisip. "Thank you for everything!" malambing na bulong ko kay Daena. Magkatabi kami na nakahiga sa kama. Nakayakap ito sa akin. "For what?" medyo naguluhan na tanong nito. "Sa lahat ng nagawa mo. For making my family happy and for being with me," mahinahon ang naging tugon ko. "Mahal kita. Iyon lang ang alam ko na dahilan. Isa ako sa pinaka-maswerte na nakatagpo ng kagaya mo," nagniningning ang mga mata na sabi ni Daena. Minsan nais ko makonsensya dahil may bahagi ng aking pagkatao na hindi ko pa nasasabi sa kanya at natatakot ako na ipagtapat. Ang pinaghuhugutan ko lang na para ito sa kapakanan ko at sa pamilya ko. "Ano ang iniisip mo?" tanong ni Daena. Napansin nito na wala sa kanya ang atensyon ko habang nakatanga sa kisame. Sa second floor kami ng bahay. May apat na kwarto ito. Pagkatapos ng kasal ay lilipat na rin kami sa aming bagong tahanan. "Future," seryoso ang mukha na sagot ko. Tiningnan ko ang maganda n'yang mukha. "What about the future?" usisa nito. "With you, of course," tugon ko saka s'ya hinalikan. Nasanay na rin ako sa mga paglalambingan naming dalawa. Hindi kagaya dati na umiiwas pa ako. Mahigit isang taon pa lang kami subalit ito at magpapakasal na. Walang mga magulang si Daena at lumaki ito na ibang tao ang kasama kaya bilib ako sa pagiging matapang ng aking fiance. Sa tulong ng mga kakilala ay naging madali ang pag-asikaso namin ng mga dokumento para sa kasal. "Congratulations and best wishes!" pagbati mula sa mga kapatid at magulang ko. Family and close friends lang ang aming mga bisita. Hindi rin alam ng aking mga kaklase na ako ay ikinasal na. Iniiwasan ko ang exposure at possible issues na makakasira sa amin ni Daena. Ang mahalaga ngayon ay ganap na kaming iisa. "We are so proud of you, son!" pagbati mula sa aking ama. "Maraming salamat, Dad!" masayang tugon ko. Bumuntong-hininga ito saka s'ya niyakap. "Take care of her, okay? You are lucky for having her," pabulong na bilin ni Daddy. Alam na n'ya ang ibig sabihin nito. "I will, Dad. Are you happy?" sagot ko. "Superb!" maluwalhati na tugon ni Daddy. Sa isang fine dining restaurant ang venue ng kasal at pagkatapos ay lilipat kami patungo sa Palawan for our honeymoon. "Enjoy your honeymoon!" hiyaw ni Daddy. Mas excited pa ito sa amin na ikakasal. Gabi na kami nakarating sa resort kung saan kami magbabakasyon kaya agad na nakatulog kami sa sobrang pagal. Madaling araw nang naramdaman ko na bukas ang ilaw kaya nagmulat ako. Wala si Daena sa aking tabi kaya bumangon ako. Wala s'ya sa kwarto at napansin ko na nakabukas ang pintuan ng shower. Upang makasiguro ay kumatok muna ako subalit walang sumasagot. "Hon?" tawag ko. Tuluyan ko na itinulak ang pintuan at nagulat ako. Nakangiti na mukha ni Daena ang tumambad sa akin. Wala itong saplot at basa ang buong katawan. Mukhang nag-shower ito sa madaling araw. "Halika! Magbihis ka at baka sipunin ka! Bakit ka naligo sa ganitong oras?" saad ko sa aking asawa. Namumungay ang mga mata nito na tila inaakit ako. Imbes na sumagot ay hinatak n'ya ako papasok sa shower room. Wala akong kawala sa kanyang sunod na ginawa. Tinanggal nito ang aking saplot at tuluyan na akong nagpakalunod sa maligamgam na tubig kasama s'ya. Mahihinang hagod ng kanyang mga palad na may sabon ang kanyang ginawa sa buong katawan ko. Nagbigay laya ako sa lahat ng nais n'yang gawin. I chose this kaya dapat na panindigan ko. Sinusuklian ko ang bawat galaw ni Daena mula sa maliliit na halik at haplos sa bawat sulok ng aming mga katawan. Kailanman ay hindi ko pa ito nagagawa at nakakadarang pala. Tuluyan na akong nalunod sa sensasyon na dala ni Daena. Nakaluhod ito habang hawak at nilalaro ang aking sandata. "H-o-n! That was good!" usal ko. Ipinagpatuloy n'ya lang ang ginagawa at sa pagnanais na mapaligaya si Daena kaya ginaya ko lang din ang kanyang ginawa sa akin. "Hon, get inside of me! P-l-e-a-se!" tila nagmamakaawa na bulong ni Daena. Nalunod na ako ng tuluyan at hindi ko na rin mapigilan. Dinala ko s'ya sa naghihintay na kama. Umibabaw na ako sa kanya at nasalat ko na parehas na kaming handa. Marahan na itinutok ko ang aking kahandaan sa naghihintay n'yang perlas. Nahirapan ako sapagkat masikip subalit habang tumatagal ay nagiging maginhawa na sa pakiramdam. Tuluyan na kaming napag-isa. Ang marahan ay bumibilis at hindi ko na mapigilan pa si Daena. Masyado itong nasabik at sinasalubong ang bawat galaw ko. "S**t! Ang sarap!" bulalas nito. Hindi ako nakahuma. For the first time in my life, I had s*x with the woman. It was an achievement for me. Nanatili kaming magkayakap. "I want more, hon!" bulong ni Daena. Napatingin ako sa kanya. Ayoko na ma-disappoint s'ya lalo pa na bagong kasal pa lamang kami. I promised to make her happy at babawi sa oras na mag-asawa na kami. This is it at wala ng atrasan ito. "Feels good!" paulit-ulit na usal ni Daena. Nag-eenjoy ito habang nasa ibabaw ko. Masarap sa pakiramdam habang nakikita ko na napapasaya ko s'ya. Hinahayaan ko lang s'ya sa nais n'yang gawin habang gusto n'ya at kaya ko pang ibigay. Nagulat din ako sa naging response ng aking katawan. Si Daena lang ang nakakagawa nito sa akin. Hindi ako kailanman nagkaroon ng arousal sa ibang babae, sa kanya lamang. "Hon, help me please!" malambing na usal nito. Hindi pa ito nakuntento kaya gumalaw na rin ako upang salubungin ang galaw nito at ang rumaragasa na sensasyon na dulot ng pagkakaisa namin. Tumigil lamang ito nang kapwa na kami napagod at nailabas ang init ng aming katawan at nararamdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD