Chapter 4
The Boyish and The Girlish
Joey Merrit's POV
“Joey, oh great you’re here.” Halos humahangos pang paglapit niya sa’kin. I just came from school. Medyo maagang nakauwi kasi wala naman kaming lakad ng mga kaibigan ko. Hindi ko nga alam kung bakit walang gala ngayon. Ang boring tuloy. Inantok ako bigla.
“Yes, mom?” Huminto ako saglit saka ko tinanggal yung NMD ko.
“Your Auntie Desiree just opened a new modelling agency. She’s expecting to see you as soon as possible.” Numipis ang linya sa pagitan ng bibig ko. Saka ako bumuntong hininga at napapikit.
“Mom, you just came back from New York. Pwede bang magpahinga ka po muna?” Sabi ko. Pilit iniiwas yung topic.
Sa lahat ng tao. Dapat siya na yung nakakikilala sa akin pagdating sa mga ganito. She’s pushing me to be as girly as George or Garielle or Emily kahit na hindi ko naman talaga forte. She’s so worried na baka hindi na raw ako makapag-asawa.
“Sige na, ‘nak. Minsan lang. Pagbigyan mo na ang Mommy.” Napatanga ako saka ko tinaas yung kilay ko. I can’t believe this. Why does she always act like this? Hindi nakaka-cute.
“Mom, alam mo naman po yung isasagot ko diyan. I don’t want to do it. I’ve got my xBox, PSP, Wii, Nintendo at kung ano pa. Hindi pa ba sapat iyon na dahilan para maging obvious po na I’m not into girl stuff?” Sumibi pa siya na parang bata. She’s so sophisticated. Pero kapag ganito yung ginagawa niya. Hindi ko na alam.
Hinawakan niya pa yung braso ko matapos kong tangkaing umalis. Nalaglag pa sa braso ko yung bag ko dahil sa pagpipigil niya. Pumalatak ako saka umiling.
“Sige na naman na, ‘nak. One time lang.” Isa pang iling ginawa ko. As much as I wanted to give what she wants hindi ko pa rin gagawin. Kasi hindi madali. Isa pa, one time? I know Tita Desiree, kapag pumunta ako ron, hindi na ko paaalisin non.
“I’ve got a tournament in a few, Mom. Warcraft’s waiting for me.” Sabi ko na lang saka ako humalik sa kanya bago dali-daling pumanik sa kwarto ko. I didn’t even try looking back kasi alam kong hindi matatapos yung pamimilit niya sa’kin.
She knew all along na wala sa linya ko yung magsasali sa ganon. I even hate models, they’re too skinny. I mean, I am skinny pero hindi ako kasing galing nilang rumampa o mag-project.
Isa pa, up until now I am traumatized. Sumali ako before, isang beses para pagbigyan si Mommy pero nakatanggap lang ako ng negative comments mula sa mga tao. So why bother? Buti sana kung komportableng damit yung pinasuot sa akin noon. Eh kulang na lang hubaran ako. Mas trip ko pa rin yung maluwag na damit, mas komportable.
Pagpanik ko’y nagpalit na agad ako ng pambahay saka ako humarap agad sa computer ko. I was waiting for it to load nang makatanggap ako ng text mula kay Emily.
Hi girls! Just a reminder to start your researches tonight.
Naibato ko sa kama iyong cellphone ko matapos kong mabasa iyon.
“Too lazy to do it.” Sabi ko pa saka ako humarap muli sa computer ko at sinuot yung headphones ko. Nagsimula akong maglaro. Some losers talk s**t about how I play. Nagtaas ako ng kilay saka ako nag-chat.
Asshole, the game just started huwag kang ignorante.
I typed then continue playing. I need to take the win para makakain ako kapag tinawag ako ni Mom for dinner. Hindi niya kasi hahayaang wala siyang kasabay. Paano simula nang maghiwalay sila ni Daddy kailangan ganon na lagi. Tsaka palagi dapat 7pm kami kakain, not the usual 6pm and again because with Dad gone, iniiba na namin dapat ang nakasanayan. They’re both friends now anyway, kahit mayp ibang asawa na ang Daddy, Mom kept her communication with him para na rin sa sustento sa’kin. Business partners pa nga sila.
I don’t even know why Mom chose to keep it that way kahit na hanggang ngayon ay may sama siya ng loob kay Daddy.
“Lintek!” Bulyaw ko pa ng mapatay ako. First blood bwisit!
Wala pa ko sa kalagitnaan ng laro ay may narinig akong kumatok sa kwarto ko. Hindi ko iyon pinansin. Naisip kong baka si Mama lang at pipilitin na naman ako about Tita Desiree’s new agency. Nagpatuloy ako sa paglalaro pero wala pang tatlong segundo ay muling may kumatok. Hindi ko ulit pinansin hanggang sa marinig kong bumukas iyon.
Didn’t I lock that door? Marahas kong naibato yung headphones na suot ko saka ako lumingon. I will lose anyways. Bwisit! Tournament iyon. May premyo! Magkaka-pera ako.
“Hello, Tomboy!” napapikit ako ng mariin saka marahas na sumadlak sa gaming chair ko. Luminga-linga pa siya sa paligid.
“Bakit walang ilaw? Puro ka neon lights.” Nagreklamo pa nga.
“E anong tawav mo diyan? Diba lights din? So, ilaw? Stupid. Tsaka ano bang ginagawa mo rito?! Nang-istorbo ka pa!” Sabi ko dala ng inis.
Pumalakpak ako para bumukas yung main light sa kwarto ko at para wala na ring reklamo ang isang ito.
“Wala ka pang pasabi basta pasok ka sa kwarto ko? Hindi mo ba alam yung salitang privacy? Huh? Ton-Ton?!” Napahawak pa siya sa dibdib niya saka napapikit ng mariin at bumuntong hininga. Siya pa itong may ganang umarte ng ganon.
“Ash, Joey. Ash.” Umirap ako saka ako umupo na sa dulo ng kama ko. Kaartihan naman ng baklang ito!
Correction, hindi siya bakla at hindi rin ako tomboy. We just simply call each other those dahil sa katangian naming taglay. Katulad niya duwag at masyadong maselan. Di katulad ko walang akong kinatatakutan and I do like boyish stuff.
Humalukipkip ako.
“Okay, Abo. Now answer me, ano na namang kailangan mo?” Mainit pa rin ang ulong sabi ko saka ako umirap sa kanya. Naiirita ako. Tournament kasi. Tournament. Bwisit!
“Just dropping by. May hinatid kasi akong kaibigan sa kalapit na block.” Sabay pabagsak siyang humiga sa kama ko. Isa pang irap yung ginawa ko.
Walang manners.
“Isa pa, may pinapasabi si Mama.” Lumingon ako sa kanya na sakto naman nang nakatingin siya sa akin.
“But I do have a feeling na alam mo na yung sasabihin ko.” Bumuntong hininga ako saka ako humiga sa tabi niya. He used both his hands as his pillow. Hindi ko iyon pinansin.
“Alam mo bilang kababata mo ako at kilalang-kilala mo na ko. Alam mo naman na dapat yung isasagot ko. Why do you even have to deliver it personally?” Ramdam ko yung paglingon niya naman sa akin.
“Joey, best friend ni Mama si Tita Jackie. I can’t do anything about it, Kahit pilitin ko pa si Mama na huwag ka ng isali sa agency. I can’t stop her from talking to you mom as well. Kasi hindi naman tama.” Lumingon ako sa kanya. Ano pa nga bang magagawa ko? Wala naman.
“Alam ko, but please do tell her. Hahanap ako ng kapalit ko. As soon as possible. Magso-sorry na lang ako. Para hindi nakakahiya kay Tita Desiree.” Bumangon ako saka umupo. Hanggang sa may maalala ako.
“Siya nga pala, bakla.” Umisod naman siya palapit sa akin saka ginawang unan yung hita ko. Which is fine. We do this all the time.
“Anong naisip mo? Bakit ka lilipat sa Johnson’s? Isa pa, sino yung mga kasama mong lilipat at talagang isang grupo pa kayo? Puro lalaki ‘yon baka ma-r**e ka.” It’s true that he’s my childhood best friend. Pero yung mga kasama niya kanina ko lang nakita ang mga iyon. He never introduced me to them.
“Ayokong maiwan na mag-isa sa school na iyon. Kung buong tropa yung lilipat sa inyo, I don’t have any choice. Isa pa, mga kabarkada ko sila.” Iyon lang saka niya piniga yung pisngi ko habang nakatingin siya sa akin. Hinampas ko naman yung kamay niya.
“Masakit. Lintek!” Natawa naman siya saka muling pumikit na. Umuusok na yung bunbunan ko sa isang ito. Ayoko ng ginaganon ako. Nakakairita! Agad akong nag-isip ng pwedeng gawin hanggang sa may bumbilyang umilaw sa utak ko. Nakakaloko akong ngumiti.
“Uhm, Ton-Ton.”
“Hm? Ano na naman? At, Ash, Joey. Pakiusap lang. Paulit-ulit ba tayo rito?” Hindi ko iyon pinansin.
“Bakit?” Alam ko. Bibitinin ko pa, para mas lalong mamayani yung frustration sa kanya. Alam ko naman kasing mas mapipikon siya kapag ganito.
“Bakit ano?” Dumilat siya’t tumingin sa akin. Nagtama yung mga mata namin saka ko binasa yung labi ko. I even posted a disappointed look. Nangunot naman yung noo niya.
“I don’t know how to say this.” Pag-arte ko pa. Galing kong artista. Mag-artista na lang kaya ako? Para matuwa si Mom? Pero isa pa iyon sa mga hindi ko pinangarap. So, scratch that. Bago pa man ako makapagsalita ulit ay bumangon siya saka niya ko seryosong tinignan.
Nagtaas ako ng kilay. Wow. Lalaking-lalaki.
“Sabihin mo nga, Tomboy.” Saglit siyang huminto bago niya binasa yung bibig niya at nagpatuloy.
“May gusto ka ba sa’kin?” nanlaki yung mata ko saka ako napatanga. What the hell?! Salaulang bakla! Ako? Magkakagusto sa kanya?! Never!
“Gago!” Saka ko siya binato ng unan ko. Narinig ko yung pagbunghalit niya ng tawa. Hindi kami talo!
“Ano ba kasing sasabihin mo? Nagpapabitin ka pa kasi. Akala ko tuloy magco-confess ka.” Isa pang unan yung binato ko sa kanya na agad niya namang nasalo.
“Hello! Ang feeling mo naman ano po? Gusto ko lang kasi sabihin na ang oily ng mukha mo. Tapos napansin ko lang na medyo gumaspang. Ang pangit lang tignan. Nakakadiri.” And here goes the bomb.
Kapansin-pansin na nawala yung ngiti niya sa labi. Halos mawalan pa nga ng kulay iyong mukha niya. Napangiti na ko ng palihim.
“W-what the—what did you say?” He started stuttering na akala mo’y hindi makapaniwala sa sinabi ko.
“Yes, Ash. Ang gaspang tignan at nakakadiri.” Sabay humiga ako sa kama at inuna yung mga kamay ko ng may ngiting tagumpay sa mga labi.
“Jesus! Joey! Bakit hindi mo agad sinabi?!” Nagpipigil akong bumunghalit ng tawa. Puno na ng gas yung tiyan ko. Di ko kakayanin baka mautot pa ko rito. Kumaripas naman siya ng takbo sa vanity ko saka inilapit yung mukha sa salamin.
“Oily ba talaga?” tanong niya pa ulit saka sinipat-sipat pa at mas inilapit yung mukha niya sa salamin.
Tumango lamang ako habang tuwang-tuwa sa ginawa ko. Nagulat na lang ako ng bigla akong mapabangon dahil sa panghihila niya saka kami bumaba. Sumimangot ako.
“Ano ba, Ashton!” Gigil na sabi ko. Hindi siya nagsalita saka niya hinanap agad si Mommy na natagpuan naming nagbabasa ng magazine sa salas.
“Tita, hiramin ko muna po si Joey. Punta lang ako sa dermatologist ko.” Sabay humalik pa siya kay Mommy ni hindi man lang hinintay yung sagot at hinila na ulit ako palabas ng bahay. I just heard mom yelling na bumalik ako before dinner.
“Ano ba?! Ang OA mo! Parang iyon lang. Magpapa-derma ka agad?!” Inis ko pang sabi nang makasakay kami sa kotse niya. Nagkabit na ko ng seatbelt.
“Lakas-lakas ng saltik.” Sabi ko pa ulit.
“Joey, alam mong ayokong may nakakakita sa akin na ganito yung itsura ko. My face is so precious for me.” Napangiwi ako.
“Ano namang pakialam nila? Peslak mo ‘yan. Wala silang pakialam, kahit anong gawin mo diyan hindi nila pwedeng pakialamanan because that’s your face. Kita mo ako? Sumama pa rin ako sa’yo kahit na nakapambahay lang ako. Kasi wala akong pakialam sa sasabihin nila.” Pagpapaliwanag ko pa. It’s true though. Wala sila dapat pakialam kung lagi akong nakasumbrero, maluwang na tshirt, pantalon at sneakers. Mas trip ko yung ganitong outfit.
“What the hell is peslak, Joey?” Umirap ako sa kanya. Stupid. Sa lahat ng sinabi ko iyon lang talaga yung gusto niyang alamin ang ibig sabihin? Kairita.
“Bakla ka pero hindi mo alam iyon?”
“Hindi. Ako. Bakla. How many times do I have to tell you that?” Mariin niya pang sabi.
“Weh? Prove it, then. Kundi ka bakla. Sige.” Panghahamon ko sa kanya.
“How?” Tanong niya pa saka niya binagalan yung pagda-drive. Nag-isip ako saglit. Saka nang makaisip ako ay humarap ako sa kanya. I’m pretty sure he won’t do this. Kasi alam kong bakla siya.
“Kiss me.” Kitang-kita ko yung panlalaki ng mata niya saka siya agad na nag-break. Biglaan iyon kaya kahit ako’y nagulat. Mabuti na lang I have my seatbelts on.
“What the hell are you even saying, tomboy?” nakahawak naman na ko sa ulo ko. Nakalog yata yung utak ko. Peste!
“Bwisit ka naman! Bakit pabigla-bigla ka bang nagbe-break?” bulyaw ko sa kanya. Ang sakit talaga sa ulo. s**t!
“Kasalanan mo. Kung ano-anong pinagsasasabi mo diyan! Gross!” Wow! Kung maka-gross ang isang ito akala naman seryoso ako sa sinabi ko. Sinabi ko lang iyon para patunayang bakla talaga siya. Tsaka never! Never kong ibibigay yung halik ko sa kanya. Siya pa maging first kiss ko. Kadiri!
“Asa ka naman ibigay ko sa’yo yung first kiss ko? Impakto ka.” Inis pa ring sabi ko. Narinig ko naman yung tawa niya.
“Ikaw kasi. Sorry.” Iyon lang saka niya sinimulang paandarin ulit yung kotse. Saglit na minuto lang yung tinagal namin bago na kami nakarating sa derma clinic na sinasabi niya. Pumasok kami sa loob.
“Sir Ash!” salubong sa kanya ng isa sa mga naga-assist. Napataas yung kilay ko. Mukhang kilala na rito itong bakla na ‘to. Mukhang ka-close niya na yung isang ito.
“Kamusta?” Tanong niya pa.
“Okay naman, Sir.” Malandi pang tugon ng isang ito. Napataas ako ng kilay. Landi yata? Pa-cute pa, ‘di naman cute. Tumingin ako kay Ashton, ito namang bakla na ‘to. Hindi naman ako nagawang ipakilala. Ugok. Nagpatuloy naman kami sa paglalakad. Marami siyang nakakasalubong na kakilala niya meron yung nakikipag-high five pa siya yung iba nama’y nakikipagbiruan siya. Umirap na lang ako.
Wala talaga siyang balak na ipakilala ako ah.
Dumiretso kami sa reception kung saan siya nagpalista. Ilang saglit pa’y pinapasok na agad siya sa isang kwarto. Malamang sisimulan na yung mga kaartihan sa mukha niya.
Umupo na lang ako sa malapit na couch para hindi ako mainip ng husto. I mean I tried to read some magazines pero lahat iyon about beauty products and such kaya wala rin kwenta. Nakakainis kasi. Hindi ko nadala phone ko. Di sana naglalaro na lang ako.
Naghanap pa ulit ako ng matinu-tino pero wala talaga.
“Crap!” Sabi ko bago ko binalik na lang sa rack yung huling magazine na binuksan ko.
“Crap? What crap? Yung magazine?” Lumingon ako. There’s a guy now sitting beside me.
“Excuse me?” mataray na sabi ko. I can be Bellona sometimes kung matataon. Man-hater. Ngumiti lang siya saka niya kinuha yung huling magazine na binalik ko mula sa rack at binuklat iyon.
“What’s crap about this? Beauty products? Modelling world? Fashion?” Tanong niya habang patuloy ang pagbuklat niya roon. Sino ba itong epal na ‘to?
“Sorry pero I don’t talk to strangers.” Mas lumapad naman yung ngiti niya. Ano ba rito ang isang ito? Customer din ba? O ‘di kaya’y may kasamang girlfriend? Naghihintay din? Pesteng clinic ‘to daming peste talaga!
“Sa lahat ng babaeng nakilala ko. Ikaw lang yata ang may ayaw sa mga ganitong bagay. Isa pa, your attire. It’s quite unique for a place like this.” Sabay hinagod niya ng tingin yung suot ko. Nanlaki naman yung mata ko saka ako napatakip sa katawan ko.
“You p*****t! Ano bang pakialam mo? Maghintay ka na lang turn mo or kung may hinihintay ka lang huwag mo kong guluhin. Nasaan ba yung may-ari ng clinic na ‘to? I want you out!” Pagtataas ko ng boses sa kanya. Maya-maya pa’y may lumapit ng empleyado sa amin.
“Excuse me, Ma’am. May problema po ba?” tanong pa niya nang makalapit sa amin. Sasagot na pa lang ako nang makita kong lumabas si Ashton mula sa kwartong pinasukan niya kanina.
“Anong nangyayari rito?” tanong niya pa sabay lapit sa tabi ko.
“Yung bwiist na lalaking ‘yan. Ayaw akong kausapin tapos tinignan pa yung katawan ko. Bastos!” Sabay non ay tumingin siya ron sa gawi nung lalaki. Halos matahimik naman siya at walang nasabi.
“Hoy, bakla! Ano na naman? Bakit sumama na naman yung timpla mo?” tanong ko pa sa kanya. Nagtaka naman akong biglang natahimik din yung babaeng lumapit sa amin habang nakatingin din dito sa bastos na lalaking ito.
“Edward, this is Joey.” Kumunot yung noo ko. Magkakilala sila?
“So, this is that Joey.” Humarap naman sa akin yung Edward na iyon.
“Ikaw yung lagging kinukwento sa akin ni Papa na kababata ni Ashton.” Wait, what? Papa?
“Yes, this is her. So, kinukwento pala siya sa’yo ni Papa?” tumango lang yung Edward na ‘to kay Ashton saka siya bumaling sakin.
“Joey, this is Edward. The founder of this clinic.” Agad akong natahimik. Naubusan yata ng dugo yung mukha ko. M-may-ari? Nanlamig bigla yung buong katawan ko.
Sa haba ng binuhay ko sa mundo.
Ngayon akong napahiya ng ganito.
“It’s nice to finally meet you, Joey.” Sabay lahad pa ng kamay nung Edward sa’kin. Minsan talaga wala na lang naidudulot na maganda yung pagiging masungit ko. Ano ngayon? Aabutin ko ba itong kamay niya o hindi?
“Abutin mo na.” Siya na nga mismo ang nag-abot ng kamay ko saka siya ngumiti ng mas malapad. Hindi tuloy ako makatingin ng diretso sa kanya. Pakshet! I’m such a mess.
“Uhm. A-ano kasi…m-may ano…may p-puntahan pa kami.” Pilit akong ngumiti sabay mabilis akong bumitiw sa kamay niya at tumingin kay Ashton.
“’di-diba Tonton? Hindi ba? May pupuntahan pa tayo hindi ba?” Nilakihan ko pa yung mga mata ko para magets niya yung sinasabi ko. Ngumiti naman siya sa akin saka kumindat. Anong nakain nito? Parang ang manly niya yata? Ganito yata kapag kalalabas ng derma?
“I forgot to say. We’re exclusively dating now.” D-dating?!
“So, she’s your girlfriend? I thought you said wala ka pang girlfriend?” tanong pa nung Edward. G-girlfriend? Ano bang pinagsasasabi nitong dalawang ‘to? Tinitigan ko ng masama si Tonton. Kung makakapatay lang talaga yung titig kanina pa siya nakahimlay. Pakshet lang.
“Oh yeah, that. Kasasagot niya pa lang sa akin kahapon. So paano? Una na kami?” Hindi na niya hinintay yung sagot ni Edward saka niya na ko hinila palabas. Dali-dali niya pa kong sinakay sa kotse niya.
“Ano na naman ba iyon Tonton?! Walanjo naman. Anong sinabi mo ron? Anong dating? At girlfriend mo ko?! Hindi ka na nahiya!” Malakas pa siyang napatawa. Nababaliw na yata ang isang ito.
“Ano na naman ba bakla ka?!” Inis na sigaw ko saka ko siya hinampas.
“Paano yung istura mo kanina. Ano bang eksena mo roon kanina? Talaga yung may-ari pa yung kinalaban mo?” Sabi pa niya habang pinupunasan yung luhang nasa gilid na ng mata niya. Sige tawa pa. Nakakatuwa ka. Sabay hawak pa sa tiyan niya ang bwisit.
“Peste ka ba? Malay ko bang siya yung may-ari? Tsaka. Nakakahiya. Nasa teritoryo niya ako. Alangan namang pumalag pa ko? Kung wala siya sa teritoryo niya malamang nabangasan ko na ‘yon.” Sabi ko pa. Nagsasabi ako ng totoo mababangasan ko iyon kung wala sa teritoryo niya ang isang iyon.
“Ah. Sige na iuuwi na kita.” Hindi pa rin siya natahimik sa pagpipigil ng tawa niya kaya nabatukan ko na. Ano ba kasing nakakatawa ron?
“Iuwi mo na kong bakla ka!” Bulyaw ko pa ulit.
“Ingatan mo naman yung buhok ko.” Don na siya napatigil. Arte talaga. Pagdating sa katawan kaarte-arte.
“Uuwi na nga kita. Tomboy!” Ganti niya pang sabi. Bago niya sinimulang paandarin na yung sasakyan niya.
“Bakla!”
“Tomboy!”
“Bakla!”
“Tomboy!”
Hangga’t nasa biyahe kami’y paulit-ulit naming ginawa iyon.
Nakakatuwa ang araw na ‘to. Napakasaya lang.