bc

BABAENG DI KINIKILIG

book_age12+
0
FOLLOW
1K
READ
goodgirl
others
sweet
serious
highschool
school
like
intro-logo
Blurb

Hindi na Bago satin Ang salita o katagang "pinagtagpo pero di itinadhana"marami natin tayu nakilala na bitter pero gusto din ma Inlove.kaya lang Naman nagiging bitter Ang Isang tao dahil samga nangyari sa kabila na ayaw Mang yari sayu dahil ayaw nilang Makita ka nilang masasaktan.

chap-preview
Free preview
BABAING DI KINIKILIG
[ C H A P T E R 1 ] "Ako nga pala si King Jasper Esperanza Marquez, 18 years old. Ang hilig ko ay magbasa ng libro, magsulat ng articles, makinig ng musics at tumugtog ng gitara. We can be all friends if you wanted to. That's all." Mahinahong pagpapakilala ko naman sa mga classmates ko sa klase na kapwa seryoso ang mga mukha. May konting kaba akong nararamdaman. Oo nag aaral palang ako, first year college sa isang private University taking up Bachelor of Science in Hospitality and Restaurant Management. Anlayo sa kursong Agricultural Engineering na gusto ni Daddy Prince para sa akin. Pero wala silang nagawa ni Mommy kundi suportahan ako, kasi ito ang gusto ko. Ito ang kukunin ko para sa sarili ko. Wala na kasing mas isasaya pa sa buhay estudyante kung yung mismong kursong gusto mo ay ang susundin mo. Sa klase, tinginan sila saken. Ewan ko ba? Siguro sa pagiging nerdy ko. Nakasuot kasi ako ng eyeglasses ngayon na siya namang nakakatakaw pansin sa kanila, medyo babad kasi ako sa paglalaro sa games ko sa laptop kaya nagkaproblema at medyo lumabo ang mata. Pero hindi yun hadlang sa itsura ko kase mas nakadagdag pa yun sa physical appeal na mayroon sakin. Feeling ko effective naman, kasi yung ibang babaeng nakatingin sa akin ngayon ay hindi magkaumayaw na mapangiti. "Omg... Ang gwapo naman ng katabi mo bes! Pwede palit tayo, kahit saglit lang?" Dinig na dinig ko ang kaluskos ng boses ng isang babae na nakikipagpalitan ng upuan malapit sakin. "Ayoko nga! Akin sya no." Bahagya itong umirap sa kaibigan nito. "Tsaka bes, tignan mo oh, nagdikit yung balat namin. Kinikilig ako waaaah." Dagdag pa naman itong babaeng katabi ko na halos hindi na pabulong ang boses, kundi pasigaw na. Medyo na awkward ako kase, di ko naman ineexpect na ganito ang unang araw ng pagiging college student ko. Andaming tumitingin sa akin. Hindi ito normal, kumbaga, ayaw ko nang ganitong atensyon. Inadjust ko sarili ko sa babaeng katabi ko, kase halos tuklapin na ang balat ko sa kakadikit niya sa akin. "Hi, King ako nga pala si Mae. Ang gwapo mo naman? Pwede akin ka nalang?" Bungad niyang bulalas sa kanyang bibig, kumikinang ang mga mata na aakalain mo ay magiging hugis puso na ito. "Hahaha, salamat," yun lang ang naisagot ko. Binaling ko nalang ang tingin ko sa professor na kasalukuyang nagtuturo sa amin. Hindi ako sanay sa ganitong atensyon kasi lumaki ako sa bahay lang. Simula elementarya hanggang sa mag high school ako ay home studies ang learning system ko. May sarili akong guro na gumagabay sa sakin at nagtuturo. Pero hindi ibig sabihin na isolated ako sa isang lugar ay hindi na ako sanay makisalamuha sa mga tao. Siguro nga kulang ako sa social relationship, pero hindi hadlang yun para mawalan ako ng kompiyansa makipag-usap sa diko kakilala. Pagkatapos ng klase ay wala akong maisip puntahan kundi sa canteen lamang, gutom ako kaya minabuting doon nalang mamalagi habang naghihintay sa susunod naming klase. Di ko napansin na may bumubuntot sa likod ko. Yung dalawang babaeng katabi ko sa room kanina. Hays. "Sa canteen ba punta mo pogi?" Tanong ni Mae na halos mapunit na ang bunganga niyang kakangiti sa akin. Kabisado ko na yung pangalan niya kasi kanina pa ito nagboluntaryo magpakilala sa akin. "Ah eh, oo e. Bigla ako nagutom. Doon rin ba punta nyo?" Sinagot ko naman ng nakangiti at napakamot pa ng ulo dahil medyo nahihiya pa ako sa kanila. "Sakto! Sabay sabay na tayo, pwede?" Anya niya. "Grabe ang pogi mo talaga no? Wala ka manlang ka pores pores sa mukha, ang red pa ng lips mo at feel ko ang lambot nyan waaaah!" Hinawakan ako sa braso at nagtatalon-talon, ewan ko ba kung kilig yun o ano ba? Mukha kasing timang. "Gaga, anlandi mo halika na nga. Di ka manlang nahiya," pagpuputol na sabi naman nung isang babaeng kasama niya at hinila kaunti ang buhok ni Mae dahil sa kaharutan nito. Buti pa itong kasama niya may sense of, ano nga ba? Sense of kahihiyan? Nakakatuwa silang tignan. Para silang mga bata. Naaaliw tuloy ako sa kanila. Kaya naman sumama sila sa akin sa canteen. Malapit lang yun sa department namin kaya mabilis lang kami nakarating doon. "Oy pogi yan lang kakainin mo? Ang konti at pang mayaman talaga," sabi naman ni Mae habang nakatitig sa pagkaing binili ko para sa akin. Dahan dahan siyang naupo sa upuan sa napili naming table. "Hmmmm, oo. Pang mayaman?" nagtaka ako. "Eh Biskwit, siomai at juice lang naman ito? Hmmmm?" Dagdag ko pang sabi sa kanya na nalito bigla sa naturan niya. Normal lang naman yung kaainin ko pero parang bakit pang mayaman daw? Ganito ba yung pamantayan niya ng mga mayayaman? Pambihira. "I mean, pasensya ka na a hindi kasi ako maka-concentrate sa sarili ko. Ang gwapo mo kasi, naiinis ako. Please pwede bang iuwe nalang kita sa bahay para naman maipaipakilala na kita kila mama?" Usisa naman niyang sabi sa akin. Tinawanan niya ako ng nakakaloko. Natawa nalang ako kasi 'di ko mawari kung bakit ganun na lang kaagresibo siyang gawing jowa. [ C H A P T E R 2 ] Para akong natulala sa maladyosang taong kaharap ko, pero ba---bakit ganun yung mga kilos niya? Ang tigas tigas. Para siyang sementong naglalakad. Pero sa totoo lang, dala nang kanyang kaastigan ay nakadagdag yun sa kakyutan niya, bagay na pinagkainteresahan ko. Habang nakatitig ako sa kanya papalayo sa akin ay tila ba nakaramdam ako ng 'di maipaliwanag na enerhiya sa katawan ko. Putcha, magsusuper saiyan na ata ako sa pagkakatulala. Iwinasiwas ko ang ulo ko dahil unti-unti kong napansin sa sarili na ang tagal ko na palang nakatayo sa pagkakatitig sa kanya. Nagsimula na akong maglakad papunta sa room kung saan ang unang subject kong papasukan. Ganun parin, tinginan sa akin ang mga ibang babaeng estudyante na talaga nga naman ang sobrang pagkahanga sa akin. Di ko talaga alam kung anong alindog nitong presensyang dala ko. Bahala na, basta patuloy lang akong naglalakad. "Ang cool nya! Ano kaya course nung poging yon?" dinig na dinig kong sabi at nagtatapikan pa ang apat na babaeng nakaupo sa table sa canteen na pinag uusapan ako. "Ang sarap niya titigan. Yaaaaaaaah! Yung kilay nya ang kapal kapal, yun ang dreamboy ko beshy." sabi naman ng ibang freshman sa akin na panay ang talon sa kilig. Edi sana naging kilay nalang talaga ako no? "Mr. Nerdy boy! Ang gwapo mo naman, pwede pa picture?" may lumapit sa akin na isang babae, mas napukaw ang tingin ko sa kasama niyang anim na barkada na tila ba'y nakabuntot sa likuran niya. Ibang department ata, iba kasi 'yung uniporme nila e. Ibang iba talaga ang dating para sa akin ang ganitong mga eksena. Napakaweirdo! Hindi naman ako ganun ka-peymus para magkaroon ng ganitong atensyon sa mga taong nagkakahanga sa akin. Napaka pormal kong tao para bigyan ng ganitong pansin. "Thank you pogi, ano pala pangalan mo?" tanong nung mga babae matapos makipagpicture sa akin, kitang kita sa mga mata nila ang tamis ng kagalakan na nakaukit mismo sa kanilang mga labi. "Ah e, ako pala si King Jasper." banaad sa aking mukha ang pagkahiya sabay kamot pa ng aking ulo. "Wag ka mahiya ano kaba, freshman ka din siguro no? Fan mo na kami waaah!" usisa naman nung isang babae na sobra kung makangiti sa akin. Sinuklian ko nalang siya ng matamis kong ngiti bagay na napatili sila sa naramdamang kilig. Tinginan tuloy sa kanila ang mga ibang estudyante. Nakakahiya. Nagsimula na akong paakyat sa building namin, nasa ikalimang palapag kasi ang room para sa unang subject ko. Ewan ko, nakakaramdam ako ng kaunting kaba. Hindi ko mawari kung bakit. Tumingin ako sa suot kong relo, hindi pa naman ako late. Kaya tuloy tuloy pa rin ang lakad ko paakyat. Nakakapagod, iniimagine ko na kung araw-araw ako aakyat sa hagdanan hanggang 5th floor, ano kaya magiging itsura ko? Parang kalbaryo para sa akin yun ah. Pero no choice. So eto na, nasa ikalamang palapag na ako sa building namin. Andaming estudyante sa labas ng koredor. Tinginan sa akin. Hays. Nakakaumay ang tingin nila, yung mga nasa gitna, nagsipag gilid para may madaanan ako, para tuloy akong prinsipe na naglalakad sa gitna ng kaharian ko. Pambihira. Nakayuko akong naglakad habang hawak ang magkabilaang strap ng bag ko. Diko na tinitignan ang dinadaanan dahil na rin sa may dalang kaunting kaba at hiya. At nang biglang. $-+#-#;#7_('_?#(!@@-@@#)#+;"#((/ may nabangga ako. "Aray!" nasambit ko, may nakaharang. Dinahan dahan ko ang tingin ko sa taong nabangga ko. Tumingin ako ng may pagtataka. Bumungad sa akin ang limang mga lalaki, mapoporma. Yung dalawa naka nerdy glasses din. May mga itsura din sila. Malakas din ang datingan. Napaisip ako kung sino ba sila? Bakit ako hinarangan sa dinadaanan ko? Kaunting hakbang nalang papunta sa room ko e? Tinitigan ko sila isa isa. Ang sasama ng tingin nila sa akin. Pero di na naman ako nagpatinag. "Freshman ka din ba?" nagsimulang nagsalita ang isang nakasuot ng salamin. Nakangiti siya sa akin ng nakakaloko. Gagong to, nakuha pa niyang ngitian ako matapos ako harangan? "Bakit ba?" sagot ko sa tanong niya. Napatawa ako kaunti, yung pang demonyong ngiti. "Tinatanong lang namin pre, masama ba magtanong?" sarkastikong sabi nung isang lalaki. Aba teka, ako dapat itong magtatanong sa inyo kung bakit niyo ako hinarangan? Bakit parang sila pa yung agrabyado? Tinginan sa amin ang mga estudyante sa na nasa koredor. Pinapanood ang eksenang nangyayari. "Male-late na ako, baka pu-pwede tumabi na kayo sa dadaanan ko pre?" binigyan ko rin sila ng sarkastikong sagot bagay na napatingin sila sa isa't-isa. Hindi ko nalang yun pinansin. Binigyan ko ng isang daang kompiyansa ang sarili ko para maglakad sa harapan nila, sinabayan kong tinignan sila isa isa sa kanilang mga nakakarinding mga mata. Bakit ganito mga estudyante sa akin? May mga humahanga, meron din namang bully, at lalong-lalo na may mga presko. Pambihira. Nasa tapat na ako ng classroom ko. Ang ingay sa loob. Sari saring boses ang naririnig ko. Pumasok ako. Biglang silang..... [ C H A P T E R 3 ] Inis ang nararamdaman ko matapos ako ipahiya ng Pipay na yun. Kasalanan ko bang ang pangit ng pangalan niya? Sinong hindi matatawa doon? Ganito kasi kababaw yung saya ko pagdating sa mga walang kwentang bagay. Idagdag mo pa ang kilos niyang parang semento kung maglakad. Napansin kong nakatingin yung mga lalaking humarang sa akin kanina sa labas. Iba yung dating ng mga ngiti nila sa akin. May halong pang aasar at kantyaw. Kaya mas lalo pa akong nainis. Isang oras din akong nagtimpi sa ganung sitwasyon. Isang oras akong nag isip kung paano ko rin mapahiya sa harap ng klase yung Pipay na yon. Isang oras akong wala sa sarili. Bakit ganito? Bakit ko nga ba tinutuon yung kaunting oras ko sa mga walang kwentang bagay na di naman ganun kahalaga sa buhay ko? Bakit nga ba? Sa totoo lang hindi ako tinuruan ng magulang ko na maging pasaway, pero ang bilin ng Daddy ko, kapag binully ako ng babae wala akong ibang paraan kundi kuhanin yung puso niya. "I think its time to end our lesson for today, i hope on our next class wala na akong makitang malate. Kung alam niyo ng late kayo, wag na kayo kayong pumasok sa klase ko. Naiintindihan nyo?" babala naman ni Ms. Lazaro sa klase. "Yes po" sagot namang sabay sabay ng ilan sa mga classmates ko. Paglabas ni Ms. Lazaro ng pintuan ay agad namang tumayo si Pipay at hinarap ako muli. Tumitig siya sa akin sa pagkakaupo ko habang inaayos ang gamit sa bag ko. Natigil ako at dahan dahan kong pinukaw ang tingin ko sa mga mata niya. Lumapit naman ang apat pang babaeng tigasin sa kanya saka muli pang tumitig rin sa akin. Ano reresbakan ako? Mga patawa! Hindi ako masisindak sa inyo no, mga ulol! "Bakit?" hindi ko pinahalata sa kanila yung nararamdaman ko pero natatakot ako kung ano pwede nilang gawin sa akin. Nakatingin parin ang ibang mga classmates namin sa amin. Inaantay ang mga susunod na mangyayari. "Anong pangalan mo labs?" nagsalita si Pipay, nanlilisik na naman ang mga mata sa akin. Teka? Bakit tinawag akong labs neto? Timang ba sya? May gusto ba siya akin? Grabe naman siya mag confess, agad agad ha? "Labs?" puno ng pagtataka ang boses ko. Natawa ako kaunti at napailing nalang. Tinuloy ko ang pag aayos ko sa bag ko pero nagulat nalang ako bigla ng may humawak sa braso ko. "Oo labs, yan ang tawag sa mga taong malalabo ang mga mata, boy labo!" klarong klaro niyang sinabi sa akin yang mga salitang yan sa tainga ko. Panay naman hiyaw ng classmates ko sa amin, na tila ba kinakantyawan ako. "Bitawan mo ako, mylabs." sagot ko namang nakangiti sa kanya. Kumunot yung noo niya. Ramdam ko yung pagtataka niya sa sinabi ko. "Mylabs?" tanong naman nung isang kasama niya na nasa likuran nung Pipay. "Oo mylabs, sorry malabo kasing magsalita itong bunganga ko ha? Gusto kasi nitong tawagin kita ng mylabs e. Nagustuhan mo ba?" medyo nilagyan ko ng kaunting pang aasar yung boses ko na siya naman mas lalong kumunot pa ang kanyang noo. "Ah ganun ah!" bilis naman niyang binitawan ang braso ko saka nito tinutok ang kamao sa mukha ko na akma niyang susuntukin ito. "Subukan mo, sige subukan mo, mahahalikan talaga kita! Sige gawin mo." sabi ko na napatawa, at umupo ng pag ka relax relax. Nagtilian naman yung mga babaeng classmates ko. Nakarinig rin naman ako ng mga nag-boo sa amin. Napapikit ako ng ilang minuto at hinintay ko kung makakaya ba niya akong bigyan ng suntok. Pero wala! "Ano, di mo kaya? Hahalikan nalang kita gusto mo?" usisa ko pa sa kanya na tawa ako ng tawa, nakapikit parin ako sa sandaling ito. Pero bakit parang may mali, antahimik naman na ata. Wala na yung tili at kantayawan. Aba teka. Unti unti kong iminulat ang mga mata ko. What? Andyan na pala yung sunod na teacher namin. Bwisit! Nagtawanan naman yung mga classmates ko sa akin dahil sa biglang ayos ko sa pagkakaupo ko. Nakaramdam na naman ako ng hiya. Nakakainis! "What's your name?" tanong nung teacher namin sa akin na sobra ang tinis ng boses. Mas matinis pa ang boses kay Ms. Lazaro. "Ki--King Jasper Marquez po ma'am" napakamot ako ng ulo sa sobrang pagkahiya. "Okay Mr. Marquez, tutal our subject is Housekeeping. Maari mo bang i-konekta ang salitang halik sa housekeeping?" nagkibit balikat siya, at tumitig sa akin. Tinginan naman ang mga classmates ko sa akin. Nag aantay ng sagot mula sa pagbuga ng mga salita sa bibig ko. Kaya naman, tumayo ako ng dahan dahan sa kinauupuan ko at nag isip ng pu-pwedeng isagot sa tanong ni Teacher. "Ahm, ahm..." nagba-buckle ako, loading pa rin yung isip ko. Pambihira! "Do you have any idea?" sambit na naman ni teacher na naghihintay pa rin ang sagot ko. "Ahm, okay. Let me give a certain definition each letter from the word KISS. So that's maybe impossible to connect it to the subject which is Housekeeping, but i'll try my utmost best. So I'll start from letter K. K- keeping the establishment clean and order specially in our I - Industry which is hospitality, can give the customers an excellaring.... [ C H A P T E R 4 ] Patuloy parin sa pagmamaneho si Neil lulan sa kanyang sasakyan patungo sa gusto naming puntahan. Masaya silang kakwentuhan, nakakadala yung mga pasimpleng trip nila. Mukhang mahahanap ko na ang magiging kaibigan ko dito sa university, sa katauhan nila. Ilang sandali pa ay naaninag na rin ng mga mata namin ang imahe ng Mall, saka niliko ang sasakyan patungo sa parking lot. Pagkababa namin ay nagsimula na namang mag asaran itong mga kasama ko. "Masanay ka na sa amin King, pasasaan pa't makikipagkulitan ka rin sa amin hahaha" pahayag naman ni Sonn sa akin. Punong-puno ng ligaya ang kanyang mga ngiti. Tanging ngiti lang ang tugon ko sa kanyang sinabi. Wala rin naman ako maisagot sa ngayon kasi ramdam na ramdam ko na talaga yung gutom. Nagpatuloy kami sa paglalakad, habang patuloy pa rin sila sa kwentuhan. "May jowa ka ba King?" biglang tanong naman nitong si Jun. "Wala pa, wala pa akong naging jowa sa buong buhay ko." Bigla silang natahimik ng ilang segundo. Nagtinginan sila na para bang nag uusap sila gamit lamang ang kanilang mga mata. Nanlalaki yung mga mata nila saka pinipigilan ang paghalakhak ng kanilang mga bunganga bagay na nakaramdam ako ng pagtataka. Sabay-sabay silang napasigaw sa tawa sa harap ko. Lintek, ano problema sa NGSB? Bakit kailangan nilang tawanan yung status ng lovelife ko? E wala sa bokubolaryo ko ang magkaroon ng jowa-jowa na yan sa ngayon. Kaya nagsalita ako ng puno ng pagtataka. "Mga pre, sa maniwala kayo o sa hinde. Wala pa talaga akong nagiging girlfriend maski isa. Hinde sa natatakot ako magmahal a, oh baka naman isipin nyo bakla ako. Kaya siguro wala pa, kasi mahalaga para sa akin yung salitang effort. Napakaimportante para sa akin ng mga salitang first love at true love. Kaya kung tatanungin nyo ako kung bakit? Kasi gusto ko ang magiging lovelife ko katulad nung sa mga magulang ko." dire-diretso kong naisagot sa kanila ng walang alinlangan. Nagpatuloy parin sila sa kakatawa. Kainis a. Kaya hinayaan ko nalang at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa loob ng Mall. Sumunod naman sila sa akin. Di pa rin natigil sa kakatawa si Neil at Andre. "Pre, hindi naman sa nangingialam ako pagdating sa lovelife mo a, di naman masama para sa atin magmahal. And i got your viewpoint about this. Pero pare, ansarap sa feeling ng may mahal ka bukod sa pamilya." inakbayan ako ni Neil, nakangiti ng todo todo sa pagpapahayag ng kanyang saloobin tungkol sa pagmamahal. "Pare naiintindihan kita, mas masarap sa feeling yung magmahal ka sa tamang tao para sa'yo. Isipin mo, para mo na rin kasi nirespeto ung pamilya mo kapag nagmahal ka ng tapat at seryoso sa taong nakikitaan mo ng panghabambuhay na pagsasama. 'Di ba?" di ako magkaumayaw sa pagsagot sa kanilang opinyon na tila ba may kaunting bumabagabag sa akin na diko mawari. "Pare, nakakabilib ka. Atlast, nakapulot ako ng aral tungkol sa pagmamahal sa isang katulad mo. 'Di tulad kasi itong apat na kasama natin, puro lakwatsero pagdating sa mga pambababae. Di kayang makuntento. Pero sana, maranasan mo na yung true love at first love na sinasabi mo. Kasi alam mo, kahit gaano ka pa katibay, kahit gaano ka pa kasensitibo sa gusto mong mangyari? Kapag tinamaan ka ng pagmamahal na yan, nako. Babaliktad lahat ng inaakala mo. Traydor yan pre. Kaya ingat ka sa perfect relationship na gusto mo. Kase kung sino pa yung may perfect relationship, sila yung hindi nagtatagal. Sila yung lubos na nasasaktan. Kaya ang ending, nganga!" di natigil si Andre sa pagpapaliwanag ng kanyang suhestiyon, at kitang kita sa mga mata ang karanasan sa pag-ibig na iyan. Di ako nakapagsalita ng ilang sandali matapos ang mga salitang narinig ko mula sa kanila. May mga sense din pala silang kausap maliban sa may pagkakahawig kami ng mga gusto at trip. Buong akala ko, mga kapreskohan lang alam nila. Maasahan din pala sila kahit papano pagdating sa napakahalagang bahagi ng buhay ko, ang true love. Pagkapasok namin sa loob ng mall ay may napansin akong damit sa isang establishment, nilapitan ko naman sabay sunod sa akin nila Andre, Sonn, Neil, Jun at Aron. Nag abala naman kaming namili ng mga damit ng kaunting sandali. "Nako, gusto ko itong bilhin. Baka naman may magpahiram muna ng pera dyan mga kaibigan. Hahaha." pagmamakaawa naman ni Aron sa amin. "Magkano ba kailangan mo?" agad ko naman syang sinagot. Naisip ko kasi, may pera pa naman akong pwedeng maipahiram sa kanya. "Ah, 679 pesos etong damit. So manghihiram nalang ako ng 700. Bayaran ko rin naman agad bukas. Iniiwan ko kasi allowance ko sa apartment." aniya niya. Agad naman akong sumang ayon at pinahiram siya ng pera. Pagkatapos naman naming mamili ay diretso na kami sa isang establishment para kumain. Kanina pa ako gutom. Parehas kami ng inorder na pagkain sa mga sandaling ito. Habang naghihintay ay nakipagkwentuhan muna ako saglit sa kanila. "Ah King, pare. Matanong ko lang, wala ka bang apartment na inuuwian?" tanong naman itong si Andre [ C H A P T E R 5 ] [Pipay's POV] Pagkatapos ng klase ay agad akong lumabas kasama ang tropa ko, inis ang nararamdaman ko magmula nang nakita ko na naman 'yang King na yun. Wala na siyang magandang naidulot sa buhay ko simula pa nung unang araw ng pasukan. Nakakaimbyerna siya. Di niya pa ako lubos na kilala, kayang-kaya kong wasakin ang buhay niya dito mismo sa university. Kaya humanda na siya, lintek lang talaga ang walang bangis 'pag gumanti. Habang naglalakad kami pababa ng building ay siya namang nagsalita si Arjane, isa sa mga tropa ko. "You should always watch out to that guy Pipay, kayang-kaya ka niyang ipahiya ng walang alinlangan. Kung ako sa'yo banatan mo." maangas namang dating ng boses niya na tinuturuan ako sa kung ano pwede kong gawin. Nahinto ako, nag-ipon ako ng maraming hangin saka binuga tanda ng sobrang pagkagigil ko sa mga pangyayari kanina sa loob ng classroom. "Sa oras na bigyan niya pa ako ng rason para banatan siya, hindi na ako magdadalawang isip na ipatumba siya. King ina nya." mahina kong sabi na punong-puno ng inis ang nararamdaman ko. "I like that, the battle begins between us and boy labo. And i guess, wala siyang kalaban laban pagdating sa'yo friend, kasi bukod sa kakampi mo kami, mag-isa lamang siya." sabi naman itong si Rosch, isa pa sa tropa ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad pababa ng building. Lahat ng mga estudyante na nadadaanan namin ay agad namang nagsisipag gilid para bigyan kami ng madaanan. Pagkarating namin sa may ikalawang palapag ay may mga grupong babaeng pa-sosyal ang nakaharang sa may hagdanan. Apat sila, hindi kami binibigyan ng espasyo ng lalakaran namin. "Ahem" pagbasag naman ni Krey ng katahimikan, isa sya sa tropa ko. Tumayo naman itong mga babae sa harapan namin, mukhang nanghahamon pa sila gamit ang masamang tingin. Nakakatawa! Mukhang mailalabas ko na ang inis kong kanina ko pa dinadala huh! "Ano? Hinde ba kayo aalis sa dadaanan namin?" sabi naman ni Rosch sa kanila na inihahanda ang kamao. "Aba, look who's talking. Ang babaduy niyo. Hindi ba kasali sa personality development class niyo na bawal ang jologs dito sa university?" Nakapamewang siya bes. "Mga mukhang ewan!" nakatawang sabi naman nitong mukhang dangget sa amin. Nakakaloka yung tingin niyang nang aasar. Nagtawanan din naman yung kasama pa niyang tatlo. Ngayon, nagsimula na rin tumawa ang isip ko. Mukhang mailalabas ko na talaga yung tinitimpi kong inis. "Ayaw niyong tumabe?" sabi ko ng mahina sa kanila at pinanlakihan ko pa sila ng aking mata para matakot manlang. "Eh sa kung ayaw namin? May magagawa kayo? There's always a way na kung gusto niyong makababa dito sa building. Doon kayo sa isang hagdan maglakad at huwag dito. Dahil, dito sa department na ito, kami ang batas. Okay? Kaya chupi!" dagdag pa niyang sabi sa amin na ang arte arte ng boses. Nagsimula na ngang dumami ang mga estudyante na nakatingin sa amin. Pinagmamasadan ang bawat eksena na mangyayari. This is gonna be exciting! Kaya naman nainis pa ako lalo, dumating na yung oras na nasa sukdulan ang inis ko na kanina ko pa kinakalos dahil punong-puno na. Mariin akong nagbigay sa kanila nang ngiti, ngiting ngayon lang nila makikita sa buong buhay nila. Humakbang ako ng dahan-dahan pababa sa hagdan, lumapit sa kanila at tinulak silang sabay-sabay apat. Napasampa sila sa may pader at kitang-kitang ko na nakaramdam sila ng sakit matapos silang tumilapon sa doon. Diba? Ang lakas ko. Dumarami na ang mga estudyanteng nakamasid sa amin, halo-halong boses ang naririnig namin magmula sa mga manonood. Kaya naman nagpatuloy akong naglakad ng dahan dahan palapit sa babaeng dangget. Kinuha ko ang neck tie nito at bahagyang pinalupot ng mabilis sa kanyang leeg at nagsalita ako. "Tsk tsk tsk, there's always a ways na kung gusto mo pang mabuhay ng matagal, huwag kami ang banggain niyo. I play games, and war is my game. Tandaan mo itong mukhang 'to. Dahil once in a blue moon mo lang 'to makikita. Let God showers you a good luck!" bulong ko sa kaniya ng klarong klaro ang bigkas ko. "Bi----tawan mo-- ako" usisa pa niyang hirap na hirap sa pagsasalita. "And one more thing, sa department na ito? Ako lang ang batas." dagdag ko pang sabi sa kanila na tinitigan sila isa-isa. Yung titig ng isang Pipay Esperanza. Kinalas ko yung pagkapalupot ng neck tie sa leeg ng babaeng dangget. Natakot sila kaya naman agad silang napatakbo pababa ng building. Akala siguro nila madadala kami ng ganun ganun lang? Wala akong inuurungan, wala akong kinatatakutan. Dahil ito ang bago kong buhay, bagong yugto ng isang pinaasa at iniwan. Mangha-mangha yung mga estudyanteng nakapanood ng eksena. Yung iba naman ay nagalit sa amin. Yung iba rin naman ay pinagchichismisan kung sino nga daw kami. Alam kong nakaramdam na rin sila ng takot mula sa amin. Diko na yun pinansin, niyaya ko na lang ang mga tropa ko para bumaba na. Gutom na rin ako, gutom na gutom na. Sumunod naman sakin bumaba ang mga tropa ko, [ C H A P T E R 6 ] Para na naman akong sinapian ng demonyong ispiritu dala ng samang nararamdaman. Wala talagang magandang naidulot yang King na yan sa akin. Paglabas mo ng university sisiguraduhin kong mamemeligro ang buhay mo. Kaya magdasal-dasal kana dahil ilang oras nalang nalalabi sa buhay mo. "Naka isang puntos na naman siya sa iyo friend. Mukhang gustong gusto ka niyang sagarin sa asar ha." di maikubli sa mukha ni Dheez na naasar din sa nangyayari. "Nakita niyo yun? Pinunit niya mismo sa harapan ng mukha ko yung classcards? Maling mali ang galitin ako King, mali ka ng pinapasarin sa mga kawalang hiya mo. Titirisin kita hanggang sa magkabali bali yang buto mo. Humanda ka paglabas mo ng university." sabi ko naman na di parin natigil sa paghinga ng malalalim sa sobrang inis at galit ng nararamdaman. "Ano bang plano mo?" tanong naman ni Krey sa akin at biglang umusbong sa kanyang mukha ang ngiti, mukhang na eexcite siya sa kung ano pwedeng mangyari. "Just prepare yourself guys. Let him suffer, his journey to death has started." tumaas ang isang kilay ko, nakangiti na parang nagtatagumpay na. Nasa baba na kami ng ground-floor, binaybay namin kung saan ni-park yung motor para simulan yung planong pagpatay sa King na yun. Pinaandar na namin ang motor saka lumabas ng university, hindi muna kami nag atubiling kumuha ng classcards sa registrar dahil ang nasa isip ko ay mas masahol pa sa kahihiyahang dulot pa ng class cards na yan. Siguro bukas nalang. Importanteng makaganti ako sa Kingkong na yun. Babawian kita ng mas higit pa sa inaakala mo. Habang nagmamaneho ako ay naisip kong huminto muna sa may cafeteria kung saan kami kumakn kanina, bumili ako ng pink milktea. Hinahanap na kasi ng panlasa ko yung inumin na yun. Ansarap lang kasi. Pagkabili ko ay agad naman akong umalis at lumulan sa motor saka nagpatuloy sa pagdrive kasama ang buong kaibigan ko. Ilang sandali pa ay nakarating kami sa may isang mataas na bundok at may nakakatakot na bangin, dagat na yung makikita sa ibaba nito. Dito namin ipararanas ang ganti ng isang mabangis na amazona. "Hindi ba parang maaga pa para parusahan yung King na yon? Let him enjoy muna bago naten bigyan ng leksyon." suhestiyon naman ni Arjane sa akin. "Mabuti na yung maaga para malaman niya kung paano ako magalit. Sa totoo lang, yung mga kagaya niya dapat pinapatay ng maaga." nakatawa kong sabi na pinagmamasdan ang bangin. "You've changed a lot besh! Ang bangis bangis mo na ngayon." saad pa ni Arjane sakin, manghang mangha siya sa bagong katauhan ko ngayon. "Ihanda nalang natin ang lahat, para sa kamatayan ng King na yan. Sisiguraduhin kong ito na ang huling pagkakataong papahiyain niya ako." patuloy pa rin ako sa kakamasid sa baba ng bundok na kinatatayuan namin. "Hindi ba parang sobra naman ito? Its okay to give him what he deserve but something like this? Besh! This makes him literally insane! Don't you guys get it?" Dheez. "Whether i get it or not Dheez, this is what he deserve! I won't let him pissed me anymore, and besides he earned it. Then payback time?" "Pipay, so you think this will excuse you from changing?" Napalumok ako sa sinabi niya, "Look, I know what you're thinking. I will not let him die okay? Kaya nga rubber yung gagamitin nating tali 'di ba? I just want to give my warn, a warning that I can do more than dangerous somethin' like this? Get's mo?" muli akong napabaling ng tingin sa bangin. "What if maputol yung tali?" "Dheez, kaya nga mag- iingat 'di ba? Just make sure everything will be fine, or maybe the most finest?" napailing ako. Mag aalas sais na nung natapos nilang inihanda ang lahat. Sumakay kami sa kaniya kaniyang motor saka muling pinaharurot ito, dali dali naming pinuntirya ang daan pabalik sa university para abangan ang paglabas ni King. Ilang sandali pa ay nakarating din kami sa main gate ng university, tumambay kami malapit doon at nagmasid masid. Kita sa mga kasuotan namin yung ka-astigan ng dating. Pinagtitinginan naman kami ng iilang tao dahil sa aming mga itsura. Itim na sumbrero, itim na tshirt, itim na pantalon, itim na sapatos at itim na salamin. In short, it all lies to darkness! Nakita kong naglalakad na sa kalayuan yung King na yun kasama sina Sonn at iba pang mga kalalakihan. Hindi ko pa kilala ang mga pangalan pero mga classmates din namin mga 'yon. Pero bakit tila ang bilis ata nang panahon at kasa-kasama niya si Sonn? at iba pang mga kalalakihan. Hindi ko pa kilala ang mga pangalan pero mga classmates din namin mga 'yon. Pero bakit tila ang bilis ata nang panahon at kasa-kasama niya si Sonn? Dati na ba silang magtotropa? Hindi, kailangan kong mapagtagumpayan ang planong pagpatay sa kanya ng hindi nalalaman ng mga kasama niya lalong-lalo na si Sonn. Takip silip na sa mga sandaling ito. "Guys, watch out. Palabas na yung mokong na yun." pagpukaw ko naman ng atensyon sa mga kaibigan ko. Nag ayos naman kami bigla ng pwesto at pasimpleng naglakad-lakad. Nang makarating sa labas ng gate sila Sonn, King at iba pang mga kasama niya ay huminto sila ng ilang sandali. Nagkekwentuhan sila. Nagtatawanan pa sila. Feels like

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

Cheers to Revenge

read
13.3K
bc

CEO'S Naughty Daughter

read
70.7K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook