Nagising ako at pupungas-pungas na bumangon dahil sa ingay na nagmumula sa baba ng bahay. Bukas na ang café? Sinulyapan ko ang orasang nakasabit sa dingding. Alas siyete palang ng umaga pero ang ingay na ng paligid ko. Hinanap ng mata ko ang lalaking kasama ko kagabi pero ngayon ay hindi ito mahanap ng mata ko. Baka umalis na! Naligo na ako at nagbihis bago bumaba dahil nakakahiya baka may mga customer ng nag-aantay sa amin. “A—anong meron?” Nagtataka kung tanong kay Rica ng maabotan ko ito sa may counter na nakapangalumbaba. Nilibot ng mata ko ang buong café at tatlong lalaki lang ang nakaupo doon at dalawang babae na maingay na nagtatawanan. “Gising kana pala. Ang gwapo nila noh—aww, bakit ba?” saad niya na hindi man lang nag-abalang lingonin ako. “Sino ‘yang mga ‘yan? Tsaka bakit c

