↭BL∞D MONSTER↭
(Year 1966)
↭
"Nakalimutan ko hindi pa nga pala ako pormal na nakakapagpakilala. Ako nga pala si Vernon Dale Vendettas, ang pinakagwapo at pinakamabait sa aming magkakaibigan, ako lang naman ang bestfriend nitong si Heiouen, ikinagagalak kitang makilala. " Tumayo pa ito at yumukod sa harap nila.
"Psh. Hangin. right— siya lang naman 'yung bukod tanging sumira ng mga tanim mo." Nakangising sabi ni Yuan na ipinagtaka naman ng kaibigan nito.
Nanlaki naman ang mga mata ni Avinir ng marinig nito iyon na kalaunan ay napalitan din ng lungkot ng maalalang wala na nga pala ang mga tanim niyang ilang taon niya ring inalagaan.
"We-we-wait...Teka, 'di ko ata maintindihan, Bakit parang may ginawa ako? Inosente ako kung ano man 'yan, wala akong kinalaman diyan Heiouen." Halatang hindi nito naintindihan ang sinasabi ni Heiouen.
Isa kasi sa ayaw ni Vernon ay kapag may nakikita itong babae na nalulungkot o umiiyak (A demon flirt to the highest level) kaya gusto niyang pinupuri at pinapasaya ang mga ito at base sa nakikita niya ngayon dito sa batang kaharap niya ay mukhang papaiyak na ito.
"Then sabihin mo kung paano ka nakapasok dito sa mansyon ko." Nakatalumbabang sabi naman ni Yuan.
At dahil nga dun ikinuwento nito ang pinagdaanan nito makarating lang dito sa mansyon ni Yuan.
Napag-alaman niya na 'yung bunbunang hinampas-hampas niya nung nakaraan ay ito pala at ang portal na ginawa nito ay siyang mismong laman nung kahon na napulot niya na bigla na nga lang ito nabuksan kanina, marahil daw dahil sa mahina ang harang sa parte ng garden nila kaya doon ito dinala ng portal niya at nagsilbing sarahan papunta sa mundo nila.
"Di bale, ayos lang 'yun magtatanim na lang siguro ulit ako kaya lang matatagalan nga lang bago pa tumubo ang mga iyon.." Nakapout na sabi ni Avinir na cute na cute naman itong tingnan.
Tumayo na lang bigla si Yuan at may kinuha ito sa isang aparador pagkatapos ay bumalik din ito sa tabi niya.
"Tch. Kanina ko pa naamoy 'yang dugo mo." Bigla na lang nito kinuha ang kamay niya at nilagyan ito ng tapal sa may sugat niya, 'di niya tuloy napigilang mapangiti dahil ramdam niya ang malambot na kamay nito.
"Doon lang pala nakalagay yang bannid.. Hehehe! Salamat Yuan." Malaking ngiting sabi niya rito.
"Band aid. Démį (idiot)" At mahinang pinitik nito ang noo niya.
"Aw— Band aid pala.. Sorry. Promise tatandaan ko.. pero Yuan, ano ng ibibigay kong bulaklak sayo ngayon? Hindi naman pwede 'yung mga alaga ni Luirica dahil puro may tinik ang mga iyon."
"What the... Wseyuçu dedrgi so pur ti de fli. (This is a rare sight.)" Agad naman siyang napalingon kay Mr. Vernon dahil nakalimutan niyang nandyan pa pala ito at mukhang kanina pa ito tahimik na pinagmamasdan sila.
"Then tutal siya rin naman ang may kagagawan niyan, si Vernon na ang bahala diyan sa problema mo, right? " Napadiretso na lang bigla ito ng upo dahil naramdaman nitong nagpakawala ng itim na aura (soul power) si Yuan samantalang si Avinir naman walang kamalay-malay sa ginawa nito.
"Oo naman tutulungan kita prinsesa, gagawan natin 'yan ng paraan." Nakangiting sabi nito.
"That's settle it. Matutulog na ako." Tumayo na si Yuan at naglakad paalis nang hindi man lang sila hinintay pang magsalita pa.
Nang maglaho na ito sa paningin nila ay agad siyang nakaramdam ng excitement dito bukod kasi sa sinabi nitong bestfriend ang mga ito mukhang 'di naman tutol si Yuan na makasama niya ito kaya ang ibig sabihin lang nun ay mapagkakatiwalaan ito at syempre tinawag pa siya nitong prinsesa kaya okay na okay na siya rito.
Kasunod din nun ay ang pagdating naman ni Luirica na niyaya na sila sa hapagkainan para kumain kaya habang naglalakad sila ay kinausap niya na ito.
"Ahmm.. Mr. Vernon, Ako po pala si Avinir Satanus ikinagagalak ko pong makilala ka." Pormal na pagpapakilala niya na may malaking ngiti pa na hindi niya magawa rito kanina.
"I feel like I know now why Heiouen can't resist you pero teka bakit pagdating sa akin may PO at Mr. Vernon pa samantalang kay Heiouen pangalan lang niya?" May himig ng pagtatampo nito.
"E kasi po 'yun ang gusto nila atsaka bisita namin kayo, ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na magpakita ng galang sa iba kaya.. wala ka na pong magagawa hehehe!" May galak na pagkakasabi niya rito para hindi na rin ito magpumilit pa na kagaya nalang din ng kayla Luirica ang itawag niya rito at nang makarating na sila sa harap ng hapagkainan ay hindi talaga nila naiwasang mamangha sa galing ni Luirica pagdating sa mga gawaing kusina.
Sa kabilang pwesto umupo si Mr. Vernon kaharap niya atsaka napakurap-kurap na lang siya ng may marealize siya bigla.
"Hala! Mr. Vernon sasabayan niyo po ako kumain?! Kumakain kayo ng pagkain ko?" Pinagsisilbihan din kasi ito ni Luirica at sinasandukan din ito ng mga pagkain niya na bahagya namang natawa si Luirica sa reaksyon niya.
"Ha? Hahaha! Yes, kumakain ako ng pagkain ng tao.. kahit pa sabihing wala naman 'tong nabibigay na kahit ano sa amin but still.. Masarap pa rin naman 'to atsaka gusto kong umakto bilang gaya mo dahil madalas din akong narito sa mundo niyo, ito kasi ang pinakapasyalan ko." Nag-umpisa na itong sumubo na tila 'di niya maalis ang tingin niya rito pero agad din siyang sinita ni Luirica na nagliligpit sa gilid nila.
Parang may bumbilyang naisip si Avinir ng maalala niya ang isa sa pinakagusto niyang gawin noon pa.
"Kung ganu'n po ibig sabihin pwede tayong magparty! Luirica diba? Diba? Pwede? Naku..! Mr. Vernon magpaparty po tayo!" Napapadyak pa siya sa upuan niya sa sobrang excited niya.
"Party? Why? I mean anong meron?" Tuloy pa rin ito sa pagkain nito na eleganteng-elegante naman itong tingnan.
"Kasi po ikaw pa lang kauna-unahang opisyal na bisita namin na kaibigan ni Yuan dito atsaka po para na rin sa pagdating mo! Atleast ngayon may makakasama naman akong kumain.. Kalimitan kasi ng party po namin dito eh pakape-kape lang, 'di rin naman nakain si Yuan lalong ayoko rin namang pahirapan si Luirica dahil 'di pa ako marunong magluto tapos pinagbawalan din ako ni Yuan sa kusina baka daw kasi masunog ko lang 'yung mansyon eh hindi pa rin naman daw siya kakain kahit lutuan ko po.. Pleasee... Dali na po.." Mahabang sagot niya rito at ngayon talagang ginagamit niya na ang abilidad niya sa pagpapacute.
"Naiintindihan ko, pumapayag na ako sa imbitasyon mo prinsesa." Ngumiti ito sa kanya na lalo pang nagpagwapo rito.
"Hehehe! Yehey! Gagawa ako mamaya ng imbisetion!" Galak na galak na sabi nito na pumapalakpak pa.
Matapos nilang mag-agahan ay nagpalit sila ng damit lalo na si Vernon na pormal na pormal ang suot kanina na ngayon ay naka T-shirt na lang at pants na lalo pa atang lumakas ang karisma nito matapos ay dumiretso na sila sa garden kung saan naglaho ang mga tanim niya.
"Mr. Vernon kaya niyo po ba talaga pabilisin ang pagtubo ng mga itatanim natin?" Paniniguro niya.
"Wag kang mag-alala prinsesa kayang-kaya kong gawin 'yun trust me. Sisiguruhin nating bago ang party namumukadkad ng lahat iyon pero.. mas mabuti siguro kung aayusin muna natin ang lupa rito dahil mukhang pati iyon ay bahagyang nadamay na." Kaya naman inumpisahan na nilang bungkalin ang mga iyon, hindi na nila inistorbo pa si Luirica para tumulong sa kanila, gusto rin kasi niya na siya mismo ang umasikaso ng mga itatanim nila.
Mabuti na lang at mukhang sanay na sanay sa arawan 'tong si Mr. Vernon kung si Yuan 'to marahil nandun lang 'yun sa lilim ng puno at natutulog na naman at paniguradong inis na inis na iyon dito.
"Alam mo po Mr. Vernon mabuti na lang at naisipan mong dalawin dito si Yuan, akala ko po talaga wala siyang kakilalang iba at kaibigan eh, minsan tuloy naiisip ko po kung kagaya ko rin siya ulilang lubos na rin po." Patuloy lang sila sa kanilang ginagawa habang kinakausap niya ito.
"Ang totoo niyan may dahilan din talaga itong pagpunta ko sa kanya pero bukod dun talagang namimiss ko lang ang masungit na iyon, siya lang kasi 'yung kilala kong tunay at matinong kausap sa mundo namin." Nagpupunas na ito ngayon ng pawis.
Sa nakikita niya sa mga mata nito halatang masaya talaga ito sa muling pagkikita nilang magkaibigan.
"Excited na talaga ako! Buti na lang po talaga at marunong kang kumain ng pagkain ng gaya ko.. Sana si Yuan din mapilit ko.. Gusto ko kasi talagang maranasang kasabay siya sa hapagkainan at kumakain." Naiimagine niya na masaya itong kumakain habang pinaghahain niya, syempre mas maganda kung siya rin mismo ang nagluto ng mga 'yon. Feeling niya magtatalon siya sa tuwa pagnangyari iyon.
"Malay mo naman prinsesa mapapayag mo rin 'yun masyado kasing adik 'yun sa du.. Hmm— Teka sandali.. alam mo ba kung anong pinagkukunan ng lakas namin.. ibig kong sabihin is 'yung pagkain talaga namin?" Napatingin siya bigla sa direksyon nito dahil sa tanong nito.
"Hmm.. Hindi po ba dugo at laman loob ng tao?" Napahinto naman bigla si Vernon sa ginagawa nito at tinitigan ng maigi si Avinir sa isinagot nito, sinusuri niya kasi kung may mababakas bang takot sa mukha nito sa nalaman nito pero wala naman siyang makitang ganu'n dito.
"Hindi ka man lang ba natatakot sa gaya namin sa kaalamang 'yon?" May pagkamanghang reaksyon ni Vernon dito dahil sa murang edad ni Avinir na nakakaintindi na paniguradong dapat ay natatakot na ito sa gaya nila.
"Hindi naman po, kasi mabait sa akin si Yuan at Luirica, kung tutuusin po kung 'di dahil sa kanila baka matagal na rin po akong wala dito sa mundo atsaka noong una aaminin ko po natakot talaga ako pero nung mismong si Yuan na ang nagtapat sa akin nun lalo kong napatunayan na hindi talaga siya masamang nilalang." Hindi naman makapagsalita si Vernon sa mga narinig niya rito.. parang hindi kasi si Heiouen ang tinutukoy nito, pa'no isa kasi ito sa kinatatakutan sa kanilang mundo dahil hindi ito marunong maawa lalo na sa mundo nila kaya parang malaking pasabog ang mga sinabi nito.
"Wow— just wow.. Grabe prinsesa parang ibang tao ang tinutukoy mo.. pero tungkol sa pagkain ng laman loob na sinabi mo matagal ng pinagbawal sa amin ang gawain na iyon lalo na rito sa mundo niyo. Isa si Heiouen sa mga taong tumutugis sa mga lumalabag sa batas naming 'yon dahil kahit kabaliktaran ng mundo namin ang mundo niyo kailangan pa rin mapanatili ang balanse ng parehong mundo." Nakinig naman siya ng maigi sa sinabi nito kahit 'di niya masyadong maintindihan ang iba sa sinabi nito. Masikreto kasi masyado 'yung dalawa 'yun pagdating sa mundo nila kaya masaya talaga siyang may malaman patungkol sa mga ito.
"Ako naman po ang may tanong Mr. Vernon.. Hmn.. Magaganda po ba 'yung mga babae sa mundo niyo?" Tila napangisi naman si Vernon sa tanong ni Avinir sa kanya masyado kasing nag-iba 'yung direksyon ng tanong nito sa pinag-uusapan nila.
Basta talaga kay Heiouen interesado siya.. Masubukan nga.
"Yeah, sobrang gaganda.. Nakita mo naman ako, si Heiouen at kahit si Luirica hindi naman siguro 'yun maitatanggi sa pagmumukha namin." Ngayon ay naglalagay na sila ng mga seeds sa lupa.
Agad na napasimangot si Avinir sa narinig niyang iyon, kaya niya nga naitanong 'yun dahil sa kanilang tatlo pa lang talagang kakaiba na ang mga karisma ng mga 'to.
May naging nobya kaya dun si Yuan? Ano ba yan.. Nahihiya akong magtanong.. baka mamaya sabihin pa niya kay Yuan.. Malagot ako dun Hmmp! Kakainis naman.. Naiimagine niya bigla na nakikipaglandian sa maraming babae si Yuan habang tuwang-tuwa pa ito.
"Alam mo ba Mr. Vernon nung bata pa ako hindi ako hinahawakan at ilag lagi sa akin si Yuan, kaya nung minsan naikwento sa akin ni Luirica ang ibig sabihin ng pagbibigay ng bulaklak galing sa isang libro palagi ko na po iyong ginagawa."
Four years ago
( Continuation ng Flashback sa Episode 2 )
Nagmulat siya ng mata ng maramdamang parang gumagalaw ang paligid niya.
Napatingin siya bigla sa paligid niya roon paano'y nasa loob na siya ng sasakyan ngayon habang si Luirica na abala sa pagmamaneho nito at si Yuan na nasa kabilang dulo ng inuupuan nila rito.
Takang-taka talaga siya kung paanong nangyari na nandito siya sa kotse at kasama sila ngayon pero muling nagbalik na lang sa utak niya 'yung nasaksihan niya kanina.
Napalingon siya kay Yuan na nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan nito at dahil mukhang napansin nito na nakatingin siya rito ay tumingin din ito sa kanya kaya agad siyang umiwas ng tingin dito at lalong nagsumiksik sa gilid ng kotseng inuupuan nila roon.
Hindi niya alam kung bakit natatakot siya rito, pakiramdam niya kasi ibang tao 'yung nakita niya kanina.
Pagkarating nila ay dahan-dahan lang siyang lumabas ng sasakyan habang magkasiklop ang kamay niya, hindi niya rin lubos maisip kung saan napunta 'yung mga sugat niya kanina na sa pagkaalam niya pa nga ay puro dugo pa nga ito kanina.
"Ms. Avinir sumabay ka na lang muna paakyat kay Master ipaparada ko pa kasi itong sasakyan." Kinabahan talaga siya ng husto dahil sa sinabi nito, kung kanina kasi ay gusto niya itong makita ngayon ay tila ayaw naman na niyang makita ito.
Tahimik na lang siyang sumunod dito papasok ng mansyon nito nang bigla na lang huminto si Yuan at lumingon sa kanya, kaya agad siyang napaatras dito at tumingin sa lupa.
"Ngayon natatakot ka na sa akin? sabagay halimaw nga naman ako mas maigi na rin dahil mukhang wala ka ng dahilan para makita at sundan pa ko.. Matulog ka na. Dœi cse ba kughintir dsujiv jucàef gassu re Tch. fuwrzei vri dhuâm jū kjuvan sweqku to hguv jū minen tra véu qiram? (You're not smiling anymore whenenever you see me Tch. why the hell do I hate it when you look me with those eyes?) " Hindi niya naintindihan ang huling sinabi nito pero ramdam niya na hindi na talaga ito natutuwa sa kanya, kaya napakapit na lang siya ng mahigpit sa bistidang suot niya.
"Master—Ms. Avinir, nandito pa pala kayo." Sa gilid niya pmwesto si Luirica atsaka humawak sa ulo niya marahil iniisip nito na pinapagalitan siya ni Yuan dahil sa postura niya.
"I'm going. Luirica, alam mo ng gagawin bukas." Naglakad na ito palayo hanggang sa maglaho ito.
"Ms. Avinir." Tawag ni Luirica sa kanya na napayakap naman siya agad dito atsaka humagulgol ng iyak dito.
Ayaw kasi ni Yuan na naririnig siya nitong umiiyak kaya todo pigil talaga siya kanina dahil alam niyang lalo lang maiinis at magagalit ito sa kanya pag ginawa niya 'yon
Gusto man niya sanang tawagin ang pangalan ng ina niya ay wala naman siya non kaya umiyak na lang siya ng umiyak habang inaalo siya ni Luirica.
◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆
To be continued ulet yung Flashback~
Fufufu! Abay ganun talaga eneng at totoy
YOU may now proceed to the next chapter..
If merun na..