Chapter Four

1462 Words
SANDRO POV "ANO na naman ba ang ginawa mo sa secretary mo ha Sandro?" singhal ng ate kong si Samantha. Ang aga-aga anong ginagawa ng magaling kong ate dito sa kompanya ko? I am Alexander Corpuz, the youngest child of mr. Alexis and mrs. Sammy Corpuz. My family owns a different business and establishment. Condo, mall, beach resort and even restaurant meron kami. Name it and we definitely have it. I am only twenty-five years old pero may sarili na rin akong kompanya and that is the SC corporation. My company sells lands and also condominiums. Hindi galing sa mga magulang ko ang kompanya kong ito, dugo at pawis ang pinuhunan ko para makapagpatayo nito. Balak ko rin sanang magpatayo ng sarili kong bar pero saka na siguro pag kaya na ng oras ko. "Hey Sandro sumagot ka!" matalim lang na tingin ang pinukol ko dito at muli nang bumalik sa paglalakad patungo sa elevator. Mabilis kong pinindot ang close button nito pero nakapasok pa diin agad ang ate ko dito. Salubong ang kilay nitong tumitig sa akin. Matalim din ang paninitig nito sa akin na animo'y hinihiwa ako. "I'm talking to you Alexander Corpuz! Sasagot ka o sasagot?" pagbabanta niya pa. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa nakikitang itsura ng ate ko o maiinis eh. Mukha siyang unggoy na naglalabas ng usok sa tenga niya. "Ate Sam it's only seven in the morning, stop nagging-" "Anong stop nagging? Your secretary called me early in this morning at nagsusumbong sa akin na sinesante mo daw siya," napapailing nalang ako sa boses ng ate ko. Ang aga-aga napo-frustrate ako. Well that secretary she's talking about is not my type. Masyadong mahinhin at ang hirap kausapin. Para bang literal na trabaho lang ang gusto nito. I want someone who can entertain me all the time and that woman is obviously not qualified. She's sexy though and smart but she's boring! A literally boring lady. Kada tanong ko isang sagot lang din mismo lang ang sinasabi niya sa akin pabalik. Wala man lang kagana-gana sa buhay. Maigi pang robot nalang ang kausapin ko eh. "She's not my type, too quiet and polite, literally and obviously out of my league," sagot ko at sandaling sumandal sa dingding ng elevator. Kailangan kong sumandal dahil nakakaramdam ako ng hilo. Isama pa ang nakakaasar na pagmumukha ng ate ko. Dinaig pa nanay namin kung makapagbunganga eh. I just had a few drinks last night pero grabe ang bigat ng ulo ko ngayon. Parang mapapasabi ako ng 'pass' sa mga kaibigan ko ngayong gabi. "Sandro! She's your secretary! Hindi naman siya ang papakasalan mo. You need an efficient and effective secretary and Loisa is perfect for that position. Anong iniisip mo at tinanggalan mo 'yon ng trabaho?" Yeah right, she's my secretary pero bakit parang siya pa ang namomoblema ngayon kung makaasta. Akala mo naman siya ang nawalan ng trabaho. Kinausap ko si Loisa, iyong secretary kong tinutukoy ni ate, and she agreed na magreresign nalang daw siya sa trabaho niya dahil hindi niya kaya ang pinapagawa ko. Gusto ko lang naman na baguhin ang estilo ng pananamit niya. Masyadong makaluma at lakas makalola ng dating, ayoko namang may makatabi o makasama sa mga meeting ko at isipin ng ibang kliyente ko na kung sino-sino nalang ang secretary ko. She said she don't want eh di pinapili ko siya, gagawin niya o sisisantihin ko siya. She choose the latter! Hindi ko na problema iyon. Hindi na ako muling sumagot pa nang makitang bumukas na ang elevator. Dire-diretso nalang akong lumabas at naglakad papasok ng aking opisina. My office is the only room in this floor, ito rin ang kahulihang palapag ng mataas kong building. I am a party-goer pero gusto ko nang tahimik na lugar pag nagtatrabaho ako. Walang ingay at walang abala! "Sandro, huling beses ko na 'tong sasabihin sayo. Stop flirting and firing your secretary just because you want to. Baka hindi na ako makahanap pa ng iba dahil dyan sa ugali mo," "Then huwag mong gawin! I have employee who can do that job, hindi ko naman alam sayo bakit ba ginagawa mong abala ang sarili mo just to find me a secretary. I can handle myself-" "Oh really? Then what about the schedules you've missed just because you forgot to turn on your alarm? My god Sandro! You've miss the million dollar transaction dahil hindi ka sumipot dahil nga na-late ka. Ayoko nang maulit 'yon!" "Hey, ilang buwan nang lumipas iyon. Nabawi ko naman na 'yon ah. Can you please stop mentioning that?" wika ko at halatang naaasar na. Ate Samantha really knows how to annoy and getting into my nerves. Pinagpapasensyahan ko nalang talaga kasi kaming dalawa nalang ang natitira dito sa Pilipinas. Our parents are nowhere to be found because according to them, they want to roam the world. Literally the whole world. Sa huling tanda ko ay nasa Czech Republic sila ngayon. "Sandro hindi lang isang beses nangyari iyon. Five times! Imagine, limang beses mo nang napapalagpas ang gan'ong transaction-" "Ate Samantha I said stop mentioning that. You can leave my company if you really want to insist that f*****g thing, my door is f*****g open. Sinisira mo lang ang araw ko," halatang natigilan ang ate ko sa sinabi ko. Serves her right! Ayaw mong tumigil ha. Narinig ko rin itong marahas na nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga bago tumalikod sa akin. Akala ko ay lalabas na ito sa pinto ng aking opisina nang bigla itong muling lumingon sa kinauupuan ko. Tinitigan ko lamang ito at pinakitaan ng mukha na para bang nagsasabing 'why-are-you-still-here'? "Sandro..." Saglit ko itong pinanlakihan ng mga mata at tinaasan ng isang kilay. "What?" "This is the last time I'll gonna find you a secretary, at pag umalis o 'di kaya'y tinanggal mo na naman ito, bahala kana sa buhay mo dahil sasama nalang talaga ako kanila mom para libutin ang mundo," Hindi ko alam kung nagbibiro ba o seryoso si ate Samantha sa sinasabi niya. Saglit akong napailing ng ulo at ilang segundo ang lumipas bago ako sumagot dito. "Whatever you like my sister. Whatever you like," saad ko bago tuluyan nang lumabas ang ate ko sa aking opisina. Halos sinadya niya ring pabagsak na isinara ang pintuan ng kwarto kaya naman kumunot agad ang aking noo. That woman! Balak niya bang sirain ang opisina ko? JILLIAN POV "JILLIAN gumising kana. Malapit na tayo bumaba," boses ni tita Analou ang naririnig ko kahit na nakapikit pa ako. Wala nalang akong nagawa kung hindi pilitin ang sariling gumising at nagkusot ng mata. Halos matagal-tagal rin ang naging pahinga ko kaya naman ramdam na ramdam ko na ngayon ang pangangalay at p*******t ng likuran ko. "Ayos ka lang ba?" tanong ulit ni tita Analou kaya naman saglit akong napalingon sa kanya at mabilis na tumango. "Opo 'ta, nangalay lang ang likod ko," sagot ko at saglit na inayos ang salamin ko. Hindi ko alam kung nasaan na kami, basta matatas na gusali at maraming tao na ang nakikita ko. Malayong-malayo sa probinsiya namin na kinalakihan ko. Para tuloy bigla akong nanibago. Ilang minuto pa ang lumipas bago kami bumaba ni tita Analou. Isang jeep at tricycle muli ang aming sinakyan bago kami tuluyang makarating sa bahay nila. Katamtaman ang laki ng bahay nila dito sa Maynila, hindi katulad ng bahay namin sa probinsya. Sabagay, family house kasi namin iyon kaya malaki talaga 'yon. Pagkatapos magbayad ni tita Analou ay agad na kaming pumasok ng bahay nila. Saglit ko rin munang ibinaba ang mga gamit ko sa isang tabi. "Jillian, iyong kwarto nalang muna ni Anne ang gamitin mo. Nandoon iyon sa pinakagilid sa taas. Magpahinga kana muna doon at bibili lang ako ng makakakain natin," "Sige po tita," sagot ko at binuhat na ulit ang mga bag ko. Mabilis ko namang nakita ang kwarto na tinutukoy ni tita dahil tanging dalawang kwarto lamang ang meron dito sa itaas. Kulay pink din ang pinto ni Anne. Iginilid ko ang mga gamit ko at saglit na nahiga. Rinig na rinig ang ingay ng mga tao na nagmumula sa labas ng bahay. Hindi ko tuloy alam kung makakapagpahinga pa ba ako. Habang nakahiga ay inisip ko muna din na tawagan sila papa para ipaalam na nandito na kami ni tita Analou sa Maynila ngunit naisip kong baka nagpapahinga siya sa mga oras na 'to. Isang text message nalang ang sinend ko sa kanya. Bukas na bukas rin ay sisimulan ko na ang paghahanap ng trabaho, kumpleto naman ang mga dokumento ko kaya sana ay hindi ako mahirapan. Maigi nang maaga palang ay gawin ko na kung ano ba talaga ng pakay ng pagpunta ko dito imbes na tumambay o magsaya muna. Trabaho ang pinunta ko dito at hindi bakasyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD