Kabanata 5

1566 Words
Elise Pagkatapos ng minadaling kasal namin ni Tyler ay dumiretso na kami sa chapel kung saan kasalukuyang nakalagak ang mga labi ni Trevor. Tahimik na nakasunod lang ako kay Tyler habang naglalakad ito palapit sa kabaong ng kanyang pinsan. Muli ko na namang naririnig ang boses ni Trevor na nagmamakaawa. Sinubukan ko itong iwaksi sa aking isipan pero hindi ko magawa. Iginala ko ang aking tingin sa paligid. Madaming tao ang gustong makiramay sa pamilya Santiago sa pagkapamatay ng isa sa mga tagapagmana nito. Mukhang nagmula rin sa prominenteng pamilya ang mga taong ito dahil sa pananamit nila na aakalain mong black and white themed party ang pinuntahan nila at hindi burol. "Don't be clumsy!" Tyler warned me nang aksidenteng sumobsod ako sa likod niya. Kakatingin ko sa mga nakikiramay ay hindi ko na namalayang tumigil na pala ito sa paglalakad. "I'm sorry," paghingi ko ng paumanhin. Naghanap ako ng bakanteng upuan at naupo. Ayaw ko nang magpakalat-kalat at baka may kung ano na namang kapalpakan ang magawa ko. Buti sana kung hindi pinaglihi sa sama ng loob itong si Tyler. Pinagmamasdan ko lang si Tyler habang nakikipag-usap ito sa dalawang lalake na sa tingin ko ay kasing-edad lang ni Mr. Lemuel. Mukha naman itong mga negosyante, pero pakiramdam ko hindi lang sila basta gano'n. I can feel that there's more than what they're showing on the outside. Parang si Mr. Lumuel lang, sa unang tingin ay hindi mo aakalaing mafia boss ito. Sa dami ng mga charitable institutions na tinutulungan niya ay hindi ka maniniwalang kaya niyang kumitil ng inosenteng buhay. Parang ako lang din, madaming nagsasabi na mala-anghel daw ang aking mukha. But they never know who I really was and what I'm capable of. "Excuse me." Napatingin ako sa katabing upuan ko nang may babaeng nagsalita. Masyado yata akong nalutang kanina nong umupo ako dito dahil hindi ko napansin na may katabi pala ako. "Yes?" Ngumiti muna ito bago magsalita,"I'm Bea, Tyler's friend." Inilahad nito ang kanyang kamay para makipagshakehands na agad ko namang tinanggap. Mukha naman siyang mabait. "Elise," pagpapakilala ko sa kanya. "It's nice to meet you Elise." Muli itong ngumiti sa'kin at napahanga ako sa maamo nitong mukha at bilogang mga mata. "It's nice to meet you too Bea." Nginitian ko rin siya, syempre ayaw ko namang isipin niya na ang snob ko, siya na nga itong nagfirst move na magpakilala sa'kin. "What's your relationship with Tyler?" tanong nito sabay turo kay Tyler na kasalukuyan paring nakikipag-usap sa mga bisita. Natigilan ako sa tanong niyang iyon. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Ano nga ba ako ni Tyler? Should I tell her that I'm his wife? Pero fake naman ang kasal namin na iyon. "I'm his friend too," sagot ko nalang. "Really? Bakit ngayon lang kita nakita?" Punong-puno ng pagtatakang tumingin ito sa'kin. "Kasi..." "Bea!" Hindi ko na naituloy ang dapat sanang sasabihin ko dahil sa biglaang pagtawag ni Tyler sa pangalan ni Bea. "I'm sorry, Tyler is calling me," paghingi nito ng paumanhin. Napansin kong parang naexcite ito nang marinig niyang tinawag siya ng kaibigan. Tumayo si Bea at naglakad palapit kay Tyler. Pareho na silang nakikipag-usap ngayon sa mga bisita. For a moment I just realized that I looked like an outcast. I am Tyler's wife, pero ang bestfriend nito ang kasama niyang mag-entertain sa mga nakikiramay. 'Hayst ano bang iniisip mo Elise? Bakit parang nalulungkot ka eh hindi naman talaga kayo mag-asawa? Isa pa sino ka ba para iharap sa mga bisita?' nasambit ko nalang sa aking sarili. Tumayo ako at dahan-dahang naglakad palabas. Parang hindi kasi ako makahinga dito sa loob, lalo na kapag nakikita ko ang kabaong ni Trevor. Pagkalabas ko ay sakto namang tumatawag si Mr. Lemuel. Hindi nakasave ang number niya sa phone ko pero isinaulo ko ito kaya naman alam ko agad na siya ang tumatawag. [Are you done with your first assignment?] tanong nito pagkasagot ko sa tawag. Tumingin-tingin muna ako sa paligid, mahirap na baka may makarinig pa sa'kin. "I'm done with it. Infact, I'm on the next step," sagot ko rito. [Good!] Agad nitong pinatay ang tawag. Ganun talaga si Mr. Lemuel kapag tumatawag. Isang tanong isang sagot lang at hindi na puwedeng pahabain pa, besides wala naman kaming dapat pag-usapan. "What are you doing here?" Bigla akong pinagpawisan ng malamig nang marinig kong magsalita si Tyler sa likod ko. Akala ko ay nakikipag-usap parin ito sa mga bisita kasama ang kanyang kaibigan. Hindi ko inakalang lumabas na pala ito. Dahan-dahan akong lumingon at pinilit kong alisin ang kabang nararamdaman ko. Nakapamulsang nakatayo malapit sa'kin si Tyler. Seryoso ang mukha nito at walang mababakas na kahit konting emosyon. "Nagpapahangin." Nagpapasalamat ako dahil sa kabila ng mabilis na pagtibok ng aking puso ay hindi ako nautal. "Let's go home," saad nito. "Ha? Pa'no ang lamay ng pinsan mo?" Kahit hindi ko gustong magstay dito dahil nakokonsensya parin ako tuwing nakikita ko ang kabaong ni Trevor ay kailangan niyang magstay dito dahil walang ibang mag-aasikaso sa mga bisita. "You still have to sign an agreement." Napanganga ako dahil sa sinabi niya. "Ano na naman bang agreement 'yan?" Jusme naman hindi pa ba sapat na pumirma ako sa marriage certificate namin? At kailangan pa talagang may agreement? Anong klaseng agreement na naman kaya iyon? "You'll know when we get there," maikling sagot nito. Hindi ko alam kung bakit ganito ang lalakeng ito. Parang nabibilang lang ng mga daliri ko ang mahahabang sagot niya. Lahat maiiksi na parang tinatamad talaga itong magsalita. Naglakad na ito patungo sa kotse niya kaya no choice na naman ako kundi sumunod sa kanya habang ipinagdarasal ko na sana humaba pa ang pasensiya ko at hindi ko agad masaksak ang lalakeng ito. ****** Pagdating namin sa mansyon niyang malapalasyo sa laki ay literal na napaawang ang aking mga labi. Lahat ng mga naka display rito ay kumikinang at halatang mamahalin. Mahirap pag pinasok ng magnanakaw ang bahay na ito dahil kahit ang mga maliliit na vase ay gawa sa ginto. Nakahilera ang mga maids at bodyguards at sabay-sabay silang yumuko pagdaan namin. Buhay prinsipe ang mayabang na ito. Siya lang mag-isa ang nakatira sa isang malaking bahay, sa katunayan nga ay mas malaki pa ito kung ikukumpara sa bahay ni Mr. Lemuel. Naglakad kami paakyat sa hagdan na nag-alangan pa akong tapakan dahil sa nakalatag na red carpet at gintong hawakan nito. Kahit itong hawakan lang ang tanggalin ko at ibenta, malaking pera na agad ang makukuha ko. Kapag nabigo akong patayin itong si Tyler ay pagnanakawan ko nalang siya tapos tatakas na kami ng kapatid ko. HAHAHA ang pangit ng iniisip ko jusme, pumapatay ako hindi nagnanakaw. "FASTER!" Bahagyang napatalon ako dahil sa gulat. Kung makasigaw naman kasi itong si Tyler dinaig pa ang sigaw ni Mr. Lemuel. "Grabe ka naman kung makasigaw, sabog ang eardrums ko sa'yo," reklamo ko. Pero hindi ito umimik nagpatuloy lang ito sa paglalakad. Pag ito talagang si Tyler ang nakasama ko maghapon ay talagang papanis ang laway ko. Sa lahat ng naging misyon ko ay ito ang pinakamahirap, 'yong iba kasi nadadala sa alindog ko pero itong si Tyler ni hindi nga ako magawang tapunan ng tingin. Pumasok ito sa silid na may malaking pintuan. Sa tingin ko ay ito na ang master's bedroom. Nag-aalinlangan man ay sumunod nalang ako dahil baka masigawan na naman ako nitong lalakeng pinaglihi sa sama ng loob. Pagkapasok ko ay namangha na naman ako sa aking nakita. Kulay puti ang pintura ng dingding at kulay itim naman lahat ng mga furnitures. Maging ang king-sized bed nito ay itim na itim mula unan hanggang kumot. "Buti hindi sumasakit ang ulo mo diyan sa mga ilaw ng kuwarto mo," sambit ko habang pinagmamasdan ko ang mga ilaw na halos punoin na ang buong kisame. Kahit nakasara ang bintana ay maliwanag parin dito sa loob, mas maliwanag pa nga yata sa labas. "Stop talking nonsense!" Napairap nalang ako dahil sa sagot nito. Inabot niya sa'kin ang isang folder. "Sign it!" utos niya sa'kin. Sinimulan kong basahin ang nilalaman nito. Gumawa nga talaga ito ng agreement. "I would act like a real wife in public but would always keep my distance from you in private, I can't interfere with your decisions, I have no right to ask questions, after the contract ends in 3 months we'll automatically file for an annulment and you will pay me 1 million pesos," basa ko sa nakasulat sa agreement na pinagawa niya sa mismong abogado niya. May notaryo pa talaga ito. "I hope everything is clear to you now," saad nito nang hindi manlang ako tinatapunan ng tingin. Anong akala niya sa'kin bobo para hindi maintindihan ang English niya? Kung hindi lang talaga malinaw sa'kin ang utos ni Mr. Lemuel na kunin ko ang mga confidential papers na naglalaman ng mga sekreto ng kompanya nito ay ngayon palang pinatay ko na ang lalakeng 'to. Dapat ito ang inuna ko at hindi si Trevor eh. "Naiintindihan ko," inis na sagot ko sa kanya. "Then what are you waiting for? SIGN IT!" Napatalon na naman ako dahil sa pagsigaw nito. "Abnormal ka ba? Ba't ka ba sigaw nang sigaw? Anong akala mo sa'kin bingi?" Pinukol ko siya ng nakakamatay na tingin pero hindi manlang ito natinag. "I am your boss keep that in mind!" paalala nito habang nakikipagsukatan ng tingin sa'kin. Oh Lord bigyan mo pa po ako ng mahabang pasensiya sa lalakeng ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD