Malagkit ang pisngi ko nang dilaan ito ni Coco Puff. Dahil sa paglalambing niya, nakipag-nose to nose ako sa kaniya.
Natatawa ko itong ginawa.
"O hinay-hinay, Callie. That baby still has leishmaniasis," sabad ni Doc Jocel. He patted Coco Puff, a two-year-old beagle, on its head.
In human years, twelve years old ang katumbas ng edad ni Coco Puff. Tumahol ito kay Doc bilang sign of acknowledgment. Nagpalitan kami ng tawa ni Doc.
Si Doc Joselito Manuel ang treinta anyos na binatang may-ari ng veterinary clinic na pinagtatrabahuan ko bilang veterinary assistant. Sa dalawang taong pagpasok ko rito, parang tatay ko na rin siya.
Never akong nagkaroon ng father figure. Paano ba naman, kaya lang naman nagkaroon ng anak si Mommy ay dahil sa In Vitro Fertilization. Meaning egg cell niya, tapos sperm ng random guy, ipinagsama sa laboratory and voila!
Callie Veron Angeles was born.
Yes, my mom's a crazy b***h.
"Doc, paalam sana ako. Mag-out na 'ko." Ibinalik ko sa kulungan si Coco Puff.
Narinig ko pa ang pag-alma niya.
Tinaas ni Doc ang mga kilay sa akin habang nakangiti. Actually, parang magka-edad lang kami dahil maaliwalas ang mukha niya, dala na rin ng pagiging light-hearted.
"Hindi ba't matagal ka nang out?" hayag nito.
Muli ay nagtawanan kami. Aba, gago e. Sexuality ko na tinutukoy.
"Sa gwapo mong 'yan, Doc, malamang ikinama kita kung hindi ako mahilig sa chicks."
Tama naman siya. Six years ago, I had the talk with Chiara. Inamin ko sa kaniyang sa mga babae talaga ako nawe-wet, at more likely na makita ko bilang kompetisyon ang mga lalaki kaysa jowa.
"Never say never, Callie."
Umiiling akong pumunta sa dressing room. Ilang beses ko na nga bang narinig iyan? Kesyo baka hindi ko pa lang daw nakikita ang the one ko, o baka curious o confused lang daw.
Dios mio. Ilang taon na akong nakikipag-acrobat sa kama sa mga babae, nalilito pa ba iyon? Bakit mas kilala pa nila ako sa sarili ko?
Anyway, nang umamin ako kay 'My, dalawang pangungusap lang ang sinabi niya sa 'kin. I don't really care who you sleep with, Callie. So long as you keep your business away from the family name.
Akala ko ayos na, pero isang taon akong persona non grata sa kan'ya. Doon ako pinatira kina Tito. Saka lang din kami naging close ni Al.
Ang kaso... dahil sa kaka-sermon ni Tito—at ng iba pang family members—sa akin, siya naman itong natakot mag-out.
At ngayon, nandito na kami. Pagkatapos kong magbihis, umalis na 'ko kaagad. Magkikita kami ni Leslie ngayon.
Kanina pa siya panay tawag sa phone ko. Hindi ko naman nasagot dahil busy.
Nag-iwan na lang siya ng meeting place. Emergency raw.
Nagkita kami sa isang pub sa Barangay Poblacion, Makati—na nakapagtataka. Mas madalas kaming magkaroon ng transaksyon sa mga ma-taong lugar, para hindi kahina-hinala.
Other than that, hindi naman kami talaga nagkikita. Iyong kagabi at mga nangyari pagkatapos, katuwaan lang.
Masama ang pakiramdam ko rito.
Sa entrada pa lang, may naka-set up nang table and chairs. May dalawang palapag ang gusali at open-aired. Oh well, gabi na naman so hindi gaanong mainit.
Ang cool din kasi tanaw ko mula sa baba iyong vines na disenyo sa second floor saka maraming pailaw na star figure. It brings out the artist in me. Ang chill lang kasi ng dating. Mayroon pang pailaw na mga letra sa likod ng bar.
CRAFT BEER
FOR THE PEOPLE
Buti na lang dito nag-aya si Leslie.
Speaking of whom, after kong um-order ng Calamansi Mojito, umakyat na 'ko kung na saan siya.
Nakita ko si Leslie sa sulok. Nakataas ang suot niyang hoodie, pero nakilala ko siya kaagad dahil nakasilip ang tattoo niya sa kamay.
Lumapit ako at binagsak sa lamesa ang baso ko. Tahimik siyang kumakain ng bagnet.
"Grabe. Round 2 na ba kaagad?" Umupo ako sa harap niya. "Hindi naman sa hindi ako nag-enjoy kagabi pero mas okay sana kung professional lang ang relationship natin." AKA ayaw kong mawalan ng supplier kung sakaling hindi mag-work out kung ano ang mayroon kami.
Saka ko lang nasilayan ang mukha niya. Namumutla siya, hindi ko alam kung dahil sa puyat, pagod at gutom, o... takot?
"May pulis sa bahay kanina. May dala silang arrest warrant. Nag-panic ako, dumaan ako sa likod tapos tumakas. Hindi na nga ako nakapagligpit e. 'Yong mga... mga produkto... naiwan ko."
Bawat salita niya, bumibigat ang dibdib ko. Napakapit ako sa baso ng mojito. Hindi ko alam kung iyong nararamdaman ko sa kamay ko dahil lang sa malamig ang inumin o pinapawisan at namamasma ako.
"T-teka, wala namang tungkol sa 'kin do'n, 'di ba?" nagawa kong itanong kahit tila umatras ang dila ko.
Naalala ko tuloy ang magaling kong pinsan. May kinalaman din kaya siya rito? Sila ni Mommy?
She scoffed at me. "Seriously? 'Yan lang masasabi mo?" Pasimple siyang tumingin-tingin sa paligid, pagkatapos ay yumuko uli at bumulong. "Babalik muna 'ko sa probinsya. Nagpasabi lang ako dahil baka maghanap ka. Mabuti nang handa ka."
Tumayo siya. Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko. Hindi ako makaimik. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Tama siya. Paano na 'ko ngayon?
"Good luck." Iyon ang huli niyang sinabi bago ako iwan sa lugar na ito.