Sa buhay ko kahit kailan ay wala akong ibang inasahan bukod sa dalawa kung kaibigan. Sa dami ng paghihirap na naranasan ko sa buhay at sa kamay ni Dalton ay hindi na ako umasang mararanasan ko pang maging malaya. Malayang mabubuhay sa mundo at magagawa lahat ng gusto ko. Malaya na hindi ka hinahawakan sa leeg at ginagawang bilanggo ng taong nangako sayo ng lahat. Maaga palang ay manulat na ako sa kahirapan ng buhay. Nang panahon na magkasakit si Papa at malugi ang mga negosyo namin ay nawalan kami ng panggastos dito kaya napilitan akong magtrabaho. Lahat ng klase ng trabaho ay pinilit kung pasukan kahit sobrang hirap at wala ng hiyang matira sa akin. Doon ko nakilala si Dalton ng yayain ako isang beses ng kaklase ko na sumama sa kanya. May sasamahan lang daw kaming mayayaman tapos malaki

