1:

1410 Words
"LATELY ay sobrang sungit talaga ni Sir Arbor." "Hindi mo ba alam ang chika?" "Alin? Spluk mo na 'yan habang wala pa ang mga bosses!" "Ang tsismis, wala na daw kasing jerjer si Sir Arb kaya na siya ganyan kasungit. Hiwalay na daw sila ng asawa niya… sa kama." "Ay, shuta, kaya pala e…" "Ay, weh? E kahit naman may asawa 'yun bibigay pa rin ang kahit sino sa gano'n ka-g'wapo at jusko day, ang wallet pa no'n, kasing kapal ng mukha panigurado ng neybor kong nagsasabing maagang mabubuntis ang anak ko!" Hinihingal man sa mabilis na paglalakad si Sabina ay malinaw pa rin niyang narinig ang bulungan habang naghahagikgikan ang mga nadaanan niyang empleyado rin ng AV Corp. Sa gitna ng struggle niya sa paglalakad at hingal ay hindi pa rin niya maiwasan na mapatiim ng mga labi dahil malinaw sa narinig niyang tsismisan ng mga kapwa employees niya—naroon na ang boss nila. Hindi siya nagtagumpay na hindi ma-late kahit anong kabilisan pa ang ginawa na niya. Ang siste, nagsusungit na naman daw ang boss nila for today! Tsk, kung mamalasin ka nga naman ay sunod-sunod talaga. Siya lang naman ang secretary ng CEO ng AV Corp. kaya oo, ang malas niya nga. Ang pinakaayaw pa naman ni Sir Arbor Villasanto ay ang mga taong hindi marunong mag-handle ng time. Kahit siya naman siguro ay hindi matutuwa, siya ang boss pero nauna pa siyang pumasok sa kaniyang sekretarya? Tsk! Nalintikan nang talaga, piping bulalas niya. Pagpihit lang naman kasi niya sa doorknob ay bumungad sa kaniya si CEO Arbor, nagkakape habang naka-cross legs sa sofa na laan para sa mga naghihintay na bisita nito. "G—Good morning, Sir Arbor," bati niya rito, in spite of the nervousness she's feeling right now. Ngumiti pa nga siya. Para lang mapapitlag din dahil maingay na inilapag ng boss niya ang babasagin na tasa ng kape sa babasagin din na coffee table sa gawing kaliwa nito. "Akalain mong morning pa pala, Sabina," anang boss niya. Sinipat ang mamahaling relo na suot, "This wrist watch cost a fortune, you know. Kailangan kasi nating mag-invest sa time. Hindi dapat na inaaksaya ang oras." Lihim siyang napangiwi. "Sir, I'm sorry. Nasira po kasi ang electronic bike ko kahapon kaya nag-commute lang ako ngayon—" "Itimpla mo 'ko ng kape, please. Hindi ko gusto 'tong pagkakatimpla ko sa kape ko," pagputol ng CEO sa kaniyang sinasabi. Tumayo ito, namulsa, akmang papasok na sa pinto kung saan nasa likod ng mesa ng sekretarya nito, iyon kasi ang pinaka-office nito sa malamig na kuwartong iyon. "Yes Sir, I will." "At kumilos ka na pagkatapos." "Yes Sir, 'will do it immediately," mabilis na tugon niya. "Uh, by the way, pakiayos na muna 'yang butones ng suot mong blouse mostly your underwear. Nakaka-bother, tabingi. Nakabakat sa suot mong skirt." Malakas na napasinghap na lang si Sabina sa tinuran ng boss niya. Malapad na likod na lang nito ang nalingunan niya kaya walang nagawa na maagap na lang niyang inayos ang sarili pagkuwan. Hindi niya alam na na-loose na pala ang unang tatlong butones ng kaniyang blouse! Pero mas lalong hindi niya alam na ganoon kabilis ang mga mata ng boss niya't talagang pati ang suot niyang panty ay napuna pa nito—at nakatabingi nga iyong tunay! Napamulagat siya, ang isang side kasi ng panty niya ay tila pagkain na nilantakan nga ng kaniyang pang-upo! Ni hindi man lang niya iyon naramdaman sa sobrang pagmamadali. Bigla ay na-realize niyang ganoon pala ang feeling ng isang natutunaw na ice cream! Shocks. Nakakahiya! SA kabila ng init ng ulo niya ngayong araw na ito ay hindi napigil ni Arbor ang pagsilay ng isang ngiti sa kaniyang labi nang tuluyan na siyang makaupo sa swivel chair niya. He didn't know what went through his mind when he waited for Sabina's arrival. Gayong siya itong ayaw na ayaw na nagsasayang ng oras. Naipilig niya ang sariling ulo. Hindi siya dapat napapangiti na animo siya timang. For a CEO na halos lahat ng babae ay itinatapon ang kaliit-liitang saplot sa mga katawan nila para lang sa kaniya, ang tabinging panty ng kaniyang secretary ang huling bagay sana na concern niya. Concern ka dahil marumi ang utak mo pagdating sa kaniya! Kastigo sa kaniya ng kung sinong nagsalita sa dulo ng kaniyang utak. Masyado lang siyang pagod. Physically and emotionally, kaya pati si Sabina ay napagdidiskitahan niya. "Target mo talaga si Sabina Regima," untag sa kaniya ng company COO—ang pinsan niyang si Leighjan. Tinaasan niya ito ng isang kilay. "What took you so long? Lumabas na 'ko ng office ko at nakabalik ay ngayon mo lang dinala ang mga papel na 'yan," pabalewalang sambit ni Arbor sa pinsan. Pagak itong tumawa. "But because, Mr. CEO, dinatnan ko kasi kayo ni Sab na nagkakaro'n ng mainit na titigan kanina. Hinintay ko muna kayong matapos, patawad naman." Tumikhim siya. "Kumpleto na ba 'to?" Naupo ang pinsan niya sa nag-iisang upuan na nasa harap ng office chair niya. "Oo naman." Pinagpag pa ni Leighjan ang magkabilang mga balikat. "Kung hindi kasi 'yan kumpleto ay siguradong bubuga ng apoy." "Buti at alam mo," aniya sa pinsan, iningusan niya ito. "Para saan ba ang mga 'yan? Saka bakit kailangan na hintayin ko pang matapos kang pirmahan 'yan? Puwede namang balikan na lang 'yan mamaya o ipahatid mo sa office ko. Utusan mo naman si Sab." "It's Sabina for you," walang emosyon na sambit ni Arbor sa pinsan. Tumawa ito. "Look at that damn possessiveness!" "Hindi lang tama na ganyan ka sa sekretarya ko. Work etiquette, remember?" Inabot na niyang pabalik sa COO ang mga papel na kanina lamang ay bitbit nito. Oo, ganoon kabilis niya iyong natapos na pirmahan dahil simple lang, may stamp naman. Nakahanda ang stamp niya ngayon kahit araw naman ng Sabado para nga sa pagpirmang nakatakda niyang gawin. "Hay, oo na. Work etiquette din kaya hindi ko p'wedeng sabihin sa 'yo ngayon na kaya late ngayon ang sec mo ay…" Kumunot ang noo ni Arbor. "What?" Nginisian siya ni Leighjan. Pilyo rin ang kislap ng mga mata nito sa mga sandaling iyon. Nakikipaglokohan na naman sa kaniya ang pinsan niyang ito. "I'm waiting. Hindi mo naman siguro gustong mainis ako sa 'yo, Leigh," marahan niyang banta rito. Lukot ang ilong umingos ito. "Tsismoso. Kung bakit kasi hindi mo pa ligawan, type mo naman. Mali pala, mas dapat kong sabihin na kung bakit kasi hindi mo pa hiwalayan si Hailey, nang maligawan mo na 'tong isa." "Work etiquette," simpleng sabi ulit niya. Bawal naman kasi talagang magkaroon ng relasyon ang boss at empleyado sa company nila. Malalagutan sila ng hininga sa direktor na kanilang abuelong si Don Abrador Villasanto. Tumawa ang gagong pinsan niya. Minsan ay nagsisisi siya kung bakit sila close ng isang ito. Tuloy ay alam ni Leighjan na magmula nang dumating si Sabina sa opisina niya two weeks ago ay nakaranas siya ng matinding sakit ng ulo at puson—sa madaling salita, nati-trigger ng kaniyang sekretarya ang weakness points niya. Weakness points niya na siyang pangunahing rason kung bakit may problema silang pinagdaraanan ng asawa niyang si Hailey. "Tsk. Sige na, baka mabaliw ka pa kakaisip e. Para sa 'yo naman kung bakit ako nakitsismis tungkol sa secretary mo." "Spill it. Tumatakbo ang mga kamay ng orasan." Leighjan snorted. "Na-late siya ngayon kasi nag-propose na sa kaniya ang long time boyfriend niya." Oh. How dramatic. "Huy, anong gagawin mo?" Nanlalaki ang mga mata na tanong sa kaniya ni Leighjan. Paano ay walang salitang pinindot ng CEO ang intercom na nasa kaniyang mesa. Naka-connect iyon sa kaniyang maganda at sexy na sekretarya. "Relax, Leigh, will you?" buska niya sa pinsan. Mas pinandilatan lang siya nito. "Sir?" anang malamyos na tinig ni Sabina. "Sab, hi, uhm, paano ka makakapagtimpla ng kape kung hanggang ngayon ay nand'yan ka pa sa mesa mo? The last time I checked, narito sa loob ng office ko ang pantry ko at kape ko." Nang matapos niyang sabihin iyon kay Sabina ay nagkibit ng mga balikat si Arbor sa kaniyang pinsan. "Kailangan ko lang ng kape. Kailangan ko kasing makita ang singsing niya kung anong klase." Sa ganoong paraan niya lang makikita kung anong klase rin bang tao ang mapapangasawa ng sekretarya niya. Kaya na ba nitong buhayin ang mapapangasawa kung sakaling sesantehin na niya si Sabina? Because as far as he remember, single lang ang maaaring maging sekretarya ng CEO ng kumpanyang iyon. "Dude, you're crazy."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD