Chapter 3
The Rebel and The Gangster
Bellona Johnson's POV
“Belle!” Nakangusong tawag sa akin ni Garielle. I rolled my eyes sa inis.
“Saan ka ba nagpunta? Bakit umalis ka agad kanina?!” Sunod na tanong niya. Parang bata. I’ve got no time for this. Kaya nga ako nandito sa BSR para mawala ako sa paningin nila at mawala rin sila sa paningin ko. Kausapin na lang nila yung Nanay kong magaling. Nakaka-badtrip.
“You skipped all your classes today. Seriously Belle?” Sabat naman ni Emily na nakasimangot at nakapamaywang na sa harap ko.
“Alam mo naman ‘yang isang iyan. Kapag gusting mang-inis ng nanay. Understood na ‘yon na walang klase buong araw sa side niya.” Ngumiwi ako sa sinabing iyon ni Alex.
“Bakit ka ba kasi umalis kanina babe? Anong problema?” Tanong naman ni Joey matapos umupo sa tabi ko at umakbay sa’kin. Inalis ko naman yung kamay niya ng marahas saka ako nakasimangot na humarap sa kanya.
“How many times do I have to tell you? Stop calling me babe! Nakakairita na Joey ah!” Damn that endearment. Nakakasuka. Tinaas niya naman yung dalawang kamay niya na animo’y sumusuko saka bahagyang lumayo sa’kin.
“Tama na ‘yan. Magsiuwi na lang tayo. Pare-parehas tayong pagod. May research pa kong tatapusin.” Ika ni Emily.
“Research about what?” Tanong naman sa kanya ni Alexandria.
“Don’t you girls go to lectures like me? Hindi ba’t magkakatabi tayo? God girls! Anong klaseng pag-aral ba ginagawa niyo? It’s abouit mitosis. Kaya kung ayaw niyong bumagsak. Magsi-uwi na tayo.” Iritado pang sabi ni Emily. Napailing ako.
I am the oldest pero mas matured magsalita itong babaeng ‘to. I repeated first year thrice. Sa pangatlong ulit na iyon. Doon ko na sila nakilala, but look at me now, acting as if I am the youngest. I know si Garielle pero the way Garielle studies at sumesegunda siya kay Emily. Mas kumpleto yung cells sa utak niya kaysa sa’kin.
“Tama na ang iingay niyo.” Sabi ko pa sabay tumayo na. Pinauna ko naman silang umuwi dahil hindi ko pa gusting umuwi sa bahay. I don’t want them to force me na umuwi ng ganito kaaga. Nagpasya akong maglakad-lakad sa park na malapit sa academy.
Matagal na simula nang makapaglakad ako ng mag-isa lang. Yung walang iniintindi. Simula kasi ng maging kaibigan ko yung lima hindi ko na magawa itong ganito. Panay sila nakabuntot, wala naman akong magawa. Though, they taught me kung paano makisalamuha ulit sa tao.
Tumama sa mukha ko yung sariwang simoy ng hangin. Napapikit ako. Minsan naisip ko lang, kung may pakiramdam ba itong hangin na ‘to nararamdaman niya rin kaya kung paano niya napapagaan yung damdamin ng ibang tao? Lahat naman din siguro ng may buhay, may nararamdaman ‘diba?
Mapait akong napangiti hanggang sa sapitin ko yung isang swing na malapit.
IIsang tao lang naman yung alam kong walang pakiramdam. Yubng taong walang pakialam sa nararamdaman ng iba. Hanggang sa lumipas yung panahon, nadamay ako. Nawalan ako ng pakiramdam. He left me, like this. He left me ng hindi lumili—napadilat ako.
Peste! Hanggang ngayon ba naman?! Napayuko ako saka ko ginulo-g**o yung buhok ko dahil sa inis.
“Bakit ba hanggang ngayon, Bellona?! Hanggang ngayon!” tumayo ako para sana umuwi na.
Pero natigilan ako.
“Gago ka! Pinahirapan mo kami!” It sounded like someone’s in danger. Luminga-linga ako. Gusto ko ng away. Hindi ba’t naaghahanap ako kanina pa? Bakit hindi ko puntahan?
Isang malakas na tawa pa yung narinig ko.
“Eh ‘di mabuti. Nahirapan kayo. Gusto niyong ulitin ko?” Napanganga ako. That voice. It’s familiar. Luminga-linga ako.
“Sumasagot ka pa ha!” Pumikit ako saglit. Hinintay na magsalita ulit ang isa sa kanila.
“Ano? Patulan na ba natin ‘yan?!” Napadilat ako nang maulinigan ko kung saan nanggagaling yung boses. Lumingon sa isang esquinita na malapit sa tennis court na nasa likuran ko. Nasa tabi iyon ng isang mini store. Sigurado ako. Doon nanggagaling iyon.
Tumakbo ako papasok sa loob noon. Hanggang sa tumambad sa akin ang apat na lalaking—why the hell are they wearing tux?! Sigurado akong hindi pa nila natunugan yung pagdating ko. Sinimulan nilang pagsisipain yung lalaking nakasadlak lang sa pader. I can’t see his face dahil nakatabon itong mga lalaking ito. Ang isa sa kanila’y sinusuntok siya habang ang isa’y nakakasipa. Samantalang nanonood at naninigarilyo lang ang isa habang nakatingin sa kanila.
Tumingin ako sa paligid ko. I need a weapon. These goons, they won’t get hurt kung kamao ko lang ang gagamitin ko.
I found a bat na nkasandal lang sa harap ko. Pagma-may-ari siguro ng isa sa kanila. Mga tanga. Ngumisi ako.
“Hey boys.” Tawag ko sa kanila saka ko isinampay sa akin yung baseball bat na hawak ko at ngumisi. Sabay-sabay silang napahintp saka nila ako nilingon.
“Miss, mali ka nang pinasukan.” Sabi nung isang may bungi pa sa ngipin.
“Si Darna yata ‘yan.” Sabi pa ng isa bago sabay-sabay silang nagtawanan. Mas lalo akong napangisi. Hinayaan ko lang silang magdadaldal. Habang hinahampas-hampas ko na ngayon sa palad ko yung baseball bat na hawak ko.
“Gusto mo bang madamay?” tanong naman nung lalaking sa tingin ko’y pinaka-leader nila. Tinapos pa nito yung sigarilyo niya saka niya iyon tinapon sa paanan niya at niligis iyon.
They all look like at my age. I mean hindi sa edad ko. Siguro’y matanda sila ng isa o dalawang taon.
“Hindi ko kayang pumatol sa babae. It would only break my heart.” Matigas ang ingles na sabi pa nung leader nila. He seems familiar pero hindi ko lang matandaan.
“Tapos na ba? Pwede na ba kong magsimula?” Nakangisi kong tanong. Isa pang tawa yung pinakawalan nung lalaki saka siya tumingon doon sa taatlo at tinanguan iyong mga iyon. Isa-isa silang sumugod sa’kin.
The first guy tried to strangle me pero umiwas ako saka ko siya pinatid bago pa man siya tumaob my bat swings against his core kaya patihaya siyang bumagsak. Isang sipa pa yung binigay ko sa tagiliran niya saka ko hinarap yung pangawalang lalaking sumusugod na sinundan pa nung pangatlong lalaki.
“You’re testing me boys.” Sabi ko pa, sapat na para makarating sa pandinig nila iyon.
Pinalibutan nila akong dalawa. Tila iniisip kung anong magiging sunod nilang galaw. Iaamba ko n asana yung hawak ko sa kanila pero mabilis akong nahawakan nung nasa kaliwa ko. Pinilipit niya pa yung braso ko dahilan nang pagbitiw ko ron sa baseball bat.
Fuck! Wrong move.
His gripped was so tight na kahit magpumiglas ako ay hindi ako makawala. Kinuha nung isang lalaki yung pagkakataon na ‘to para sugurin ako pero mabilis kong naiangat yung dalawang paa ko at saktong sumampay iyon sa balikat niya iniipit ko yung ulo niya sa pagitan ng binti ko. Binitiwan ako nung lalaking may hawak sa akin para siguro mawalan ako ng balance but I am too smart for that itinukod ko yung dalawa kong kamay sa lupa saka ko ulit kinuha yung balanse ko. Umangat ako sa balikat nung lalaking susugod sa akin kanina. Hinawakan ko yung ulo niya saka ko siya binigyan ng malakas na siko sa tuktok. Bumagsak siya kasabay ko.
Napangiwi pa ko nang tumama yung likod ko sa lupa pero mabilis akong nakatayo.
“You, dumbasses!” sabi ko sa kabila ng sakit sa likod ko. Lumingon na ko ron sa huling lalaki. Hindi siya tumitinag. Nakangisi lang siyang nakasandal sa pader habang naglalabas pa ulit ng isa pang stick ng sigarilyo saka sinndihan iyon.
“It’s been so long since I last saw you. I didn’t know we will meet this way.” Lumingon pa siya ron sa lalaking binubugbog nila kanina. Sabay ng paglingon ko.
“Am I right, Duke?” Halos manigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko rin magawang iikom yung bibig ko nang makita ko kung sino yung tinutukoy niya.
“Guess I found a way to reunite you with her again.” Lumingon ulit ako ron sa lalaking iyon. He really seems familiar. Ugh! Thing Bellona! Isipin mo kung saan mo siya nakita!
“Well…” nagsimula siyang hithitin yung sigarilyo niya saka niya pinamulsa yung isang kamay niya bago ako ulit tinignan.
“Serve this as my warning. I’ll be back.” Hindi na ko nakagalaw nung umalis siya kasunod yung mga iika-ika niyang tauhan. Tinapik niya pa ko sa balikat saka bumulong.
“Good to see you again, Bellona.” Parang may gumapang na kung anong malamig sa katawan ko. Hindi ko lang maintindihan kung ano iyon.
“Bakit mo ginawa iyon?” napabalik naman ako sa sarili ko. Saka ko binasa yung labi kong kanina pa nanunuyo. Hindi ako lumingon. It’s impossible. It can’t be him.
“Bakit mo ginawa iyon, Lona?” Napapikit ako ng mariin. Isang tao lang naman aang tumatawag sa akin ng ganon. Siya lang.
“Lona.” Bumungtong hininga ako. Walang ekspresyon sa mukha ko ang gumuhit nang humarap ako sa kanya.
“Hindi mo dapat ginawa iyon. Isa pa, walang nanghingi ng tulong dito.” Tumaas yung isang kilay ko. I am trying to suppress my hurting chest. Kumirot bigla.
“I’m sorry. Do I know you?” walang ekspresiyon ko pa ring sabi. Ni isa sa amin ay ayaw magpakita ng ekspresiyon and so I thought. Ngumisi lang siya saka niya pinilit na tumayo.
“Lona, you can’t fool me.” I scoffed.
“Sure.” Sabi ko pa.
“Umalis ka na. Bakit ba dumating ka pa?” Napangisi ako saka umiling-iling. He’s unbelievable. This is f*****g unbelievable too! Bakit kailangan niya pang magpakita ngayon?! Imbis na magpasalamat, ego niya pa rin yung nangibabaw? Hindi pa rin nawawala ang ngiti ko nang lumapit ako sa kanya.
“Don’t worry. Hindi pagtulong yung ginawa ko. Napadaan lang ako, looking for a goddamn fight. Kung nalaman ko lang siguro agad na ikaw yung pinagdidiskitahan ng mga iyon? Hahayaan kita.” Isa namang pagak na tawa yung pinakawalan niya bago siya nagsalita.
“Umalis ka na. Sinira mo lang yung araw ko.”
My heart flinched trying to get out from something miserable. Ipinilig ko yung ulo ko. Saka ako tumango-tango.
“Sure.” Isang hakbang pa lang yung nagagawa ko nang tumalikod ako ay mabilis akong humarap ulit.
“Actually, I forgot something.” Isa pang ngisi yung binigay ko saka ko pinalipad yung kamao ko sa mukha niya. Saktong-sakto iyon sa gilid ng bibig niya dahilan para magdugo iyon. Napangisi ako nang makita ko iyon.
“Nice seeing you again, Duke.” Iyon lang saka na ako tumalikod palabas ng esquinitang iyon.
-----
Duke Smith's POV
“Gago ka! Pinahirapan mo pa kami!”
“Eh ‘di mabuti. Nahirapan kayo. Gusto niyong ulitin ko?” Iyon lang hirap na agad sila? Paano na laang kung sinadya kong pahirapan pa sila? Baka mamaya niya hindi na sila makilala ng mga uuwian nila? Lumingon ako ron sa leader nila. Hindi ko malilimutan yung pagmumukha iyon. Ngumisi ako.
“Sumasagot ka pa ha!”
“Ilang taon na. Hanggang ngayon ba, palpak ka pa rin sa p**********p sa akin?” Nakita kong nagtagis yung bagang niya. Hindi siya nagsalita.
“Ano? Patulan na ba natin ‘yan?!” lumayo naman siya.
“Ano sugod, aba!” Sabi ko direkta sa kanya. Hindi pa rin siya tumiga at naglabas lang ng sigarilyo mula sa paketeng hawak niya saka sinindihan iyon.
“Matigas ka ha!” Lumingon ako ron sa lalaking iyon.
“Matigas pala e ‘di subukan niyo ko.” Nagkatinginan lang silang tatlo saka na ko sinimulang sipain at suntukin nitong tatlo. Hindi ako pumalag. I guess it’s time, wala na kong dahilan para lumaban pa. She’s gone because of me, because of this. Hindi ko naman na rin mapapatawad yung sarili ko. So, I won’t bother saving myself when I couldn’t save her.
Nagpakawala naman ako ng tawa habang sinusuntok nila ako.
“Saan ba kayo sumusuntok? Sinusuntok niyo ba talaga ako o kinakalabit?” Humihina naman yung suntok nila dahil na rin siguro sa pagkapagod.
“Hey boys.” Nanlaki mata ko. Hindi dahil sa huminto sila but that voice. Hindi ako pwedeng magkamali. It belongs to her.
“Miss, mali ka nang pinasukan.” Nakatalikod na silang tatlo ngayon sa’kin kaya hindi ko gaanong makita yung mukha nung babaeng iyon.
“Si Darna yata ‘yan.” Hindi alintana yung tawanan nila pinilit kong igalaw yung sarili ko para silipin kung sino iyon at kung tama ba ko nang naririnig.
“Gusto mo bang madamay?” Umiling-iling ako. Hindi pwede. Hindi siya pwedeng makita ng isang ito. Pero mukhang huli na at wala na naman akong magawa. Sa pangalawang pagkakataon, wala na naman akong magagawa para sa kanya.
“Hindi ko kayang pumatol sa babae. It would only break my heart.” Lumingon sa’kin sandal ang isang ‘to saka ngumisi at umiling-iling. That smirk, alam kong sa ngisi na iyon. Malalagay na naman kami sa alanganin.
“Tapos na ba? Pwede na ba kong magsimula?” Umiling ako. f**k! I need to stand up! Damn it! Mabilis ang naging pagtahip ng dibdib ko. Matagal na simula nung huli kong maramdaman ito. Kaba na sa kanya ko lang naramdaman noon.
Sumugod yung unang lalaki. Ilang saglit pa napatob niya iyon agad. Umiling-iling ako.
Imposible. Hindi pwedeng siya yung may kagagawan nito. She’s innocent. She can’t do things like this. Laging ako ang pumoprotekta sa kanya. Naga-alangan man pero mabilis kong iniangat yung tingin ko. It can’t be.
“No.” nanghihina kong sabi sa sarili ko.
“You’re testing me boys.” Rinig ko pag sabi niya. Her smile, changed. The way she dresses, the way she moves. It all changed. She’s not that innocent girl. I’m seeing things. Hallucination, perhaps.
Pinalibutan siya nung dalawa pa. Gusto ko nang tumayo at sumugod noon. Pero hindi ko magawa. Para akong natuod sa kinasasadlakan ko. Yung natitira kong lakas biglang naubos. Everything about her, I lost that. Bakit?
Katulad nung una’y napabagsak niya rinyung dalawang lalaking iyon ng walang kahirap-hirap. At sa mga oras na ito. Walang tumatakbo sa isip ko kundi. Paano? Paanong nangyari lahat ng ito? Ayokong isipin na dahil sa akin. Pero kahit anong pilit ko sa sarili ko, kahit anong pagbabaliktad ko sa mga posibilidad na tumatakbo sa isip ko. Iisa lang yung lamabas na dahilan.
Ako. Akong lahat ang dahilan nito.
“You, dumbasses!” sabi niya habang hawak yung likod niya. Nahigit ko yung paghinga ko nang lumingon siya sa lalaking naging dahilan kung bakit kami nagkaganito.
“It’s been so long since I last saw you. I didn’t know we will meet this way.” Lumingon silang dalawa sa akin. Gusto kong tumakbo. Palayo sa lugar na ito. Hindi ko alam kung baakit takot, kaba at paga-alala yung naramdaman ko sa mga oras na ‘to. Nang magama yung mga mata namin. I thought I was gonna lose it.
“Am I right, Duke?” Nanigas ako sa kinauupuan ko. Walang masabi. Walang magawa. I want to pour out my heart to her but her cold stare stopped me.
“Guess I found a way to reunite you with her again.” Kinuha ko yung pagkakataon na yon para subukang tumayo pero hindi ko pa rin magawa. Gusto kong umalis. Pero bakit? Anong dahilan? Hindi ba’t ito yung ginusto ko noon? Bakit hindi ko kayang panindigan ngayong nakita ko siya ulit? Ako yung may gustong pabayaan siya at iwan siya. Bakit ako yung makakaramdam ng ganitong takot?
“Well…” Singit nung taong iyon.
“Serve this as my warning. I’ll be back.” Tinapik niya pa sa balikat si Bellona. Nagtangka akong sugurin siya pero wala pa rin akong lakas.
“Good to see you again, Bellona.” Sabi ng isang iyon bago na umalis kasunod yung mga iika-ika niyang tauhan. Naihilamos ko yung kamay ko sa mukha ko. Bahagya pang kumirot iyon dahil sa mga sugat na natamaan ko. Ngayong nakita na ulit niya si Bellona. Anong hakbang yung susunod niyang gagawin? Umiling ako. She shouldn’t be here. Bakit ba dumating pa siya? Halos buhusan ng init yung katawan ko sa sobrang galit hindi sa kanya, kundi dahil sa sarili ko. Sa lahat ng panahon na pwede kaming magkita. Bakit ngayon pa?!
“Bakit mo ginawa iyon?” Unang tanong na naamutawi sa bibig ko. If I want her out. I need her to be out of my life. I mean it.
“Bakit mo ginawa iyon, Lona?” tanong ko ulit.
“Lona.” Rinig ko ang pagbuntong hininga niya. My heart skipped abit nang lumingon siya. Wala akong ekspresyon na nabasa mula sa mukha niya.
“Hindi mo dapat ginawa iyon. Isa pa, walang nanghingi ng tulong dito.” Puno ng galit ang mga mata niya. That’s the only emotion that I can see. Wala ng iba pa.
“I’m sorry. Do I know you?” Ngumisi ako saka ko pinilit ulit tumayo. Ilang segundo siguro nagawa ko rin iyon.
“Lona, you can’t fool me.” She scoffed. Sa inis? Sa galit? Hindi ko alam. Pero mabuti ng ganon yung maramdaman niya.
“Sure.” Sagot niya.
“Umalis ka na. Bakit ba dumating ka pa?” Ngumisi siya’t umiling.
“Don’t worry. Hindi pagtulong yung ginawa ko. Napadaan lang ako, looking for a goddamn fight. Kung nalaman ko lang siguro agad na ikaw yung pinagdidiskitahan ng mga iyon? Hahayaan kita.” Pagak akong napatawa. This is unbelievable. Pinaglalaruan na naman ba kami ng tadhana? As if that s**t really do exist.
“Umalis ka na. Sinira mo lang yung araw ko.”
I tried sounding as heartless as I could.
“Sure.” Isang hakbang pa lang yung nagagawa niya bago siya muling humarap sa akin.
“Actually, I forgot something.” Lumipad yung kamao niya sa gilid ng bibig ko. Nalasahan ko agad yung dugong lumabas mula roon. Ginamit ko pa yung hinlalaki ko para punasan iyon. Ni hindi ako nabigla because out of all the punches that I’ve received today. I think I deserved that one.
“Nice seeing you again, Duke.” Gusto ko siyang pigilan nang magsimula na siyang lumakad paalis pero alam kong hindi ko iyon pwedeng gawin. Napasandal ako spader saka ako napasabunot sa buhok ko. Iyon na yata yung pinakamasakit na suntok na natanggap ko.
“f**k!” Sigaw ko dahil sa inis sa sarili ko. I fished my phone out of my pocket saka ko tinawagan si Ashton at nagpasundo. I need to get outta here. Gusto kong magpahinga.