5:

1049 Words
"NAKU! Ano ba naman 'yan! Men, totoo ba 'yan?! Nagkita pa talaga kayo sa Bora? Hindi pa 'ko makabukas ng kahit anong social media accounts ko, lintik ka ba ba naman, ano bang malay ko sa pagiging CEO." Bumuga ng hangin si Arbor. Sinunod-sunod ang hithit sa kaniyang electronic cigarette. "Leigh, hindi kita tatawagan kung nagbibiro lang ako. Ang mas kinakatakot ko nga ay ang naulit na nangyari sa 'min ngayong umaga. Sh't! Ang lahat ay aksidente magmula pa kagabi pero iba ang ngayon na nasa huwisyo na siya." Nang dumiretso sa banyo si Sabina ay kaagad niyang tinawagan ang pinsan. Kailangan niya kasi ng taong mapagsasabihan ng mga nangyari. Sa tanan ng buhay niya ay ngayon lang siya naging careless ng ganoon! "Kung kailan ka tumanda ay saka ka hindi naging maingat. Buti na lang si Sabina 'yan." Kumunot ang kaniyang noo. "Ano ang buti na si Sab siya? Brokenhearted 'yung tao, wala sa sarili." "D'yan ka nagkakamali." Sabina interrupted. Nang lingunin niya ito ay nakasandal na sa hamba ng pintuan na naghahati sa sala at banyo ng naturang kuwarto kung saan siya nag-i-stay. Nakabihis na ito. Dahil kumpleto naman ang kagamitan doon ay madali para sa babae ang maayos ang hinubad na damit kagabi. Lalabas ito sa kuwartong iyon na tila wala lang—'yon ay kung aayusin nito ang paglalakad. Kanina kasi ay paika-ika pa itong pumasok sa banyo. Arbor let out a sharp breath. "'Gotta go, Leigh," paalam niya sa pinsan pagkatapos. Binalik niya ang tangan na mobile phone sa kaniyang bulsa, hinarap niya ang babaeng dapat niyang harapin. "Look, mapag-uusapan naman natin nang maayos ang mga nangyari, Sab." "Yeah, sure." Kibit ang mga balikat na tugon ng babae, "Actually, heto nga, naka-save talaga sa 'kin ang audio ng mga namagitan sa 'tin ngayong umaga." Natigilan si Arbor nang iangat ni Sabina sa ere ang sariling phone nito. Pinindot iyon para mag-play—naka-record nga ang lahat. Malinaw ang audio. Sobrang linaw talaga ng mga maririnig doon dahil ganoon siya kaingay pagdating sa aktibidad na iyon. Naggalawan ang kaniyang mga panga sa narinig. Tumalim din ang tingin niya sa dati niyang sekretarya. "So arte mo lang pala na nahirapan ka?" Nakakalokong tumawa ang babaeng kung titignan ay animo napakabait dahil sa kaamuhan taglay ng maliit nitong mukha. "S'yempre hindi 'no! Ang laki kaya niyan! Natural lang na masaktan ako." Hindi siya kumibo. Kung inaakala ng babae na makikitawa siya rito ay nagkakamali ito. Sinong matatawa kung maliwanag pa sa sikat ng araw na sa ginawa nitong pagre-record sa audio ng mga nangyari sa kanila na gagamitin siya nito. Kung bakit at para saan, nananatili pang palaisipan sa kaniya. "Kung sabagay, sasandaling panahon pa lamang kitang nakikilala. Hindi ko pa alam kung ano ang capable mong gawin." Mas tumawa pa ang babae. "Ikaw naman, Sir Arbor, masyado kang seryoso!" "Hindi na kita sec, remember? Stop calling me that way." Nagkibit ito ng mga balikat. "Owkay, Arbor, ganito kasi 'yan…" Nilapitan siya nito, "nagkakamali ka sa pag-aakalang broken hearted ako." "Tell that to the alcohol that you drank without mercy last night, miss." "Hmn, 'wag na. Hayaan mo na ang mga alak na 'yun. Kasalukuyan ko nang tinutunaw ang mga likidong 'yun. Anyway, ang recorded audio na 'to ang pag-usapan natin dahil masisira ang reputasyon mo sa mga 'to, tama?" Mapang-uyam na sabi ni Sabina sa CEO. "What do you want? Money? Sabihin mo lang kung magkano—" "Hep!" Inawat ng dalaga ang akmang pagbubukas niya sa kaniyang mobile phone, "Hindi 'yan ang gusto ko. Marami pa akong kinuhang pera sa card no'ng ulupong kong ex." Pinulupot ni Sabina ang mga braso nito sa batok niya. Sinimulan na i-play ulit sa hawak nitong mobile phone ang kaninang pinarinig na recorded audio sa kaniya. "Hindi niya pina-block ang card niya, so, sinunggaban ko na. Aba naman, sa pera niya man lang ay bumawi siya sa ginawa niya sa 'kin." "Another story 'yan sa naglasing ka dahil sa kaniya kaya may nangyari sa 'tin. Nag-condom ako last night. Ang kaninang ginawa mo ay hindi na ako ang may kontrol, Sabina. Hindi mo 'ko dapat na pinagbabantaan," mariin na sambit ni Arbor sa dati niyang sekretarya. Matiim niya rin na sinalubong ang mga magagandang pares na mga mata nito. Kung tutuusin ay nagmagandang loob lang naman talaga siya kagabi. Ito ang humalik sa kaniya. Hindi niya plinano ang mga namagitan sa kanila—basta na lang nangyari—accidentally. "'Sungit mo pa din talaga kahit wala na tayo sa office, Sir Arb!" pabirong turan ng dalaga. Bahagya pang pinindot ang tungki ng kaniyang ilong. Lukot ang mga kilay na iniwasan niya ang daliri nito. "Just spill it. Nasasayang ang oras ko sa 'yo. Hindi passes ang intact mong v*rginity para ganituhin mo 'ko. Well, in fact, hindi big deal sa 'kin ang pagkabirhen ng kahit na sinong babae." "'Yun nga din ang dinig ko sa kung sa'n-sa'n." Nakangiting tugon ni Sabina, nang-uuyam na naman, "Ang sabi nila, mahalaga sa 'yo ang isang babae pero hindi kasama ang v-card do'n. Intact or not, wala ka raw pakialam." "There's nothing wrong with that." Tikwas ang kilay na depensa ng CEO. "Intact or not, pareho lang ang value ng babae." "Wala nga! Ikaw naman talaga, mainit kaagad ang ulo mo e." "Sabina, hindi mo gugustuhin na uminit talaga ang ulo ko, I'm warning you." Naglaho ang nakapaskil na ngiti sa labi ng babaeng kaharap. Sumeryoso ang mukha. Naunawaan sigurong hindi na siya natutuwang talaga. Noon din natapos ang nagpe-play na audio sa phone nito. "Hindi na 'ko uuwi, Arbor. Tutal aksidente na rin lang na nangyari 'to, hindi na 'ko uuwi. Kapalit sa pagtatago ko ng recorded audio na 'to, gawin mo 'kong kabit mo—for real." Pagtitig sa mga matang iyon na lang ang tanging nagawa ni Arbor. Matagal na niyang alam na mahirap maintindihan ang mood swings ng mga babae. Pero ngayong araw niya lang na ito niya lang nalaman na may mga lebel pala ang mood swings ng mga ito. Ang lebel ng kay Sabina ay irrational na… Piping napamura na lang siya sa isipan nang sumagi roon na ang nagtapon sa logic ng dalaga ay walang iba kundi ang pag-ibig. Pag-ibig na kung alam lang sana nito ay siyang pangunahing dahilan kaya nga siya narito sa Boracay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD