bc

TRES BASTARDO'S (DRAKO)

book_age18+
142
FOLLOW
1K
READ
fated
second chance
heavy
betrayal
poor to rich
humiliated
like
intro-logo
Blurb

Wala siyang ibang pangarap kung hindi ang mahalin.Bigo man siya sa kanyang simplemg hitsura dahil alam niyang hindi siya kagandahan.Hanggang sa dumating ang kanyang pagkakataon.Naligawan narin siya sa wakas!Hindi lang basta basta gwapo kung hindi ang lalaking ninanais ng maraming kababaihan dahil sa taglay din nitong bad boy looking.Subalit ang kaniyang kasiyahan ay panandalian lamang ng nalaman niya na pinaglaruan lamang siya nito.

DRAKO:30

Job:Loan Shark

likes:Travelling

Motto:Love yourself.ONLY!

Goal in life:---

chap-preview
Free preview
Unang kabanata
Siya si Berta. Pangalan palang ay halata mong pangit na.Roberta Mangalandakan.Ang hindi niya lang alam sa lola niyang umampon sa kanya ay kung bakit sa makabagong panahon ay naiwan parin ito sa nakaraan.Hindi ba napuna nito na ang pangit na nga ng apelyido nito na ipinamana sa kanya,nakuha pa nitong dagdagan!Oo.hindi siya kagandahan,pero matalino siya!Yan ang asset niya,na hindi kahit kailan nauso.Paano niya nalaman na hindi uso?Saan kaba makakita ngayon sa mga kumpanyang naghahanap ng trabaho kung wala ang "With pleasing personality".Siya ang babaeng pinagbagsakan ng langit at lupa magtatapos na siya ng highschool ngunit hanggang ngayon nakabaon parin ang tunay niyang pagkatao.Ni hindi na niya nalaman mula sa lola ang kanyang kwento.Kung saan ba siya talaga nakuha nito.Kung ano ba talaga ang totoong pangalan ng kanyang mga magulang.Sa t'wing tinatanong niya ito ay walang ibang sinasagot ang kanyang lola kung hindi"Hindi na mahalaga iyon apo."Kaya hayun!ng sa hindi nila parehas inaasahang pagkakataon ay namaalam ito.Nadulas ito sa kapraso nilang hagdan na kawayan at nadulas sa maputik na sahig.Dahil sa hindi iyon sementado. Nilibot niya ng tingin ang kanilang munting tahanan sa lupaing hindi nila pag aari.Butas butas ang bubong at ang mga dingding ay yari sa sawali na hindi narin uso sa panahon ngayon.Kung mayroon lamang sana siyang manliligaw na mayaman!Kaya lang ay ni isa wala man lang nagtakangka.Mabuti nalang at namulat siya sa kahirapan.Kung hindi'y paano pa niya matutustusan ang kanyang pag aaral.Noon pa ma'y nag self supporting na siya dahil matanda narin ang lola niya.Bukod sa pensiyon nito ay nagsisideline siya sa pagtitinda online kaya lang ay sa dami ng nagtitinda ngayon ay mahirap ng makabenta kaya balik trabaho na naman siya.Alam niyang bawal pero anong magagawa niya?Ginagamit niya ang talino upang makapagpatuloy siya kahit papaano.Nagpasya na siyang maligo at bukas ay pasok na naman siya sa tanghali. Sa eskwelahan na pinapasukan ni Berta ay pagpasok niya palang ay nagbubulungan na ang kanyang mga kaklase."Pssst!Anong meron?"Tanong niya sa isa niyang kaklase sa kanyang unahan na may kasama pang kalabit. "Ewan,ang usap-usapan ay mayroon daw transferie sa room natin.At heto pa!Napakagwapo daw!hayyyy,sa wakas ay magkakaroon na naman ng dagdag inspirasyon dito sa classroom natin."Nanga- ngarap na sabi nito. "Huyyy,hindi lang yon Berta.May bulung-bulungan na anak daw sa labas ng kung sinong kilalang tao."Sabi naman ng isa pa niyang kaklaseng bading. Tatango-tango lang ang tugon ni Berta."Kaya pala malakas!Kalagitnaan narin ng klase ngunit nakapasok pa ito."Kibit balikat nalang niyang binuklat ang kanyang mga note's at nagsimula ng mag aral mag isa habang wala pa ang kanilang maestra. hindi pa man siya nakakapangalahati sa kanyang binabasa habang nakayuko ay naririnig na niya ang pigil na kiligan ng mga babae sa loob ng classroom. "Ayyyy s**t!Ang gwapo ngaaa!!! Walang sinabi ang iba nating kaklase.Grabe!At mukhang may pagka bruskooo.."Mahina at ngunit dinig na dinig iyon ni Berta.Gusto sana niyang tignan ngunit alam niyang wala siyang kapag-a pag asang mapansin ng kahit na sino.Sabay napalingon siya sa isa niyang crush na nasa pinakasulok at tila nakatingin din ito sa bagong dating.Malaya niyang pinagmasdan ang kaklase.Matangkad ito.Moreno na tipo niya sa lalaki,matangos ang ilong ngunit mayabang!"E ano?Hindi naman siya alintana nito at mga grupo rin nitong kayayabang!Mapansin man siya ay upang asarin lang.Hindi lamang ito makaubra sa kanya ng todo dahil siya ang presidente ng kanilang klase.Isang sumbong niya lang sa kanilang adviser ay siguradong mapapagalitan at mapapahiya ang mga ito.Ang mga babae naman sa klase nila ay pawang may mga kaartehan na,hindi paman nakaka graduate pero tila ilang din ang mga ito sa kaniya. Napabuntunghininga na lamang si Berta "Wala na talaga siyang kapag a pag- asa mukhang ni boyfriend man lang ay hindi siya papalarin makasubok.Natigil ang kanyang pag de day dreaming ng biglang may humarang sa kanyang silay.Nais niya sanang tabigin ito subalit lalo pa itong humarang sa kanyang sini-silayan.Napilitan niya itong tignan dahil tila nang aasar lang talaga ito ngunit wala sa kanya ang aten-siyon.Nasa unahan ito nakatingin kaya malaya niya itong napagmasdan.Kaya pala halos hindi na niya makita ang crush dahil sa edad nito'y hindi pangkaraniwan ang tangkad.Matangos ang ilong tila mamasel din ang mga kantuhan ng mukha ng lalaki.Malalago ang mga kilay ngunit makinis at maninipis ang mga bigote.Singkit ang mga mata mapula ang mga labi,bakit hindi'y mestiso ito kita naman sa mamula mula nitong pisngi.Hindi niya masyadong sigurado kung matipuno ang lalaki dahil kaaraw araw ay naka jacket pa ito ng itim,naka pantalong disente na gray at naka converse na tila highcut.Mahahaba ang mga biyas lalo na ang mga paa. "Ano pasado ba 'ko?"Sabay baling nito sa kanya pagkasabi niyon." Nagulat si Berta dahil hindi naman niya inaasahan na aware pala ito sa ginagawa niya.Buong akala pa naman niya'y hindi siya nito pansin. "Matalino kaba?"Pagkatapos ay tanong nitong muli sa kanya. "Bakit!?"Nagatatakang tanong niya rin dito. "Pakopyahin mo ako sa mga test." Doon siya napangiwi sa sinabi ng lalaki at syempre pa'y nadissapoint.Kahit ganito lang ang hitsura ni Berta ay nungka siya magkakainteres sa lalaking bobo.Erase kaagad kahit pa malabo naman siyang mapansin nito.Hindi katulad ni Carl.Tulad niyay matalino ito.Nagpapaligsahan sila sa score mapa test man 'yan o quizz.Doon nga niya ito unang napansin.Nang lagi sila ang magkapartner sa quizbee at nakikipag compete sa ibat-ibang eskwelahan.Hin-di siya katulad ng mga babaeng ito na halos magkandabali ang mga leeg na nakalingon sa gawi nila.Wala man lang standard sa mga magugustuhan. Ipinapapangako niya sa sarili na kapag mayaman na siya pagdating ng panahon ay mamimili siya ng mahusay na lalaki.Siyempre pa ay poging katulad ng katabi niya.Ganoon daw kasi iyon,kapag mayaman karaw ay hindi na imposibleng makahanap ka ng lalaking magmamahal sa iyo.Iyon nga lang sa larangan ng pera kalang mamahalin.Ilang saglit pa'y dumating na ang kanilang adviser at ipinakillala na nga ang bagong dating.Para namang kung sinong sanggano ito sa pelikula.Bago umupo'y nag bow pa na tila si Lancelot knights sa King Arthur. Nagpalakpakan naman ang mga kababaihan.Walang ginawa ang lalaki kundi ngumiti ng ngumiti buong lessons nila.Sa pagpapalit naman ng subject ay hindi lang siya ang nakapansin na kada papasok ang teacher sa mga subjects ay may kasama itong isa pa na susulyap sa kinaroroonan ng lalaki sa tabi niya.Tila ba kahit mga teacher ay kilala ang lalaking ito."Anak ba ito ng kung sinong poncio Pilato?" "Psst saan ka nakatira?"Kalabit ng lalaki sa kanya na ikinapitlag ni Berta. "Bakit mo naman naitanong?Ano ngayon sa iyo kung saan ako nakatira?"Mataray na tanong din niya. "Makikitulog muna sana ako sa inyo,ayoko pa kasing umuwi sa bahay,badtrip ngayon ang mga tao doon."Pagsasalita nito kahit nakaderetso parin ang tingin sa mga babaeng nasa unahan partikular sa nasa harapan nila ngayon. "Ang kapal naman ng mukha mo.Sa palagay mo ba'y pahihintulutan kita kung sakali?At saka ka lalaki mong tao makikituloy ka sa babae?" "Masyado ng mahaba ang itinakbo ng utak mo ateng.Tinatanong ko lang kung saan ka nakatira,wala sa usapan na titirahin kita." Nagulat si Berta sa kanyang narinig mula rito."At itong bastos na ito!" "Ah,ah,ah,'wag mo akong tatangkaing sampalin dahil hindi kita hahalikan kahit magmakaawa kapa." Nanigas si Berta sa kanyang kinauupuan dahil sa kabastusan ng lalaki.At napahiya rin sa hagikgikan ng mga nakarinig.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.9K
bc

His Obsession

read
104.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook