"HERE'S your coffee, Sir."
"Thanks," tipid na saad ng CEO. Agad niyang hinigop ang kape upang mabaling doon ang kaniyang atensyon. Masyado kasing mabango ang sekretarya niya.
Less creamer pero hindi mapait. He wondered how many women in this world are good at making coffee like his secretary. Kung totoo nga lang ang kasabihan na makakalimutan mo ang pangalan mo sa sarap, matagal na siguro siyang nagtatanong kung siya nga ba si Arbor Villasanto.
Ah, masyado niyang nililibang ang sarili. Kailangan din kasi niya iyon at ang singsing na suot ni Sabina ay kilalang-kilala niya kung sino ang owner.
Hindi siya magiging CEO ng malaking company na iyon for nothing. May sharp memory siya, to be precise.
He shrugged and smiled a little at his secretary. "Puwede ka nang bumalik sa table mo, Sab. Thanks again."
"No worries, Sir." Bahagyang yumukod pa ang dalaga sa kaniya.
Nasundan niya ng tingin ang likod ng dalaga.
At least, nakaayos na ang panty niya. Siguro ay silk ang tela niyon kaya—stop it, Arbor Villasanto! Para ka nang p*****t, dude! Nakakahiya sa apelido mo!
"Kung gaano na kayo katagal ni Hailey ay gano'n na din katagal sina Sabina at ang boyfriend niyang si Baron Mckinley," anang pinsan niya.
Nagkibit siya ng mga balikat. "Three years. Grabe naman pala 'yang si Mckinley," hindi niya napigilan na komento.
"Well, I agree. Sa loob naman daw kasi ng three years na 'yun ay mas lamang pa ang mga karera nila kesa sa pagkikita o paglabas nilang magkasintahan. Your secretary always defend her boyfriend, na kesyo adult na sila. Gano'n daw talaga."
"Adult ka na rin naman pero tsismoso ka pa nga up until now," buska ng CEO sa pinsan.
"Ang skill kong 'to lang ang nag-iisang dahilan kaya magkasundo tayo."
Natawa siya. Totoo naman. Sa lahat kasi ng tsismosong nakilala niya ay si Leighjan lang ang nag-iisang pinagkakatiwalaan niya ng kaniyang sikreto.
"Pakihanda mo ang sarili mo. Hanapan mo na rin ako ng bagong secretary," paglihis niya sa usapan.
"That fast! Wait—what?! Bakit ko ihahanda ang sarili ko? For what?"
Gamit ang hawak na fountain pen ay tinuro ng CEO ang mga papel na hawak ng COO. "Ang mga papel na 'yan ay ang last papers na pipirmahan ko. Effective tomorrow, ikaw na munang papalit sa puwesto ko temporarily. Kung walang nagsabi sa 'yo ay hindi ko na kasalanan 'yun."
"What?! Are you freaking serious, man?"
Tumango siya. "I am. Two months akong mawawala sa apat na sulok na 'to ng office ko. Bago ako umalis ay sisibakin ko muna sa trabaho si Sab. Nagmamadali kasi si Mckinley, nabasa ko kanina sa business news online na ang kasal niya ay sa huwes muna bago ang sa simbahan next year. I want everything settled once na makabalik ako. Malaki naman ang tiwala ko sa 'yo e."
Natigagal na lamang ang pinsan niya sa kaniyang mga sinabi. Well, alam niyang mahaba-habang paliwanagan pa ang mamamagitan sa kanila nito. Ayos lang naman sa kaniya iyon, at least, hindi na makakatanggi pa ang COO. Sobrang napaghandaan na niya kasi ang sandaling take over nila ng puwesto.
***
BORACAY.
Hindi isang beses lang na pinangarap ni Sabina na mapuntahan ang pamosong lugar na iyon. Ang pangarap na iyon ay nabigyang katuparan sa kabila ng kamalasan dahil sinibak na siya sa trabaho ng boss niya, two weeks ago.
"Two weeks ago, hindi ko ininda ang pagkawala ng trabaho ko. Ang sabi ko pa, baka sign 'yun na mag-focus muna ako sa pagiging mabuting may bahay!" Sa labis na kalasingan ay sisigok niyang pagkausap sa sarili.
Bote lang ng alak ang kausap niya mula pa kanina. Buti na nga lang ay okay lang bumulong-bulong kapag nakainom na ang isang tao. Mainam din na naroon siya nakakuha ng puwesto sa counter ng bartender, walang istorbo sa pag-iisa niya. Walang aabala sa paglunod niya sa kaniyang sarili.
"Sexy, tama ba ang narinig ko? Muntik ka nang maging may bahay?"
Sa namumungay na mga mata ay nag-angat ng tingin si Sabina. "Shi—no ka…"
Nginitian siya ng kung sinong lalaki. Hindi niya alam kung saan ito galing. Hindi na niya alam kung kanina pa ba ito na nasa kaniyang tabi o kakaupo lang. "Some random people na masuwerteng nakatabi ang isang magandang dilag na katulad mo."
Pwe! Ang pait na nga ng alak, ang sagwa pa ng pinagsasasabi nito! Kung nagkataon na hindi siya lasing ay paniguradong nakatikim ito ng matinding ismid mula sa kaniya!
"Random… ah, yeah, nice meeting you…" may pag-hik sound nang sambit ni Sabina.
Dama niyang lasheng na talaga siya kaya tinungga na niya ang huling patak ng alak na kaniyang iniinom saka siya lumahad sa bartender—gets naman agad nitong kinukuha na niya ang credit card niya, nakangiting inabot nito iyon sa kaniya—card ng ex niya palang gago. Buti na lang nga't may pakonswelo naman ang loko, kahit ninenok lang niya ang card na iyon ay hindi pina-block, nagamit niya pa hanggang sa Bora.
"Take care, madam," anang bartender.
Ginantihan niya ang ngiti nito. Magiliw ito sa kaniya dahil kahit naman lango na siya sa kalasingan ay hindi niya nakalimutan na mag-tip. "Shalamat!"
Nakangiting kinawayan niya ito, saka siya yumuko upang alisin ang suot niyang mataas na stiletto. Hindi naman siya makakalakad nang maayos kung hindi niya iyon aalisin. Iyon nga lang, kahit wala na siyang suot na stilleto ay kamuntikan pa rin siyang natumba nang tumayo na siya para sana lisanin na ang bar na iyon.
To the rescue naman si 'some random people', kaagad siyang inalalayan. "Ooops! Are you lost, baby girl?"
Another pwe!
"H—Hindi, okhey lang ako…"
"Are you sure?" tanong pa nito, ayaw alisin ang mga palad na nakahawak sa magkabila niyang braso.
"Yeah. Shure na shu—" hindi na naituloy ni Sabina ang kaniyang sinasabi, literal na kasing umikot ang kaniyang mundo nang bigla siyang binuhat ng lalaki!
Wala na siyang lakas para magprotesta. Kahit gustong-gusto sana niyang magreklamo. Sa pagbitbit kasi nito sa kaniya na tila siya sako ng bigas ay mabilis nang namigat ang talukap ng kaniyang mga mata. . .