"Hindi ko talaga maintindihan ang mga pinagsasabi mo."Nag uumpisa ng sumakit ang ulo ni Berta sa mga akusasyon ng lalaki sa kanya.
"Sa akala mo ba'y mapapasakay mo ako sa kagagganyan mo?Ngayon ko napatunayan na isa ka ring gahaman sa salapi."Nag aapoy ang mga mata ni Drako.
"Teka lang,karapatan kong malaman kung ano ang ibig mong sabihin at huwag na huwag mo akong pagbibintangan.Kung may manloloko rito ay sigurado kong hindi ako."Nag uumpisa narin siyang mapikon sa lalaki.Ngayon nga lang sila nagkita nito ay gayon pa ang pang welcome nito.
Nakatiim ang mga labi ni Drakong papalapit sa kanya ngayon.Napaurong si Berta sa naramdamang takot.
"Ummm,,I'm sorry to interupt you guy's pero pinatatawag na kayo ng senior."Ang tinig ni Clara ang umantala sa dapat sanang mangyaring disgrasya.
Iyon ang ginamit na scape ni Berta ay nagmamadali siyang nilagpasan ang lalaki.Halos manakbo siya dahil sa takot na sundan siya nito at habulin.
"Kayo mga anak,dahil pinagbigyan kona kayo lahat at pinatunayan nyo lang na tama ako at mali kayo. Nabigo at hindi ko kayong lahat masisisi.Ngunit isa lang ang maipagmamalaki ko sa inyo na mga anak ko.Hindi ko kayo pinanghimasukan sa mga gusto nyo.Marahil ito na ang tamang panahon para sundin nyo naman ako.Ito'y para sa inyo rin naman.Ayoko lang nasa paglisan ko'y wala kayong marating at matunaw ang lahat ng pinaghirapan ko.Wala akong ibang mapagiiwanan ng lahat ng ito kundi kayong mga anak ko."
Para silang nagkakaisa sa mga oras na iyon,pano'y pawang nakakunot sila,kanya kanya ng future.May mga nakalaan sa bawat isa,at siya?Sila ni Drako?
"Whattttt!???"Ang mga katagang iyon lamang ang narinig ni Berta kay Drako.
Hindi parin makapaniwala si Berta.Ano ang nangyayare?Paano siyang nadamay rito?At iisa lang ang sigurado niya.Malaki ang kinalaman ni Carl sa mga iyon.Ang walanghiya!buong akala pa naman niya'y isang pilantropo.Nagtiwala pa naman siya!Siya rin ang may kasalanan dahil sa ayaw na niyang maghirap gaya ng dati'y kumagat siya.Kaya pala todo suporta ang walanghiya may kapalit pala ang lahat.Ang pagkatapos ay bigla na lang itong maglalahong parang bula.Heto siya ngayon,pinagbibintangan sa wala siyang kinalaman.Lumalabas pa tuloy na mukha siyang salapi at manggagantso.Bago pa man siya masadlak sa kalokohang ito ay kailangan nya ng tumakas.Sa palagay niya kasi'y nabudol siya.Oo budol na siya rin ay nakinabang.Ngunit may dahilan siya!Hindi niya iyon hiningi o ninakaw.Iyon ay kusang ipinagkaloob ni Carl.At ang congressman???!!!
Hinatak niya na ang kanyang maleta dala at tangkang lalabas na ng...
"Saan sa palagay mo ikaw pupunta?"
Nahintakutan si Berta dahil naroon na sa pinto si Drako at nakaabang na nakatingin sa bit-bit niya.
"Aalis na ."
"Pinayagan ba kita?"Tanong ng lalaki.
"Bakit!?Ako ba ang may gusto nito?Wala nga akong kaalam alam sa mga nanagyayari eh.Nagulat nalang ako na narito ka."
"Ow??!!!"Sinong niloloko mo."Pang iinsulto sa kanya ng lalaki.
Nang may bigla siyang naalala."Wait!Remember Carl?!Tama si Carl!Siya lang ang makakasagot nito siya lang ang nakakaalam ng lahat."
"What about him?"lalo itong nagduda sa sinabi niya.
Bumuntunghininga muna si Berta at inilahad lahat ng mga pangyayari.
"Matalino ka nga.Mahusay kang gumawa ng kwento."
Lalo itong nagalit sa kanya.
"Pwes kung ayaw mong maniwala'y bahala ka.Sinabi ko na lahat ng nalalaman ko.Basta bahala ka sa buhay mo.Wala akong kinalaman rito."
Sabay hatak ni Berta sa bag niya papalabas ng pinto.Napatili siya ng ihagis ng lalaki ang kanyang dalang maleta.Nakita pa niya kung paano iyon bumuka at kumalat ang kanyang mga dalahan.
"Ano baaaaa!!!!"Sigaw ni Berta.
Iyong sigaw nya na iyon ay daklot ng lalaki sa mukha niya at pisil pisil ang kanyang pisngi habang galit na galit.
"Pagkatapos mo akong lokohin ay basta ka nalang lalayas?Ano ka sinuswerte?Bayaran mong lahat ng ginawa mo."Nanlilisik ang mga mata nitong singkit na halos mag isang guhit.
Kitang kita ni Berta ang pamumula ng lalaki sa galit.
"Papaano kitang babayaran ay wala naman akong kinuha.?"Napapaluha niyang sinabi sa lalaking galit na galit.
"Paano'y ginasta mo ng lahat!Tulad ng sinabi ng papa!Papalitan mo lahat ng nilasap mo.Lahat ng ginastos sa iyo.Hanggat hindi ka nakababayad sa akin at sa aking ama'y wala kang kalayaang umalis."Sabay bitaw nito sa mukha niya.
"Hindi ko naman ginusto ito.Hindi ko akalaing ito pala ang magiging kapalit.Sa natatandaan ko'y wala ako ni isa mang pinirmahan kaya wala akong pananagutan."Sabi niyang mariin ngunit naroon parin ang takot sa lalaki.
"Oo makakalayo ka pero hindi kailanman makakatakas.Knowing papa?Tignan mo kaming mga anak niya.Ano sa palagay mo ang kaya niyang gawin babae ka?!"
Doon mangiyak ngiyak si Berta.
"Kung hindi ka sana nasilaw sa salapi at nakipagkasundo sa papa upang gawin sa akin ito'y baka tinulungan pa kita.Pero dahil sa ginawa mo?Pagbayaran mong lahat ng pagpapasarap na ginawa mo"
"Hindi totoo iyan.Hindi ako ganyang klase ng tao Drako.Tandaan mo na ikaw ang nanloko sa akin."
"Kaya gumanti ka?!Bakit pinaasa ba kita?Sinabi ko bang may gusto ko sa iyo in the first place?Tell me Berta!Roberta Mangalandakan!Tunog palang ng buong pangalan mo'y wala ng magandang gagawin.Sinira mong pagtitiwala ko sa iyo.Ipinagpalit mo ang pagkakaibigan natin sa salapi.Ikaw na ang pinaka nakakadiring taon na nakasalamuha ko."
Ang lahat ng sinabi ng lalaki'y kayang tiisin ni Berta ngunit ang pangalawang sinabi nito ay parang punyal na tumusok sa kanyang dib-dib.Hindi totoo ang sinsabi nito.Hindi siya umaasa.Nasaktan siya oo pero ang umasang mamahalin siya nito o di kaya'y magugustuhan man lang ay hindi niya inasahan.Hindi niya kailanman ipinilit ang sarili.
"Masyado namang mataas ang pagtingin mo sa sarili mo.Kahit ganito lang ako'y hindi naman ako umasa sa iyo.Kaya siguro gaya ng sinabi ng papa mo'y wala kang narating dahil sa ugali mong ganyan."
Hindi niya inaasahan ang ginawa sa kanya ng lalaki.Sinambilat siya nito at mariing hinalikan.Hindi nakapalag si Roberta at bago pa siya nakagawa ng aksiyon ay tinulak na siya ng lalaki.
"O ano?Hindi ba't iyan ang gusto mo?Ang halikan kita?Ano masarap ba?"Sabi nito ng punong-puno ng pang iinsulto ang mukha.
Sinampal ni Berta ng ubod lakas ang lalaki.
"Hayup ka!Sige!Patutunayan ko sa iyo na wala akong kasalanan at kung paano'y hindi ko pa alam.Pero ito lang ang sasabihin ko sa iyo.Mula sa araw na ito,Kahit ikaw pa ang huling lalaki sa mundong ito ay hindi ako papatol sa iyo!Tandaan mo iyan Drako!Isaksak mo yan sa pikit mong mata na kahit kailan hindi makikita ang tulad kong tapat."
Iyak ng iyak si Robertang hinatak ang maletang naagsabog ang laman at nagmamadaling nilisan ang lugar na iyon.Ang hayup na lalaking iyon!Maling mali siya ng pagkakakilala rito.Nasayang lang ang mga panahon noon na pinasamahan nila.Ultimo magaganda ay unti unti ng nabubura sa isipan niya.Isasapuso niya ang lahat ng sinabi nito.Ang akala ba nito'y ito na ang pinakamagandang lalaki sa buong mundo?Bakit?Ganoon ba siya kapangit para palabasin nitong habol na habol siya rito?Paano naman nitong nasabi ang lahat ng iyon ay never naman siyang nagpakita ng motibo rito dati pa.Asumming masyado ang hinayupak na lalaki!Bwisit na bwisit si Roberta sa nangyari.Hindi maampat ampat ang kanyang luha.Dahil kasi sa ginawa ng lalaki'y nabawasan ang kumpiyansa niya sa sarili.Kung dati'y nasasabi pa niyang"Hindi man siya kagandahan,maabilidad naman at higit sa lahat ay matalino!"Pero ngayon,inubos nitong lahat iyon.Wala itong itinirang confidence sa kanya.Ayaw na niya itong muling makausap,ayaw na niyang masakasama at higit sa lahat ay ayaw na niyang makita pa.
Nakatayo si Drako at ilang sigarilyo narin ang nauubos niya.Nakokonsensiya siya sa ginawa niya sa dating kaibigan.Hindi naman niya balak na gawan ito ng hindi maganda ngunit sinagad nito ang pasensiya niya.Ininsulto nito ang p*********i niya.Ang ilan sa mga sinabi nito'y totoo lalo na ang katotohanang kahit kailan at ramdam niyang may gusto ang babae sa kanya ay hindi niya naman nahalatang nagpakita man lang ito ng motibo sa kanya di tulad ng iba.Magsisi man siya'y nagawa na niya.Pero ang malamang niloko siya nito ay magbabayad ito.Ibang usapan na iyon.