Chapter 5

2585 Words
Chapter 5 The Intense and the Emotionless Garielle Vega’s POV “You lift my feet off the ground, spin me around You make me crazier, crazier Feels like I'm falling, and I am lost in your eyes You make me crazier, crazier, crazier Crazier, Crazier…” Pakiramdam ko’y lalabas na yung tonsils ko pati na rin yung vocal cords ko sa sobrang pagod na kakakanta. Kung makapagre-reklamo lang siguro sila ay ewan. Baka matagal na nila ako pinakasuhan dahil sa panga-abuso ko sa kanila. Malakas na palakpakan yung nangibabaw sa buong coffee shop na pinagtatrabahuhan ko. I waved my hand saka ako nagpasalamat nang may ngiti sa labi kahit na nasasaktan ako. Charot. “Thank you po and have a goodnight everyone!” Sabi ko pa saka ako bumaba sa inuupuan ko. Yes, kailangan kong magtrabaho rito gabi-gabi or no—after class para lang maiahon ko yung sarili ko sa kahirapan. Joke lang. Siyempre, paano naman ako haharap sa mudra ko? Bubugbugin niya ko once na wala akong maibigay na pera. Yes, I am a battered child. Siyempre, joke lang ulit. Ano ba? Mahal ko kaya nanay ko. Malamang nanay ko ‘yon. At alam ko rin namang mahal na mahal niya ko kasi binibigay ko lahat ng gusto niya. Isa pa, ako yung nagta-trabaho para sa pamilya. In fairness, sa edad kong ito bread winner na ko. Ganon talaga, hindi naman kasi ako kasing yaman ng mga kaibigan ko. Kung naging katulad ko lang sila. Ano pa nga ba? Wala sanang probleme, ‘debuh? Pero, wala, pang-mahirap lang talaga ng beauty ko. Isa akong magandang dukha. Pero at least, maganda! I’m thankful. Kasi kahit ganito yung estado ng buhay ko ni minsan hindi ako ni-judge ng mga kaibigan ko except for Georginia na alam ko namang diring-diri sa pamumuhay ko. Hm, mahal naman niya ko, maarte lang talaga siya. But I am most thankful to Bellona, kasi dahil sa kanya libre yung naging paga-aral ko. Except sa mga miscellaneous siyempre di naman makapal mukha ko. So ako na sumagot ng mga gamit ko sa school. “Miss, isang kanta pa.” pababa na ko ng platform nang sigawan ako ng isang lalaki sa hindi kalayuang table. Jusko. Masakit na talaga yung lalamunan ko att inaantok na rin ako. Isa pa, break ko ngayon. Anubey! Pumanik ako ulit saka ko hinawakan yung mic at doon nagsalita. “Sir, alam ko pong maganda yung boses ko. Pero nagugutom din po ako. Kakain lang po muna ang songer.” Nagtawanan naman yung iba. Bumaba na agada ko baka mamaya pilitin na naman ako. Hay, iba talaga kapag maganda boses. Sobrang in demand. Eksatong pag-upo ko sa upuang nakaantabay para sa’kin, dahil prinsesa ako. Bakit ba? Charot lang ulit. Nag-vibrate yung cellphone kong may pinaka-latest na technology, na sa sobrang ganda pwede nang ipamato. I checked kung sino and it’s Emily. Hi girls! Just a reminder to start your researches tonight. Napahawak ako sa ulo. I completely forgot about this. Kailan ng aba yung submission? Di ko matandaan makakalimutin kasi ako or sobrang loaded na talaga ng utak dahil sa dami ng commitments. Artista ako e. Char! Hey Em! Kailan ba yung submission? Wala pang 5 minutes. I received a reply. Tomorrow afternoon at exactly 5PM. Sabay-sabay na lang tayo sa umaga kasi sabado naman bukas walang pasok. Are you working on it now? Nanlaki yung mata ko sa nabasa ko. 5PM?! Oh Golly Much! Hala! Ano nang gagawin ko? I tapped may fingers sa lamesa binulsa ko rin muna yung phone ko saka ako nakaisip ng ideya. Magpa-paalam na lang ako sa boss ko. Siguro naman nandiyan siya. Pero, parang hindi ko nakitang naka-park yung sasakyan niya sa labas. Jusko! Kanino na ko magpa-paalam?! Ilang linga yung ginawa ko. Nagsisigurado kung may pwede akong pagpasahan ng aking munting paalam. Char. Pero ang tanong kasi, papayagan kaya ako? Importante kasi yung research na iyon. Hindi pwedeng hindi ako makapagpasa since I am running for salutatorian. Mahirap na mawala sa scholarship ng Johnson. Kaso hindi pa tapos yung duty ko. 9PM yung off ko. Banas naman! Saktong dumaan si June. Ang aking best friend. “Honeybunch!” tawag ko pa sa kanya bago pa man niya kong malagpasan. Mukhang may ihahatid na order sa labas e. Nakangiti siyang lumapit sa akin. Hindi naman weird itong tawagan naming kasi isang taon na rin naman kaming magkatrabaho rito. Isa pa, mabait siyang tao. Gwapo rin naman, lakas ng dating sa biloy. Tall, dark and handsome ika nga nila. “Yes, baby. May kailangan ka?” Napapalatak ako. “Nandiyan ba si Ma’am Ludivico?” Patukoy ko sa amo naming. Nilapag niya yung tray na dala niya sa counter saka siya umupo sa tabi ko. Isang ngisi yung pinakawalan niya saka siya nagsalita. “Bakit? Magpapaalam ka ba?” kilalang-kilala na talaga niya ko. Para akong batang ngumiti na labas pa lahat ng ngipin saka ako tumango. “May kailangan kasi akong gawin. Research. Pasahan na bukas. Nandiyan ba siya?” I crossed my fingers wishing na sana nga nandiyan siya kahit na wala diyan yung kotse niya. Please lang ho, please, please! “Sa pagkakaalam ko hindi siya pumasok. Alam mo namang bunti, ‘diba? Baka hindi pinayagan si Sir Ludivico. Kita mo namang masyadong mahal non yung asawa niya.” Isa pang palatak yung ginawa ko. Paano na ko? Katapusan ko na ba talaga? Mawawala na ba ang pinakamatamis na pangarap kong maging salutatorian? Lord, ipa-abduct niyo na lang ako sa mga alien. Mas mabuti pa! “Pero sa pagkakaalam ko, nandiyan yung bagong hire na Manager. Sa kanya ka na lang magpaalam.” Kumunot yung noo ko. “Nag-hire? Kailan pa?” Siya naman yung pumalatak saka ginulo yung buhok ko. “You’re so outdated, baby. Kaninang umaga lang. Nung wala ka rito. Pumasok bigla. Nagpakilala as manager. Kapatid ni Ma’am. Nag-send din naman ng message si Ma’am sa ating lahat. Wala ka bang natanggap?” Umiling ako. Meron man hindi ko siguro natanggap kasi madalas magloko itong cellphone ko. “Ayon, sa kanya ka na lang magpaalam. Mas mainam pa. I’ll go back with my work now. Kita tayo bukas.” Iyon lang saka niya ko hinalikan sa pisngi bago umalis na dala yung tray na hawak niya kanina. Sa manager ako magpapaalam. Ni hindi ko pa nga kilala. Malay ko ba kung anong ugali non. Hindi ko pa nga siya nakakausap. I don’t know anything about him or her. Except sa iyon ngang sinabi ni June. Na kapatid siya ni Ma’am and the rest is mystery. Isa malalim na paghinga yung ginawa ko. Wala na dapat arte. Tumayo ako saka ako dumiretso sa tapat ng office. Kailangan ko talagang mag-fly ngayon. Kaya Aja Garielle! Fighting! Valid naman yung reason mo. So, papayagan ka niyan. Kumatok ako. Ilang beses ko iyong ginawa. Pero walang nagbubukas. Nagsimula akong kabahan. Paano kung wala na rin yung manager dito? Patay-p*****n na naman ako. Hindi pwede! Pinilit ko yung pinto. Oo yung pinto mismo. Nilakasan ko yung p*******t sa kanya. Charot. Yung pagkatok sa kanya. Baka naman kasi mamaya bingi pala yung kapatid ni Ma’am or naka-earphone ‘debuh? May konsiderasyon ako siyempre. Sana lang pagkatapos nitong pangangatok na ginawa ko may trabaho pa ko bukas. Ilang minute pa bago nakita kong gumalaw yung doorknob. Nagislap yung mga mata ko. Because I can finally see hope. Tumingala ako pagbukas ng pinto para salubungin sana yung tingin nung Manager ko. Mas lalo pa yatang nagilap yung mata ko kasi. I have a meal of front of me. His gaze reached mine. Malalantik yung pilikmata niya. Para namang nililok both his eyes and his nose. And that lips, could make my heart drop dahil sa sobr—Ano ka ba Garielle! Magpaalam ka na! Stop daydreaming! “S-sir. Sorry po ha. Kasi nagmamadali lang po talaga ako. I-ikaw po yung bagong manager ‘diba? Yung kapatid ni Ma’am?” Nauuta-utal pa yung beauty ko gosh! Ngayon pa ko nahiya talaga no? Kung kanina lang kinakatok ko ng sobrang lakas yung into niya nako! Hindi siya sumagot. Nanunuot lang sa buong pagkatao ko yung titig niya. “P-pasensiya na po kanina kung sobrang lakas ng katok ko. Emergency l-lang po kasi. K-kailangan ko lang po talagang m-magpaalam sa inyo.” Hindi siya sumagot. His face remained blank as it is. Ni hind inga tumitinag sa pagkakatitig sa akin. “Sir may research lang po talaga akong kailangang tapusin.” I used my best puppy eyes pero walang epekto. Hindi pa rin siya sumasagot. Hanggang makita kong tumaas at bumaba yung dibdib niya. Gosh! He’s breathing thank God! “Sir please—” “No.” ----- Brick Reynold's POV “Oo. Ako na. Sige na. Huwag mo ng alalahanin ‘yon. Damn it, Ate!” Kung hindi lang talaga bunti ang isang iyon. Hindi ako papaya na i-manage yung coffee shop. Mananahimik na lang ako sa bahay or di kaya iintindihin ko yung pagta-transfer ko. Ang hassle. Oh Brick. Come on hindi mo kailangang magalit ng ganyan. The coffee shop needs to close at 9PM. At kung may emergency isa man sa employee you better g— “Oo na nga Ate!” Iyon na lang saka ko siya pinatayan ng tawag. Kapag hindi ko ginawa iyon hindi na naman siya titigil ng kakakulit sa akin. Dinaig pa niya si Mama. Napaka-perwisyo. Kundi ko lang kasundo si Kuya Onyx, yung asawa niya, hindi ko gagawin ito. Pabagsak ako umupo sa swivel chair ron. Saka ko sinarado yung mga mata ko. I need a break from all of these. Unang araw ko pa lang bilang manager ganito na agad yung iniintindi ko. It’sjust for 9 months hanggang makapanganak ang Ate. 9 months lang akong magtitiis and if I messed up. Sila ng bahalang umintindi. Napabuntong hininga ako. Saka ko inayos yung likod ko sa backrest ng inuupuan ko pero wala pang ilang segundo. Napabalikwas ako sa lakas ng katok na nangmumula sa pinto ko. Hawak ko ang likod ko nang tumayo ako. “Bwisit!” Isa pang malalakas na katok yung narinig ko. Napakamot ako ng marahas sa ulo ko. Isa pa, I’ll fire whoever that is! Wala akong pakialam kung pagalitan ako ng kapatid ko. Isa pang malakas na katok yung dumagundong sa loob ng kwarto ko kaya bwist na bwisit akong lumakad papunta ron. Pagbukas ko’y tumambad sa akin itong babaeng nakakairita na ito. She smiled at me na sobrang ikinairita ko. “S-sir. Sorry po ha. Kasi nagmamadali lang po talaga ako. I-ikaw po yung bagong manager ‘diba? Yung kapatid ni Ma’am?”Nauutal niya pang sabi. I raised my brows. Now I recognise her. The singer of this coffee shop. Ano namang problema ng isang ito? “P-pasensiya na po kanina kung sobrang lakas ng katok ko. Emergency l-lang po kasi. K-kailangan ko lang po talagang m-magpaalam sa inyo.” Hindi ako sumagot. Mataman ko siyang tinitigan baka sakaling maintindihan niyang ayokong magpaistorbo. Sinira niya yung pahinga ko. Tapos aasa siyang sasagot ako? Magpapaalam? Hindi ba’t nasa duty pa ang isang ‘to.She’s working until closing time. “Sir may research lang po talaga akong kailangang tapusin.” Ang ayoko sa lahat ay yung iniistorbo ako. If she expects me to approve for here emergency leave. No. I also hate those people na masyadong maingay. I am an introvert. Sa mga kaibigan ko lang ako sumasama. I don’t even show my emotions sa mga tao because that’s who I am. Tapos ang isang ito? Konting emergency? Damn it. “Sir please—” “No.” Hindi ko na siya pinatapos na. Sabay talikod ko. Kaso nung isasara ko na yung pinto bigla niyang hinarang yung paa niya. Nanlaki naman yung mata ko ron saka ko maagap na binuksan yung pinto. Tatalon-talon pa siyang napahawak don na animo’y iiyak na siya dahil sa hindi na maipintang ekspresiyon ng mukha niya. Great. Sino bang matinong tao ang gagawa non? Retard. “Sir! Parang awa niyo na! I’m begging you. Kailangan ko po talagang tapusin iyon. Please sir! Nagmamakaawa po ako! Maawa ka na po!” Halos mabasag yung eardrum ko sa ngawa niyang iyon. Jeez! Let me rest with the bickering! “I said no.” Wala pa ring ekspresiyon na sagot ko kahit na sobrang inis ko na. “Sir please! Ano po bang pwede kong gawin para payagan niyo lang po ako?” Maluha-luha niya pang sabi. Napangisi ako ng palihim. Pero hindi ko pa rin sinagot iyon saka ako muling tumalikod at pumasok na sa loob ng opisina bago umupo sa inuupuan ko kanina. Kasunod ko naman siya. Napaigtad ako ng lumuhod pa siya sa paanan ko at yumakap sa kanang binti ko. Jeez! “S-sir…Sige na po. Maawa na kayo…gusto niyo gumawa na lang ako ng bagay na hindi pa nakikita ng mga customer dito?” Napatigil ako. Hindi pa nakikita. Luminga ako sa table ko hanggang sa makita ko yung ballpen na gamit ko kanina saka ko iyon pinaikot sa mga kamay ko. It’ll be fun to see, won’t it? “Do it.” Matagal niya kong tinitigan with drying tears on her cheek, nag-iwas akong ng tingin. She’s annoying me. Tumayo siya nang wala siyang makuhang sagot mula sa akin. Tumayo rin ako to see what she’ll do. Dumiretso siya sa kitchen. Laking gulat ko na lang nang kumuha siya ng kutsilyo saka ako tinitigan ng masama. Seriously? Anong gagawin niya? Kill me in front of these people? Nagtinginan pa sa kanya yung mga staff na naroon. Mabilis siyang lumakad papanik sa stage. Lumabas ako not showing myself to the customers saka ako sumandal sa tagiliran ng bar counter. She even took the podium beside the stage saka siya umangat doon. The podium is not that high ganon na rin yung stage kaya kitang kita hanggang kalahati ng katawan niya. She even put her left hand on top of it habang ang isa’y nakahawak pa rin sa kutsilyo na naroon. “Hi everyone! As promised, I’m back for another round, but to show you a different one today. I brough this knife and my hand. I need to do this for you to help me encourage my manager para makauwi ako ng maaga. Please? People? Help me?” Ngiting-ngiti niya pang pahayag. “Yes, Miss Garielle! Suportado ka namin.” Sabi pa ng isang babaeng nasa harapan. “True!” Sabat naman ng iba. Hanggang sa patuloy akong nakarinig ng encouragement mula sa customers para sa kanya. Bumuntong hininga siya na rinig na rinig pa sa mic. And the next thing that happen— Nanalaki yung mata ko nang makita kong gumalaw yung kutsilyo between the gap of her fingers saka ko siya narinig na nagkakakanta ron. “Oh, I have all my fingers The knife goes chop-chop-chop. If I miss the spaces in between, My fingers will come off.” Nagtagis yung bagang ko. What the heck is she doing?! “And if I hit my fingers, The blood will soon come out. But all the same, I play this game, ‘cause that’s what it’s all about.” She’s making a f*****g scene. Ngayon lang ako nakaramdam ng kaba. Matino ba talaga ang isang ito? Mas pipiliin niyang saktan yung sarili niya just to follow her will?! Hindi ko kasalanan ito. I never approved of it. Did I? “h, chop-chop-chop-chop-chop-chop-chop, I’m picking up the speed. And if I hit my fingers Then my hand will start to bleed!” Damn! Saka na lang yata ako nakahinga ng maluwag nang matigil na iyon. Matpos pa non ay timingin siya sa akin with that annoying smile again saka siya tumingin muli sa gawi ng customers. Nagmistula namang bar itong coffee shop dahil sa lakas nang sigawan ng mga taong narito. Even the other staffs are clapping and cheering her. Walang nakakatuwa sa nangyari. What’s with these people? Paano kung nasugatan nga siya? O nagkamali siya habang ginagwa iyon? Matutuwa pa rin ba yung mga taong ito? “Thanks everyone! So, yung deal natin.” Lahat naman ng tao’y tumingin sa gawi ko na mas lalong kong ikinainis. I hate getting all the attention. My expression remained as blank as it could get. Bumuntong hininga ako. “Sir please?” Sabi pa ng babaeng iyon gamit muli yung mic. Again, I raised both my brows. Nagtagis pa yung bagang ko. Matagal ko siyang tinitigan. After what she’ve done? “No.” Saka ako tumalikod na at umalis na ron. She’s so intense and I can’t stand her!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD