Kaba, pagkabalisa at takot ang nararamdaman ko ngayon habang nakatayo sa harap ko si Dalton. Iyong kamay kung nakakapit sa damit ni Dustin ay parang nababasa na sa sobrang pawis nito. Awtomatiko akong inusod ni Dustin papunta sa likod niya ng makaharap ang kapatid. “Ilang araw kitang hinanap dito lang pala kita matatagpuan. Sa paraan pang hindi naman ikaw ang sadya ko.” Ramdam ko ang papisil ni Dustin sa kamay ko. Nakasilip ako mula sa likod ni Dustin pero pakiramdam ko ay sobrang lapit nito sa akin. Mas lalo pa akong nakasiksik doon ng mapaligiran kami ng mga tao at reporter. Kami nga talaga ang pulutan ng lahat ng kwento ng pakikiapid ng mga sikat. “Just leave her alone, Kuya.” Kita ko ang pag dilim ng anyo ni Dalton sa sinabi ng kapatid. Madilim ang anyo nitong bumaling sa akin

