Chapter 2
The Freakin' Bachelors
Georginia Carybella's POV
“Oh, by the way girls. Nabalitaan kong may mga bagong transfer na darating.” Pag-open ng topic ni Alexandria. Ngumisi ako leaned myself more because if it’s true. Malamang kapag may bagong transferees more fans. Hindi ba? More gifts.
Isa pa, mas dumarami yata yung mga transferees dito sa school? Sabagay, this is the most prestigious school amongst all the other school in the country kaya malamang maraming magtatangkang lumipat. All, the prodigal sons and daughters of the most popular business tycoons are studying here. Iyon nga lang mas sikat ang mga magulang namin. For Garielle, she’s a scholar here and dahil kay Bellona rin iyon. Though matalino rin si Garielle. Pero mostly it’s because of Bellona kaya siya scholar.
Like hello, Bellona Johnson. The last name, last name pa lang, right? Her family’s the owner of this academy. The only thing na hindi ko talaga maintindihan is kung bakit ganyan yung asta ni Bellona? Ang rich-rich niya naman.
“Though that was supposed to happen nung first day? Anong petsa na ba?” Sunud-sunod na tanong ni Joey. Ngumiwi ako. At this point, mukhang malabo. Nangimi ako.
“Disappointed?” tanong pa ni Bellona. Umirap naman sa kanya si Joey na hinawi ang buhok na tumatabon sa mukha.
“You wish, babe.” Sagot ng isa.
Since first year high, magkakakilala na kami nitong mga ito. Lucky, dahil sila lang yung mga una kong naging kaibigan dito. Hindi naman din naming alam na ganito kami ita-trato ng mga students dito. We were on our mid-year nang magsimula silang tratuhin kami ng ganito just because the heard about our parents and the special treatment this academy will give us. Even the senior students that time were so hyped about us. And yet again, except for Garielle.
“Friday ang rinig kong sabi nila.” Singit pa ni Emily sa usap nung dalawa.
Gosh! Wednesday pa lang. I can’t wait to meet them na. Sana they’re rich too, kasi I need few more designer brands. Para pandagdag sa collection. I don’t want to spend my own money because I can be kuripot sometimes.
Isa pa, last year na namin sa highschool ito. Kailangan ko nang lubusin na.
“Golly, it’s so nakakatamad na here. Buburuhin na lang ba natin yung mga sarili natin dito sa BSR? Like everyday.” Reklamo ko saka ako humikab.
Yes, I am so bored naman na talaga e. Bakit kasi kailangan pa nila kaming bigyan ng special treatment? It’s not that I don’t want this treatment pero minsan napapaisip ako. Why give us this room, they even named it as Bachelorette’s Special Room, to show my fellow students how different we are from them? Hindi ba unfair? I don’t know it’s just my opinion. Isa pa, why am I even so conyo?
“Where do you want to go then? Sa mall?” Said Emily. Nagkibit balikat ako saka ako sumandal ulit sa couch na inuupuan ko.
“Ano bang napapala mo sa mall? It’s a tavern-like place full of annoying people.” Giit pa ni Bellona while checking the variety of rings na nasa mga daliri niya. I don’t even think of them as pretty rings, they’re like brass knuckles for fighting.
“Bitter.” Sabi ko pa sabay ubo kunwari.
“What?” walang ekspresyon niyang tanong. Nagtaas ako ng kilay.
“You mean to say, a tavern-like place full of hotties.” Sabi ko pa.
“Pare-pareho lang yang mga ‘yan. Walang kwenta.” Ngumiwi ako at hindi nagtangkang makipagtalo sa kanya. Yung totoo? Nagme-menopause na yata ito? She’s still young I know pero she’s showing symptoms na ha. Bakit kasi sobrang galit niya sa mga lalaki. Ayaw naman niyang magkwento about it. All I know is that, ayaw niya talaga sa kanila. Period.
“Babes, baka magtalo na naman kayo. Nasan ba si Elle?” Awat ni Joey na kanina pa ngumunguya ng bubble gum habang nakataas yung paa niya sa centre table na nasa harap.
Bigla namang bumukas pabalibag yung pinto saka tumambad sa amin ang hinihingal na si Garielle.
“Hey, anong nangyari?” tanong ni Joey kay Garielle. Sinubukan niya pang pakalmahin yung sarili niya habang hawak ang dibdib niya bago tumingin sa amin at tumili ng matinis. I winced.
“Oh my God! Nandito na yung mga newbies!” Sunod ay tumili na naman siya na animo’y hindi na makapagpigil ng ihi niya with her eyes twinkling.
“Newbies? Oh, yung mga transferees? Bakit?” Tanong ni Emily na naitiklop noon yung librong kanina’y masinsinan niyang binabasa.
“Oo Em! Oh Jeez!” Excited pang sabi ni Garielle.
“So what? Gusto mo ba magtatalon kami katulad mo?” Bellona again with her sarcastic remark. Inirapan lang siya ni Garielle saka tumingin sa akin at bumalik yung kaninang tuwang-tuwa niyang expression. Ako naman yung nagtaas ng kilay.
“They are…”
“Freakin’…”
“Hot!” sigaw niya pa sa huli. Napalunok ako saka ako mabilis na tumayo.
H-hot? Finally, may hot na rin sa school na ito excluding me dahil ako pinaka-hot dito. Like, OMG talaga. There are cute guys here pero they’re just average for me. Napalapit ako ng hindi oras kay Garielle. Hot, kapag may hot nandon ako. Palalagpasin ko ba yung mga ‘yon? George is George. I smirked.
“Girls, I think it’s time na. Gusto kong mag-aral mabuti. I’m always late e. Pa-ring na rin yung bell hindi ba? Tsaka masyadong malamig dito. Gusto kong magpainit.” Sabi ko na lang sabay hinila ko si Garielle palabas.
“As always.” Narinig kong sabay-sabay na sabi nung apat. Kilalang-kilala talaga nila ako.
Binilisan ko ang lakad ko and then there, we reached the classroom, pagpasok pa lang namin sobrang tahimik nila and they’re all looking at us too disappointed. All girls kami sa room as we’ve requested that. Hindi ako pumayag non, well majority wins, dalawa lang kami ni Garielle, apat yung kaibigan ko. Nasa star section kami so I think that would do to ease my disappointment for them that time.
Nakaupo na kami ng maya-maya lang at pumasok na yung apat ko pang mga kaibigan and again disappointment registered to their faces. Umupo sa tabi namin yung apat. We’re always nasa harap para walang abala.
Nasa iisang row lang kaming anim.
“Masyado nang pa-VIP yung mga newbies na ‘yan. Sino ba yung mga iyon?” Tanong pa ni Joey.
“Don’t ask me, hindi ko pa rin sila nakikita. Ask Elle.” Sabi ko pa kay Joey na nasa kaliwa ko. Ilang minuto pa kaming naghintay ni Elle pero walang dumating, kahit pa teacher naming. Dahil na rin siguro sa inip tumayo si Bellona.
“Where are you going, Belle?” Tanong ni Alexandria sa kanya. Nakapamulsa lang siyang hindi lumilingong nagsalita.
“Maghahanap ng away? Ang boring na rito.” Hindi mawala ang tingin namin sa kanya hanggang sa lumingon na rin siya sa gawi ng mga kaklase namin na sa palagay ko ay tinitignan din siya.
“Do you want to die?” Tanong niya pa ron sa mga iyon. Para namang nakaharap ng serial killer yung mga kaklase kong sabay-sabay na umiling. Tumalikod na si Bellona para buksan yung pinto pero pumasok na agad yung teacher naming. Yus, finally. Nandito na rin siya.
But again to my disappointment, where the hell are those newbies? Dapat kasama na niya sila.
“Good morning, my beautiful princesses.” Bati niya pa sa amin. Muli namang bumalik sa upuan si Bellona.
“Good morning, Sir!” Sabay sabay na bati namin sa kanya.
“Think I need to apologize for being late this time.” Tumingin pa siya sa’kin na parang nagpaparinig pa. Umirap ako. Whatever.
“I’ve talked to the newbies, ang sabi nila’y kailangan pa nilang mag-ayos ng mga dokumento para tuluyan na silang makapag-transfer dito.” Pahayag agad niya. Nagsimula ang bulungan sa loob habang rinig na rinig ko yung impit na tili ng iba.
“Sir, anong section sila?” tanong pa ng isa.
“Ah yes.” Lumingon pa siya muli sa gawi naming. He even pinned his attention to Bellona saka siya nagsalita.
“They’re going to receive the special treatment as our girls here and they’ll be in this very section.” Natakpan ko yung bibig ko. OMG! Finally. Rinig ko rin ang halos hihimatayin ng reaksiyon ng iba ko pang kaklase. Kakapal dapat ako lang nagre-react ng ganon but I am more demure than them so let them be.
I hear Bellona hissed after that.
“Hold up girls.” Pagpapatigil pa ng teacher naming saka niya tinaas yung kamay niya for stopping gesture. Tumahimik naman ulit sila.
“Unfortunately I have bad news for you.” I crossed my finger. Please tell me na minor lang ito. Because I need to feed my thirst dahil sobrang tuyo na yung mata ko. I need sweat.
“They will receive the same treatment as our girls here.” Nawala yung kanina’y nararamdaman kong sigla. Saka ako nagtaas ng kilay. What the hell did I even hear? What did he just say?
“The unused room beside the TFB’s room will be renovated at iyon yung gagamitin nila as their special room.” Mas lalong tumaas ang kilay ko, hindi pa rin nawawala yung titig niya sa amin. They will receive the special-freaking-treatment. Just what on earth is that supposed to mean?
“Beside our room? So, ayos? May mapagdidiskitahan ako.” Mahinahon pero mariin na tanong ni Joey.
“Joey.” Emily called with warning tone.
“Yeah joey. Stop, hindi mo pwedeng saktan ang mga hotties na iyon no!” Sigaw pa ni Garielle. Napatingin kaming lahat sa kanya. Huh, she’s embarrassing herself again. Tinago niya pa yung mukha niya sa mga palad niya sa sobrang kahihiyan na natanggap.
“I-I mean. Transferees. Yes. That’s right.” Nag-peace sign pa siya.
“I don’t know but why? Just why beside our room? Anong pakana na naman ‘to? Hindi niyo ba naisip na wala ng privacy iyon once na itabi niya sila sa amin? Matitino ba sila? Bet Mama wanted this.” Litanya pa ni Bellona na mukhang napikon sa narinig.
“They aren’t into girls if you want my opinion. Mukhang mga disente at talagang elite ang mga pagu-ugali.” Paliwanag pa ng teacher namin.
Not into girls? They’re not into girls? Paano ako? Ilang beses akong nag-inhale exhale. Don’t mind that, George. I’m pretty sure na kapag nakita ka ng kahit isa sa kanila he won’t resist you. No one rejected you before. Boys ang lumalapit sa’yo. You can relax.
“Question.” Pagtawag atensiyon ni Alexandria.
“Yes, Miss Dunbar?”
“Are they aware na may special treatment din kami?”
“Well aware, Miss Dunbar.”
“What did they say then?” Tanong pa ulit ni Alexandria.
“Oh that, I remember one of them saying that they don’t really want to give any attention to you girls since they’re here to study, they’re here because of their parents, and if ever you fragile girls need any saving. They’ll be here to help.” Napanganga ako.
“What’s that? Sorry? Fragile?” Hindi ko mapigilang tanong ko.
“Yes, exactly one of them said.”
“And the rest?” tanong pa ni Emily.
“Laughed, ignore and get on with their day.” Muntik na kong mapatayo sa sobrang inis. Right now, I don’t even care kung hot sila. All I care about was the things they did. They’re belittling us. They’re degrading us. What do they think about women? Mahihina? Oh no, No way!
“No way! Wala silang pakialam sa TFB?” one of classmates reacted habang nagbubulungan na muli yung iba.
“Hindi ba nila kilala kung sinong sinasabihan nila ganon?” One of them reacted as well.
“I can’t accept this. We can’t accept this treatment girls!” animo’y nakikibakang sabi pa ng isa.
“They maybe hot but there’s no way na papayagan natin silang i-degrade and TFB! Hindi pwede.”
“Girls, don’t make a big deal out of thi—”
“No! This is a big deal for us. We will protect ourselves and the TFB from that criticism!” I smirked after hearing those reactions. I don’t need to put my rage out today, but I know these girls got our backs.
Friday morning.
And like the usual routine I am rushing, overtake na lang ng overtake kasi late na naman ako. Pero kapag kinamalas-malasan ko nga naman. May nakikipagunahan pa sa akin at hindi ako nakikipagbiruan. Kanina ko pa siya napapansin. Ano bang problema nito? Sunud ng sunod?
“What the hell!” Sigaw ko na sa inis saka ako bumusina pero mukhang hindi matitinig yung kotse na ‘to. Walang silbi yung pagiging brat ko kung magpapatalo ako. I revved my car papunta sa kabilang lane to overtake. Pero muli, nangi-inis pa talaga siyang nag-overtake. Isa pa ulit na pag-overtake ang ginawa ko pero ganon din ang ginawa niya.
Okay that’s it. I won’t play this game anymore. Inunahan ko lang saglit yung kotse niya saka ko hinarang sa daraanan niya. Bumaba ako ng kotse.
Akala mo kung sinong hari ng kalsada ang isang ‘to. Hindi naman ako nasabihan na may pumalit na sa Jeep! Sinuklay ko ang harapan ng buhok ko saka ako humalukipkip at sumandal sa kotse ko.
“Get out of the car.” I said containing my anger. Pero halos tumaob na ko when a guy with fresh-looking personality, wearing a wayfarer sunglass and wait—a uniform from our school?
“Anong problema mo?!” Napabalik ako sa sarili ko. Now, I stopped daydreaming. Nakaka-turn off. Kailangan sinisigawan ako? Ang kapal. Marahan akong lumapit sa kanya haabang nakahalukipkip pa rin pero may inis na ngisi sa bibig.
“Obviously, you. Sige I’ll make it tagalog. Ikaw. Ikaw ang problema ko.” Mariin na napapikit yung mata niya saka bumakas sa mukha niya ang inis. I don’t care kung mainis siya. Nauna siyang mainis sa pagkakaalala ko.
“Look, Miss. I’ve got no time for games. Nagmamadali ako.”
“Sa tingin mo, ako hindi? Nago-overtake ka nang paulit-ulit. It wasn’t funny. Akala mo pagma-mayari mo itong daan. Sino ka ba?!” Pansin ko yung pagbabago ng ekspreyon ng mukha niya. It turned blank.
“You don’t know me?” Tanong niya pa.
“Hindi. Tatanungin ba kita kung kilala kita? Parang tanga lang hindi ba?” balik tanong ko sa kanya.
Luminga-linga pa siya na animo’y may hinahanap sa kung saan hanggang sa huminto siya at may tinuro gamit ang isang tango sa likuran ko.
“Would that help?” tanong niya pa. Lumingon naman ako. Hanggang sa madatnan ko ang isang malaking billboard kung saan nandon siya. Nagkibit balikat ako.
“So, you’re a model?” I’ve never seen him before tho. Bago lang ba siya? Like hell I care.
“Sa lahat ng babaeng kilala ko. Ikaw lang ang hindi nakakakilala sa akin. You know I’ve got fans that can destroy your life, you know that?” Fans? Nagtaas yung kilay ko. Malayo pa yung pasko pero ang lakas na agad ng hangin. Sa hindi ko siya kilala, why would he juice me para lang pilitin akong sabihin na kilala ko siya? What logic is this? I know all the famous model that I should know. Including local ones. Pero yung pagmumukha niya never ko pang nakita and if ever they’ll publish a magazine with his face. Hindi ko paga-aksayahan ng pera.
“Oh boy, if you’re that famous makikilala kita. So, shut off and dream on. I’m resting my case here.” Isa pang ngisi yung binigay ko saka ako kumindat then flipped my hair.
For the nth time late ako. Padabog pa kong pumasok sa BSR kung saan nadatnan ko yung mga kaibigan ko. They’re looking at me. Gosh! I have no time for confrontation! Kasalanan ito nung lalaki iyon! Emily opened her mouth pero mabilis na dumating si Bellona.
“Girls, mama wants to talk to us.”
“About what?” Tanong ni Emily.
“I don’t know.” Tipid na sagot pa ni bellona.
“This is the first time! Yey! This must be really important.” Masigasig na sabi pa ni Garielle.
“I’m pretty sure about that.” Sabi naman ni Joey.
“Anong oras daw? Baka mataon na may practice yung team. I don’t want to miss that.” Sabi pa ni Alexandria. Hindi ako nagsalita. Wala halos pumapasok sa utak ko ngayon dahil sobrang bwisit pa rin ako sa nangyari kanina.
“Uhm, now? Tara na.” Tugon ni Bellona saka na siya nauna. Tumayo na rin kami para sumunod sa kanya.
Isang display shelf na mataas ang tumambad sa amin na puno ng trophies, awards and certifications. Nasa likos iyon ng table ni Tita Elizabeth na nakangiti sa amin matapos naming makapasok.
“Glad to see you again, girls.” Bungad niya sa amin.
Miss Elizabeth Johnson. Bellona’s Mom. School’s main head. Also, the owner of this school.
“Glad to see you too, Tita.” Sagot ni Emily.
“So I hope Belle mentioned anything about this meeting.” Umiling naman kami.
“She didn’t mention anything tita. Ang sabi niya lang pinapatawag niyo po kami.” Napailing naman si Tita matapos magsalita ni Alexandria. Clearly, tinamad na namang magwento si Bellona sa amin.
“Actually, I already discussed this with her. Kaya sa inyong lima ko na lang ulit ipaliliwanag.” Tamungu-tango kami.
“Why am I even here then? Hindi niyo naman pala ako kailangan. Labas na ko. Sayang oras ko.” inis na sabi ni Bellona saka siya padabog na lumabas. Napaigtad pa ko nang gawin niya iyon. She can be scary sometimes. Gosh! Garielle tried to call her pero hindi na siya bumalik.
“Let her be. Pag-usapan na lang natin kung bakit ko kayo ipinatawag.”
“About saan nga po ba Tita?” tanong pa ni Emily.
“I am assuming you already heard about our transferees. Like they’re receiving the special treatment as you since nagkataon na nag-invest din ang parents nila para sa school na ito.” Napatingala ako sa inis. Pero hindi ko iyon pinahalata kay Tita. My day couldn’t get any better.
“Yes Tita, our teacher told us about it.” Said Joey.
“Alright, I just want you to know them kaya ko kaya ipinatawag. Their faces, their attitudes, and their names. Para naman maganda ang pagwe-welcome natin sa kanila.” They wish.
“Garielle saw them but not us Tita.” Sabi pa ni Emily. Isang ngiti pa muli ang binigay niya before pulling out something from here filing cabinet. A portfolio.
“All the information about them is here. Ano ba? Should we treat this as our magic book. They’re good boys, ladies. Kaya sa tingin ko’y wala naman kayong magiging problema sa kanila. Isa pa, nandito rin sa portfolio na ‘to yung mga information niyo. Hindi naman kahit may special treatment kayo’y hindi na naming binabantayan bawat kilos niyo.” Nagsimula siyang buksan yung portfolio. Saka siya nagsimula.
“The first one. Brick Reynolds. Her family’s the owner of six five-star hotel dito sa Pilipinas and ten other branches worldwide. His parents told me na mabait siyang bata iyon nga lang lagging walang imik. Too serious to handle. Walang emosiyon almost. So, I think he won’t be a problem to you girls. Tama? Since you girls have nicknames. We decided to give them nicknames as well. So, Brick Reynolds. The Emotionless.” She turned to the next page.
“Second. Jace Morgan. They have two major group of companies dito sa Pilipinas. Dalawa naman sa Australia. He’s into skating. Lahat ng skateboard tournament na sinalihan niya, naipanalo niya. He’s also a football player pero he’s passionate about being a skater. So Jace Morgan, The Skater.” Muli niyang inilipat yung page.
“Pangatlo, Duke Smith. They own three big restaurants and two famous fastfoods dito sa Pilipinas. Mahilig siyang makipag-away sa pagkakaalam ko. He’s a good guy but he’s a gangster. So, Duke Smith, The Gangster.”
“Hold on tita, pwede bang wala na silang nickname? I mean para maiba lang naman.” Giit ko. I can’t accept na pati nicknames ay meron sila katulad ng sa amin. It’s too much!
“Magkakaibigan din sila George. We can’t just ignore that fact. Hindi ba? Katulad niyo. Magbabarkada sila.” Nagtaas ako ng kilay. So, isang batalyon pala ang kalaban namin? So what?
“Bakit po sila lumipat Tita?” Exactly what I wanted to ask next. Thanks Joey.
“You will thank me one day girls. I can’t tell you now since it’s in a closed agreement between me and their parents.” Huh. Whatever. Wala akong pakialam sa kanila. Tinuon niya pa ulit yung tingin niya sa portfolio na hawak niya.
“Okay, moving on. The fourth one. Eugene Clegg. The Geek. Since he’s a real gamer. Pagdating sa mga online games and stuff like that walang makakatalo sa kanya. He’s too techy. Isa pa sobrang talino rin niya. So, I think…” tumingin siya kay Emily.
“Someone needs to step up the game, I think. Mabigat na kalaban sa academics si Eugene.”
“Tita, I am not even threatened. Ilang beses ng may nagtangka. May nakatalo po ba?” Sabi pa ni Emily. Even I am not threatened. Wala pang nakatalo kay Emily. Wala.
Natawa naman si Tita Elizabeth.
“Alright then. The fifth One. Ashton Wiggin. They’re the owner of two ice cream manufacturers. Nagma-manufacture din sila ng mga pagkain and fruits na ini-import ng Pilipinas sa ibang bansa. They also own, six toy companies worldwide. Ashton always prefer to fight with girls. Pero, don’t get me wrong, he’s straight huh. Girlish lang talaga kasi masyado rin siyang mag-care about his appearance and all that. Ashton Wiggin, The Girlish.” Nagkibit balikat ako. Hanggang sa mapansin kong hindi niya nabanggit kung may company ba na pagma-mayari yung nauna kay dito sa Ashton na ito.
“Tita, how about Eugene Clegg. Anong company—" hindi niya na ko pinatapos bahagya pa siyang napatawa.
“I’m sorry I thought Bellona told you. His parents are one of the co-owners of this school. Akala ko’y nakukwento siya sa inyo ni Bellona. Since mag-pinsan sila ni Eugene. My nephew in short.” Nagkatinginan pa kaming lima.
“Pinsan po?”
“Yes, my dear Garielle. So, lets just cut that. Ayokong malaman pa ni Bellona na nabanggit ko sa inyo. Well it’s up to you kung babanggitin niyo naman.” Sabay tawa niya pa ulit.
“So here’s the last one.”
Kalilipat niya pa lang ng page nanlaki na agad yung mata ko. I can’t even believe what I’m witnessing right now. Napahawak pa ko sa bibig ko because I don’t want to utter any words na makakakuha ng atensiyon nila.
Why am I reacting like this?
Kasi hindi ako makapaniwala na yung lalaking sumira ng araw ko ay siya rin yung lalaking nasa picture. Like what are the odds! Small world, right? Damn it! This is the worst day of my life!
"George. Is everything ok?" Tanong ni tita. Tumingin ako sa kanila. Ni hindi ko na napansin na nakatingin na silang lahat sa'kin. A-ano bang itsura ko kanina? Gosh! Baka pangit yung ekespresyon ko. Pahamak talaga yung mayabang na yon!
“I-I’m okay Tita. Sumakit lang bigla yung ulo ko. Parang medyo nasusuka.” Yes nasusuka ako sa pagmumukha ng isang iyan. Kumunot naman ang noo niya.
“Oh no. Gusto mo mag-clinic?” Umiling ako.
“I’m okay Tita. Please continue.” I faked a smile after that.
“Okay so. The last one. Zachary Connor. Model siya ng isang pinakasikat na magazine. According to his parents. Kasisimula niya pa lang sa pagmo-model kaya medyo hindi pa siya kilala. Pagma-may ari ng mga magulang niya yung sampung major modelling agencies all over the world. Kaya hindi na nakapagtataka kung sumabak na rin siya sa pagmo-model. So that’s it. Zachary Connor. The Model.” Matapos non ay binalik niya na yung portfolio niya sa loob ng filing cabinet.
“I know that it seems like may kahati na kayo sa popularity but just think about how our school’s image will rise up. Though, iyon nga lang at magkakaron kayo ng kahati.” Sabi pa ni Tita nang ngiting-ngiti.
They’re all gwapo. I admit that. Pero I don’t care. Hindi ako papayag ng may kahati sa atensiyon ng school na ito Hindi ako papayag!
At sa Zachary Connor na iyon. I’ll make sure na hindi ka kikilalanin sa school na ito. I’ll make your life a living hell! Bwisit!
“So Tita I assume na like us, may pangalan din yung grupo nila.” Tanong ni Alexandria. Ngumiti pa muli si Tita saka siya sumagot.
“It’s TFB, dear.”
Muli’y nagkatingin kaming lima.
“No way!” Magkakasabay naming react na halos mag-echo iyon dito sa loob. Napabunghalit namn ng tawa si Tita.
“I knew this would come.” Sabi pa niya.
“So, what does their TFB stands for?”
“The Freakin’ Bachelors.”