Dream boy

1871 Words
Dream boy at wish granted para kay Daena ang magkaroon ng asawa na kagaya ko. Iyon mismo ang narinig ko mula sa kanyang mga labi. Hindi ko naman iyon inaasahan sa kanya subalit masaya ako na kuntento s'ya sa aming pagsasama. Ginagawa ko naman kasi talaga ang lahat upang mag-work out ang aming relasyon. Na-promote sa trabaho si Daena at ganun din naman ako. Siguro tama sila na match made in heaven kami ng aking asawa. Sabay kami na nag-grow sa aming career at nakapagsimula na kami na makapagpundar para sa bubuoin namin na pamilya. Sa norte ako na-assign for six months kaya naman ay halos hindi kami magkikita ni Daena subalit nangako ako na uuwi ako every weekend dahil iyon ang day off ko. "Baka naman magiging abala ka na sa trabaho at makalimutan mo ako," naglalambing na sabi ng aking asawa. "Ano ka ba naman! Hindi mangyayari iyon. Pangako, uuwi ako kaya walang dahilan na magtampo ka," saad ko na sinabayan ang ginawa n'yang paglambing. "Sige na, basta ha ang pangako mo!" ulit pa nito. "Yes po!" sagot ko naman sabay nag-iwan ng matunog na halik sa aking asawa. Maiiwan na mag-isa sa bahay namin si Daena kaya naman nag-volunteer ang kapatid ko na samahan ito. Pumayag ako dahil pabor din naman ito sa akin at upang mapanatag din naman ang loob ko. Gabi na ako nakarating sa apartment na inuupahan ng kumpanya. Dito ako mananatili sa loob ng ilang buwan. Sa Vigan ngayon ang aking assignment. Hindi ako namimili ng location lalo na at wala pa naman kaming anak ni Daena. Subalit nararamdaman ko na sabik na rin ito na magkaroon kami ng supling at ganun din naman ako. "Welcome to Vigan, Sir!" bati ng kanyang makakasama sa trabaho. Lahat ng makakasama ko ay pawang mga lalaki at mukhang ako lang ang nagmukhang lampa. Nagkaroon din naman ako ng kaunting laman simula nang nag-asawa ako. "Salamat!" tugon n'ya. Nagpakilala ang bawat isa at gaya ng dati ay hanggang sa pakikisama lang ako ngunit umiiwas ako sa anumang bisyo. Tumuloy na ako sa akinh silid at malayang nagpahinga. "Na-miss kita!" saad ng isang lalaki. Napaka-gwapo nito sa suot na polo at hapit na pantalon. Mapapansin ang nagngangalit na muscles nito sa katawan. Mas matangkad ito sa akin at moreno. Mabilis itong nakalapit nang hindi ko napansin. Pamilyar nga ang mukha nito sa akin subalit bago pa ako makapagsalita ay niyakap na n'ya ako ng mahigpit. Gumanti ako ng yakap kahit pa na hindi ako sigurado kung sino ang estranghero na ito. Subalit naramdaman ko na mukhang matagal na kaming magkakilala at magaan ang loob ko habang magkalapit ang aming mga katawan. Matagal kaming magkayakap at na-enjoy ko ang bawat segundo. Kumalas na ako sa pagkakayakap sa estranghero subalit nagulat ako sa nalaman ko. Si Daena ang kayakap ko. Palinga-linga ako na may hinahanap subalit hindi ko s'ya makita. Ang nakangiti na mukha ni Daena ang sumalubong sa akin. "Sino ang hinahanap mo?" tanong ng aking asawa. "May napansin ka ba na lalaki rito kanina?" usisa ko sa kanya. Umiling si Daena nang may pagtataka. Malakas na tunog ng cellphone ang gumising sa nahihimbing ko na kaluluwa. Napamulagat ako dahil hindi ko kilala ang tumatawag. Sa isang social media application ito tumatawag. Hindi ko ito pinansin at pinatay ang telepono. Alas tres pa lang ng umaga ngunit nambubulabog na kung sino man iyon na atat kung makatawag. Sa malakas na alarm ako tuluyan nagising. Kailangan ko na harapin ang pagsisimula sa trabaho sa bagong work assignment. Binuksan ko ang aking cellphone at tadtad ito ng messages. "Paano n'ya natunton ang account ko?" usal ko habang binabasa ang bawat messages na nagmula sa iisang tao. Kung hindi lang kailangan sa trabaho ay wala akong interes na gumawa ng social media accounts. Kinilabutan ako sa lahat ng nabasa ko. "Ito ba ang ibig sabihin ng panaginip ko?" bulong ko. Ngayon ko napagtanto na s'ya nga ang lalaki sa panaginip ko nang makita ko ang kanyang profile. Kaya hindi ko s'ya agad nakilala dahil sa malaki ang pinagbago nito sa paninirahan nito sa ibang bansa. Huling alalala ko nang tuluyan ko ng pinutol ang lahat ng koneksyon ko sa kanya. "Bakit kailangan mong gawin ito? Akala ko ba mahal mo ako at nagmamahalan tayo?" nasasaktan na pahayag ni Daryl. S'ya ang natatanging boy best friend ko. Ang nag-iisang tao na nakakaunawa at nakikiramay sa akin sa lahat ng oras. Ang pagiging malapit namin ay lumago hanggang sa hindi namin na-control ang aming mga sarili. Umibig ako sa kapwa ko lalaki. Nang nalaman ito ni Daddy kalaunan ay sobrang nagalit ito sa akin at kasama ng buong pamilya ko ay handa nila akong itakwil. Noong una ay nagagawa ko pa ang makipagmatigasan dahil sa tingin ko naman ay maganda ang naging impluwensya sa akin ni Daryl. Tumaas ang aking mga grado at mas inspired ako mag-aral. Subalit hindi pa rin natuwa ang aking pamilya. Pinapili nila ako at piniga hanggang sa ako ay tuluyan nang bumigay. Nakipaghiwalay ako kay Daryl. "I'm sorry!" tanging nausal ko sa mga oras na iyon. Tumalikod na ako at hindi ko na nagawang lumingon. Maraming beses na sinubukan n'ya na suyuin ako subalit sa kalaunan ay napagod na rin ito. Ginawa ko ang lahat upang maging proud sa akin ang aking mga magulang. Minsan na silang nawalan ng tiwala kumpyansa sa akin kaya pinagsikapan ko na patunayan sa kanila na makabawi ako. Dekada ang nakalipas bago ito natupad. Iyon ay nang makilala ko si Daena. "Daena!" usal ko habang pilit akong bumabalik sa tunay na mundo. Naalala kong tawagan ang aking asawa. Masaya ito nang marinig ang boses ko ngunit hindi maari na magtagal ako sa telepono. Naging loaded ang buong araw ko kaya nakalimutan ko ang mga bagay na bumabagabag sa aking isipan. Pagdating ng apartment ay isang tawag muli ang nagmula kay Daryl. Hindi ko ito pinansin sa pag-aakala na titigil ito. "Stop calling me!" pakiusap ko sa chat. "I'm going home. Can we meet?" request nito sa akin. Ignored at ipinagpatuloy n'ya ang pagluluto. Kailangan ay occupied ang kanyang katawan at isipan sa ibang bago bago pa ito tuluyang masakop ng mga naging alala namin ni Daryl. Tumawag ang aking asawa at agad na sinagot ko ito. Tumagal ang aming pag-uusap ng mahigit isang oras. Nakauwi na rin umano ito. Maswerte na ako sa buhay kasama ang maunawain kong asawa kaya dapat lang na iwasan ko ang anumang bagay na maaring makasira sa amin. Pauwi pa lang ako nang sinalubong ako ng isa sa field officer namin. "Engineer, may naghahanap po sa inyo." Pagbibigay alam nito. "Sino?" nagtataka na tanong ko. Wala akong kakilala sa lugar kahit pa na ilang buwan na ako rito. Ni hindi ko pa nagagawang mag-ikot sa Vigan dahil nais ko na babalik ako kasama si Daena. Nakakunot ang aking noo na lumapit ako sa aking sasakyan. Company car itong gamit ko dahil naiwan kay Daena ang aking sasakyan. Nakita n'ya na may nakatayong lalaki habang nakapamulsa at seryoso ang mukha. Maganda ang tindig at hulma ng katawan. Napatda ako nang nakilala ko ito. Hindi ako maaring magkamali. Gustuhin ko man na umiwas subalit hindi maari. Alam ko na sinadya n'ya na maka-punta rito at kahit ano pa ang gagawin kong pag-iwas ay gagawa ito ng paraan upang matunton ako. Nakangiti na ito nang makita na hindi ako umiwas o nagtago. Naglakad ako palapit sa kanya. "Ano ang kailangan mo?" bungad na tanong ko. Sinubukan nito na hawakan s'ya subalit iwinawasiwas n'ya ang kanyang kamay. "Stop it, Daryl! Ang sabi ko sa iyo na tigilan mo na ako. Bakit ka ba bumalik?" Malambot at mahina ang boses na tanong ko. Hindi ito natuwa subalit pinili na manatili na kalmado lang ito. Ang alam ko ay umalis ito ng bansa at inakala n'ya na hindi na babalik matapos ko itong saktan. Iginugol nito ang buong panahon sa pagtatrabaho bilang medical technologist. Napakatagal na panahon na rin ang nakalipas. "Sinabi ko na sa iyo ang lahat. Wala ka man lang naiintindihan ni isa sa mga iyon?" pahayag ni Daryl. "Tama na! Ayoko na ng magulong buhay. Okay na ako at sana ikaw din. Please lang!" nakikiusap na sagot ko. "Let's have a talk somewhere!" aya nito. Umiling ako bilang pagtanggi. Hindi ko ito dapat pagbigyan dahil alam ko na magkaroon lang ito ng dahilan upang makaulit. "So gusto mo na dito tayo mag-usap? Remember, nandito pa ang ibang mga kasamahan mo. Unless, gusto mo na makahalata rin sila," may himig ng pagbabanta na saad ni Daryl. Upang makaiwas ako na magkalat dito ay pinagbigyan ko na lamang ang lalaki. Nagkasundo kami na mag-usap sa isang pribadong lugar na walang makilala sa amin. Subalit dinala n'ya ako sa isang pamilyar na lugar na minsan ko na nakita sa magazines. "Do you remember this place?" tanong nito sa akin. Naalala ko na isa ito sa travel destination na pinangarap namin na puntahan na magkasama. Subalit iba na ngayon ang sitwasyon at wala akong balak sagutin ang kanyang tanong. Aaminin ko man o hindi ay attracted pa rin ako kay Daryl at iyon ang iniiwasan ko. Ayaw ko na tuluyang magising ang natutulog kong damdamin para rito. Panahon lang ang lumipas subalit ang paghanga ko ay nandoon pa rin. Inaaalala ko ang aking asawa upang huwag tuluyang matukso. "Salamat dahil nagpaunlak ka," saad ni Daryl. "Nasabi mo na ang lahat. Ano pa ba ang kailangan kong marinig?" sagot ko sa kanya. "Mahal pa rin kita. Matured na tayo parehas, baka naman matanggap na nila tayo." Humihingi ng second chance na pakiusap ni Daryl. "Daryl, can't you see this?" tugon ko at ipinakita ang aking wedding ring. "I know it was a ring. Anybody could wear an accessory such as that," pahayag nito. "You are wrong. I am married so please back off! I'm happily married," paliwanag ko sa kanya. "With whom? I don't believe you!" maanghang na pagtanggi mula sa kanya. "I marry the woman that I love. Okay na ako, masaya kami at bumubuo kami ng sariling pamilya. Sana respetuhin mo na lang ang relasyon namin," pahayag ko. Hindi na ako naghintay na sumagot pa sya. Lumisan na ako sa lugar. Mabigat ang aking dibdib dahil pangalawang beses ko na s'yang tinalikuran. Subalit kailangan kong piliin kung ano ang tama. Inaasam ko na sana ay matanggap n'ya ang desisyon ko at kagaya ko ay mahanap na rin n'ya ang babaeng pupuno sa buhay n'ya. "Why are you sad?" bungad na tanong ng aking asawa. Gaya ng madalas naming ginagawa ay tumatawag ito sa tuwing papasok ako at nakauwi na galing sa trabaho. Pinilit ko na ngumiti. "I just miss you!" saad ko. "Sus! Ako din naman eh. Next week ay tapos na ang contract mo d'yan kaya magkakasama na ulit tayo," masayang pahayag ni Daena. "Sabagay. Excited ka na ba?" nanunukso na tanong ko sa aking asawa. "Tinatanong pa ba iyan?" natatawa na tugon ni Daena. Daena was the perfect wife. She deserves a loyal husband. I can't afford to hurt her. While Daryl was a dream guy that a woman would also want to have but he sees the world differently and I can't be with him because I am already full of Daena's love.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD