“Dustyyy babyyyy…” nilingon ko ang babaeng halos tumapon ang balakang habang naglalakad palapit sa akin. Meet Sasha. The girl who never stop make my day more crazier. “Tibay din niyan ano? Kahit anong mangyari kapit tuko talaga!” tudyo ni Fin ng maupo sa tabi ko. Nandito kami ngayon sa bagong branch na binuksan ni Fin. Wala naman akong ibang pupuntahan bukod sa kanila dahil sila lang rin ang meron ako. Bukas ay maaga pa ang alis namin kaya hindi kami pwedeng magpakalasing. Kailangan naming dalawin si Iya at ang pinapaayos niyang mansiyon para dito. Ito daw ang regalo niya dito para may tirahan sila pag-umuuwi doon. May nakita na rin akong pwesto doon na matagal ko ng balak masyado lang madaming nangyari kaya hindi ko nauumpisahan. Sa sobrang nangyayari sa buhay ko lately sumasakit na

