Umuwi ako ng bahay subalit wala si Daena. Wala s'yang pasabi kung nasaan ito nagpunta. Pagod ako lalo na at kagagaling ko lang ng trabaho.
"Love, where are you?" agad na bungad ko.
"I forgot to tell you na kasama ko ang mga ka-trabaho ko. We are having dinner after work," pagbibigay alam nito.
"Ganun ba! Enjoy then! Let me know kung kailangan kitang sunduin," saad ko.
"It's okay. Ihahatid naman nila ako pauwi," sagot ni Daena.
"Okay. Basta mag-ingat ka!" paalala ko sa aking asawa.
Hindi maganda ang pakiramdam ko lalo na nang nasanay ako na kasabay at kasalo ko s'ya sa hapunan. Iniisip ko na baka gusto lang n'ya makapag-relax at makalimot. Nagbukas ako ng television subalit hindi ko nauunawaan ang aking napapanuod kaya pinatay ko na lang ito at nahiga.
"Walang text mula sa kanya," pabulong na sabi ko.
Nakaidlip ako sa paghihintay kay Daena sa aming sala. Maya-maya ay naririnig ko ang maingay na makina ng sasakyan sa labas ng bahay. Naisip ko na marahil si Daena na ito. Pinagbuksan ko s'ya ng pintuan at bahagya itong nagulat na gising pa ako. Mabilis naman na humarurot ang may-ari ng sasakyan kaya hindi ko nakita at nakilala ang driver.
"Sorry to wake you up!" saad ni Daena.
"It's okay. Hinintay talaga kita na makauwi. Sino ang naghatid sa iyo? Bakit hindi mo muna pinapasok ng bahay?" tanong ko sa aking asawa.
"Nagmamadali na rin kasi s'ya umuwi dahil gabi na at ayaw din namin na ma-istorbo ka pa," sagot nito na naunang pumasok ng bahay.
Tumuloy ito sa shower pagdating sa aming silid. Napanatag na ako nang nakauwi na si Daena kaya agad na nakabalik ako sa pagkakahimbing. Hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari. Nagising ako na wala s'ya sa aking tabi. Pakiwari ko ay unti-unti ng nag-iba si Daena o baka likhang isip ko lang ito.
"Where did you go?" tanong ko sa text.
"I am at work. Hindi na kita ginising dahil alam ko napuyat ka kagabi sa paghihintay sa akin. I made your breakfst, dig in!" reply n'ya sa akin.
Bumaba ako saka mag-isa na kumain. Nagpasya ako na sunduin s'ya sa trabaho mamayang hapon. Hindi ko na ipinaalam ang binabalak ko. Wala akong pasok dahil sabado samantala si Daena ay nag-overtime ngayong araw.
"Mom, kami na po ang pupunta sa inyo mamayang hapon. D'yan na kami tutuloy ni Daena pagkatapos ko s'ya sunduin sa work," sabi ko kay Mommy.
Nagbabalak ito na pumunta ng bahay subalit pinigilan ko lalo na at wala naman si Daena sa bahay. Naglaba na lamang ako para naman bukas ay maari kaming lumabas bilang bonding namin. Nag-alarm ang aking telepono kaya nagmamadali ako na tumayo upang maghanda para sa aking pagsundo sa kanya. Naghintay ako sa labas ng gusali na pinagta-trabahuhan ni Daena. Lumabas ako ng sasakyan upang salubungin si Daena na palabas ng pintuan. May kasabay ito na mga kasama sa trabaho. Bakas ang pagkagulat sa mukha ni Daena nang makita s'ya.
"Ang sweet naman!" saad ng isang kasamahan ni Daena.
Ngumiti lamang ang aking asawa saka walang imik na sumakay sa kotse.
"Doon tayo maghapunan sa bahay nina Mommy. Tumawag kasi s'ya sa akin at gusto pumunta sa bahay. Sinabi ko na lang na tayo na lang ang dadalaw," saad ko.
"Okay, walang problema," tugon ni Daena.
"Saan mo gusto pumunta bukas?" tanong ko sa kanya.
"Ikaw ang bahala kung saan mo gusto," sagot ni Daena.
Nais ko na makabawi man lang sa kanya sa ibang paraan. Maayos naman kami kung mag-usap subalit dama ko ang bigat ng kanyang kalooban. Napaisip ako kung saan ko s'ya maaring dalhin.
"You are just on time!" masayang bungad ni Daddy.
Mukhang wala itong kaalam-alam sa nangyayari. Nakangiti naman si Mommy at aking kapatid. Animo ay walang pinagdadaanan si Daena sa harapan ng aking pamilya. Masaya ito na nakipag-kwentuhan sa kanila.
"Mom, bakit hindi mo pa sinasabi kay Dad?" pabulong na tanong ko.
"Ayaw ko na bigyan pa s'ya ng alalahanin," dahilan ni Mommy.
"Naiintindihan ko ngunit hindi maganda na umaasa s'ya sa wala," giit ko.
Bumuntong-hininga si Mommy at hindi nagsalita. Napalingon lang ito kay Daddy habang kausap si Daena.
"Ano ang plano ninyo?" baling ni Mommy sa akin.
"Hindi pa namin napag-usapan. Sa palagay ninyo acceptable po ba ang adoption?" saad ko.
"Sa akin ay okay lang pero nandyan kasi iyong risks lalo na kung hindi ninyo alam ang pinanggalingan ng bata. Kung may ibang option naman, bakit hindi subukan? Nasa pag-uusap din naman ninyong mag-asawa iyan," malinaw na paliwanag ni Mommy.
Nauunawaan ko ang ibig n'yang sabihin. Kailangan namin mag-usap ni Daena. Alam ko na mahihirapan ako sa pagkumbinsi sa kanya subalit kailangan kong subukan. Gabi na kami nakauwi ni Daena at mapapansin ko na ngayon lang bumakas rito ang pagod. Pagdating ng bahay ay nag-offer ako na i-massage si Daena upang ma-relax ang kanyang katawan subalit tumanggi ito.
"Let's get to sleep," saad n'ya.
Sinusulyapan ko si Daena na nakatagilid habang nakatalikod sa akin.
"I wanted to talk to you about something," panimula ko.
Nais ko mailahad sa kanya ang mga bagay na tumatakbo sa aking isipan at ang maaring solusyon sa aming problema. Habang maaga pa ay nais ko matapos ang aming problema bago pa man ito lumala. Bahagya kong tinapik sa balikat si Daena subalit hindi ito umimik. Pumihit ako upang silipin kung nakikinig pa na s'ya sa akin.
"Goodnight, love!" saad ko.
Niyakap ko s'ya mula sa likuran pagkatapos halikan sa noo. Hindi nagtagal ay gumalaw ito kaya bumitaw na lamang ako upang huwag magambala ang mahimbing na pagtulog nito. Hindi ako nakatulog buong gabi kaya bumangon ako upang maghanap ng magandang lugar na maari kong pagdalhan sa kanya kinabukasan. Gusto ko i-set ang araw na iyon na makapagpapaganda ng mood ni Daena bago pa man kami magsimula. Sa isang resort sa Batangas ko s'ya nais dalhin. Agad na nagpa-book ako ng ihahanda na pagkain at cottage para sa isang buong araw namin na pananatili sa resort.
"I hope this will suffice it," dalangin ko.