3:

1047 Words
"CRAP," bulalas ni Arbor, inisang lagok niya muna ang iniinom niyang mojito bago siya awtomatikong napatayo. Malalaki ang hakbang na nilapitan niya ang namataan. "'Problema mo, p're?" Puno ng insulto niyang nginisian ang lalaking kaniyang hinarang. "I'm Arbor Villasanto." Hindi na kailangan ng marami pang pasakalye. Sa mundong ginagalawan nila ay magkakakilala ang lahat. Hindi niya alam kung bakit parang may mga tanga pa rin na katulad ng isang ito kung ang pagbabasehan niya ay ang pagtataka nito sa pagpapakilala niya, pero hindi na mahalaga iyon. Ang importante ay ang sarili niyang paraan sa pagkilala ng mga kapwa niya negosyante. "A—Arbor?" Nagtatakang tanong pa ng lalaki. Sumulyap sa suot niyang wrist watch. Tsk, mukhang nagkamali siya sa pag-aakala. Alam pala nitong sa suot niyang wrist watch siya mas makikilala nito, akalain mo iyon? "Uh—huh. Ako nga. And that woman is my secretary," aniya, pagkuwa'y inip na inayos niya pa ang pagkakahapit ng relo niya sa kaniyang pulsuhan. "Premium ang watch na 'to, dude. The last I checked, dadalawa lang kami ng presidente ng bansang 'to ang mayroon nito dito. Alam mo na." Lihim na lamang na nagdiwang ang kalooban ni Arbor nang walang salitang kumilos ang kaniyang kausap. Yes, without a word, pinasa nito sa kaniya ang pagkakakarga kay Sabina. HINDI naman nalalayo sa pinanggalingan nilang bar ang tinutuluyan ni Arbor sa islang iyon kaya ayos lang sa kaniya ang kinasapitan nilang sitwasyon ng dati niyang secretary. Besides, wala naman itong timbang. Magkakaroon lang naman ng problema sa parte niya kung may makakitang bitbit niya ito. Ang mga tao pa naman ay mahusay sa paggatong ng kuwento base sa naririnig o nakikita lamang. "Ang salbahe niya…" ungol ni Sabina, medyo nagkamalay na nang siguro ay madampian ng malamig na ihip ng hangin paglabas nila sa bar kanina. "I agree with you. Salbahe nga ang boyfriend mo," Arbor agreed. "Ex! Ex-boyfriend ko na lhang ang ghagong 'yon!" Napangiwi siya sa lutong ng mura na pinakawalan ng babae. "Alright, ex-boyfriend. Gago nga siya, so he's not worth your tears." "Tama ka." Tatango-tango ani Sabina, "Pero walla naman akong tears e, bhaliw ka ba? Kanina ka pa ha." Pagak siyang natawa. Oo nga naman, lupaypay ito at nakabaliktad ang puwesto sa kaniyang balikat, paano niya nalaman na may luha ito? Halatang nanghula lang siya. Pero ang pagiging gago ng ex nito ay malayo sa hula. Nowadays, the news spreads so fast because of social media. Nalaman niya kaagad ang nangyari sa napurnadang kasal ng mga ito. "Ang ganda ng babaeng pinalit niya sa 'kin," maktol pa ni Sab. "Yup. And that's okay," pagkausap niya pa rin dito. Dahan-dahan niya nang ibinababa ang dalaga sa kanyang kama. "Ang kapal ng mukha nila." Natigilan siya nang mapagtanto niyang kahit pala nagsasalita si Sabina ay nakapikit ito. Ang mga mata ay may butil ng luha. "Makakalimutan mo din siya," hindi niya napigilan na komento. "Wala naman akong pakialam na sa kaniya!" Sa pangigilalas niya ay sambit nito, dumilat, pinanlisikan siya ng mga mata! "Ang sha akin lang, naiinis ako dahil nasayang ang ilang taon ng buhay ko na nilaan ko sa pesteng pag-ibig na 'yan!" anito, lasing ang tono. Lasing na ngang talaga at mukhang hindi siya nakikilala. "Lahat naman ng tao ay nagsayang ng oras at panahon dahil sa pesteng tinutukoy mo. Pinagdaraanan talaga 'yan." "Teka nga, ano ang alam mo sa pag-ibig? Kanina lang lahat ng sinabi mo ay kinopya mo lang sa mga palabas!" sabi ni Sabina, inirapan siya, naghubad ng suot na belt. Pinagkrus niya ang sariling mga braso sa kaniyang dibdib. "Hindi ako ang lalaking 'yun. Kinuha kita mula sa kaniya. Pagmasdan mo 'ko, kilalanin mo ang mukha ko." Pagkatanggal nito sa suot na belt ay initsa na lang nito iyon sa kung saan. Saka pinaliit nito ang sariling mga mata. Kinilala nga siya. Bumangon pa mula sa pagkakahiga, hinawi ang kulot na buhok na kanina pa tumatabon sa maliit nitong mukha. "K—Kilala ko nga ang mukhang 'yan…" mahinang sambit ni Sabina. Susuray-suray na tumayo pa sa kama, dinuro siya. "Kilala kita. Nakikilala kita…" "Ako—" naudlot na ang sasabihin sana ni Arbor, paano ay bigla na lamang naghubad ng pants na suot nito ang dalaga! "H—Hey, hey, you can do that later," awat niya rito. Hinawakan niya rin ang pants nito bago pa nito iyon maibaba hanggang sa mga tuhod nito. "Hindi proper na hubarin mo 'yan nang narito ako." "Bakit ba! Matutulog na 'ko e!" asik sa kaniya ng pasaway na dalaga. Sobrang lapit na naman nila sa isa't isa. Ang iniiwasan niyang nakakaliyong amoy nito mula pa kaninang kinarga niya ang babae ay naaamoy na naman niya. This time ay tila mas mahalina iyon sa kaniyang ilong. Ultimo ang hininga nito ay ang bango sa pang-amoy niya, sabihin pang nakainom man ito. "Kailangan na mahimasmasan ka muna bago ka matulog. Matinding hangover ang bubungad sa 'yo bukas kung hindi," sabi ni Arbor sa dati niyang sekretarya, sinusubukan niyang pakalmahin ito at mahirap nang maghubad ito doon. Damn it! Iisa ang kama sa kuwartong tinutuluyan niya dahil mag-isa lang naman siyang talagang pumaroon. Kung matutulog ito nang hubad, paano na siya? Hindi alam ng babae ang maaaring maganap sa napipinto nitong gawin! "'Wag mo 'kong pakialaman!" tugon sa kaniya ng lasing na babae. Kada hila nito sa suot na pants ay siyang hatak din niya roon. Naghilahan sila—sa twenty nine years na existence niya sa mundo ay hindi mapaniwalaan ni Arbor na nagaganap ang ganoong kalokohan sa kaniya ngayon! "Kailangan kitang pakialaman. Kung hindi ay…" "Kung hindi ay ano?!" mas mabalasik na asik sa kaniya ni Sabina. Bumuntong-hininga siya. "You need to cool down, okay?" "Cool down your face!" "Sab—" Hindi niya inasahan ang sumunod na ginawa nito—mabilis na nahubad ang kanina'y pinag-aagawan nilang pants nito, tumayo, hinila ang kaniyang batok at walang salitang sinibasib siya ng halik! Hindi pa nakuntento ang babae, makalipas kasi ang ilang segundo na tila pareho nang kalmado ang kanilang mga labi at kapwa nilalasahan na nila ang tamis na dulot ng halik na iyon sa kanila ay inilagay lang naman ni Sabina ang malapad na palad niya sa pintuan ng nag-iisang langit na hinding-hindi nanaising tanggihan ng kahit na sinong malusog na lalaking katulad niya…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD