[Third Person's POV:]
"Base po sa huling text message ng pinsan niyo sa kaibigan nito ay may intensyon na po itong magpakamatay." Hindi makapaniwala si Tyler sa sinabi ng pulis. Kilala niya ang pinsan na si Trevor, malakas ang loob at masayahin ito, at kahit kailan ay hinding-hindi nito maiisipang tumalon mula sa terrace ng kanyang condo para kitilin ang sariling buhay.
"I know my cousin hinding-hindi niya magagawang magpakamatay!" Nahampas pa niya ang mesa dahil sa inis.
"Kumalma po kayo Mr. Santiago. Wala po talaga kaming nakitang foul play sa nangyari sa pinsan niyo. Sinadya ho talaga niyang kitilin ang kanyang buhay. Marahil ay may pinagdadaanan itong hindi niya lang masabi sa inyo," pagpupumilit ng pulis.
"Fine! Kung hindi niyo ako matutulungan ay ako na mismo ang gagawa ng paraan para malaman ko ang totoo!" Galit na tumayo siya sa kanyang kinauupuan at naglakad palabas ng presinto. Hindi siya makapaniwalang ganun ang lumabas sa imbistigasyon ng mga ito.
"Boss ano pong sabi ng pulis?" tanong ng kanang-kamay niya na si Adrian pagkalabas niya ng presinto.
"Naniniwala silang suicide ang nangyari! Hindi ako makapaniwalang ganun ka stupid ang mga pulis na 'yon!" inis na sagot niya rito.
"Ano na pong plano niyo? Sa tingin ko ay may kinalaman dito ang Sphere Mafia Organization." Naikuyom ni Tyler ang kanyang kamao dahil sa sinabing ito ni Adrian. Alam niyang hindi malabong totoo ang sinasabi nito, wala ng ibang may galit sa pamilya nila kundi ang Sphere Mafia at hindi imposibleng ito rin ang pumatay sa pinsan niya.
"Look for a private investigator. Paimbestigahan mo ang nangyari. Mula sa huling pinuntahan ni Trevor ng gabing iyon, huling nakasama at nakausap niya hanggang sa lugar kung saan siya natagpuang wala ng buhay."
"Opo boss!" agad na sagot naman ni Adrian. "May pupuntahan pa po ba tayo o didiretso na tayo sa lamay ni Sir Trevor?"
"No, we still have to meet the judge. Kailangang matuloy ang kasal ko, I need to get my inheritance bago pa ito tuluyang mapunta sa iba!" seryosong sagot niya. Tumango nalang si Adrian at pumasok na sila sa mamahaling sasakyan ni Tyler.
"Nagtext na po ang make-up artist naayusan na po ang bride," sambit ni Adrian bago ito tuluyang magsimula sa pagmamaneho.
"Good." Sa kabila ng nangyari sa kanyang pinsan ay kailangan paring ituloy ni Trevor ang kasal niya sa babaeng binayaran niya para maging fake bride. Wala siyang pakialam kahit hindi pa niya nakikita o nakikilala ang babaeng kanyang papakasalan, ang tanging mahalaga lang sa kanya ay masunod ang last will ng kanyang yumaong lolo. Ayon kasi sa last will and testament nito ay kailangan niya munang magpakasal bago niya tuluyang makuha ang mana niya. Pag hindi niya ito ginawa ay mapupunta lahat ng kayamanan nito sa adopted son ng lolo niya.
*******
Maarteng naglakad si Elise sa hallway ng hotel na pag-aari ng mga Santiago. Nagpanggap siyang staff ng hotel para hindi siya maging kahina-hinala at maitago niya ang kanyang pagkakakilanlan. Inayos niya ang kanyang cap upang hindi mahagip sa cctv ang kanyang mukha. Ayon kay Mr. Lemuel ay dito niya matatagpuan ang bride ni Tyler na kailangan niyang patayin. Sa impormasyong nakuha niya ay nasa room 1089 raw ito.
Nang matapat na siya sa room number na hinahanap niya ay nagsimula na siyang kumatok. Maya-maya pa ay isang babaeng sa tingin niya ay kasing-edad niya lang ang nagbukas ng pinto. Nakasuot ito ng puting dress dahilan para agad niyang maisip na ito na nga ang target niya.
"Magandang gabi ho ma'am, room service po," nakangiting bati niya sa babae.
"Room service? It's about time for my wedding at aalis din naman ako maya-maya kaya mamaya ka na maglinis," pagtataray nito sa kanya. Napairap nalang si Elise dahil sa ugali ng babae. Akala niya ay inosente at kaawa-awa ang babaeng papatayin niya ngayong gabi, gusto pa nga sana niyang umatras. Pero sa nakikita niyang ugali ng babaeng ito ay parang wala na siyang pagsisisihan sa gagawin niya.
"Ma'am utos po ng management at hindi ko po iyon puwedeng suwayin," pagpupumilit ni Elise.
Walang nagawa ang babae kundi patuloyin siya. Pagkapasok niya ang hinanda na niya ang gagamitin niyang panlinis.
"Be careful with everything here! My future husband is the owner of this hotel at mamahalin ang mga gamit dito!" pagmamalaki nito na mas lalong nagpakulo sa dugo ni Elise. Sa lahat ng ayaw niya ay 'yong mga hambog at feeling entitled kahit wala pa namang napapatunayan. She's just a fake bride at kung umakto ito ay parang totoong papakasalan talaga siya ni Tyler, bagay na sobrang ikinaiinis ni Elise.
"Hey!" Hinaklit nito ang braso niya nang hindi siya sumagot sa sinabi nito. "Are you deaf?" Akmang sasampalin na siya nito nang mabilis niyang mahawakan ang kamay nito.
"Hey! What are you doing?" angal nito nang mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay nito.
"You should quit acting like a villain, hindi bagay sa'yo," nakasmirk na sambit niya dito.
"ANO?" inis na tanong naman nito sa kanya. "Let me go!"
"Girl, I'm the real villain in this story," bulong niya sa malamig na tinig na nagdulot ng takot sa babaeng kaharap. Agad na kinuha ni Elise ang kutsilyong palagi niyang dala at walang sabi-sabing pinagsasaksak ang babae.
Dilat ang mga mata nito at naliligo sa sariling dugo nang bumagsak sa sahig.
"I think I'm going to need a new wedding dress," sambit ni Elise habang pinupunasan niya ang kutsilyong nababalot ng dugo. Ang damit mismo ng babaeng pinatay niya ang ginamit niyang pamunas dito.
******
Naglalakad si Elise suot ang puting damit na dala ng assistant ni Mr. Lemuel na tumulong sa kanyang iligpit ang bangkay ng babae at siguraduhing walang maiiwang bakas ang krimeng ginawa niya.
Nakapusod ang kanyang buhok at simpleng make-up lamang ang nilagay niya sa kanyang mukha. Mabuti na lang talaga at maalam siya pagdating sa mga ganitong bagay kaya hindi na siya nahirapan pang ayusan ang sarili.
Natanaw na niya ang judge at si Tyler na walang emosiyong nakatingin sa kanya. Hindi niya maitatangging napapahanga siya sa ganda ng mga mata nito lalong-lalo na sa makakapal nitong kilay at mahahabang pilik-mata.
Maputi at makinis din ang mukha nito na bumagay sa kulay abo nitong mga mata. Naramdaman niya ang unti-unting pagtibok nang mabilis ng kanyang puso habang pinagmamasdan niya ang binata.
'Hindi ka puwedeng magkagusto sa kanya Elise! Siya ang susi para makamit niyo ng kapatid mo ang kalayaan! Hindi ka puwedeng pumalpak dahil sa pag-ibig!' sambit niya sa kanyang isipan.
Nang makalapit na siya rito ay hinawakan nito ang kamay niya na mas lalo pang nagpabilis sa pagtibok ng kanyang puso. Daig pa niya ang tumakbo ng ilang metro sa bilis ng t***k nito.
"We are gathered..."
"Stop that nonsense judge! Where are the papers that we need to sign?" Inis na sigaw ni Tyler sa judge. 'Di na tuloy nito natapos ang dapat niyang sasabihin dahil sa biglaang pambabara nito.
"I'm sorry Mr. Santiago," paghingi nito ng paumanhin. Lihim na natawa nalang si Elise sa kanyang isipan. Hindi niya naman inakalang ganun pala kaatat itong si Tyler na magpakasal at pirmahan agad ng marriage contract ang gustong maganap.
"Tell me your name hija, blangko pa kasi ang pangalan ng bride," pagkausap nito sa kanya. Nagtaka tuloy siya kung saan napulot ng mga tauhan ni Tyler ang babaeng 'yon at hindi nila alam ang pangalan nito.
"Elise Winslet," simpleng sagot niya. Napansin niyang napatingin sa kanya si Tyler pero agad naman itong nag-iba ng tingin nong sinulyapan niya ito.
"Noted po." Agad na nagtype ang secretary ng judge sa kanyang computer.
"Matagal pa ba 'yan? I still need to go to my cousin's funeral!" muling sigaw ni Tyler. Pakiramdam ni Elise ay nanuyo ang lalamunan niya at muli na namang nanariwa sa kanyang ala-ala ang ginawa niyang pagpatay sa pinsan nito.
"I'm sorry Mr. Santiago, malapit na po ito," paliwanag ng sekretarya.
Napapikit si Elise nang muli na naman niyang marinig sa kanyang isipan ang boses ni Trevor na nagmamakaawa at humihingi ng tulong. Nanghihinang napakapit siya sa braso ni Tyler bilang suporta.
"What's wrong with you?" inis na tanong nito sa kanya at nandidiring inalis nito ang kamay niya sa braso nito.
Hindi na umimik si Elise, dahil sa mga sandaling iyon ay binabagabag na naman siya ng kanyang konsensya.
"Ready na po ang marriage certificate niyo." Huminga ng malalim si Elise nang marinig niya ang sinabi ng judge. Kailangan niyang iwaksi sa kanyang isipan si Trevor dahil maapektuhan nito ang kilos niya at maaari siyang pagdudahan ni Tyler dahil dito.
Agad na pumirma si Tyler kaya wala siyang nagawa kundi pumirma na din. Pagkatapos nilang pumirma ay hinila siya nito palabas ng silid bagay na lubha niyang ikinagulat.
"What's wrong with you?" angal niya dito at mabilis niyang binawi ang kamay niya mula sa binata.
"What do you want to do then? Stay there and act like we're really inlove?" inis na tanong nito sa kanya. Nagpupuyos sa galit na hinarap niya ito.
"Puwede ka namang hindi manghila! Kaya ko naman maglakad mag-isa!" Kita niya kung paano sumama ang tingin sa kanya ng binata dahil sa pagsigaw niya rito.
"Remember that you are just my fake wife! Sa papel lang tayo kasal. I am your boss and not your husband kaya 'wag mo akong sigawan!" nanlilisik ang mga matang sigaw nito sa kanya bago ito tuluyang umalis at iwanan siya sa gitna ng hallway.
"Kalma lang Elise 'wag mong papatulan," pagpapakalma niya sa kanyang sarili. Nagpakawala siya ng sunod-sunod na buntong-hininga, mukhang unang araw palang ay mapapatay na niya agad ang binata dahil sa ugali nito.