Pagod akong naupo sa waiting area habang inaantay na lumabas ang Doctor na tumitingin kay Vielle. Nandito kami ngayon sa ospital matapos ko siyang maabutan walang malay na nakahandusay sa silid namin. Ganito pala ang pakiramdam noong may mangyaring masama sa mga asawa nila. Ngayon ko unti-unting nararamdaman ang sakit, hirap at takot ng mga pwedeng mangyari. Hindi mo hawak ang oras at panahon kaya nakakatakot ang mag-antay lang. Antayin ang kung anong balita ang pwedeng sabihin sa iyo ng Doctor at iyon ang mas nakakatakot sa lahat. “Bud, take it easy,” tiningala ko lang si Ashton na pinisil ang balikat ko. “Ilang oras na ba?” Fin asked from behind. Nilingon ko ang emergency room kung saan pinasok si Vielle. Nandoon din sa tabi noon si Rica at Nina na wala ding tigil ang pag-aalala

