6:

1442 Words
ARBOR never cared about anything. Namuhay kasi siyang ang sarili at ang pagpapatakbo lang ng kumpanya ang pinapakialaman niya. Kaya hirap siyang i-digest kung saan niya bandang bahagi ng utak niya ilalagay ang nais na mangyari ni Sabina. Gawin niya raw itong kabit niya—bakit? Dahil sawi ito sa pag-ibig? Dahil sa aksidenteng naganap sa pagitan nila? O baka sinasali siya ng babae sa pagrerebelde nito? Alin man sa mga tanong na nabuo niya sa kaniyang isip, wala rin naman siyang maapuhap na sagot sa nag-iisang katanungan na bakit. "Kabit? Bakit ko naman gagawin 'yon? Ilalagay mo lang sa mas alanganin ang lahat, Sabina." "Papayag kang gawin akong kabit mo dahil wala ka namang choice. Kung hindi ay gagawa ako ng paraan para mailathala sa mundong ginagalawan mo kung anong klaseng tao ka pagdating sa kama, Arbor Villasanto." Arbor gritted his teeth. "Hindi mo 'ko maba-blackmail." She smirked. "Pero ginagawa ko na," puno ng pang-uuyam nitong sabi. Mas naggalawan lang ang kaniyang mga panga sa inis. Kung gugustuhin niya ay makukuha niya ang pinagmamalaki nitong recorded audio dahil oo, masisira nga siyang talaga kapag inilabas ni Sabina iyon sa madla. Baka atakehin pa sa puso ang lolo niya nang dahil doon. Kung siya lang ay wala siyang pakialam. Hindi pa pinapanganak ang taong magbabanta sa kaniya. Pero ewan ba naman niya sa sarili niya, parang nais din niyang pagbigyan ang babaeng ito sa gusto nito… Tinumbasan niya ang mapang-uyam na ngisi ng babae. "Gustong-gusto mo lang yata na tinitikman ang katawan ko, nagrereklamo ka pa na kunwaring nasasaktan." Mapangahas na naglandas ang palad nito sa kaniyang dibdib. And fvck, sa totoo lang ay nagiging makata siya pagdating sa dating sekretarya dahil hindi niya maikakaila sa sariling iba ang dating ng haplos ng mga palad nito sa katawan niya. Kakaiba ang pakiramdama niya pero hindi niya naman maipaliwanag kung saan banda o paano iyon naging kakaiba. "Bonus na nga sana 'yun e, kasi nga kabit mo naman ang role na ina-apply-an ko. But nah, masyado ka namang sinusuwerte. Tama nang nakadalawa ka, Sir Arb. 'Wag kang sugapa sa biyaya, masama 'yan sa kalusugan…" "Dito na, pakihinto," untag sa naglakbay na diwa ni Arbor ng babaeng katabi niya sa front seat ng kaniyang kotse. Kaagad niyang sinunod ang utos ni Sabina. Pinatay na niya ang makina ng kotse. Nang ilibot niya ang paningin sa pinaghintuan nila ay maayos na residential area naman ang kinasuotan ng sasakyan niya kahit masikip ang gawing unahan ng kalyeng pinasukan nila. Tipikal na residential area, matao, maraming nakaabang na mga mata sa bagong dating. "Tama ka sa iniisip mo. Hindi iskwater ang lugar na 'to pero mas matindi ang mga tsismosa dito. Lalo na at ang star nila ang nakikita nila," ani Sabina, tila nahulaan ang naglalaro sa isipan niya. "Hindi ka nila nakikita. Tinted ang mga bintana ng kotse ko," kaswal niyang sabi sa babae. "E tange ka pala, tapat ng bahay namin 'yang hinintuan mo. Iba ang kotse mo sa kotse no'ng gagong ex ko. Kaya oo, star na naman ako sa mga mata ng mga tsismoso't tsismosa na 'yan!" "Ah," aniya na lang. Ano ba naman ang dapat niyang sabihin sa sinabi nitong hindi niya gaanong maunawaan? Well, iyon na nga mismo si Sabina sa kaniya mula pa kanina—hindi niya maintindihan pero napapasunod siya, effortless, sa hindi niya na naman malaman na dahilan. "O, 'wag ka nang umalis d'yan sa harap ng manibela mo. Sandali lang ako, kukuha lang ako ng gamit ko, okay? Hindi mo na kailangan na sumama." Maagap na pag-awat sa kaniya nito nang kumilos siyang aalisin din ang kaniyang seatbelt. "But, I need to speak to your parents kung sasama ka—" Inawat ng daliri nito ang kaniyang sinasabi. "Hindi na kailangan. Adult na 'ko, Arbor. Kaya ko nang mag-decide para sa sarili ko." Yeah, right. Nanahimik na lang si Arbor. Kung ayaw ng babae ng maayos na pagpapaalam sa magulang nito, bahala ito. Ang sa kaniya lang naman ay mas proper kung kilala siya ng mga magulang ng dalaga. Sino bang mga magulang ang nanaisin na basta umalis ang anak ng mga ito na hindi man lang kilala ang sinamahan? Mukhang sobrang irrational na talaga ni Sabina para hindi nito maisip iyon. "Hey, para sa'n 'yan?!" gulat niyang bulalas nang masilaw siya sa flash ng phone camera. "Need ko lang ng latest pic mo. 'Papakita ko kay Mama at Dada. Sasabihin kong ikaw na ulit ang boss ko at mag-a-out of town tayo ng two weeks." "Two weeks?!" mas gulat na bulalas ng CEO. So, ganoon pala kahaba ang plano ni Sabina na manatili sa poder niya. May bilang pala ang pagdaramdam o pagrerebelde ng babae! Grabe! "Two weeks nga. Oo. Hindi ka naman siguro bingi. Ikaw nang bahala kung paano mo 'ko maitatago. Pag-usapan natin mamaya kung bakit two weeks mo lang ako dapat na i-keep at gawing kept woman." Nakaingos pa nitong turan. Naiwan na lamang siyang hindi makapaniwalang nakanga-nga sa harap ng kaniyang manibela. Sa hilatsa ng mga sinabi ng dati niyang sekretarya ay may pakiramdam siyang mas kakaiba pa sa plano nito ang simpleng pag-demand nito sa kaniya na gawin niya itong kept woman. "MALAYO pa ba tayo?" untag ni Sabina sa pananahimik niya. Nakatikwas ang isang kilay at nakapamulsang nilinga ni Arbor ang babae. "Nagrereklamo ka ba? E ikaw naman ang may gusto nito, hindi ba?" "Hindi ako nagrereklamo! Oo, hindi talaga!" sagot nito, sarkastiko ang tono. "Nagtatanong lang po ako." "Dapat lang na 'wag kang magreklamo. Bukod sa ikaw naman ang may gusto nito, hindi ako ang nagsabi sa 'yong bitbitin mo ang buong buhay mo," mas sarkastiko niyang sambit dito. Kung hindi ba naman, daig pa ng babae ang mag-a-abroad—pagkalaki ng maletang binitbit! Hayun, hirap na hirap ito sa pagbubuhat ngayon. Hindi naman niya ito tinulungan. Kung ang lahat kasi ng taong matitigas ang ulo na tulad nito ay tutulungan ng kapwa, paano malalaman ng mga ito kung gaano na sila nagkakamali sa mga desisyon nila? "Sorry ha, kung hindi ka ba naman kasi gentle manyak, nananahimik ako e, sasaluhin mo 'ko do'n sa lalaking gasgas ang mga pinagsasabing linya sa Boracay!" "Kasalanan ko pa pala na i-save ka? And please don't call me like that. Ikaw nga 'tong unang humalik sa 'kin. Ikaw ang gumiling-giling na parang bulate kinabukasan. Ang tanga ko lang na na-trap mo na pala 'ko, wala pa 'kong nalalaman. Nakuha mo 'ko sa pagkukunwaring histerikal mo." Hinihingal na huminto si Sabina, inupuan ang malaking maleta. "Niligtas mo ba 'ko? Seryoso na 'yan? Final na?" "Niligtas kita mula sa lalaking 'yon." Lukot ang ilong na tugon niya. Medyo inis na siyang kausap ang babae. "Nagkataon lang na sobrang lasing mo—" "'Yon na nga! Lasing ako that night. Nag-take advantage ka sa halik kong sinasabi mo, kolokoy ka!" Putol ni Sabina sa sinasabi niya. Napabuntong-hininga siya. Namewang. Pati siya ay hinihingal na. Sino ba naman ang hindi hihingalin? May kinse minutos na lakaran mula sa pinagparadahan ng kotse niya ang papasok sa resort na siyang may-ari, tapos ay ganito pa ang kasama niya sa paglalakad. "Puwede bang 'wag na nating balikan ang pinakamalaking kamalian na nagawa ko sa buong buhay ko?" aniya, iyon naman ang totoo. Hindi siya ganoong klaseng lalaki, na susunggab na lang sa nakahain basta. Sa lahat ng pagkakataon ay kontrolado niya ang sitwasyon—mas lalo na pagdating sa kama. Pero ewan ba naman niya, nang makilala niya ang babaeng ito ay naglaho ang inaral niyang kontrol na iyon nang ganoon kabilis. Hindi niya pa nakakalimutan na hindi niya maiwasan na pagmasdan ang kabuuan ng katawan nito sa tuwing nakikita niya ito noon. Kaya nga siya binubuska ni Leighjan dito. "Kamalian?! Hah! Ang kapal naman ng mukha neto!" anang babae, parang na-offend talaga. Nagdadabog na tumayo ulit, hinila rin muli ang maleta. "Kamalian ka pang nalalaman, kung makaungol ka naman—" "Shut up, will you?!" Pasigaw naman ang pagpapatigil niya sa sinasabi nito, kaya laking gulat niya nang bumungisngis ang dati niyang sekretarya. Tumatawa si Sabina na tila bata. Yumuyugyog ang mga balikat, nakatakip ang isang palad sa labi habang nasisinagan ng araw na kasalukuyan nang mainit sa balat dahil halos alas diez na rin ng umaga. "Sorry," Nag-peace sign ito gamit ang mga daliri, "natatawa lang ako kasi grabe ka nga pala sa bed time. Quality na quality. Magagalit siguro ang asawa mo kung malalaman niya na pati ako ay naranasan ang performance mo." Marahan na lamang na umiling si Arbor. Hindi siya dapat na mas mainis. Hindi naman kasi alam ni Sabina ang sinasabi nito. "Believe me, she will be surprised but hindi siya magagalit. Never."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD