“Elleee…” Nagmamadali kung sinuot ang belt bag ko at ang sumbrero ko. Kanina pa sigaw ng sigaw si Rica mula sa baba dahil nandoon na daw ang sundo namin. Pagbaba ko ay naabutan ko namang palabas na din si Dustin mula sa kusina. Mukhang nailabas na nila ang mga niluto ko ding pagkain at dessert. Madami ng dalang pagkain kaya dessert nalang ang ginawa ko total yon lang din ang alam ko. “Nilabas mo na ‘yong mga kape?” “Yup! Nanghihingi pa nga ng refill.” Natatawa niyang saad ng sabayan niya akong maglakad palabas. “Elle… ang sarap ng kape mo.” Nahiya ako ng biglang sumigaw nun si Fin. Pansin ko siya ang pinaka maingay sa kanila. “Oo, kasing sarap niya ang kape niya,” bulong ni Dustin hindi ko tuloy napigilang sikohin ito. Siya na rin ang nagsara ng bahay namin. Dalawang van ang da

