↭BL∞D MONSTER↭
(Year 1966)
↭
"MS. Avinir bakit ka umiiyak?" Nakadapa siya ngayon sa sofa habang patuloy siya sa pag-iyak niya.
"Huhuhuhu!" Hindi niya ito kinibo at nag-ngawa pa lalo.
"Ano ba'ng nangyari? Sabihin mo sa'kin Ms. Avinir.." Bahagya naman niyang iniangat ang mukha niya para makapagsalita siya rito.
"L-L-Luirica! 'Yung mga Tulips.. W-wala n-na!! Huhuhhhu!" At nagpatuloy itong muli sa paghagulgol nito.
"Huh—? Anong ibig mong sabihin Ms. Avinir?" Hirap man ay sinubukan niyang sabihin ang nangyari rito kanina.
Kapag naaalala niya 'yung sinapit ng mga tanim niya sa garden nila ay lalo talaga siyang naiiyak at nagdadamdam sa nasaksihan niya.
15 minutes ago
"Ano ba 'yan.. 'Di ko mahanap 'yong lalagyanan ng mga gamot." Kanina pa siya paikot-ikot sa paghahanap dito kaya ng mapagod ay bumalik na lang siya sa kwarto niya.
"Hala! Ang galing bukas na!" Napatakbo na lang siya sa loob pagpasok niya dahil sa nakita niya roon atsaka dinampot ang magandang kahon na iyon kung saan niya ito iniwan kanina.
Pero ganu'n na lang ang pagtataka niya dahil sa pagkakatanda niya nakasara naman ito bago siya umalis kanina— ni hindi niya nga ito nabuksan kahit na anong pilit niya pero ito ngayon 'yung kahon at nakabukas na.
"Ayy, wala pa lang laman.." May panghihinayang na sabi niya matapos sinuri niya ng maigi ang kabuuan nito.
"Di bale, maganda naman siya paglalagyan ko na lang siguro 'to ng mga kung ano-ano." Nakangiting sabi niya roon.
Whooshh..
Napalingon siya kaagad sa direksyon kung saan nagmula 'yung malakas na hangin na iyon at nang mapansin niyang galing ito sa nakabukas niyang bintana ay saka siya bahagyang lumapit dito.
"Huh? Bakit pati ito nakabukas na? Nakasara rin naman ito kanina ah." Dala ng kuryusidad niya ay napalingon siya sa buong paligid ng kwarto niya para suriin kung may kakaiba pa bang nangyari sa silid niya pero ng wala naman na siyang makita pang kakaiba rito ay tiningnan niya na lang muna ang labas ng bintana niya.
"Hindi.." Ganu'n na lamang ang gulat niya sa nakita niya at nanlalaki ang mga matang nabitawan niya ang kahong hawak niya saka dali-dali siyang bumaba ng hagdan nila palabas hanggang marating niya ang garden nila.
A-anong nangyari rito..? Labis na panlulumo kaagad ang naramdaman niya sa mga nakita niya roon.
Ang mga tanim niya kasing Tulips ay tila tinupok ng apoy dahil tanging kulay itim na lang ang makikita mo roon.. Tila naging abo ba lahat ng tanim niya at kahit na katiting na piraso ay wala talagang naiwan sa mga 'yon.
Imposible.. Paano? Dahil kung magkasunog man dito paniguradong malalaman naman agad 'yun nila Luirica,.. Bakit ang mga tanim ko lang? Sinong may gawa nito? Gulong-gulo na isip niya.
Hinawakan niya pa ang lupa roon pati na ang abo ng mga tanim niya na matagal niya ring inalagaan kaya doon niya napatunayang hindi nga siya nananaginip lang.
Ilang minuto rin siyang nanatili roon at dahil alam niyang wala na siyang magagawa pa sa mga ito malungkot at masama ang loob niyang bumalik siya sa loob ng mansyon nila at dala ng labis na pagdadamdam niyang 'yon 'di niya na napigilan pa atsaka mabilis na nag-unahan sa pagpatak ang mga luha niya at doon nga nagsimula na siyang umiyak ng sobra.
.....
"Ms. Avinir, tahan na.. Kung gusto mo pwede ka bang sumunod sa akin?" Tumayo na ito at inilahad ang kamay sa kanya.
Nagtataka man siya sa sinabi nito ay 'di na siya nag-abalang magtanong pa kaya sumunod na lang siya rito habang nakayukong patuloy pa rin sa pag-iyak niya.
Maya-maya lang din ay huminto sila sa tapat ng isang pintuan.
Sa kwarto ni Yuan.
May mga binigkas na salita si Luirica bago ito nabuksan at dahil dun mas lalo siyang nakaramdam ng lungkot dahil sa kanilang lahat siya lang pala talaga ang tanging 'di nakakapasok sa kwarto nito.
Nasa kasarapan naman ng pagtulog si Yuan ng maramdaman nitong may nagbukas ng kwarto niya, balak niya na sana itong pagsabihan pero laking pagtataka niya ng makita kung sinong kasama nito.
Bahagyang napabangon tuloy siya dahil rito pero ang mas ikinagulat niya ay nang mabilis itong nagtatakbo palapit sa kanya atsaka mahigpit na yumakap sa kanya.
"What the—" Tuluyan ng napaupo ito habang nakasubsob pa rin ang bata sa kanya na patuloy lang sa pag-iyak ito.
Nagtatanong tuloy ang mga matang tiningnan niya si Luirica.
"Err.. Kasi Master kanina pa siya iyak ng iyak— ayaw paawat kaya dinala ko na rito." Paliwanag naman nito sa kanya.
Now he get it, alam naman kasi niya kung may kakaibang nangyayari sa mansyon niya kaya may ideya na siya kung ba't nagkakaganito ito.
"Tch. Teka nga.. Pwede bang umayos ka." May halong inis na sabi niya rito at bahagyang inilalayo ito sa kanya dahil sa sobrang higpit ng yapos nito pero ganu'n na lang ang pag-aalala niya (kahit wala sa mukha) nang makita niya ang itsura nito.
"Yu-Yuan kasi y-yung mga tanim kong Tulips wa-wala naaaahh!! Huhuhuhu.. Pa'no na 'yan.. A-Ano ng ibibigay k-ko sayo n-ngayon?" Sumbong nito na 'di na alintana nito na naka topless lang si Yuan ngayon at muling yumakap dito sabay iyak ng todo.
"Really Avinir? Edi magtanim ka na lang ulit ng bago.. o 'di kaya maghanap ka na lang ng ibang pagkakaabalahan dito besides nagsasayang ka lang ng oras kakatanim niyan.. alam mo naman kung anong uri ako ng nilalang— bigyan mo man ako ng sandamakmak niyan iisa lang lahat ang kahahantungan ng mga 'yan." Iiling-iling niyang sabi rito na napapakamot pa ng tenga sa hagulgol nito.
"Kahit na! Gusto k-ko pa rin ibigay 'yun sayo.. H-hinding-hindi ako magsasawang bigyan ka nun.. Pinaghirapan ko 'yon.. p-para sayo 'yon eh!.. Gustong-gusto ko na araw-araw kang binibigyan nun eh.. ngayon wala na... Huhuhuhu! Ang h-hirap kaya patubuin nun." Paunti-unti kahit papano'y tumatahan na ito kahit na sumubsob na naman ito muli sa kanya actually, wala lang sa mukha pero 'di maitatangging may saya siyang naramdaman ng marinig ang mga salitang iyon galing kay Avinir... Kahit hindi talaga halata.
Magang-maga na ang mga mata nito pero ang pinakaayaw niya talaga ay kapag naririnig niya itong umiyak, masakit kasi talaga ito sa tenga at dapat sa ganitong oras ay nagpapahinga pa siya.
Tch. That moron.
"Oh, Ryi vi woi equèdirsi cvi apiar flevir apicu tú guin si tiri, Heiouen. (Oh, I didn't know that your new girl would be this young, Heiouen.)" Isang lalaki na nakasandal sa kanyang pinto ang bigla na lang nagsalita.
"Oknijbuh. (Shut up.)" Tuluyan ng tumigil sa pag-iyak si Avinir at tiningnan kung sino 'yong nagsalita na 'yon.
Habang nakatutok lang lahat ng mata nila sa lalaking bagong dating sa may pinto.
"Geez.. Ganyan mo ba dapat batiin ang bisita mo? I've been through alot looking for you for morethan 10 years Heiouen, Tch. Hands down to you ma' friend. You're barrier is still too strong wala ka pa rin talagang kupas." Nakangising sabi nito.
"Like I care, Wag natin 'yan pag-usapan dito— everyone get out. Luirica, ikaw ng bahala." Utos niya rito na tumango lang ito at yumukod na sa kanya sabay inaya na nitong lumabas muna ang lahat sa kwarto niya para doon na lang siya hintayin ng mga ito sa kanyang sala.
Damnit. It's still my nap time.
.....
Nasa unahan nila si Luirica kasunod ang bisita nila habang nasa likod naman siya na tahimik na pinagmamasdan ang lalaking sa harap niya.
Grabe.. para siyang prinsipe gaya ng mga nakikita ko sa libro pero 'di hamak na mas gwapo pa rin at mas tunay na prinsipe pa rin si Yuan para sa akin! Pag-uusisa niya rito.
Base kasi sa itsura nito halos pareho ito kung manamit ni Yuan na palaging nakatuxedo at pormal ang kasuotan. Hanggang balikat ang blonde na buhok nito at may pagka green ang mga mata nito, sobrang puti rin nito at talagang mukhang mayaman ang datingan.
"Hindi ko akalain na may kasama talagang tao rito sa tinitirahan niya si Heiouen at mukhang inaalagaan pa niya. Kung saan-saan pa ko naghanap sa Pilipinas ko lang pala matatagpuan ang isang 'to." Tila pagkausap naman nung lalaki sa sarili nito habang siya patuloy na namamangha lang sa itsura nito, ni hindi niya nga napansin pa kung ano 'yung pinagsasasabi nito hanggang sa marating na lang nila ang living room area.
Iniwan din kaagad sila ni Luirica para makapaghanda raw ito sa unang panauhin nila kaya naman doon nalang sila naghintay nung lalaki sa may sala at umupo muna sa may sofa pero syempre hindi siya tumabi rito at doon siya sa tapat nito pmuwesto.
Base sa pagkakakilatis niya rito mukha naman itong mabait pero naalala niya 'yung mga sinabi ni Luirica sa kanya— na dapat mag-ingat siya sa bisitang gustong dumalaw kay Yuan dahil hindi lahat sa mga 'yon ay mababait at mapagkakatiwalaan niya.
"So anong ginagawa ng batang gaya mo rito sa poder ni Heiouen? Isa ka ba sa tagapagsilbi niya rito?" Nakangiting tanong nito sa kanya.
"I don't talk estingesher." May pagkasnob na sabi niya rito.
Hmmp! Akala niya maiisahan niya ko? Hindi ako basta-basta makikipag-usap sa kanya noh. Hangga't walang sinasabing maaring pagkatiwalaan ang taong 'to di ko siya papansinin! Bahala siya under der.
"Hahhahah! What?.. Wag mo sabihing inaalagaan ka ni Heiouen para maging Bl—" Bigla na lang itong napayuko dahil sa lakas ng pagkabatok ni Yuan rito.
"Don't say unnecessary things on this brat." Diretso upo naman ito sa may tabi ni Avinir.
"Aww.. Ganyan mo talaga i-welcome yung pinakamatalik mong kaibigan na higit sampung taon mo 'di nakita Heiouen? It hurts..." Nagdrama pa ito sa harap nila habang si Avinir naman ay pasalit-salit ang naging tingin sa kanila.
"Ha. Alam ko naman ang dahilan ng pagpunta mo rito." Walang emosyong sabi ni Yuan. (His usual poker face)
"Hahhahah! Gü sidri wań li qouabien weshki fruv xa re tni cravosa jien sí polwe huji. (Maybe you're right but more than that I just really miss my bestfriend.)" Nakangiting sabi ng bisita nila na mas lalong nagmukha itong gwapo dahil alam niyang tunay ang ngiting binigay nito.
"Yuan sino ba siya?" Biglang tanong niya rito.
◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆
Heylow!
Try mu na rin i-read other works ko..
YOU may now proceed to the next chapter..
If merun na..