bc

The Lysergic's Waltz

book_age18+
116
FOLLOW
1K
READ
dark
drama
gxg
bisexual
humorous
mystery
lesbian
addiction
like
intro-logo
Blurb

"Sa lahat ng kinaadikan ko, ikaw na yata ang pinaka-delikado."

Happy-go-lucky kung maituturing ang 25 years old na si Callie. Ang hindi alam ng nakararami ay isang madilim na sikreto ang unti-unting kumakain sa pagkatao nito.

Saka naman niya makikilala si Ieshia.

Ang akala niya ay ito na ang sagot sa problema niya, ang pupunan sa pangangailangan niya.

Ngunit may sariling sikreto rin si Ieshia.

chap-preview
Free preview
Kabanata I
Ibinaba ko ang Ray-ban aviator na suot nang dumaan ang babaeng naka-'panty' short, at may mahaba't maputing binti. Tila glue na ayaw mapilas ang mga tingin ko rito. Witwiw. Sarap. "Ms. Callie," malamig na boses ng personal na sekretarya ni Mommy na halos magpalaglag sa akin sa upuan. Binawi ko ang sarili at nilagay ang salamin sa ulo na parang headband. Pinasadahan ko ng tingin si Monique. Itim na pencil skirt at puting dress shirt. Heh. Mas papasa pa siyang anak ni Chiara kaysa sa akin e. "Yes, Angeles Jr.?" pangungutya ko sa robot na walang salitang sumenyas sa pinto. Tumayo ako dala ang favorite kong backpack at bumuntong hininga. Here we go again. Pagkatayo ay napadaan ako sa ceiling-to-floor na salamin at pinasadahan ang sarili. Ang una sigurong mapapansin sa akin ay ang pastel pink hair color ko. Wavy ito at abot hanggang gitna ng likod ko. Medyo hassle nga lang upkeep. Nakasuot ako ng orange tank top at leopard-print na jacket. Tokong saka flats. Kagagaling ko lang sa parekoy kong si Wila dahil birthday niya. Kaso ay bigla akong pinatawag dito. Pagkapasok, nadatnan ko si Mommy na nakatayo sa harap ng higanteng salamin na sumisilip sa mundo sa labas ng kompanya niya. Nakasuot siya ng sopistikadong black blouse at slacks. Ang buhok naman niya ay naka-bun. Kahit sa pananamit, she's so uptight. "'My," tawag ko sa kaniya. Humarap siya. Halos bumigay ang mga tuhod ko nang bumagsak ang tingin niya sa 'kin. Walang emosyon sa mukha niya, as usual. Kung hindi nga siya gumalaw e aakalaing estatwa siya. Isa akong veinticinco anyos na babae pero tumitiklop pa rin sa malamig at matigas na titig ng ina niya. Wala namang makasisisi sa 'kin. Kahit nga mga empleyado ni Chiara e halimaw ang tingin sa kaniya. Pero syempre hindi ko ipakikita sa kaniya 'yon. "O chill. Dalawang buwan tayong hindi nagkita kaya alam kong miss mo 'ko pero 'di mo 'ko kailangang pukulin ng tingin na gan'yan," biro ko. Sabi nga nila, naaamoy ng leon ang takot mo. "I'm not interested in your smart mouth, Callie. You're here because you got in trouble. Again." "Sorry," mabilis kong dugtong. Lumapit na rin ako hindi para bigyan siya ng halik—dahil siya iyong tipo ng tao na magagalit kapag nag-good night kiss ang baby girl niya sa kaniya—kung hindi para maupo sa sofa sa gilid dahil kakailanganin ko ang suporta niyon. "H—" Natigilan ako. Umupo rin siya sa likod ng sosyal niyang desk at kumalumbaba. Para siyang agilang pinag-aaralan ang bawat kilos ng biktima niya—ako. "Hindi ko alam na may gano'ng nangyayari sa lugar na 'yon. For fun lang naman na nanood kami ng race nina Alphonse." "So..." hayag niya. Nakakakilabot na hindi alam ang iniisip ng isang tao, lalo na kung kaya ka niyang parusahan sa mga paraang kinatatakutan mo. "Is it okay then that I had to send Monique down to the precinct to bail you out? My own daughter, Callie Veron Angeles. Nakakahiya." Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Mahilig siyang magpaliguy-ligoy. Pero kapag bumira e sapul ka. Kaya siguro ganito rin ako. I avoided being everything I hate about my mother. "I said I'm sor—" "Does your apology make dragging the family name down to the mud okay, Callie?" No. Iyon ang una kong naisip isagot. Kasi totoo naman. Pero ayoko ring ituloy. I don't want to give her the satisfaction of gaining the upper hand on me. Inikot niya ang swivel chair dahilan para humarap ulit siya sa bintana. "Kunin mo ang files sa desk." Naguguluhan akong tumayo para lumapit. May folder doon kung saan nakalagay in capital letters ang pangalan ko. C A L L I E. Hindi talaga niya gustong ginagamit ko ang apelyido niya. As if siya lang ang nakararamdam no'n. Kinuha ko iyon pero bago ko buklatin ay nagsalita siya. "I had Monique research the best support group for you. I'll be expecting your attendance." Triple s**t. Alam niya. "'My, ano 'to?" pagpapatay malisya ko, kahit pa nagbubuhol na ang tiyan ko at nararamdaman ko na ang pawis sa sentido ko. 30 seconds, 2 minutes... 5. Hindi siya sumagot. Tapos na ang meeting. With a scoff, I proceeded to the door. Magyeyelo muna sa Pilipinas bago 'ko sumunod sa gusto niya. "I am so disappointed in you," pahabol niya nang buksan ko ang pinto. Lumabas na lang ako. Ano pa bang bago, 'My? Ang totoo niyan, ganito naman talaga palagi. Bata pa lang ako, trato na niya sa akin ay empleyado imbes na anak. Kaya nga wala akong balak sundin ang gusto niya. Sinubukan ko na noon, lahat ng hiling niya ginagawa ko pero kahit kailan hindi naman siya na-satisfy. Kaya nang mag-walwal si Al para lumabas, doon na ako dumiretso nang makapag-chill man lang. Buti hindi binawi ang sasakyan ko. Kung hindi maglalakad ako papunta sa abandonadong resort na madalas naming hang out-an. Liblib na kasi roon at walang dumadaang jeep. Pagdating ko, nakita kong naroon na sila at naka-pwesto sa likod ng Ranger ni Al, umiinom. "Calli-bear!" bulalas nito nang makita ako. Sinunggaban niya ako sa isang bear hug. Napairap ako na animo'y hindi pa nasanay sa pagka-clingy niya. "Punyeta, Al, maghunos dili kang bakla ka. Magkasama lang tayo kahapon sa presinto." Malaking tao ang pinsan kong si Alphonse Dominguez III. Hindi lang matangkad, maskulado rin. Pang-athlete kumbaga. Kaya walang mag-aakala na tabingi pala ang s****l orientation ng gagong 'to. "Anong sabi ni Tita?" bulong niya. Batid ko na kinakabahan din siya. Ano man ang opinyon ng makapangyarihan kong ina ay opinyon na ng buong angkan. Sumilip ako sa likod niya, abala ang iba pa sa hinihithit nila. Nakaramdam ako ng kating gumamit din. Ibinaling ko na lang ang atensyon kay Alphonse. "Sus, hindi ka naman no'n aanuhin. Sa papel, isa kang Dominguez. Pinapaatin akong support group." "E kung magsumbong kay Dad, e 'di patay ako!" 'Yang lintik na support group na 'yan. Naii-stress ako. Kailangan ko na talagang gumam— "Callie!" Sabay palo sa balikat. "O?!" "Ang sabi ko anong gagawin mo! " I shrugged. Alam niya na 'yon. Hindi naman ako goody-two-shoes. Na-distract ako nang mapansin ko kung sino pa ang kasama nina Sarge, si Leslie. Naningkit ang mata ko habang tinitingnan siya. Ang hot niya sa jeans at loose shirt na kita ang belly button. "E 'di magpapakasaya." I grinned evilly—may kalokohan na namang naiisip. "You know that Tita will get what she wants, right? She is the one and only Chiara Vee Angeles." Right. Oo nga pala. Lahat gagawin niya para ma-kontrol ako. Tinaas ko ang kamay ko at gumawa ng 'W' gamit ang mga daliri. "Whatever." This is probably for the best. Eenjoy-in ko na lang ang gabing ito. "Sarge, 'wag swapang! Pahingi nga!" Nagising ako dahil sa patuloy na pagsilip ng sinag ng araw sa talukap ng mga mata ko. Nahirapan pa ako itong buksan dahil sa sakit nito—parang tuyong-tuyo ang mata ko at nagpipintig ang ulo ko. Maging ang lalamunan ko ay nanunuyo. Pinilit kong umupo at natuklasan ang babae sa tabi ko. Kaibigan ni Sarge na supplier ko rin, si Leslie. At parehas kaming walang saplot sa katawan. Bumuntong hininga ako. Pagkatapos ay naghalungkat sa bundok ng mga damit sa basket sa gilid ng kwarto para magbihis. Bago lumabas, I lingered before the door for a moment. Sa tabi niyon ay isang twenty by twenty-four inches na painting. It was one of my first artworks, a negative painting of a mermaid. Ang ginamit kong kulay ay blue dahil gabi. Umiling ako dahil sa naalala. Regalo ko dapat kay Chiara 'to matagal na panahon na ang nakalilipas. Mga panahon iyong gusto ko pa siyang pini-please. Siya kasi ang nag-impluwensya sa akin na maging mahilig sa art. Nagtungo ako sa kusina para maghilamos at uminom ng tubig. Nahihilo man ay nagawa ko naman iyon nang walang nababasag. "Hello." Nabagsak ko ang pagbaba ng baso sa lababo sa pagkagulat. Pagkatapos ay huminga nang maluwag. Pupungas-pungas ang matang nakasandal si Leslie sa door frame ng kwarto. And she's standing there in all her naked glory. Mabuti na lang at wala si Al. Allergic pa naman sa boobs 'yon. Sumipol ako. "Naks. Sarap ng almusal ko a." Pinagmasdan ko ang braso niya kung saan may ahas na tattoo. Para itong buhay dahil sa pagkakakulay ng tattoo artist. I can't help but admire Leslie for having the courage to have a huge ass mark in her right arm. "Appetizer pa lang 'to. Gusto mo ng main course?" Dahan-dahan siyang lumapit. Akala ko ipupulupot niya ang mga braso sa leeg ko (ngayon gets ko na kung bakit ahas) nang hugutin niya iyon mula sa pagkakatago sa likuran niya, pero sa halip, may nilabas siya. "Pot?" alok niya habang hawak ang m*******a joint. Hindi naman ako adik. Marami na 'kong nasubukan, yes. At matagal na 'kong gumagamit. But I don't consider myself an addict. May sikreto kasi iyon, at tinatawag ko iyong art of taking drugs. I follow a strict system. As much as possible, stick to cocaine, shabu at lsd lang. Isang hit lang din ako sa isang linggo. Ayokong maging dependent sa mga s**t na 'to. I don't know about others but it works for me. Iyon nga lang, may mga pagkakataon, katulad kagabi na kailangan ng exemption. Tatanggapin ko na ang alok niya—I leaned in to kiss her—nang tumunog ang cellphone ko. I smiled at her in apology. "Alam mo naman, in demand." Hindi siya sumagot. Pinisil niya ang pwet ko kaya napahagikhik ako. Bumalik siya sa kwarto, siguro para magbihis. Laking gulat ko na lang nang makita ang mga letrato namin kagabi sa resort, sa likod ng Ranger ni Al, nababalot ng usok at halatang high na high. Kalakip niyon ay mensahe mula sa magaling kong pinsan. I'm sorry babe >_ Tita left me with no choice. May hinala na talaga siya sa mga pinaggagagawa natin simula noong racing scandal. Tinakot niya ko na isusumbong kay Dad. I'm sorry talaga bebe T_T Letseng baklita 'yon! Pakiramdam ko naubusan ako ng dugo. Nanlalamig ang mga palad ko. Sana man lang binalaan niya 'ko para umiwas na lang ako kagabi, 'di ba? Bwisit! Ngayong may pruweba na si 'My, paniguradong iipitin niya 'ko masunod lang ang gusto niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SILENCE

read
393.7K
bc

Sexytary |SPG|

read
563.8K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
50.0K
bc

The Last Battle

read
4.0K
bc

DEYANIRA (His Secret Agent)

read
44.9K
bc

Pain(Tagalog)

read
353.9K
bc

Driver Sweet Lover - SPG

read
233.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook